chapter twenty-three
Nathan's POV
Interesting ang palabas sa TV. Isang documentary iyon tungkol sa mga classic cars na talagang sinusubaybayan ko every week pero wala ang atensyon ko doon dahil nakapako ang atensyon ko sa relo na nasa harapan ko. Pasado alas onse na ng gabi pero wala pa rin si Wynna. Magkaka-stiff neck na yata ako sa kakadungaw sa lahat ng mga sasakyang dumadaan sa harap ng bahay ko pero wala pa rin siya.
I tried to call her several times but she is not answering my calls. Sinubukan ko ng tumawag sa kaibigan niya, kay Meg, pero wala din siya doon. I tried to call to their house pero kasambahay ang nakausap ko at sinabing matagal ng hindi umuuwi si Wynna doon. I am fucking desperate at pati si Sean ay tinawagan ko na rin. Sekretarya niya ang nakausap ko at sinabing wala ang kaibigan ko at nasa Hongkong para sa isang meeting.
Wala na akong maisip na ibang puwedeng puntahan ni Wynna. Nasapo ko ang ulo ko at pakiramdam ko ay sumasakit ang batok ko nang maisip ko ang huling taong puwede niyang puntahan.
Baka nakipagkita na siya kay Victor.
Parang kinurot ang dibdib ko nang maisip iyon. Hindi ko matanggap kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari at ginawa sa kanya ng animal kong pinsan, si Victor pa rin ang gusto niya. Si Victor na sumira ng buhay niya. Hindi ko pa rin maialis sa sarili ko na makaramdam ng insecurity pagdating sa pinsan ko. Pinilit kong magbago, pinilit kong maging ganito para malampasan ko si Victor pero pakiramdam ko, nagbago nga ang itsura ko pero parang wala pa ring dating kay Wynna. Parang katatawanan pa rin ako sa kanya.
Parang sasabog ang dibdi ko sa kaba nang marinig kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay. Sinilip ko at nakita kong bumaba sa isang taxi si Wynna. Nakita ko siyang nakikipagtawanan sa taxi driver habang nagbabayad tapos ay bahagya pang gumewang ng isara ang pinto ng taxi. Ang kaba na nararamdaman ko dahil sa pag-aalala para sa kanya ay napalitan ng galit. Tingin ko ay nakainom si Wynna at naikuyom ko ang mga palad ko nang maalala kung paano siya malasing noon. Kapag nakainom na si Wynna, wala na siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
Nakita kong nagulat si Wynna nang pagpasok niya sa pinto ay mabungaran niya akong nakaupo sa sofa. Halatang lasing na lasing siya at nagpipilit lang magpaka-normal sa harap ko.
"You're still awake?" tumingin si Wynna sa relo. "It's past eleven already. You should sleep," pagaril na sabi niya habang naghuhubad ng sapatos.
"Where have you been?" Pilit kong pinipigil ang nag-uumalsang galit sa dibdib ko.
Natawa si Wynna pero pinigil niya. "With friends," maikling sagot nito.
"Sinong friends? Wala akong alam na mga kaibigan mo. I called Meg and hindi kayo magkasama," sabi ko sa kanya.
Ngumisi sa akin si Wynna.
"Kahit naman ganito ako na sinasabi mong drug addict or what, I still have friends." Lumapit sa akin si Wynna at napangiwi ako sa amoy alak niyang hininga. "Bakit ba ang sungit mo sa akin? Lagi ka na lang aburido kapag ako ang kausap mo?" lumabi pa siya ng sabihin iyon.
"Stop testing my temper, Wynna." Talagang napipikon na ako sa kanya.
Wynna rolled her eyes at me tapos ay natawa. Halatang-halata talagang nakainom dahil bukod sa garil na itong magsalita ay namumula pa ang mukha nito.
"As always, you are always losing your temper with me. Bakit ba? Nandito na nga ako ang sungit–sungit mo pa rin," sagot niya sa akin at iginala ang paningin sa paligid. "Is Paula still around? Baka awayin na naman ako 'non," sabi pa niya na tatawa–tawa. "Is she jealous with me? Tell her there is nothing to be jealous of. Hindi naman kita aagawin sa kanya unless you want me to do it," tumawa pa ng malakas si Wynna.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang galit na nararamdaman ko nang marinig ang sinabing iyon ni Wynna. It was just a simple hint that she might like me pero napakalaking bagay noon sa akin.
Hindi ko alam kung anong nakita ni Wynna sa akin kaya lumapit pa siyang maige.
"Gusto mo ba, agawin kita kay Paula?" bulong niya sa akin.
The smell of alcohol from Wynna's mouth startes to make me out of my senses. I swallowed hard when I felt her tongue licked my ear. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko. This woman always makes me feel crazy whenever she was near to me kaya nga tinatabunan ko ng galit iyon sa tuwing magkakasama kami. Ayokong ipagkanulo ako ng sarili ko.
"Matulog ka na," iyon na lang ang sinabi ko at lumayo ako sa kanya.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko.
"Nathan darling, huwag mo na akong sungitan. Gagawin ko naman ang lahat ng gusto. All you need to do is ask and tell me what to do," nakakagat labi pa siya at naramdaman kong hinawakan niya ang zipper ng pantalon ko at akmang bubuksan iyon.
Tinampal ko ang kamay niya para huminto siya sa ginagawa. I am really tempted to make advances to her pero ayokong gawin iyon na nasa impluwensiya siya ng alak. Ayoko pa ring magsamantala.
Inirapan niya ako pero nanatiling nakangiti sa akin. "Your loss," sabi niya bago umalis sa harap ko. Nakasunod lang ako sa kanya habang paakyat siya kuwarto niya. Para lang akong nakahinga ng maluwag nang mawala na siya sa paningin ko.
"Fuck! Fuck! Damn it!" para akong siraulong nakikipag-away sa sarili ko at sinasabunutan ko ang buhok ko. Napabuga ako ng hangin kasi hindi ko maipaliwanag ang init na lumukob sa katawan ko dahil sa ginawa ni Wynna.
Napapikit ako ng mariin at naihilamos ang mga palad sa mukha ko. Pilit kong inaalala ang mga ginawa sa akin noon ni Wynna para mawala ang epekto niya ngayon sa akin. Wala sa loob na napatingin ako sa harapan ko at nakita ko ang umbok na umbok kong pagkalalaki na gustong kumawala sa suot kong pantalon. 'Tang-ina. Ibang klase pa rin talaga ang dating sa akin ni Wynna.
Just fuck her, Nate para matapos na ang pantasya mo sa babaeng 'yan.
Parang umaalingawngaw pa sa isip ko ang boses ni Paula habang sinasabi sa akin iyon. Siguro nga dapat nga na gawin ko na lang iyon para matapos na ang kabaliwan ko sa kanya.
Kulang na lang ay liparin ko ang hagdan papunta sa kuwarto ni Wynna. Hindi na ako kumatok. Basta ko na lang binuksan ang pinto at naabutan kong nagbibihis si Wynna. Halatang nagulat siya pero agad ding nakabawi at ngumising tumingin sa akin.
"I know you still cannot resist me," nang-aakit na sabi niya.
Inilang hakbang ko lang ang paglapit sa kanya at marahas kong inangkin ang labi niya. I wanted to taste these lips for so long pero hindi ko ibibigay ang masarap na halik sa kanya. My kiss was full of anger. Mariin at nagpaparusa. Marahas kong hinila ang suot niyang lace bra. Wala akong pakielam kung masira man iyon. I can replace a dozen of that. My hands were wandering all over her body. Napakatagal kong pinangarap 'to and this is it. I am going to fuck Wynna.
I almost threw her on the bed. I am treating her like a whore dahil iyon ang dapat sa katulad niya. She doesn't deserve to be respected dahil sa mga ginawa niya sa akin. Walang pag-aalala sa bawat paghaplos ko sa katawan niya. There was only one thing in my head. Just to fuck her and get over my obsession with her.
But when I saw her looking at me, para akong binuhusan ng yelo. She was just lying on the bed and letting me violate her. She was looking straight into my eyes and tears were flowing on her cheeks. I can see pain and suffering in her eyes. Para akong natauhan sa ginagawa ko at parang napapaso na lumayo sa kanya.
"What's wrong? Bakit ka huminto? I am your whore right? I will do whatever you want," basag na basag ang boses ni Wynna.
Shit. What the hell am I doing? I am not like this. I became an animal like Victor.
Muli akong tumingin kay Wynna at patuloy lang siya sa pagluha habang hinihintay kung anong gagawin ko. Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha ko at nagmamadali akong umalis doon. Hindi ko kayang makita ang mga luha sa mga mata niya.
Dahil alam kong hindi na ito kagagawan ni Victor kundi kagagawan ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top