Chapter twenty seven

Nathan's POV

Malakas na tunog ng telepono ang nagpagising sa akin. What the hell? What time is it? Kinapa ko ang telepono kong nakapatong sa bed side table at kahit nakapikit pa ako ay sinagot ko iyon.

"Nate." Boses lalaki iyon. Sino ba ito?

"Sino 'to?" antok na antok pa talaga ako. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Inubos ko kasi ang kalahating bote ng whisky na nadampot ko sa kusina.

"Attorney Montoya here. Tulog ka pa ba?"

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at bumangon sa kama. Nakapa ko ang mga nakasabog na mga litrato ni Wynna sa hinihigaan ko. Ang iba nga ay nadaganan ko pa.

"Attorney. What's up? May problema? Ang aga mong tumawag," sagot ko sa kanya. Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang mga litrato. Inimis ko ang mga iyon at ibinalik sa kahon na lalagyan.

"Maaga? It's eleven o' clock in the morning."

Napatingin ako sa relo at totoo nga ang sinasabi niya. Shit. Tanghali na pala. "Is there a problem?"

"Victor is in jail."

Nawala yata bigla ang antok pa na nararamdaman ko. Tama ba ang narinig ko?

"What? Anong nangyari?" pinilit kong bumangon sa kama at marahang hinilot-hilot ang batok at ulo ko. Ang bigat. Hangover 'to.

"Drug raid. Nahuli sila sa isang bahay sa Makati. Two of his friends were killed. Mabuti na lang at hindi nanlaban si Victor," sabi ng abogado.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano ang marararamdaman ko dahil sa nangyari sa kanya. He had it coming to him. Lalo pa nga ngayon na sobrang higpit ng gobyerno pagdating sa droga.

"Anong plano mo? Are you going to help him?"

"Bail him out pero i-diretso mo sa rehab. He really needs that." Napapailing na sabi ko.

"Are you sure? You're helping him now?" Parang hindi makapaniwala si Attorney Montoya sa narinig na sinabi ko. Alam naman kasi niya kung gaano kalaki ang galit ko kay Victor. Pero naisip ko lang, tama si nanay. Hindi ko na kailangang mabuhay sa galit dahil sa ginawa niya sa akin. Siya na mismo ang sumira sa sarili niya.

"That's the least I can do for him. Make his stay comfortable. Basta umayos lang siya."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang biglang gumaang ang pakiramdam ko. 'Yung bigat ng dibdib na nararamdaman ko ng mga nagdaang taon, parang biglang nawala lahat.

"Alright, if that's what you want. How about Wesley's case?"

"Kaya na ba nilang magbayad?"

"Well, I talked to him and he is willing to pay five hundred thousand a month. I don't know how he is going to do it. Alam mo naman na pabagsak na rin ang negosyo nila plus his mom is still recovering from a mild heart attack."

Napangiwi ako sa narinig ko.

"Give him some time." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Okay. I'll see you in the office tomorrow." Iyon lang at pinatayan na ako ni Attorney ng call.

Naihilamos ang mga palad sa mukha ko. Mabilis kong tinungo ang banyo at naligo tapos ay nagbihis. Dadaan na lang ako sa opisina tapos ay isasama ko uli si Wynna para dalawin si nanay. Mukhang gustong-gusto kasi ni nanay si Wynna. Nagkakasundo sila.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko sa isang gilid ng hallway ang mga bulaklak na bigay ni Sean kay Wynna kahapon. Nakalagay sa isang magandang vase. Ang ganda pa ng pagkakaayos. Napasimangot ako. Talagang ito pa ang inayos niya at inilagay sa vase? Gusto kong sipain. Sigurado akong itinapon lang niya ang bigay kong bulaklak kahapon.

Nagsisimula na naman akong mainis. Talagang hindi na siya nagbago. Basta talaga galing sa akin wala siyang interes. Pagdaan ko sa tapat ng kuwarto ni Wynna ay pabigla kong binuksan ang pinto sa pag-aakalang nandoon siya. Pero pagbukas ko ay walang tao doon. Malinis na malinis ang kuwarto. Mabango. Alingasaw ang pabangong gamit niya araw-araw na parang dumikit na sa paligid ng silid. Napako ang tingin ko sa bedside table niya.

Naroon ang isang vase na punong-puno ng lilies na bigay ko sa kanya kahapon. Napakaganda at napakaayos ng pagkakalagay na halatang iningatan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang inis na nararamdaman ko. She really likes the flowers. Itinabi pa niya sa pagtulog niya.

Napapangiti na napapailing akong lumabas ng silid niya. Gago ko talaga. Kung ano-ano kasi ang naiisip ko at pinag-isipan ko pang itinapon niya ang bulaklak. Pababa na ako sa hagdan ng makarinig ako ng parang nag-uusap. Boses ni Wynna iyon, ah! Sino ang kausap niya?

Agad nawala ang ngiti ko sa labi ng mabosesan ko kung sino ang kausap niya.

"Do you like the food that I brought you? Hindi ka naman kasi makalabas dito kaya dinalhan na lang kita," narinig kong sabi ng lalaki.

"Sana hindi ka na nag-abala, Sean. Puwede magluto dito."

Nasaan sila? Are they in the living room? No. Hindi doon nanggagaling ang mga boses. In the kitchen? Mabibilis ang mga hakbang ko para makapunta sa kusina. Agad akong nagtago sa dingding na naroon ng makita ko sila. Wynna is busy preparing something on the table samantalang nakaupo naman sa harap niya si Sean at pinapanood ang ginagawa niya.

"I wanted to give you those. I wanted to give you something sweet na hindi naman masyadong overrated. I think you didn't like the chocolates yesterday kaya nag-isip ako ng iba. You will like that cheese tarts. Good thing they already have a branch here so hindi ko na kailangang dumayo ng Osaka para lang mabili ko 'yan para sa iyo." Binubuksan ni Sean ang paper bag niyang dala at inilabas ang isang maliit na kahon. Nakita kong Pablo's Cheese cake iyon. Sa tabi ng paper bag ay isang bungkos ng white lilies na sigurado akong dala din ng lalaking ito.

Sean took a small piece of the cheese tart and give to Wynna. 'Yung itsurang parang gusto pa niyang subuan. Lalo lang akong nainis at gusto ko silang sugurin. Maglalandian lang dito pa sa bahay ko? Doon na ako lumabas.

"Sean! What are you doing here at this early hour?" Halatang naging uneasy si Wynna ng makita ako tapos ay takang napatingin sa akin ang kaibigan ko. Kunwari ay nakita ko ang dala niyang cheese tart. "What is this? Pablo's? Fart! This is my favorite!" Agad kong kinuha ang hawak niyang cheese tart at isinubo iyon. Tapos ay dinampot ko ang kahon na naglalaman ng natitirang cheese tart at inumpisahan kong kainin.

"Dude, are you sure you're okay eating cheese tarts?" Kita ang pag-aalala sa mukha ni Sean. Parang natataranta na nakikita akong nilalantakan ang cheese tart. Ako ang kakain nito at hindi niya puwedeng ibigay kay Wynna. Kung may magbibigay ng ganito sa kanya, ako dapat iyon.

"What's wrong? This is so good," sa pagitan ng pagnguya ay sabi ko. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo para maubos na lahat ang cheese tart. Napatingin ako kay Wynna at talagang nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"Why? Are you mad that I ate this? I'll buy you a dozen later," sabi ko kay Wynna at isinubo ko ang natitirang piraso ng cheese tart.

"Bro, are you sure you're okay to eat that? The last time I saw you consumed cheese or any dairy products, you end up confined in a hospital," tonong nag-aalala si Sean.

Tinawanan ko lang siya pero parang nakakaramdam na ako ng kakaiba sa tiyan ko. Shit. Fucking lactose intolerance. I can tolerate one to two bites of cheese but I freaking ate the whole cheese tart. The big size. Nararamdaman kong kumukulo na ang tiyan ko.

Nakita kong tumingin si Sean kay Wynna. "He is lactose intolerant. He cannot eat any kind of cheese and he cannot drink milk. Basically any food with dairy." Naiiling na sabi ni Sean at muling tumingin sa akin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "I-I'm good. I am good. W-what are you doing here? Hindi ka man lang tumawag sa akin." Fuck me. Gusto ko ng sumuka at talagang parang nira-rambol na ang tiyan ko. Nararamdaman kong pinapawisan na ako ng malapot at nanlalamig na ako.

"I wanted to visit Wynna. I meant, she cannot go out so I decided to go here again. Besides, hindi naman ikaw ang dadalawin ko so bakit ako magpapaalam sa 'yo," natatawa pang sabi ni Sean at mahina pa akong sinuntok sa braso.

Napapikit ako sa sobrang sakit ng tiyan na nararamdaman ko. Sumasakit ang ulo ko at para yata akong hihimatayin. I am having a hard time to breathe. Shit. I need to release what's in my stomach. Kailangan ko ng magbanyo!

"Dude, you're not looking okay right now. You want to go to a hospital?" seryoso na ngayon ang mukha ni Sean.

Umiling lang ako at napatingin ako kay Wynna. Nag-aalala din ang itsura niya.

"I-I am-" napabuga ako ng hangin kasi sobrang sakit na talaga ng tiyan ko. Hindi ko na kaya 'to.

"I-I'll be back," patakbo akong umalis doon at nagmamadaling umakyat sa kuwarto ko at doon nag-banyo. Pag-upo ko pa lang sa toilet bowl ay lumabas na lahat ang kinain ko. Gusto ko pa ngang masuka. Parang hinahalukay ang tiyan ko. Damn it. Bakit ko ba kasi kinain pa ang cheese tart na iyon? Ma-o-ospital pa yata ako dahil sa kagaguhan ko.

Inis kong kinutusan ang sarili ko. Pero okay lang ma-ospital basta hindi makain ni Wynna ang bigay ni Sean at hindi siya ma-good shot. Ako ang magbibigay ng mga ganoon sa kanya hindi ang ibang lalaki. Shit! Napapangiwi talaga ako sa sakit ng tiyan ko.

Napabuga ako ng hangin. Ilang araw ko na namang iindahin 'to.

---------------------à>>>>>>>>>

Wynna's POV

Pareho kami ni Sean na nakasunod ang tingin sa tumakbong si Nathan. Ang sama ng itsura niya. Namumutla at pinapawisan ng malapot. Napatingin ako sa kahon ng cheese tart na walang laman. Inubos talaga niya?

"What an idiot." Naiiling na bulalas ni Sean.

"Talaga bang bawal sa kanya ang ganito?" paniniguro ko.

"He was three days confined the last time he ate cheese. It was just a bet between us and Denny, it was some kind of a joke. We dared him to do something that might hurt him and he ate a cheese. You know boys. Nagka-edad lang kami but still we are kids inside." Natawa pa siya. "In just a matter of minutes he was vomiting non-stop we had to take him to a hospital," naiiling na sabi niya. "And now, he ate the whole cheese tart? What was he thinking?"

"Magiging okay kaya siya? Para na siyang hihimatayin kanina," nag-aalalang sabi ko.

Natawa si Sean at tumayo na. "Let him. Ang kulit, eh. Binawalan na, sumige pa rin. Sabagay, baka talagang natakam lang." Napahinga siya ng malalim at napakamot ng ulo. "Pasensiya ka na at may kumain ng bigay ko sa iyo. I'll think of another present, another food that I will give you or we can go out and eat in a restaurant para hindi ka na inaagawan ni Nate ng food."

Napangiti ako. "Hindi naman kasi kailangang lumabas pa. Puwede naman akong magluto dito."

"I cannot date you here. Pagagalitan ka ng boss mo." Nakangiting sabi niya. "And I want our first date to be memorable." Nakatitig na ngayon si Sean sa akin. At bago pa ako makapagsalita ay mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"See you soon." Ang ganda ng ngiti ni Sean habang palayo sa akin. "Enjoy the flowers!" pahabol pa niya habang papalabas na.

Napahinga ako ng malalim at sinulyapan ko ang bulaklak na bigay niya. Maganda ang pagkaka-arrange ng bulaklak pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako kinilig. Mas maganda pa rin ang bulaklak na para kay Paula na binili ni Nathan kagabi.

Dinampot ko na lang ang bulaklak at inilagay sa maliit na vase tapos ay ipinasok ko sa banyo para hindi masayang.

Napatingin ako sa itaas ng makarinig ako ng malakas na kalabog.

"Nathan," naibulalas ko. Mabilis akong tumakbo paakyat at tinungo ang kuwarto niya. Kahit alam kong ayaw niya akong papasok doon ay binuksan ko ang pinto sinilip kung anong nangyayari.

Nataranta yata ako ng makita ko si Nathan na naka-baluktot ng higa sa carpeted floor ng kuwarto niya at namimilipit sa sakit ng tiyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top