Chapter twenty nine
Wynna's POV
Sabi ni Nathan bumalik ako sa kuwarto niya sa ospital pero nandito ako sa bahay niya at naglilinis. Ayoko na doon. Ayoko ng bumalik at baka magkita na naman kami ni Paula. Hindi na talaga kami magkakasundo ng pinsan kong iyon. Kahit anong gawin kong pakikisama, kahit anong gawin kong pag-intindi, hindi na talaga mawawala ang galit niya sa akin na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.
Kasalanan ko bang sa mata ng tao mas maganda ako sa kanya? Hindi na nga ako maganda ngayon. Napaka-plain ko na nga kumpara sa kanya na isang modelo at marami pang umiidolo. Kasalanan ko ba kung mas may utak ako sa kanya at lagi akong laman ng top ten at dean's list noon? Ano pa ba ang gusto niya pagdating sa academics? Ako nga nagloko sa pag-aaral at drop out. Hindi pa ako nakatapos samantalang siya, naka-graduate at cum laude pa. Kasalanan ko ba kung meron akong masayang pamilya? Meron akong masayang pamilya na itinapon ko para lang sa pansarili kong kagustuhan. Tinalikuran ko sila para piliin ang isang lalaki na hindi naman talaga dapat bigyan ng pagmamahal.
Ano pa ba ang ikinagagalit niya? Nagagalit ba siya sa akin dahil ako ang gusto ni Nathan noon? Kasalanan ko ba iyon kung magpaka-gago sa akin noon ang boyfriend niya ngayon? Nasa kanya na nga ngayon kaya ano pa ang ikinakagalit niya? Nasa kanya na ang lahat pero bakit parang kasalanan ko pa rin?
Hindi pa ba siya masaya na nasira ang buhay ko? Sinira ko ang buhay ko para lang sa putanginang pag-ibig na 'yan. Ang gusto ko lang ngayon ay magkaroon ng bagong buhay pero bakit parang pati iyon ipinagkakait ng mundong ito sa akin?
Inis kong ibinato ang hawak kong basahan at naupo sa sofa para lang umiyak ng umiyak. Pinipilit kong magpakatatag pero gusto ko ng bumigay. Napakalupit talaga ng mundo sa mga katulad ko. Dapat talaga hindi na lang ako bumalik dito. Nag-stay na lang ako doon sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Doon sa rehabilation center na lahat ng mga kasama ko ay naiintindihan ang pinagdaaanan ko.
Nagawa na ni Nathan ang gusto niya. Naipamukha na niya sa akin ang lahat ng mga kamaliang nagawa ko noon sa kanya. Pinagsisihan ko na iyon ng sobra. Sana nga sinaktan na lang niya ako. Mas matatanggap ko pa ang sakit physically pero 'yung ganito? Ibang klase ang emotional pain na nararamdaman ko. Napakasakit talagang harapin ang katotohan na 'yung dating mahal na mahal ako, iniingatan ako at iginagalang ako ay masahol pa sa basahan ang turing sa akin ngayon. Napakasakit tanggapin na kahit kailan hindi na babalik ang pagmamahal na iyon dahil ibinigay na niya sa ibang babae na mas karapat-dapat kesa sa akin.
Ang sakit kasi mahal ko na siya ngayon.
"Bobo ka, Wynna. Bobo ka," umiiyak kong sabi sa sarili ko.
Bobo at tanga talaga ako pagdating sa pag-ibig. Noon, minahal ko si Victor kahit alam kong wala akong kinabukasan sa kanya. Ngayon, minamahal ko si Nathan na alam kong kahit kailan ay wala ng pag-ibig na puwedeng ibigay sa akin.
Wala na talagang pag-asang umayos ang buhay ko. Sana kayanin ko pang tumagal sa panlilibak ng mga tao.
"I told you to come in my room. What are you doing here?"
Gulat akong napaangat ng mukha at nakita ko si Nathan sa harap ko habang nakasapo sa tiyan niya at napapangiwi pa. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at natatarantang napatayo at agad siyang nilapitan.
"A-anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa magaling," natataranta ako. Two days pa siya dapat sa ospital.
"I checked myself out. I can't stay there." Napapangiwi siyang naupo sa sofa. "What are you doing here? Iniwan mo ako doon" Tonong nagtatampo siya.
"Wala naman akong gagawin doon. Doctors can treat you, may mga nurse na puwedeng mag-assist, nandoon si Paula kung gusto mo ng comfort." Sagot ko.
"That's why you hit her?" Nagtatanong lang si Nathan pero pakiramdam ko idinidiin niya sa akin na kasalanan ko talaga kung bakit ko sinaktan ang syota niya.
"I am sorry about that. She crossed the line."
"What did she tell you?"
Napatawa ako ng mapakla. "The usual. Alam mo naman iyon. Gusto ko na sanang masanay pero dumarating din 'yung time na medyo nauubos ang pasensiya ko. Naubos siguro kanina kaya nasampal ko siya. Sorry."
"Sampal lang? You punched her in the face. Namamaga ang mata niya at siguradong blackeye iyon. She got a cut on her lips. Kung sampal lang ang ginawa mo, hindi ganoon ka-grabe dapat ang nangyari sa kanya." Napahinga ng malalim si Nathan. "She is a model and her face is important to her job."
Wala sa loob na tumulo ang luha ko. Ganito talaga? Wala talaga akong karapatan na ipagtanggol ang sarili ko? Talagang ipinapamukha niya sa akin kung gaano ka-importante ang babaeng iyon sa kanya? Alam ko naman pero ang sakit-sakit na ipamukha iyon sa akin ng harap-harapan.
"Sorry kung nasaktan ko 'yung girlfriend mo. Sorry kung nasampal ko siya. Aminado akong nasamapal ko but I didn't punch her in the face. Sana nga ginawa ko kanina para kahit paano gumaang ang pakiramdam ko. Importante sa kanya ang mukha niya? Ang feelings ko ba hindi importante?" Hindi na ako nahiya kay Nathan na umiiyak ako kasi ang sama-sama talaga ng loob ko.
"But you don't need to hurt her. Paano kung i-demanda ka niya ng physical injuries? Saan ka na naman pupulutin?"
Pinahid ko ang mga luha ko. "Hindi ba mas okay na iyon kung makulong ako? At least sa loob ng kulungan kasama ko na 'yung mga katulad kong addict."
"Stop saying that, Wynna." Padaing na sabi ni Nathan.
"Basura na nga ang turing ko sa sarili ko. Pero siguro naman hindi 'nyo na ako kailangang tratuhin na basura din. Nagkamali ako, Nathan. Pinagsisisihan ko at pinagbabayaran ko ang mga kasalanan ko. Pero siguro puwedeng mag-time out naman? Puwedeng mag-recharge? Time out sa mga pang-iinsulto kasi minsan talaga gume-game over ako."
Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin.
"Wala na akong ipagmamalaki na kahit na ano. Wala ng taong iintindi sa akin kasi ganito na ako. I just wanted to go away, to disappear from the lives of people that I know. I don't matter to anyone."
"You matter to me."
Napangiti ako ng mapakla. Puwede na rin. Kahit paano ay may maganda pa rin palang nararamdaman para sa akin si Nathan. I just matter to him pero kahit kailan hindi na niya mamahalin.
Huminga ako ng malalim. "Okay lang. Okay na ako." Pinilit kong ngumiti sa harap niya. "Kung ide-demanda man ako ni Paula haharapin ko naman."
"I will never allow that. I want you here. I want you here with me." Seryosong sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Ano ba itong mga sinasabi ni Nathan? Groggy pa ba ito dahil sa epekto ng mga gamot na isinaksak sa kanya?
Sumandal si Nathan sa inuupuang sofa at tumingin sa kisame tapos ay huminga ng malalim. Maya-maya ay napangiti.
"Do you remember the stupid things that I did when I was following you back then?" Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.
"I followed you like a dog. Even if I can't offer you anything pinipilit ko pa rin na mapansin mo. Kulang na nga lang magpakamatay na ako para lang pansinin mo. Oh well, technically I almost did it yesterday." Tumatawang sabi niya na napapailing. "From a far I was just looking at you and I can see you looking at Victor like he's your world. I was like brokenhearted every fucking day. I can see how you love him even if he is not perfect. Victor is broken and yet you love him wholeheartedly," bahagyang nabasag ang boses ni Nathan tapos ay tumingin siya sa akin at nakita kong parang namamasa ang mata niya.
"I keep on asking myself bakit si Victor? Bakit hindi ako? Wala man akong pera noon, mahirap man kami pero buo ang pagmamahal ko sa iyo. You broke me over and over and yet, I am still in love with you." Napapikit si Nathan nang sabihin iyon. 'Yung itsura niya na parang na-relieve siya sa kung ano.
"Alam ko naman ang kasalanan ko, Nathan. Sorry. Sorry for breaking your heart pero alam ko naman noon na totoo ang pag-ibig mo. Thank you for loving me back then," pinilit kong tumawa kahit na nga ang sakit-sakit noon. Ipinapamukha niya sa akin na minahal niya ako pero hindi na niya mamahalin ulit.
"And I still love you now," nakatitig na sabi ni Nathan sa akin.
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko?
Pakiramdam ko ay kumabog ng dibdib ko na parang lalabas doon ang puso ko. Ayokong maniwala sa sinasabi ni Nathan. Hindi totoo ito. Baka joke lang or gusto lang niya akong saktan para makaganti sa ginawa ko sa girlfriend niya. Hindi na ako mamahalin ni Nathan.
Ngumiti si Nathan at nagbuga ng hangin tapos ay napapikit.
"It felt good." Muli siyang napabuga ng hangin na parang niri-relieve niya ang sarili niya. "Nagpapansin ako sa iyo noon pero hindi mo ako tinitingnan man lang dahil kay Victor. Ngayon, muntik na akong mamatay para mapansin mo pero parang wala pa ring effect sa iyo. Ano pa ba ang dapat kong gawin para lang pansinin mo ako?"
Hindi ko alam na umiiyak na ako habang nakatingin sa kanya. Tumayo si Nathan tapos ay lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko.
"Ikaw noon, ikaw pa rin ngayon. I can't stay mad at you. For how many years anger live in my heart. Galit ako sa iyo, galit ako sa ginawa mo pero gagawin ko pa rin ang lahat para lang mapansin mo. Para lang mahalin mo ako. Kung kailangan kong magpakagago ulit para lang mahalin mo ako gagawin ko." This time ay umiiyak si Nathan sa harap ko.
"Nate-" hindi ako makapagsalita kasi iyak lang ako ng iyak. Ayokong maniwala kasi parang hindi totoo ito. Parang isang panaginip na mawawala din sa isang iglap lang.
Hinawakan ni Nathan ang mga kamay ko at dinala sa mga labi niya.
"I am sorry for hurting you. Ako ang totoong nanakit sa iyo and you don't deserve that. I was the one punishing myself for hating you kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa iyo."
Nanginginig ang kamay kong hinaplos ang mukha niya at pinahid ang luha niya.
"Nate, hindi ako bagay sa iyo. People will laugh at you. Tulad ni Victor, I am broken at kahit kailan hindi na mabubuo."
"Who cares? Kaya nga ako nandito para buuin ka. Sa paningin ko perpekto ka. You don't need to be perfect for others. Let them see you broken but let them be inspired on how you deal with your imperfection."
Tuluyan na akong napahagulgol sa narinig kong sinabi niya. Ang sarap pakinggan na nanggaling iyon mismo kay Nathan.
"I love you, Wynna. Then and now it will always be you."
Bago pa ako makapagsalita ay kinabig na ni Nathan ang ulo ko at hinalikan niya ako sa labi.
I let my tears flow on my face while I taste his lips. His kiss was so passionate na kahit kailan hindi ko naramdaman na ginawa ni Victor. Ramdam na ramdam ko ang paggalang, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa bawat halik niya.
"Please say you love me too," he said that in between kisses.
"I love you too."
Mas lalong lumalim ang halik ni Nathan ng marinig ang sinabi ko. I let myself consumed by his love kasi ngayon ko lang naramdaman ang mahalin ng buo kahit hindi ako perpekto.
———
Para 'to sa mga followers ko na follower din nitong story. Thank you. Madali naman akong lambingin 'wag lang masyadong bossy. 😂Anyways, enjoy. Thank you sa inyong lahat ❤️😘😘😘
- H. Mendoza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top