Chapter twenty eight

Wynna's POV

Pareho kaming nakikinig ni Sean sa mga sinasabi ng doktor tungkol sa kalagayan ni Nathan. Severe allergic reaction to dairy products daw ang nangyari sa kanya. Parang katulad sa mga may peanut allergy ang kaibahan lang, sa mga dairy product siya may allergy. Sabi ni Sean, katulad din ito ng nangyari kay Nathan noon. Nataranta talaga ako nang makita ko siya na namamaluktot sa kuwarto niya at talagang hindi na kaya ang nangyayari sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi pa nakakalayo si Sean nang tawagan ko at nakabalik ito agad. Kaming dalawa ang nagdala sa ospital.

"For now, we gave the medicines that he needs and he will be okay. We will observe him for a couple days then kung wala ng adverse reactions, he is good to go home," sabi pa ng doktor.

Nagkatinginan kami ni Sean at nginitian ko ang doktor. "Salamat po." Inihatid ko pa siya sa may pinto.

Pareho kaming napatingin ni Sean sa natutulog na si Nathan. Kalmado na siya ngayon. Normal na ang paghinga at mahimbing ang pagtulog. Okay na rin ang kulay niya. Hindi tulad kanina, nakakatakot talaga. Tingin ko, para na siyang mamamatay.

"See what happened?" naiiling na sabi ni Sean. "What kind of stupid stunt was he trying to prove?" Seryosong sabi nito.

"Okay na naman siya kaya hindi na natin kailangan na mag-alala." Sabi ko.

"Are you going to be okay here? I need to go back to the office," sabi niya sa akin.

Tumango ako. Wala naman ibang magbabantay kay Nathan kundi ako.

"May utang kang date sa akin, ha? Paglabas ng siraulo na 'yan kailangang magkaroon ka ng mahabang off para masulit naman natin." Natatawa na siya ngayon.

Natawa din ako. Humalik pa sa pisngi ko si Sean bago tuluyang umalis.

Napahinga ako ng malalim at muli kong tiningnan si Nathan sa kama. Lumapit ako at lalo pang tiningnan ang mukha niya. Guwapo na talaga siya ngayon. Kahit natutulog, parang nang-aakit pa rin ang itsura. Ano nga kaya ang nangyari sa akin sa kung siya ang sinagot ko noon at hindi si Victor? Napatawa ako. Sigurado ako boring. Kasi tingin ko noon sa kanya boring na tao. Mababaw ang pagtingin ko sa pagkatao ng isang taong tulad niya. Mas tumitingin ako noon sa superficial things. Kung guwapo, mayaman, sikat, magaling pumorma. Lahat ng mga qualities na dala ni Victor kahit na alam kong hindi naman maganda ang pagkatao niya.

Pero nagbabago naman ang tao. Tulad ni Nathan. From simple, plain looking guy back then, ibang-iba na ang pagkatao niya ngayon. Handsome, sexy, authoritative, plus factor pa ang pagiging matalino. Napakagat-labi pa ako habang pinagmamasdan ang mapupula niyang labi. Masarap kaya siyang humalik kung normal na paghalik lang? Kasi naalala ko last time 'nung hinalikan niya ako galit na galit siya sa akin. Namaga pa nga ang labi ko at nasugatan. Napangiwi ako. Malabo ko naman matikman 'to. This is exclusively for his girlfriend. For Paula.

Lumayo ako sa kanya at naupo sa couch na naroon sa isang sulok. Nanatili akong nakatingin kay Nathan. May gusto pa kaya siya sa akin? Pero ako na rin ang sumagot sa sarili ko. Malabo na iyon. Nandito lang ako kasi gusto niyang gumanti. Harapan naman niyang ipinapakita sa akin na si Paula talaga ang gusto niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Sayang kasi ayoko mang aminin pero para nafo-fall na ako sa kanya. Kahit madalas hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin. Bobo talaga ako pagdating sa pag-ibig. Napakarunong ko sa academics pero pagdating sa lovelife, bokya ako lagi. Laging maling desisyon, maling lalaki ang minamahal.

Dinampot ko ang telepono ko at nakita kong may mga text messages sa akin si Meg. Ipinapaalam lang niya sa akin na nakalabas na daw ng ospital si mommy. At ipinaparating din niya sa akin na naka-kulong daw ngayon si Victor. Hindi ko alam kung relief ang naramdaman ko dahil sa nalaman ko. At least alam kong hindi na niya ako guguluhin.

Napako ang tingin ko sa pinto nang biglang bumukas iyon at si Paula ang dumating. Parang hindi niya ako nakita doon dahil dire-diretso siyang pumasok at agad na lumapit kay Nathan.

"Nate? Nate, baby. Wake up. Are you okay?" Walang tigil sa paghaplos si Paula sa mukha ni Nathan. Nakatingin lang ako sa kanya. Kung puwede ko lang hilahin ang mahaba niyang buhok na naka-ponytail ay ginawa ko na. Parang tanga. Hindi ba niya naisip na natutulog at nagpapahinga ang boyfriend niya? Nagre-recover tapos walang-abog niyang gigisingin?

"Baby? Come on. I am here. Wake up," bahagya pa niyang tinatapik ang pisngi ni Nathan.

"Hindi siya magigising. May halong pampatulog ang pampakalma na ibinigay sa kanya," hindi ko na natiis na hindi magsalita.

Lumipad ang tingin sa akin ni Paula at nakita kong sumama ang mukha niya nang makita ako.

"What are you doing here?" mataray niyang sabi sa akin at tinanggal ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat niya at ibinato sa couch na inuupuan ko. Muntik pa akong tamaan.

"Kami ni Sean ang nagdala dito sa kanya," hindi ko na lang pinansin ang tanong niya.

Napatawa siya ng nakakaloko.

"Wow. Si Sean talaga? So feel na feel mo naman na may gusto sa iyo si Sean?" Sarcastic na sabi niya.

"He is just a friend. Walang malisya ang pakikipagkita niya sa akin." Malumanay kong sagot.

"Anong walang malisya? Lahat may malisya sa iyo, Wynna. Bakit? Tingin mo seryoso siya sa iyo? Tingin mo may lalaki pang magseseryoso sa iyo? Do you even know the reason why you're with Nathan?" nakakainis ang ngisi sa mukha ni Paula. Parang gusto kong burahin ang mukha niya sa pamamagitan ng kalmot. Pero pinipilit kong maging kalmado. Hindi ako papatol.

"Alam ko ang lugar ko, Paula. I am just a helper. Helper na walang suweldo, helper na taga-sunod sa mga gusto ng boyfriend mo. If you are annoyed with me, why don't you tell him na paalisin na ako? I mean, may ibang means naman siguro para mabayaran namin siya. Makakagawa ng paraan ang kuya ko." Hindi ko siya papatulan pero hindi ako magpapa-api sa kanya.

"And how are you going to pay? Your business is on edge of bankruptcy. Alam mo naman iyon. Kasi naman, grabe naman talaga. In our family sila Tita Julia and Tito Paking ang pinaka-mabait. Hindi ko lang maintindihan kung bakit biniyayaan sila ng mga walang kuwentang anak na tulad 'nyo ni Wesley." Inirapan pa niya ako ng sabihin iyon.

"Nagkamali ako, Paula pero pinagsisihan ko iyon. Nagbago ako. May karapatan akong magbago at magkaroon ng maayos na buhay," bahagyang nanginig ang boses ko kasi gusto kong maiyak. Naaawa ako sa sarili ko kasi ito na naman. Nakakaramdam na naman ako ng self-pity.

Tumawa siya. "You think? Girl, ang mga katulad mong addict wala ng pagbabago. Baka kapag pinakitaan kita ng drugs magkandarapa ka pa. Just like before. You even use your body para lang makagamit ka ng drugs." Nakakainis ang mukha niya. Gusto kong lamukusin. "Did he fuck you already?"

Mabilis akong lumapit kay Paula at malakas ko siyang sinampal. Nagulat siya sa ginawa ko at ang sama ng tingin niya sa akin habang hawak ang pisngi niya.

"You bitch!" galit na galit na sigaw niya at akmang susugurin ako pero mabilis kong hinawakan ang mga kamay niya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko kasi lumalaban ako sa kanya.

"I let you treat me like a trash all the time pero may hangganan iyon. So what if I was an addict? Ang mahalaga nagbago ako at pinipilit kong bumangon kaya ang mga katulad mo na sumisira sa self-worth ng katulad ko, hindi ko na papayagan na tapak-tapakan ang pagkatao ko. Lalaban ako sa iyo, Paula. You don't want to see my other side." Matigas kong sabi sa kanya at itinulak ko siya sa kama ni Nathan. "Magsama kayo ng syota mo." Tinabig ko pa siya para makadaan ako at mabilis akong lumabas ng kuwarto.

Nasa labas na ako ay naririnig ko pa ang malalakas na pagsigaw ni Paula. Napasandal ako dingding at napapikit. Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko.

-------------à>>>>>>>

Nathan's POV

Shit.

I did it again. Pagmulat ko ng mata ay ang tubes ng swero na nakakabit sa braso ko ang nakita ko. Sigurado na ako, nandito na naman ako sa ospital dahil sa cheese allergy ko.

Akala ko okay lang pero grabe kagabi. I think I passed out. LBM tapos parang walang katapusang pagsusuka? Fuck that cheese tart. Stupid things I do for love.

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Did I really say that? Shoot. Ito na naman ako. Ayoko ng ma-inlove uli kay Wynna. Ayoko ng masaktan uli ng todo.

"Thank god you're awake."

Hinanap ko kung sino ang nagsalita. Nakita kong nakaupo si Paula sa couch at ang sama ng tingin sa akin. Napakunot ang noo ko sa nakita ko ang itsura niya. Namumula ang pisngi niya, may putok ang labi niya na parang sinuntok, pati ang mata niya ay namamaga din na parang magkaka-blackeye.

"What happened to you?" Pinilit kong bumangon kahit na masakit pa ang tiyan ko.

"What happened to me?" Galit na sagot niya at tumayo tapos ay lumapit sa akin. "That stupid Wynna did this to me!"

"What?" Hindi ako maniwala sa sinabi niya. Hindi bayolenteng tao si Wynna.

"I told you paalisin mo na siya. She is just ruining our lives," sabi ni Paula.

"Pau, she got nowhere else to go. And hindi niya magagawang manakit," napangiwi ako nang bahagyang humilab ang tiyan ko.

"Who cares? Problema na niya kung wala siyang mapuntahan. I don't want to see her in your house when I come back. I need to fly to Hongkong just to fix my face na sinira ng babaeng iyon. I will sue her. Just fuck her when you have the chance then send her away. You don't want to mess with me, Nate." Nagbabantang sabi ni Paula. Inis nitong kinuha ang bag sa couch at walang sabi-sabing iniwan ako.

Agad kong hinanap ang telepono ko at nakita kong nakapatong iyon sa bedside table. Tinawagan ko si Wynna. Ang tagal bago niya sagutin ang tawag ko.

"Where are you?" iyon agad ang bungad ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Mga mahihinang singhot lang ang naririnig ko.

"Wynna, where the hell are you?"

"Nandito ako sa canteen ng ospital." Bahagyang nanginginig ang boses niya.

"Come back in my room. We need to talk."

"Baka nandiyan pa si Paula. Ayoko ng gulo."

"She's gone. After what you did to her? Bakit mo siya sinaktan?"

Hindi sumagot si Wynna.

"Basta pumunta ka na dito. Ngayon na. Mag-uusap tayo." Pinatayan ko na siya ng telepono. Parang nanghihinang napahiga ako sa kama ko. Parang hindi na lang yata tiyan ko ang sumasakit ngayon. Pati ang ulo ko ay sumasakit na rin dahil sa nangyayaring ito sa akin. All I want was just to take revenge of what she did to me. I just want her to experience all the humiliation, all the pain that she gave me. Pero iba na 'to and I hate this feeling that was coming back.

Minutes have passed, then became hours pero walang Wynna na dumarating dito sa kuwarto ko. I tried to dial her number again but its unattended. She turned it off. Saan na naman kaya siya nagpunta?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top