chapter twelve

Wynna's POV

            Ang kanina na masayang kasiyahan sa bakuran namin ay napalitan ng tensyon dahil sa nangyaring gulo kay Nathan at kuya Wesley.  Maagang nahinto ang celebration nila mommy and nakiusap na lang si Uncle Felix sa mga bisita na umalis na lang at pinauwi ang lahat ng mga pagkain.  Nanatili na lang kaming pamilya sa loob ng bahay para mapag-usapan namin ang gulo na nangyayari sa pamilya.

            Mom is okay now.  Nahimasmasan na siya dahil sa nangyari pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.  Naroon sila lahat sa sala.  Si dad, si mommy, si Uncle Felix at si kuya Wesley.  Hindi na ako sumama doon.  Nanatili lang ako sa front porch kasama si Meg at nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

            Napapapitlag ako sa bawat pagsigaw ni daddy.  Galit na galit talaga siya.  Pakiramdam ko ay ibinabalik ako noon, 'nung mga panahon na galit na galit siya sa akin.  Grabe ang panenermon niya kay kuya. 

            "What have you done, Wesley?  Kaya pala nauubos ang mga kotse natin dahil ibinibenta mo.  Tapos ibinenta mo pa ng tuluyan ang nag-iisang negosyo na pinagkukunan natin ng kabuhayan?  I built that with myself!" malakas na sigaw ni dad.  Napatingin ako kay Meg at ngumiti lang siya ng mapakla sa akin.  Nahihiya kasi ako sa kanya at naririnig niya ang problema namin.

Nakita kong nakayuko lang si kuya Wesley at iiling-iling.

"Kailan ka pa natutong magsugal?  Kailan pa?  At kailan mo balak sabihin sa amin na lulong na lulong ka na sa pagsusugal?  Kailan mo sasabihin sa akin na pati ang ikinabubuhay natin ay ibinenta mo na?!" Nanlalaki ang mata ko ng malakas na suntukin ni daddy si kuya.  Bagsak sa lapag si kuya at mabilis na umawat si Uncle Felix.

            "Paquito, tama na.  Pag – usapan natin ang problema.  Hindi maaayos ito sa ganito," sabi ni Uncle habang inaawat si daddy.  Naaawa ako kay mommy kasi wala siyang magawa at iyak lang siya ng iyak.  Gustong-gusto ko siyang lapitan pero minabuti kong manatili na lang malayo sa kanila.  Alam ko naman na sariwa pa rin sa pamilya namin ang mga nagawa kong pagkakamali at ayoko ng makadagdag pa iyon sa nangyayaring problema ngayon.

            Pinilit magpa-kalma ni daddy at humarap kay Uncle Felix. 

"What are our chances?  Makukulong ba ang gago na 'yan?" Ang sama ng tingin ni dad kay kuya.

            "Hindi ko alam.  Pero kasi may mga cheke na ini-issue si Wesley.  Ang problema, walang pondo ang mga cheke niya.  Bouncing checks and estafa ang puwedeng i-kaso sa kanya.  I am suggesting to talk to Nathan and makipag-settle na lang." sagot ni Uncle.

            "Hindi ko alam kung makikipag – usap pa ang tarantadong iyon," sagot ng daddy.

            "I'm going to pay that.  Pabayaan 'nyo na akong sumulusyon sa problema ko," narinig kong sabi ni kuya.

            "At paano ka magbabayad?  Baong na baon ka sa utang.  Fifteen million, Wesley.  Saang kamay ng diyos natin kukunin ang perang 'yan?  Kahit ibenta natin 'tong bahay, kulang na kulang na pambayad ito sa utang mo." nagngangalit ang mga panga ni daddy sa sobrang galit.

            "Ako na ang bahalang gumawa ng paraan.  Huwag na kayong dumamay sa problema ko." Halatang iritang-irita na si kuya.

            Napahinga ako ng malalim at tumayo ako.

            "Saan ka pupunta?" takang tanong ni Meg.

            "I'll try to help," sabi ko at pumasok sa loob.  Tiningnan lang ako ni daddy at napailing.  Bumaling ako sa kapatid ko.  "K-kuya, I know Nathan.  Puwede ko siyang kausapin para –"           

            "Shut up!" napaatras ako sa lakas ng sigaw niya sa akin.  "Wala kang alam sa mga nangyayari sa pamilya namin." Humarap si kuya sa magulang namin.  "Hindi 'nyo ba naiisip kaya nagkaka – leche – leche ang buhay natin dahil pinabalik 'nyo pa ang Wynna na 'yan?  Maayos na tayo na wala siya.  Kahihiyan lang siya sa pamilya," galit na sabi ni kuya.

            Malakas na suntok muli ang dumapo sa mukha ni kuya.  Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan dahil nabigla ako sa sinabi ni niya. 

            "Huwag mong sisihin ang ibang tao sa mga kalokohang ikaw naman ang may gawa!" sigaw ni dad.

            "This is bullshit.  After what she did, okay pa rin sa inyo?  Nakalimutan 'nyo na ba ang kahihiyan na ibinigay niya sa pamilya natin?  Halos lumakad tayo ng walang ulo dahil sa kahihiyan na ibinigay niya?  Magnanakaw?  Adik?" galit na galit si kuya sa akin.

            Hindi ko namalayan na naglalandas na ang mga luha ko sa pisngi pero mabilis kong pinahid iyon.  Yumuko lang ako at muling lumabas ng bahay.  Hindi ko na tiningnan ang pagkakagulo na nangyayari sa bahay namin.  Tinatawag ako ni Meg pero hindi ko na siya pinansin.  Gusto ko na munang lumayo dito kasi pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat. 

            Nakaramdam ako ng malakas na pagbangga sa balikat ko at nakita kong si kuya iyon.  Nagmamadali siyang sumakay sa kotse niya at paharurot na umalis doon.  Hindi na pinakinggan ang pagtawag nila daddy. 

            Kasalanan ko kung bakit ganito ang sitwasyon namin ngayon.  Kasalanan ko kung bakit wala akong kaibigan at maging ang sarili kong kapatid ay kinamumuhian ako.  Ako ang gumawa ng pagkakamali at kahihiyan sa pamilya namin na kailangan kong pagsisihan at hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito.

----------------------

            Ilang araw din na hindi umuwi sa bahay si kuya.  Hindi na rin ako naglakas ng loob na magtanong kung ano ang nangyayari sa problema nila kay Nathan.  Talagang nakakapanibago ang lahat.  Ang dating masayang bahay namin ay parang laging may tensyon lalo na kapag narito si kuya at nagkakaharap sila ni daddy.  Sinubukang makipag-usap ni Uncle Felix kay Nathan pero hindi siya hinarap nito.  Pag-iisipan daw kung makikipag-settle o ano.  Kaya kami, naghihintay kung ano ang talagang plano niya.

            Dad became quiet.  Laging nag-iisip.  Tulad ngayon na nag-a-almusal kami.  Kumpleto nga kaming pamilya pero walang ni isa ang nagsasalita sa amin.  Tanging mga kalansing ng kubyertos ang maririnig.  Walang naglalakas ng loob na magsalita.  Si kuya Wesley ay nakayuko lang at tahimik na kumakain.  Alam kong sinubukan din niyang kausapin si Nathan pero hindi na rin siya hinaharap nito.

            "Kuya Paking, may sulat na dumating," pare-pareho kaming napatingin kay Mila ng lumapit sa amin.  Iniabot nito ang isang sobre kay daddy.

            Seryosong-seryoso ang mukha ni daddy habang binubuksan ang sobre.  Biglang nag-iba ang anyo ng mukha ni dad.  Namula iyon at napuno ng galit.

            "What's that?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

            "Ang walanghiyang Nathan.  Nag – file na ng estafa ang demonyo!" galit na sabi ni dad at ibinato sa mesa ang nilamukos na sulat.

            "What?!" hindi makapaniwala si mommy at kinuha niya ang sulat na ibinato ni dad.  Parang hindi rin siya makapaniwala sa nababasa niya. "Hindi ko akalaing magagawa ito ni Nathan sa atin.  Napakabuti ng ipinapakita ng batang iyon kapag nagpupunta dito," naiiyak na si mommy.

            "Kilala ko nga si Nathan.  Maayos kaming mag-kaibigan.  Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya ako biglang ginipit ng ganito," mahina ang boses ni kuya pero dama ko ang galit sa boses niya tapos ay matalim siyang tumingin sa akin.  "Dumating ka lang dito, biglang nag – iba ang ihip ng hangin.  Puro kamalasan na ang nangyayari sa amin," sabi niya sa akin.

            Naipit yata ang paglunok ko.  Sumasakit ang lalamunan ko at nag-uunahang dumaloy ang luha sa pisngi ko.

            "Wesley!" saway ni dad.

            "Bakit hindi pa natin tanggapin lahat na matagal ng sira ang pamilyang ito bago pa lang bumalik ang babaeng iyan?  Malas ang babaeng iyan!  Peste sa buhay natin!" sigaw pa ni kuya at malakas na binitiwan ang mga hawak na kubyertos.

            "Shut up, Wesley!" galit na galit na si dad.

            Napayuko lang ako.  Tahimik kong ibinaba ang hawak kong kubyertos at tahimik akong umalis doon.  Paakyat na ako sa silid ko ay naririnig ko pang nagtatalo si daddy at kuya.  Nagkulong ako sa kuwarto. Ayoko ng marinig pa ang masasakit na sasabihin sa akin ng kapatid ko.

            Hindi kami pinalaking ganito ng magulang namin. Alam na alam kong mahal ako ng kapatid ko.  Tagapagtanggol ko nga siya sa lahat at alagang-alaga niya ako.  Noon. Nagbago lang siya nang malulong ako sa bisyo.

            Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at huminga ng malalim.  I needed to do something for this family.  This time, ako ang kailangan na umayos sa gulo na pinasok ng kapatid ko. 

Gagawin ko ang lahat para bumalik sa normal ang pamilya namin na sinira ko.

-------------------->>>>>>>>

Nathan's POV

            "Saan tayo mag-lunch?" malambing na tanong ni Paula sa akin habang sinusundan ako ng tingin sa loob ng opisina ko.

            "The usual.  Hindi naman ako puwedeng lumayo dito sa office.  Ang dami kong dapat tapusin," sagot ko sa kanya.

            "You looked stressed already.  I told you, makipag-settle ka na lang kina Tito Paquito.  I mean they can't pay the fifteen million right away, but I know magagawan nila ng paraan iyon.  Well-off pa rin naman ang ibang kapatid ni Tita Julia," sabi ni Paula sa akin.

            "I already filed a case.  And dapat magtanda si Wesley sa ginawa niya para ma-realize niya na hindi lang siya ang apektado sa bisyong pinasok niya." sagot ko.  Nag-check ako ng email dahil may na-receive akong note galing kay Mr. Montoya.  Napangiti ako nang mabasa kong deed of sale iyon ng bahay.  Victor sold the house to us sa napakamurang halaga.

            "Are you sure this is about kuya Wesley?"

            "What?" takang tanong ko kay Paula.  Hindi ko naintindihan ang tanong niya.  Natutuwa kasi ako sa nalaman ko tungkol sa bahay.

            Tumayo siya at humarap sa akin.  Itinukod pa ang mga kamay sa mesa ko kaya naipit ang dibdib niya at lalong lumaki iyon at lumabas ang cleavage.

            "I said, is this really about kuya Wesley?" ulit niya.

            "What are you talking about?  Of course this is about Wesley and his debt to me.  Para saan pa ba?  Masama bang maningil ako ng pautang?"

            Natawa si Paula.  "I can remember na may utang din sa iyo si Wynna 'di ba?  And I can remember that you told me na maniningil ka rin sa kanya.  Ito na ba 'yon?"

            Natawa na lang ako. "I think you are really hungry.  Let's go eat." Niyakap ko siya sa bewang at hinalikan ko.  Alam kong nagseselos lang siya dahil alam naman niya kung gaano ko kagusto si Wynna noon.  Noon iyon.  Noong tanga pa ako.  Pero iba na ngayon.  I hate that woman.  I hate what she did to me. 

            Dumiretso kami sa Café de Cecille na nasa ibaba lang ng building ng office ko.  Dito kami madalas kumain kapag hindi ako puwedeng lumabas ng matagal sa office.  Paborito ko kasi ang pagkain dito.  Italian food and Paula likes the pizza here.  Sa sobrang selan sa pagkain ng babaeng ito, nagpapasalamat akong nagustuhan niya dito.

            "So?  Are you good sa Boracay gig?  Sasama ka?" tanong ni Paula habang nagbubuklat ng menu.

            Naalala ko ang sinabi niya.  Modelling gig iyon na itinawag ng handler ko sa akin.  Summer event for the clothing line na modelo ako.

            "I'll think about it, Pau.  Ang dami ko talagang inaasikaso.  Plus I want to visit my mother this weekend so malabo ako." Nagbubuklat din ako ng menu.

            "Matagal-tagal ka ng hindi rumarampa.  You don't miss it?  I am missing seeing you shirtless on the ramp," ngumiti pa ng malandi sa akin si Paula.

            "I can be shirtless tonight," nginitian ko rin siya at kinindatan.

            "E-excuse me.  I am sorry for disturbing both of you."

            Pareho kaming napatingin ni Paula sa nagsalita at pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko nang makilala ko ang nakatayong babae sa harap namin.

            Si Wynna. 

          What was she doing here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top