chapter twenty-one
Wynna's POV
Hindi na ako lumabas sa kusina kahit pa nga nakikita kong hindi na malaman ni Manang Marissa kung paano ang pagsisilbi na gagawin sa mga bisita ni Nathan. Nakikita kong natataranta siya kasi ang dami-daming utos ni Paula. Narinig ko pa nga na sinigawan ng pinsan ko si Manang kaya mangiyak-iyak na bumalik ito sa kusina.
"Manang, umuwi ka na." Naaawa na kasi ako sa kanya. Nasilip ko naman na mga lasing na rin ang mga tao na nasa sala. Si Paula na lang ang naririnig kong maingay doon. Ang lakas ng mga halakhak niya. Napakarami niyang kuwento na siya lagi ang bida. Napairap ako at napailing. Magtataka pa ba ako? Ever since naman, ganito na ang gusto niya. Ang lagi siyang sentro ng atensyon sa lahat ng bagay.
Napahinga ng malalim si Manang at naupo sa silyang naroon. Pagod na ang tingin ko sa kanya.
"Kung hindi lang dahil kay Nathan, aalis na talaga ako dito. Hindi ko na kayang pakisamahan ang ugali ng babaeng 'yan." Naiiling pa na sabi ng matanda.
"Pabayaan 'nyo na ho. Ako na ang humihingi ng pasensiya."
"Hindi ko maintindihan kay Nathan kung ano ang nagustuhan diyan. Galaw pa lang at pananalita alam mo ng hindi maayos na babae. Alam mo bang ayaw ng nanay ni Nathan sa babaeng iyan? Hindi pa siya naihaharap kay Aling Norma," kuwento pa niya sa akin.
Hindi ako kumibo. Alam ko naman iyon. Very vocal naman si Aling Norma na ayaw niya kay Paula. Pero paano na lang kung malaman pa nila ang nangyari sa akin? Mas masamang babae pa ako kay Paula. Si Paula, maingay lang. Magaslaw. Samantalang ako, addict, pokpok pa sa paningin nila.
Sabay kaming napatingin sa relo ni Manang at pasado alas-diyes na rin pala. Nagbalot ako ng mga pagkain para maiuwi niya. Marami kasi kaming nailuto na alam naman naming hindi na rin makakain bukas. Hindi rin naman masyadong kumain ang grupo ni Nathan at mas gusto ang mag-inom.
Inihatid ko hanggang sa gate si Manang. Ako na lang ang magtatapos ng mga ligpitin sa kusina. Konti na lang naman ang mga iyon. Isa-isa kong dinadampot ang mga kaserolang pinaglutuan namin nang marinig ko ang malakas na boses ni Paula.
"Good night, boys. Grabe! Nilasing 'nyo ako. Magpapahinga na muna ako at baka puyatin pa ako ng kaibigan 'nyo," natatawa pang sabi nito.
Napairap ako at napailing. Ang arte talaga. Kailangan pa ba niya iyong i-broadcast sa mga kaibigan ng boyfriend niya?
"You're staying here tonight?" narinig kong tanong ni Nathan kay Paula.
"Why? There is something wrong? Hindi ba puwede? Madalas naman akong dito matulog 'di ba?" halata ko ang iritasyon sa boses ni Paula.
Wala na akong narinig na sagot kay Nathan. Ilang minuto pa ay tuloy na naman sa kuwentuhan ang mga kasama ni Nathan. Mas maige pang marinig ang mga maingay na boses ng mga lalaking kasama niya kesa naman sa nakakarinding boses ng pinsan kong maarte.
Damn it. Bakit ba ako naiinis? Bahagya kong ipinilig ang ulo ko. Bakit ba ako naapektuhan kung dito man matulog si Paula? Mag-syota sila ni Nathan at uso na naman ang ganoon ngayon. Kahit hindi kasal ay tabi matulog sa kama.
Inis kong dinampot ang mga plastic ng basura at inilabas. Inayos ko ang salansan at pagkakabuhol para hindi mabuksan ng mga pusa. Maaga naman itong kukunin ng basurero bukas.
"Gabing–gabi na 'yan, ah. Magpahinga ka naman."
Muntik na akong mapasigaw sa narinig kong biglang nagsalita mula sa likuran ko. Nakilala kong si Sean iyon. Ang kaibigan ni Nathan na lantarang nagpapakita ng interes sa akin. Naninigarilyo at tinitingnan ang ginagawa ko.
"Did I scare you? Sorry," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Bakit nandito ka?" tanong ko habang inaayos ko ang mga plastic ng basura.
"Waiting for you," sabi niya at itinapon ang hawak na sigarilyo tapos ay lumapit sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Alam ko na ang gusto ng lalaking ito. Matapos niyang marinig ang lahat ng tungkol sa nangyari sa akin, alam kong iniisip niyang madali akong makuha. Konting pang-uuto lang niya ay bibigay na ako sa kanya. Kasi iyon naman ang narinig kong mga pinagsasabi ni Paula kanina. Kung gaano ako kasugapa sa drugs, kung gaano ako kalandi at kung paano ko ibinigay ng paulit-ulit ang sarili ko kay Victor.
"Look, kung sa tingin mo ay madali mo akong makukuha dahil sa mga sinabi ni Paula sa inyo, I am sorry to disappoint you. You're not going to get laid tonight. Not with me," seryosong sabi ko sa kanya.
He looked surprised with what I said.
"Wait. Wala naman akong sinasabi. I just want us to be friends. Masama bang makipag – usap sa iyo?"
"Huwag na ako. Maghanap ka na lang ng iba. My life is too complicated kaya huwag ka ng sumali pa," sabi ko at tinalikuran ko na siya. Naipagpasalamat kong hindi na rin niya ako sinundan.
Mabilis kong pinahid ang mga namuong luha sa mata ko. Grabe talaga. Napakababa ng tingin sa hh akin ng mga tao. Akala siguro ng lalaking iyon napakadali niya akong makukuha dahil nalaman niya ang nakaraan ko.
Sa inis ko ay iniwan ko na lang ang mga natitirang ligpitin sa kusina. Bukas ko na lang babalikan kapag wala ng tao dito. Sigurado kasi akong mamaya pa magtatapos ang mga 'to. Marahan kong hinihilot ang ulo ko. Sumasakit na yata sa dami ng iniisip. Muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat nanf makita ko si Nathan na nakatayo at nakasandal sa pinto ng kuwarto ko. Parang inip na nga sa paghihintay sa akin.
"May kailangan ka ba?" taka kong tanong sa kanya.
Tumingin lang siya sa akin tapos ay tumayo sa harap ko. Napangiwi ako sa lakas ng amoy ng alak sa hininga niya. Bahagya akong napaatras nang lumapit sa akin si Nathan at hindi ko maintindihan ang rigodon ng dibdib ko nang marahan niyang haplusin ang mukha ko.
"Why are you doing this to me?"
He said that while looking straight into my eyes. Parang ang lungkot-lungkot ng mga mata niya. Lasing ba siya at hindi niya alam ang ginagawa niya?
"Ang dami-dami kong kaagaw sa iyo," halos padaing na sabi ni Nathan at lalo pa siyang lumapit sa akin. Lalo akong napaatras at natigil lang ako nang mapasandal na ako sa dingding.
"N–Nathan, I don't know what is wrong. Kung tungkol ito sa pakikipag–usap sa akin ni Sean, iniwasan ko na siya. Hindi ko isasali sa gulo ng buhay ko ang kaibigan mo," kinakabahang sabi ko. Napalunok ako kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang katawan niya ay nakadikit sa katawan ko and I can feel the growing bulge between his legs.
"You are making me crazy," pabulong na ang pagkakasabi niya noon at muling hinaplos ang mukha ko pababa sa leeg ko. Grabe ang kilabot na dulot noon sa katawan ko. Bumaba ang kamay niya at ipinasok sa suot kong t-shirt. Napapikit ako nang maramdam ko ang palad niya sa kanang dibdib ko at marahang pinisil iyon.
"N–Nathan, please. Baka makita tayo ni Paula," hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon.
Kumumpas lang siya sa hangin pero nanatiling nakatitig sa mata ko. I can feel his legs in between my thighs and pressing himself on to me.
"She is sleeping already," sabi niya at ngumiti sa akin habang nakakagat ng labi. "Besides, I want to be with my whore tonight," titig na titig na sabi niya sa akin. Lalong dumiin ang pagpisil niya sa boobs ko.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang init na nagsisimulang lumukob sa katawan ko nang marinig ko ang sinabi ni Nathan. Pakiramdam ko ay naipit ang paglunok ko. That's me. I am the whore that he's talking about.
Walang nakakarinig ng sinabi niya kundi kaming dalawa lang pero pakiramdam ko, pahiyang-pahiya ako sa buong mundo. Ang sakit-sakit na tratuhin ng ganito kasi alam kong hindi naman ako ganoong babae.
I held my head up at bumitiw ako sa pagkakahawak niya.
"Go back to your friends. If you need anything from me besides to be your whore, katukin mo na lang ako sa kuwarto. Gusto ko ng magpahiga muna at marami pa akong gagawin bukas," pinigil ko ang pagpiyok ng boses ko dahil sa pagpipigil kong umiyak.
Naipagpasalamat kong hindi naman na ako pinigil pa ni Nathan ng pumasok ako sa loob ng kuwarto. Pagkasara ko ng pinto ay doon ko inilabas ang kanina pang nag-uumalpas na luha sa mga mata ko.
------------->>>>>>>>>>
Nathan's POV
Nakatingin lang ako sa nakasarang pinto ng kuwarto ni Wynna. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero that's what she is. First, it was Victor. Now, si Sean naman. I don't know what she's doing with those men para mahumaling sa kanya.
Damn.
Inis kong sinabunutan ang sarili ko at sumandal sa dingding sa harap ng kuwarto niya. I was thinking of what Paula told me over and over. Fuck her and get over her. I wanted to lalo pa ngayon na talagang nag-iinit talaga ako but I don't know why I can't. Kasi nagagalit ako. Naiinis ako dahil bakit ang daming lalaking may gusto sa kanya. Bakit ang dami-dami ko pa ring kaagaw sa kanya?
Saglit akong natigilan sa naisip ko. Bakit ko ba iniisip na may kaagaw ako? If I tell her that I want to fuck her, hindi siya puwedeng tumanggi. Hindi siya puwedeng tumanggi sa lahat ng gusto ko dahil parang binili ko na siya. Napakalaki ng utang na loob niya na hindi ko ipinakulong ang kuya niya.
Fuck. What is happening to me? Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. I don't want her. I am over her. She is just here because –
Bakit nga ba?
Kasi kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit nga ba nandito si Wynna. She would be my house helper? Fuck me. I can get ten helpers if I wanted to.
Napabuga ako ng hangin at mabilis na umalis doon at bumalik sa mga kasama kong patuloy na nag-iinom sa sala.
"Where have you been? Dito naman matutulog si Paula kaya hindi mo na kailangan na mag-quickie." Natatawang sabi ni Denny.
I gave him a dirty finger sign at dinampot ko ang beer na nasa harap ko.
"But seriously, totoo ba ang mga sinasabi ni Paula about Wynna?" Sean is looking seriously at me right now.
"Some of it," tuluyan kong inubos ang beer na hawak ko.
"Okay. Given that she used to be a drug user, hanggang ngayon ba?" tanong pa rin niya.
"She's been out from rehab two years ago. She was clean ever since. And about Victor, matagal na silang walang communication."
Napa-oh lang si Sean at parang nagliwanag ang mukha nang marinig ang mga sinabi ko.
"Bagong buhay." Napapatangong sabi niya. "She needs a new man in his life. Someone who can take care of her. Someone who will accept her past."
"Are you telling us that, that man is you?" natatawang sabi ni Denny kay Sean. Bahagya pa akong tinulak-tulak ni Denny.
Napangiti si Sean. "Maybe."
"Fuck, man! You really like her?" sabi pa ni Denny.
Tumingin sa akin si Sean tapos ay dumampot ng bote ng beer.
"Yeah. And I think, I'll do anything para mapansin niya ako." Bumaling sa akin si Sean. "Bro, you wouldn't mind if I pursue your helper, right?"
Hindi agad ako nakakibo sa narinig kong sinabi niya.
"Oo naman 'di ba, Nate? Okay lang sa iyo kung ligawan ni Sean ang maganda mong helper?" sabi pa ni Denny.
Bahagya lang akong tumango pero sa kalooban ko ay gusto ko ng pukpukin ng bote ang dalawang 'to.
-------
Nathan, you're bad. Siguradong sising-alipin ka sa mga susunod na chapters
Sa mga nagtatanong ng FB group it Helene Mendoza's stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top