Chapter Twenty four

Wynna's POV

Sobrang bigat ng ulo ko nang imulat ko ang mata ko.  Nanatili akong nakahiga sa kama at hindi gumagalaw.  Pinapakiramdaman ko talaga ang sarili ko.  The god damn headache was killing me.  After three years, ngayon na lang uli ako nakaranas ng ganitong klaseng hangover.  Ang totoo, ngayon na lang uli ako nakatikim ng alak kaya siguro hindi na sanay ang katawan ko.  Shit.  Hindi ko na nga maalala kung gaano karami ang nainom ko sa bahay ni Meg.  Basta ang alam ko, pinagalitan na niya ako at nagpilit talaga siyang pauwiin na ako.

Dahan-dahan akong bumangon pero nanatili ako sa kama.  Nakita ko ang sira kong bra na sapilitang tinanggal ni Nathan kagabi habang suot ko.  Wala sa loob na sinalat ko ang labi ko.  Parang may putok yata sa bigat ng mga halik niya.  Tumayo ako at humarap sa salamin.  Meron nga.  Medyo namamaga ang mga labi ko.Tiningnan ko ang sarili ko.  Wala namang nagbago.  Ganoon pa rin ang itsura ko pero bakit ang pangit ng tingin ko sa repleksyon ko sa salamin?  Tingin ko sa sarili ko parang ako na ang pinakamababang uri ng babae.  Siguro kasi iyon ang ipinaparamdam sa akin ni Nathan.  Pinagsawaan.  Parausan.  Kaya hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit parang bigla siyang nakonsensiya kagabi at bigla na lang niya akong iniwan.

Napahinga ako ng malalim at bumalik sa kama.  Bahala na kahit tanghali na akong bumaba.  Sigurado naman ako na wala na si Nathan dito.  Pumasok na sa opisina 'yun.

Kinuha ko ang telepono kong tumutunog na nakapatong sa lamesita.  Si Meg ang tumatawag.  Napailing ako napatawa.  Siguradong sesermunan ako nito. 

"Meg.  I am really sorry about last night.  Hindi ko naman –"

"Wynna, something happened in your house.  It's about Tita Julia," halata sa boses ni Meg ang pag-aalala.

            Nawala yata ang iniinda kong hangover at napatayo ako.

            "Bakit?  Anong nangyari kay mommy?

            "She is in the hospital.  Inatake daw kagabi sabi ng helper 'nyo.  Sa kanya ko lang nalaman dahil itinext niya sa akin.  Nagpunta daw kasi si Victor sa bahay ninyo at sinabi na nagsasama daw kayo ulit," sabi niya sa akin.

            "What?!  He did that?  Anong kagaguhan ang pumasok sa utak ng lalaking iyon?  How's my mom?" natataranta na ako at naiiyak na.

            "Tinawagan ko si Wesley kagabi and he said that she's okay now and nothing to worry.  Nagpunta agad ako kanina sa hospital and nakausap ko si Tita Julia.  Mild heart attack because of too much stress and her doctors advised her to take a plenty of rest .  I was trying to call you last night pero hindi ka na sumasagot,."

            "Saang hospital dinala si mommy?  Magsasabi ako kay Nathan kung puwede kong dalawin si mommy."  Gusto kong makita ang mommy ko.  Alam ko isa ako sa mga stress na iyon.

            Napahinga ng malalim si Meg.  "I don't think that is a good idea.  Galit na galit ang daddy mo lalo na ang kuya mo.  You don't want to know kung ano ang mga sinabi nila tungkol sa iyo.  Palipasin mo na lang muna.  Hindi ko naman masabi sa kanila ang totoong sitwasyon mo dahil gusto ko ikaw ang gumawa noon.  Ayokong pakialaman ang mga plano mo."

            "Sige, Meg.  Maraming salamat.  Please balitaan mo ako kung kumusta na ang mommy ko, ha?" Kahit sinabi niyang in good condition na si mommy, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-aalala.

            "I will," sagot niya.  "And, please don't get mad me.  Tinawagan kasi ako uli ni Nathan kagabi.  Sobrang late na.  Para siyang abogado magtanong kaya napaamin din ako na sa bahay ka nag-stay."

            Napailing ako.  "Okay lang.  Whatever.  Si mommy ang concern ko ngayon.  Bahala na si Nathan kung anong gusto niyang gawin.  Just keep me posted."

            Napasubsob ako sa mga palad ko nang matapos kaming mag-usap ni Meg.  Hindi ko na napigil ang hindi umiyak sa sobrang pag-aalala kay mommy.  Pinahid ko ang mga luha ko at kinuha ko ang telepono. I dialed our home number sa pagbabakasakali na ang helper namin ang makakasagot doon.  Sa kanya ako hihingi ng balita tungkol kay mommy.  Pero kumabog lang ang dibdib ko kasi nabosesan kong si kuya Wesley ang sumagot.

            Ilang beses na siyang hello ng hello pero hindi ko makayang magsalita.  Alam kong iritable na siya kaya bumuga ako ng hangin at naglakas loob na magpakilala.

            "Kuya Wesley?" Bahala na.

            Wala akong sagot na narinig mula kay kuya.

            "Kuya, I just want to know kung anong lagay mommy?"

            Narinig niyang napapalatak si kuya tapos ay tumawa ng nakakaloko.

            "After what you did may lakas ka pa ng loob na tumawag dito at alamin ang kalagayan ni mommy?" Halatang pinipigil lang niya ang galit niya.  "Dahil sa iyo kaya nasa ospital si mommy ngayon.  Ikaw at ang syota mong adik ang may kasalanan."

            "Pero kuya, walang katotohanan ang sinasabi ni Victor.  Hindi totoong nagsasama kami," tuluyan na akong napaiyak.

            "Hanggang ngayon sinungaling ka pa rin.  Hindi na talaga magbabago ang katulad mo.  Utang na loob, huwag mo na kaming guluhin.  Huwag ka ng bumalik dito.  Mas maayos ang buhay namin kapag wala ka.  Magsama na lang kayo ng syota mo," sabi niya at malakas akong binagsakan ng telepono.

            Nanginginig ang kamay ko nang bitawan ko ang telepono ko.  Napahagulgol na ako ng iyak.  Bakit ba ganito ang nangyari sa buhay ko?  Pinipilit kong magbago pero bakit lahat ng tao sa paligid ko ayaw akong bigyan ng pagkakataon?

            Parang wala ako sarili nang lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina.  Magkakape na lang muna ako bago ako umalis.  Hahanapin ko ang Victor na iyon at kakausapin ko siya ng harapan para tigilan na niya ako.

            "Good morning."

            Gulat akong napatingin sa nagsalita.  Si Nathan iyon na nakaupo sa harap ng mesa at nakatingin sa akin.  Ibang-iba ang itsura niya ngayon compared sa itsura niya kagabi.  Ang aliwalas ng mukha niya.  Tumingin ako sa relo at pasado alas-nuebe na pero nakapambahay lang siya.  White shirt and boxer shorts.  Sa harap niya ay tatlong broadsheet newspapers.  Bakit nandito pa ang lalaking ito?  Maaga itong umaalis para pumasok sa trabaho.

            "Good morning," alanganin kong sagot sa kanya.  Nagsalin lang ako ng kape at iiwan ko na siya doon.  Ayokong mag-clash na naman kaming dalawa.

            "Have a seat," narinig kong sabi niya.

Tama ba talaga ang narinig ko? Pinapaupo niya ako sa harap ng mesa.  Kasama niya.  Nakahain doon ang tapa, scrambled eggs, longganisa at fried rice.  Sino kaya ang nagluto?  Wala naman si Manang at tanghali na ako nagising.

"Sa labas na lang ako magkakape," sabi ko sa kanya.

"I said sit down," bahagya ng tumigas ang boses niya.

Wala naman akong magagawa kaya kahit napipilitan ay naupo ako sa harap niya.

            "How's your head?  Your hangover?" tanong pa niya at inilapit sa harap ko ang isang tablet ng paracetamol at isang baso ng tubig.  "Take this after you eat.  It will help you with the headache."  Sabi niya at itinuon ang atensyon sa binabasang diyaryo.

            He's not mad?  Kagabi lang halos lapain niya ako sa galit niya tapos ngayon parang wala lang nangyari?  Pero mas mabuti ito at least maganda ang mood niya at makakapagpaalam ako.

            Hindi ako kumukuha ng kahit na anong pagkain at nakikiramdam lang sa kanya.  Patuloy lang siya sa pagbabasa niya ng diyaryo kaya nilakasan ko na ang loob ko.

            "N–Nathan."

            Nagtatanong siyang tumingin sa akin at itiniklop ang binabasang diyaryo.  Alanganin akong ngumiti sa kanya.

            "Puwede ba akong umalis ngayon?  May pupuntahan lang ako."

            Tumaas ang kilay niya "Saan ka pupunta?"

            Hindi agad ako nakasagot.  Nag-iba kasi agad ang timpla niya.  Naging seryoso na agad.

            "Saan ka pupunta?" ulit nito.

            "Pupuntahan ko sana si Victor.  Kakausapin ko lang siya," sa wakas ay nasabi ko.

            Nakita ko ang mabilis na pag – iba ng mood ni Nathan.  Agad na nagsalubong ang kilay niya at dumilim ang anyo.

            "Talaga bang inuubos mo ang pasensiya ko o talagang likas lang na matigas ang ulo mo at wala kang dala sa mga nangyari sa 'yo?"

            Hindi agad ako nakasagot.  Ano ba ang sasabihin ko?  Ayoko naman talagang makipagkita kay Victor pero ito na lang ang naisip kong paraan para tigilan na niya ako.

            "Damn it, Wynna!  After what he did to your life siya pa rin ba?  What the hell!  What is with Victor bakit hindi mo maiwan?  Is he that good in bed?  Is he a good fucking kisser?" malakas na nagmura si Nathan at napapitlag ako nang malakas niyang pukpukin ang mesa.  Galit na galit na siya.  "Putang ina, kaya ko din naman gawin ang mga ginagawa niya. Gusto mo ba mag – adik din ako para magustuhan mo?" ang talim ng tingin niya sa akin.

            "Ganyan talaga kababa tingin mo sa akin?" Hindi ko na napigil ang mga luha kong naglandas sa pisngi ko.  "Tingin mo si Victor pa rin hanggang ngayon ang gusto ko?  Hindi naman ako ganun kabobo, Nathan.  Pinapabayaan lang kita na tratuhin mo akong ganito na parang ako na ang pinaka-walang kuwentang babae dahil ito ang gusto mo.  Gusto mong makaganti sa mga ginawa ko.  I know you hate me because I didn't love you back and I chose Victor over you.  Alam ko naman na 'yan talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.  Kung bakit mo ginigipit ang pamilya namin," basag na basag ang boses ko.

"I want to see Victor dahil gusto ko siyang makausap para tigilan na niya ako," patuloy ako sa pag - iyak.  "My mom is in the hospital because he told my family that we are together again pero alam mong hindi totoo iyon.  Napakalaki na ng naging kasalanan ko sa kanila kaya ayoko ng dagdagan pa.  Galit na galit sila sa akin at hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay mommy," napasubsob na ako sa mga palad ko at doon nag-iiyak ng nag-iiyak.

Naramdaman kong may mga kamay na marahang humahagod sa likod ko.

"Fine.  We will look for Victor.  Sasamahan kita."  Iyon ang narinig kong sagot niya.

-----------------à>>>>>>>>>

Nathan's POV

            Tinunaw ang lahat ng galit na nararamdam ko nang makita kong umiiyak na si Wynna.  She looks so helpless at talagang lumalambot na ang puso ko.  I don't want to see her like this.  Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko sa sarili ko na ayoko na sa kanya, iba pa rin.  Siya pa rin talaga.

            Fuck me.  This is fucking bad.

            Wala kaming imikan ni Wynna habang bumibiyahe kami papunta ng Makati kung saan naroon ang apartment ni Victor.  Hindi ko alam ang lugar na ito at hindi ko alam na may property dito ang pamilya niya.  Pasimple kong tinapunan ng tingin si Wynna at nakita kong tahimik lang siya nakatingin sa labas.  Nag-iisip.

            Hindi na lang din ako nagsalita kahit ang dami kong gustong itanong sa kanya.  Gusto kong itanong kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin kagabi.  Bakit hindi na lang niya sinabing si Meg ang kasama niya para hindi ako nag-aalala.  Kung hindi ko pa kinulit ng kinulit si Meg, hindi naman siya aamin sa akin.

            Nakita kong isinenyas ni Wynna na lumiko kami sa pakanan sa kanto ng JP Rizal Street.  Pinahinto niya ako sa isang maliit na apartment.  Sumilip ako mula sa loob ng sasakyan at nakita kong lumang-luma na ang bahay.  Halatang hindi na name-maintain. 

            "Are you sure dito nakatira si Victor?" paniniguro ko habang bumababa ako ng sasakyan.  Bumaba din si Wynna at pasilip-silit sa loob.

            "Ito lang ang alam kong puwede niyang puntahan." Sagot niya at nagpindot ng doorbell pero hindi naman tumunog.  Hindi gumagana.

            "Mukha namang walang tao," sabi ko at sinubukang sumilip sa nakaawang na bintana doon.

            "Pumunta tayo sa isa pa niyang apartment.  Sa susunod na kanto lang," sabi niya at bumalik sa sasakyan kaya sumunod na ako.

            Katulad ng nauna naming pinuntahan, bulok na rin ang bahay na pinahintuan ni Wynna.  Agad siyang bumaba ng kotse at kumatok doon.  Halata ang inis sa bawat pagkatok niya.

            "Apartment din ni Victor ito?" paniniguro ko.

            Umiling siya.  "Sa isang kaibigan niya.  Kay Tory pero sa kanya pinapagamit.  Madalas kami dito noon.  Dito kami nagse-session," walang anuman na sabi ni Wynna at muling kumatok.  Inis pa niyang pinukpok ang pinto dahil wala naman talagang nagbubukas sa amin.

            "Shit," halatang-halata ang frustration niya dahil sa nangyayari.

            Ako ang naapektuhan sa mga sinasabi niya.  Parang balewala na lang sa kanya na sabihin sa akin ang tungkol sa addiction niya.  Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako.  Pakiramdam ko may kasalanan ako kung bakit siya napariwara.  Kasalanan ko at hinid ko siya inagaw noon para mailayo kay Victor.

            "Walang tao," malungkot na sabi ni Wynna.  "Halika na.  Umalis na tayo," nauna na siyang sumakay uli sa sasakyan.

            Halatang masama ang loob ni Wynna na hindi niya nakausap si Victor.  Para sa akin ay okay na rin ito kasi baka hindi ko na naman mapigil ang sarili ko kapag nagharap kami ng pinsan ko.  Baka magulpi ko na naman siya.

            Hindi ko na kaya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya ako na ang bumasag noon.

            "Don't mind me asking, I just want to know if you are really over with your – your –" hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin.  Napabuga na lang ako ng hangin at itinutok ang pansin sa kalsada.  "Nevermind."

            "What?  You want to know if I am over with my drug addiction?" Siya na ang nagtuloy ng gusto kong itanong.  Tumingin lang sa kalsada si Wynna bago sumagot.  "After one year of staying in rehab as a counselor, doon na ako nag – stay sa tita ko sa Camiguin.  I am clean eversince.  Ni tingnan ang bagay na iyon kahit sa t.v. hindi ko ginawa.  Sobrang pinagsisihan ko ang mga nagawa ko noon," malungkot na natawa si Wynna.  "Pinilit kong magbago.  But still, people don't seem to care and judging me because of what I did.  Ang tingin pa rin nila sa akin hanggang ngayon ay isang drug user na salot sa lipunan 'nyo."

            Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.  Nagi-guilty ako.

            "First six months in rehab was really hard.  Withdrawal from drug addiction was really painful.  Gusto ko na lang mag-suicide noon but naiisip ko ang family ko.  Sabi ko sa sarili ko pipilitin kong magbagong buhay.  I got clean in six months then I became a counselor for young troubled teens like me." Ngumiti siya.  "I was good in what I do when I was there.  Ayoko na ngang lumabas doon.  I just want to help those kids na alam kong katulad kong nagsisisi sa mga nagawa namin.  Some of those kids got out but after months, back to drug addiction na naman sila.  You know why?"

            "Why?" parang ang bigat-bigat ng dibdib ko sa mga sinasabi niya.

            "There was no support from their family for their road to recovery.  Instead na tulungan, lalo pang dina-down.  They think wala na kaming karapatang magbago.  You know, mas mataas ang suicide rates ng mga bumabalik sa rehab."

            "Jesus Christ," bahagya kong nahilot ang ulo ko sa naririnig kong sinasabi ni Wynna.

            "I thought about it.  Suicide?  Lahat naranasan ko na.  Depression.  Humiliation.  Ang tibay ko na nga," tumawa siya pero damang-dama ko ang lungkot sa tawang iyon. "Kaya 'yung mga ginagawa ni Paula sa akin?  Hindi ko na iniinda iyon."

            Nakita kong tumingin si Wynna sa akin.  "Until when akong ganito sa iyo?  I just want to know para alam ko kung kailan ako aalis. I want to go somewhere na walang nakakakilala sa akin.  Walang taong huhusga sa nakaraan ko.  Sanay na naman ang pamilya ko na wala ako sa amin. I just want a normal life like before.  Before na makilala ko si Victor.  Gusto ko ng tahimik na buhay at hindi ko makukuha iyon kung kasama ko ang lahat ng taong nagpapaalala sa akin ng nakaraan ko."

            Napalunok ako sa sinabi ni Wynna.  Naisip ko pa lang na lalayo siya ay hindi ko na yata kaya.  Kagabi pa ako hindi makatulog sa kakaisip sa kanya. 

Naramdaman kong hinawakan ni Wynna ang kamay ko nakapatong sa automtic shift ng sasakyan.  Kahit hindi ako tumingin ay alam kong nakatingin siya sa akin.

            "I'm sorry Nathan.  Alam ko hindi sapat ang isang sorry lang sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo.  You don't deserve to be treated that way.  Napakabait mo at napakasuwerte ng babaeng mamahalin mo," seryosong sabi niya sa akin.

            Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya.

            "Napakatagal kong tanong ito sa sarili ko.  Why Victor?  Why chose him kung alam mo naman ang napakapangit na kinabukasan niyang ibibigay sa iyo?"   Why didn't you choose me?  Gusto kong idugtong iyon sa sinabi ko.

            "I was young and so naïve then.  Isa akong tanga," natawa pa siya nang sabihin iyon. "I see Victor as a mysterious and different man.  Bago sa akin lahat ang ginagawa niya," napayuko siya at napailing tapos ay tumingin sa akin.  "You on the other hand, I know how sincere you are then but I took you for granted.  Masyado ka kasing mabait."

            Natawa din ako nang maalala ko ang mga ginagawa ko noon.

            "And I am crazy in love with you," parang wala sa sariling sabi ko.  Nanlaki ang mata ko namg ma-realize ko ang nasabi ko at nakita kong napakunot ang noo ni Wynna at tumingin sa akin.  "Was.  I was crazy inlove with you.  That was the past," mabilis kong pagtatama.

            Nagkibit-balikat lang si Wynna at tumingin ulit sa kalsada.

            "What if Victor comes back and he wants to be with you again?" Ito ang gusto kong malaman kung ano ang sagot niya.

            "If I can turn back the clock, si Victor ang unang – una na buburahin ko sa nakaraan ko.  Kung babalik man siya ngayon, wala na siyang puwang sa buhay ko." Matigas na sagot ni Wynna.

            Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitawan at nagpagaang iyon ng damdamin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top