chapter twenty-five
Wynna's POV
Wala din namang nangyari sa lakad ko ngayon. Hindi ko rin natagpuan si Victor sa lahat ng naisip kong lugar na puwede niyang puntahan. Kung meron mang naging medyo okay, medyo bumait sa akin si Nathan. Hindi na siya masungit at kinakausap na niya ako.
"Puwede ba akong magtanong?" naglakas na ako ng loob magtanong sa kanya kasi mukhang maganda naman ang mood niya.
Tumingin siya sa akin tapos ay muling itinutok ang pansin sa kalsada. Hindi agad ako nakapagsalita kasi nakatitig lang ako sa mukha niya. Guwapo din talaga si Nathan. Mas guwapo siya sa personal kesa doon sa billboard na nakita ko sa EDSA. Bagay na bagay sa kanya ang morenong kulay. Prominent na prominent ang chiseled jawline niya na lalong dumagdag sa sexy feature ng mukha niya.
Muli siyang tumingi sa akin at napakunot ng noo. "You want to ask me something?"
Shit. Ano ba, Wynna? Saway ko sa sarili ko.
"Gusto ko lang itanong kung hanggang kailan ba ako sa bahay mo?" alanganin akong ngumiti sa kanya.
"Why? You want to go home?" balik-tanong niya.
Umiling ako. Hindi naman ako puwedeng umuwi sa amin dahil galit sa akin ang kapatid ko at daddy ko.
"I just want to know kasi ayoko naman na magkaroon kami ng issue ni Paula. Alam mo naman we are not in good terms noon pa."
Napa-ehem si Nathan at napahinga ng malalim.
"I have this project in the office na kailangan ko ng assistant. I don't want you to be the helper in the house kasi nagagawa naman ni Manang iyon. She decided not to go to her vacation kaya balik na naman siya sa bahay. Do you know basic computer?"
Tumango ako.
"Great. Then you can help me with this. This is just an easy work. Encoding, typing some stuff like that and you can work at home." Sabi pa niya.
"Sa bahay mo pa rin?" paniniguro ko.
"Bakit? May gusto ka pang ibang bahay?"
Ngumiti ako ng alanganin. "Kasi nga baka mag-clash na naman kami ni Paula. Saka ano ba ang plano mo sa utang ni kuya? What kind of terms do you want para mabayaran ka namin?"
Sumeryoso ang mukha ni Nathan. "You really want to go." Napahinga siya ng malalim. "Okay. Kung halimbawa na pinayagan na kitang umalis sa akin, where do you plan to stay? Kay Meg? She is living with her parents. Sa una, okay lang makitira but after a few months? Mararamdaman mo na rin na mananawa sila sa iyo. Trust me, I know that. I've been there. You cannot go home because your family still hates you. Last resort, kay Victor?"
"Alam mo namang iniiwasan ko si Victor." Sagot ko. Inis ko siyang inirapan. Bakit ba hindi niya sagutin ng diretso ang mga tanong ko sa kanya. Magtatanong ako tapos ibabalik din niya ang tanong sa akin.
"Kaya nga? Where do you plan to go?" Seryosong-seryoso ang mukha niya.
Wala akong maisagot sa kanya kasi hindi ko naman alam kung saan talaga ako pupunta kapag umalis ako sa poder niya.
"If you stay with me, I can give you a job without going out."
"Paano si Paula?"
"What is the problem with Paula?"
"Nakita mo naman na nag-away na kami kahapon. She never likes me."
"Huwag mo ng isipin si Paula. Stay in my house then if everything is okay, I let you go home." Muling itinutok ni Nathan ang atensyon niya sa pagda-drive.
"You're not mad at me anymore?"
Napahinga ng malalim si Nathan at nakita kong kumunot ang noo habang nakatingin sa labas. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita kong may isang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay niya.
"Nandiyan yata si Paula." Komento ko ng huminto kami sa gilid ng bahay niya.
"That's not Paula's car," seryosong sagot niya at pinatay niya ang makina ng sasakyan tapos ay bumaba kaya bumaba na rin ako.
"May bisita ka? Teka, wala yata si Manang mag-aayos ako sa kusina," sabi ko at nagpauna ng pumasok sa bahay niya pero pinigilan niya ako. Taka akong napatingin sa kanya.
"Bakit?" taka ko.
Walang imik na binuksan ni Nathan ang gate at tuloy-tuloy na pumasok. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob. Pagbukas ng pinto ay naabutan namin sa sala ang kaibigan niyang si Sean na nakaupo sa sofa. Sa kaharap nitong mesa ay may bungkos ng bulaklak at basket ng chocolates.
"Nate!" agad itong tumayo nang makita kami taposg lumapit kay Nathan at yumakap. "I let myself in. Nandito kanina si Manang your other helper and nakilala naman niya ako kaya pinatuloy na niya ako." Tumingin sa gawi ko si Sean at ang ganda ng ngiti sa akin tapos ay dinampot at bungkos ng bulaklak at basket ng chocolates tapos ay ibinigay sa akin.
"Ano 'to?" naguguluhan akong tumingin kay Nathan tapos ay sa kaibigan niya.
"For you. I hope you like roses." Nag-aalalangang sabi niya.
Napalunok ako at napatingin ako kay Nathan. Seryosong-seryoso lang ang mukha niya at nakikita kong nagtatagis ang bagang niya. Nagagalit siya na nandito ang kaibigan niya? Shit. Alam ko na. Nagagalit siya kasi tingin niya inaakit ko ang kaibigan niya. Mabilis kong ibinalik kay Sean ang mga bigay niya.
"What's wrong? These are for you. Bigay ko." sabi niya sa akin at tumingin kay Nathan. "Nate, something wrong? I just want to give her these presents. You told me I can visit her anytime."
Napahinga ng malalim si Nathan. "Tanggapin mo na. Bigay niya 'yan sa 'yo." Sabi niya sa akin. "I'll go upstairs. Ikaw na muna ang bahala sa bisita mo." Binalingan niya si Sean. "Bro, I am so sorry. My head is killing me. Si Wynna na ang bahala sa 'yo." Tinapik lang niya ito sa balikat tapos ay iniwan na kami at tuloy-tuloy na umakyat.
Sinundan ko lang ng tingin si Nathan. Okay naman siya kanina, ah. Bakit bigla na lang sumakit ang ulo niya?
-----------------
Nathan's POV
Kahit gusto kong ibalibag ang pinto ng kuwarto ko at dahan-dahan ko iyong isinara. Pinipigil ko ang inis na nararamdaman ko. Talagang tinototoo ni Sean ang sinabi niya sa akin. Akala ko lasing ang gago pero 'tang ina. May bulaklak at chocolates pa? Hindi naman marunong manligaw iyon. Babae ang nanliligaw sa kanya. Babae ang nagbibigay ng bulaklak at chocolates sa kanya kaya bakit siya nag-aaksaya ng ganoon para kay Wynna?
Painis akong humila ng t-shirt at pinalitan ko ang suot kong polo. Nakiramdam ako bago ako bumaba. Nakita ko silang naroon pa rin sa sala kaya dahan-dahan akong nagpunta sa kusina. Ayokong malaman nila na nandoon ako.
"Nag-abala ka pa sa mga bulaklak. Hindi naman kailangan 'to," narinig kong sabi ni Wynna.
"Why? You deserve those flowers. You liked it? Are roses your favorite?" masayang-masaya ang boses ni Sean at ikinaiinis ko iyon.
"Hindi lang ako sanay. Wala naman kasing nagbibigay ng bulaklak sa akin."
Kumunot ang noo ko. For real? I gave her flowers back then pero itinatapon niya lang sa basurahan.
"Really? Your ex-boyfriend didn't give you flowers?" tanong pa ni Sean.
"No." maikling sagot niya. "Hindi naman ako dapat pinag-aaksayahan bigyan ng ganyan. Hindi mo ito dapat ginagawa sa akin. Alam mo kung anong klaseng babae ko. Paula told you everything kaya bakit nandito ka?" seryoso na ngayon ang tono ni Wynna.
Tumayo ako at sumilip para makita ko sila sa sala. Sean was just looking at Wynna.
"What happened in your life, I don't care about that. You made mistakes? Who hasn't? Why do you let people affect your life now? Show them that you changed and move on. Don't let people step on you because even if you did the most hideous things, you are still human and you deserve to be respected in any way." Nakita kong hinawakan ni Sean ang kamay ni Wynna at para yatang uminit ang ulo ko at gusto ko silang sigurin at paghiwalayin.
Ngumiti si Wynna na parang natuwa siya sa sinabi ni Sean.
"You are the first person that said good things to me. Thank you." Kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Wynna sa mga uplifting words ni Sean. Napakagaling talagang mambola sa babae ng kaibigan kong ito.
"Kaya huwag mong papansinin ang mga sinasabi ng ibang tao sa iyo. Just focus on your new life. New life, new beginning and you need new people to uplift your spirits too." Sabi pa ni Sean.
I saw Wynna smiled at Sean. Nakita ko na noon ang ngiting ito ni Wynna. Everytime na makikita niya si Victor ganito kaganda ang ngiti niya and she never smiled like this to me. Lumabas ako ng kusina at pinuntahan sila. Agad na nag-iba ang mukha ni Wynna nang makita ako.
Nag-aalala. Natataranta.
"Bro, wala ka man lang bang pa-meryenda sa akin?" natatawang sabi sa akin ni Sean.
"Ano ba ang gusto mo? Marami akong beers sa ref." naupo ako sa sofa na nasa harap nila kaya kita kong lalong naasiwa si Wynna.
"Kung ikaw ang pinuntahan ko dito, beer ang hahanapin ko. Pero siya ang binisita ko," tumingin siya kay Wynna. "Baka puwedeng ma-invite mag-dinner sa labas si Wynna."
Tiningnan ko si Wynna at hinintay ko ang isasagot niya.
"Hindi ako puwedeng lumabas. Marami pa akong gagawin." Tingin ko ay nabasa na ni Wynna na hindi naman ako papayag.
"See? Sabi ko sa iyo mag-inom na lang tayo." Pinakita ko kay Sean na mas gusto ko talagang kainuman siya.
Napailing lang ang kaibigan ko at natawa. "Fine. Nagbakasakali lang ako. Hindi rin naman ako magtatagal talaga. Idinaan ko lang ang mga bigay ko sa kanya. I still have a meeting with Dante and I remember kasama ka sa susunod na launching ng underwear line niya."
"I told Dante I am out. Modelling is not for me," sabi ko.
"You better talk to him, man. He is expecting you to be there." Tumayo na si Sean at humarap kay Wynna na tumayo din. "I'll see you again, okay? Remember what I told you. Smile and hold your head high."
Automatic na kumuyom ang kamay ko ng makita kong hinalikan ni Sean sa pisngi si Wynna tapos ay humarap siya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"I'll drop by again one of these days. What is your favorite flower?" baling niya kay Wynna.
"Lilies." Sagot ni Wynna.
"I'll keep that in mind. See you again." Kumaway pa sa akin si Sean ng tunguhin ang pinto.
Walang nagsalita sa aming dalawa ni Wynna ng makalabas si Sean pero alam kong ramdam niya ang tensyon sa aming dalawa.
"Magluluto lang ako," siya na ang nagsalita at dinampot ang mga bulaklak at chocolates na bigay ni Sean.
"Don't bother. Magbihis ka. Aalis tayo. We'll leave in thirty minutes," sabi ko at umakyat ako sa kuwarto ko para maligo at magbihis.
She likes lilies? Alright. I'll give her lilies.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top