chapter twenty
Nathan's POV
"Who's your chick?" si Sean ang narinig kong nagtanong noon nang bumalik ako sa sala.
Tiningnan ko lang siya tapos ay kinuha ko ang laptop ko at binuksan. I know that tone. Mahilig sa babae ang mga kaibigan ko na 'to at siguradong hindi nakaligtas sa kanila si Wynna. Kung bakit naman kasi ganoon ang suot niya. What was she thinking wearing a short-shorts and a sando? Kulang na lang maghubad siya sa harap namin?
"Hey, I was asking you who's the chick?" ulit ni Sean. Natatawa si Sean at halatang naghihintay din ng sagot ko.
"My helper." Maiksing sagot ko. Imposibleng magustuhan ni Sean ang isang katulad ni Wynna kung sasabihin kong helper ko siya. I know his women. Models, executives, actresses. Hindi niya gusto si Wynna. Nagti-trip lang siya.
Tawanan silang dalawa. "Fuck off. Helper? Alam ba ni Paula na meron kang magandang helper dito?" Sabi ni Sean.
Ngumiwi lang ako at napakamot ng ulo. Parang nagkamali pa yata ako na pumayag akong dumito kami mag-inuman ng mga 'to.
"She is just my helper," pagdidiin ko at ipinakita ko sa kanila ang mga proposals na bigay ng staff ko. Ayokong pag-usapan pa namin si Wynna. "Take a look at this first. Let me know your insights about this ad campaigns." Gusto ko ng maiba ang usapan namin.
"That ad campaigns can wait. And gago ka. Ang ganda ng helper mo kaya huwag mong solohin." Lumapit pa sa akin si Sean. Seriously, pare. Who is she? She is pretty and I know she is not a maid. Pakilala mo naman ako," pangungulit pa ni Sean.
"Nate, ipakilala mo na 'yan. Alam mong hindi ka tatantanan niyan," natatawang sabi ni Denny.
"Maraming kaibigan na models si Paula na puwede kong ipakilala sa iyo. Bro, huwag na 'yang si Wynna. Baka mawalan pa ako ng helper dito sa bahay. Mahirap maghanap. And besides, pinagsawaan na 'yan ni Victor." I want them to know what kind of past Wynna had para mawalan na sila ng interes. Ngayon pa lang ay naiinis na ako dahil nakikita kong talagang interesado si Sean.
Nagtinginan si Denny at Sean tapos ay nagtawanan. Hindi ako sumabay sa tawanan nila dahil walang nakakatawa sa sinabi ko.
"Victor? Your cousin? They had history? Who cares? Once I like a girl, I don't care kung ano pa ang nakaraan niya," sabi sa akin ni Sean. "Nate, laking Amerika ako. Kahit sabihin mong may anak 'yan, once I like her, hindi ko 'yan tatantanan."
Ang lakas ng tawa ni Denny. "Bro, he is god damn serious. You better let him meet your helper. Hindi ka titigilan niyan."
Parang wala naman akong magagawa dito. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nagpalit na ng damit si Wynna. At least she is decent now wearing a not so short shorts and a loose shirt. Pero kahit na. Nakakainis pa rin kasi nagmamalaki pa rin ang malulusog niyang dibdib sa maluwag na t-shirt na suot niya.
"Stay for a while," sabi ko sa kanya ng mailapag ni Wynna ang hawak na tray. "This is Denny and this is Sean."
Kumaway lang si Denny at si Sean ang kumuha sa kamay ni Wynna para kamayan at hindi ko alam kung bakit parang umakyat ang dugo sa ulo ko at gusto kong suntukin si Sean.
"Nice meeting you, Wynna." Titig na titig si Sean kay Wynna and I know that fucking look. He is lusting for her.
"Go back in the kitchen. Tulungan mo si Aling Marissa," pagdi-dismiss ko sa kanya. Kilala ko si Sean. Kapag may babaeng ginusto ito, hindi ito titigil hangga't hindi niya nakukuha o natitikman. At ngayon, tingin ko ay interesadong-interasado siya kay Wynna.
"S – sige. Nice meeting you," sagot ni Wynna at tumalikod na sa amin.
"Wait. Why don't you stay here para magka-kuwentuhan naman tayo?" Ang ganda ng ngiti ni Sean.
Naguguluhang napatingin sa akin si Wynna.
"Marami pa kasi akong gagawin. Sige," paalam niya. Siguro ay nahahalata niyang hindi na maganda ang timpla ko.
"May isa pa naman na helper si Nathan and I'm sure he wouldn't mind," sabi ni Sean at tumingin sa akin. "It is okay 'di ba, pare?"
Napipilitan akong ngumiti at tumango. Sinenyasan ko si Wynna na maupo sa tapat ni Sean. Wala naman na akong magagawa dito.
-------------------->>>>>>>>>>>
Wynna's POV
"So? What it's like living with the bachelor Mr. Nathan Arevalo?" nakangiting tanong ng lalaking Sean ang pangalan sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Naaasiwa kasi ako dito. Alam ko naman na nagagalit si Nathan dahil nandito ako at kasama pa ang mga kaibigan niya.
Napatingin ako sa gawi ni Nathan at nagsisi ako kung bakit ko pa ginawa iyon. Nakatingin din kasi siya sa akin pero blangko ang expression ng mukha niya at mas natatakot ako doon. Mas gusto ko pang ipinapakita niya sa akin na galit siya o kaya ay masungit sa akin at least alam ko kung paano ko igagalaw ang sarili ko. Pero hindi ito. Mas nakakatakot ito.
Sigurado akong matinding away na naman ang gagawin ni Nathan pagkatapos nito.
"I – It was nice meeting you. Marami pa talaga akong gagawin sa loob," sabi ko at tumayo na.
"No. Stay here. Kaya na lahat ni Aling Marissa ang mga gawain doon," seryosong sabi in Nathan.
Shit. Kahit labag sa loob ay napilitan akong maupo ulit.
"Easy," nakangiting sabi ni Sean sa akin at hinawakan pa ang kamay ko. Muli akong napatingin sa gawi ni Nathan at kita ko ang talim ng tingin niya sa akin pero agad din nagbago ang anyo nang tumingin si Sean. "Hindi ako nangangagat. Si Nate lang ang gumagawa noon."
Patay-malisyang binawi ko ang kamay ko at alanganing ngumiti.
"So, you're really a helper here?" Paniniguro pa ni Sean.
Tumango ako.
"For real? I don't believe it. With your beauty, you can be a model too like him. Do you want? I can help you," sabi pa ni Sean.
Umiling lang ako. "Okay na ako dito." Nakayukong sagot ko.
"Bro, mukhang matindi ang bakod mo sa helper mo, ah. How much do you pay her and I'll make it double para sa akin na lang siya magtrabaho?"
Nakita kong ngumiti ng pilit si Nathan. Halatang napipikon sa sinasabi ng kaibigan niya.
"Tell me, hindi ka pa ba inaaswang niyang si Nathan?" 'yung lalaking Denny ang nagsabi noon.
Umiling lang ako.
Natigil ang pag-uusap nila nang pare-pareho kaming mapatingin sa pinto dahil sa biglang pagbukas noon at pumapasok si Paula. Nakita kong tumaas ang kilay niya nang makita kong nakaupo doon kasama ang mga kaibigan ni Nathan. Ang sexy niya sa suot na short-shorts at plunging neckline sando. Bakit ganoon? Galit na galit si Nathan sa suot ko kanina samantalang mas disente pa iyon sa suot ni Paula ngayon. Tingin ko ay okay na okay lang sa kanya na halos hubad na ang itsura ni Paula sa harap namin. Nasaan naman ang hustisya?
"Wow! Kaya pala enjoy na enjoy ang mga boys dahil may ka-table pa kayo, ha?" sabi nito nang makalapit. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng pinsan ko at humalik ito sa pisngi ng dalawang bisitang lalaki tapos ay hinalikan sa labi si Nathan.
Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay parang kinurot ang puso ko sa ginawang iyon ni Paula. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi mainggit sa kanya. Kasi noon ako ang pinag-aalayan ng pag-ibig ni Nathan. Handa siyang ibigay ang lahat sa akin pero itinapon ko lang. Ngayon, ang pagtrato niya sa akin ay kabaligtaran ng lahat ng magagandang ginagawa niya sa akin noon. Ang suwerte ni Paula. Alam ko kung paano magmahal si Nathan. Bigay todo sa lahat.
Doon na ako tumayo. Hindi naman na ako kailangan dito.
"Sige. Nice meeting you all," paalam ko.
"You're going? Nate said you can stay," halatang ayaw ni Sean na umalis ako.
"Marami pa talaga akong gagawin. Nice meeting you." Tinalikuran ko na sila kahit naririnig kong nagpo-protesta si Sean kay Nathan. Sinasabing huwag muna akong paalisin doon.
Hindi pa man ako nakakalayo ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Paula. Parang halatang gustong iparinig sa akin ang anumang sasabihin niya.
"You like her, Sean?" Ang lakas ng tawa niya. "Did she tell you that she was Victor's ex? You know Victor 'yung cousin ni Nathan? Pinagsawaan niya 'yan. I don't know for how many months. And she is a drug addict, too. Sobrang talamak. Kakalabas nga lang niya ng rehab few weeks ago. And itinakwil na siya ng family niya kaya naging helper siya ni Nathan. Alam 'nyo naman ang boyfriend ko mahilig tumulong sa mga kuting na nawawala," narinig niyang sabi ni Paula.
Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko habang pabalik ako sa kusina. Gusto kong bumalik sa kanila at itama ang mga kasinungalingan ni Paula. Pero naisip ko, para ano pa? Pagbali-baligtarin ko man, iisa lang ang katotohan doon. I used to be a drug user, an addict at kahit kailan, hindi na iyon mababago sa paningin ng mga tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top