chapter three

Wynna's POV

Halatang walang interes si Meg sa mga ikinukuwento ko sa kanya na nangyari kahapon.  Umiikot lang ang mata niya sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Victor.  Hindi talaga mawala ang kilig ko dahil ibinigay niya ang number niya sa akin tapos ay kinuha din niya ang number ko.  Pinabalikan niya sa isang kasama niya.

"Masaya ka na?" nakataas ang kilay na sabi sa akin ni Meg.  Naglalakad kami papunta sa canteen.

"Siyempre.  Akalain ko ba na mapapansin ako ni Victor," pakiramdam ko ay nasa cloud nine pa rin ako.  Hinihintay ko nga ang tawag niya kagabi pero nakatulog na ako ay hindi pa rin siya tumatawag.

Napapailing lang si Meg at umiirap pa.

"Meg naman.  Nagkukuwento lang naman ako sa iyo.  Siyempre excited ako.  Imagine mo naman ang tagal ko ng crush si Victor 'no."

"Wyn, 'nung una okay lang, eh.  Pinapabayaan lang kita.  Pero iba na ngayon.  Nag – exchange na kayo ng numbers.  Meron ng communication.  Magalit ka na sa akin pero ayoko si Victor para sa iyo.  Wala kang kinabukasan doon.  Bad influence siya pati ang mga kabarkada niya."

Natawa ako sa sobrang seryoso ni Meg. 

"Ano ka ba?  Para nag – exchange lang kami ng numbers." Pareho kaming napatingin ni Meg sa telepono kong tumutunog.  Nagtataka akong tumingin sa kanya tapos ay sa telepono ko ulit.  Unknown number.  Kumunot ang noo ni Meg at sumimangot ang mukha.  Parang alam na niya kung sino ang tumatawag sa akin.

"Hello?"

"Hi, Miss Beautiful.  Wynna right?  Wynna Delgado.  Sa totoo lang ipinagtanong na kita.  Wala ka naman boyfriend 'di ba?  So puwede kitang invite for dinner mamaya?"

"Ha?  Sino 'to?" taka ko. 

Natawa ang tumawag sa akin.  "Hey.  You already forgot about me?  Victor.  Victor Arevalo."

Nabulunan yata ako ng laway nang malaman ko kung sino ang tumatawag sa akin.

"V – Victor?  Sigurado ka?" napakagat – labi pa ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Meg.

"Hey, I am pretty sure.  So?  Are you free tonight?"

Literal ba hindi na ako makahinga sa sobrang excitement.

"Yeah.  Oo. Sige." Nagkakandabulol na ako sa pagsagot.

"Great.  I'll see you then.  The guys will be at Ned's Brew bar.  You know that?"

Ned's Brew bar.  Parang alam ko iyon.  Naririnig ko na iyon sa mga kaklase ko.  At kahit hindi ako pamilyar, aalamin ko kung saan iyon.

"Oo.  Alam ko iyon," pagsisinungaling ko.

"Alright.  See you later.  Wear something sexy," at pinatayan na niya ako ng telepono.

Matagal na akong walang kausap pero nanatili kong hawak ang telepono ko. 

"Hoy!  Ano  ng nangyari sa iyo diyan?  Si Victor ang tumawag sa iyo 'no?" ang sama ng mukha ni Meg.

Ang ganda ng ngiti ko habang sunod – sunod ang tango.

"Wynna ano ba?  Tigilan mo na 'yan."

"Wala naman akong ginagawang masama.  Nag – iinvite lang siya ng dinner mamaya sa Ned's Brew Bar.  Narinig mo na iyon?"

"Ha?  Sa Ned's?  Hindi naman restaurant na matino 'yun, eh.  Inuman iyon.  Maraming mga addict na katulad ni Victor doon.  Please huwag kang sumama.  Hindi mo nga kilala ang gagong iyon." tonong nakikiusap na si Meg.

Napailing lang ako.  "Alam mo, try lang.  Subukan lang natin.  Sumama ka kaya."

"May long quiz tayo bukas sa Business Law.  Nag – aral ka na ba?"

"Madali na 'yon." Ayoko ng marinig ang mga negative remarks ni Meg.  Panira siya ng moment ko.  Diretso kami sa canteen at naghahanap kami ng upuan nang may lumapit sa ami.

"Hi Wynna."

Parang nahihiya pa si Nathan nang batiin ako.  Tulad pa rin ng dati, he was wearing worn out clothes.  'Yung t-shirt nga niya parang 'yung suot pa niya 'nung isang araw.  Wash and wear?

"Hi Nathan." Mabait naman siya kaya okay lang na makipagkaibigan ako sa kanya.  Ipinakilala ko sa kanya si Meg. Ang kaibigan kong magaling, ang ganda ng ngiti. Inaya pa nga ni Meg na maki-join sa table namin si Nathan.

"Hindi ka naman pala suplado," sabi ni Meg.  Ibinababa ni Nathan ang mga pagkain na binili niya para sa amin.  Nilibre kami.  Ayoko na nga sanang pagastusin siya kasi alam kong tight din ang budget niya dahil sabi nga ni Victor, anak siya ng kasambahay nila.

"Sana hindi mo na kami nilibre.  May pambili naman kami," sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo na.  Minsan lang naman," nakangiting sabi niya.

"Do you really live with Victor Arevalo?  Teka nga, what's your full name?" tanong ko sa kanya.

"Nathan.  Nathan Arevalo." Napangiti siya ng mapakla ng sabihin iyon.

"You both have the same surname.  Are you related?" tanong naman ni Meg.

Pinilit niyang tumawa.  "Mahabang kuwento.  Kain na lang tayo."

"Pero kilala mo siya?  I mean talagang nakatira nga kayo sa iisang house?" pangungulit ko pa.

Tumango siya at nagsimulang kumain.

Napangiti ako.  This is nice!  At least may makakausap akong malapit kay Victor.

"So, what's he like?  Mabait ba siya?  I mean I know he is cool and good looking.  What's he like in the house?" talagang humarap pa ako kay Nathan.

"Nathan pasensiya ka na sa gaga kong kaibigan.  Hindi ko maintindihan kung bakit nagpapakagaga diyan kay Victor.  Alam naman ng lahat kung anong klaseng tao iyon.  Addict siya 'di ba?" sabat ni Meg.

Hindi agad sumagot si Nathan.

"Sabihin mo na ang totoo.  Addict 'di ba?" pamimilit pa ni Meg.

"Meg ano ba?  Hindi mo pa nga kilala si Victor, eh." Inis na saway ko.

"Ikaw lang ang nagbubulag – bulagan sa lalaking 'yon.  Ang daming lalaki diyan kung bakit kay Victor ko pa nababaliw.  O ano?  Sasama ka nga mamaya?  Kung anong gawin sa iyo?" sabi pa ni Meg.

"Mamaya?  Sasama ka?  May lakad kayo ni Victor?" paniniguro ni Nathan.

Napapahiyang ngumiti ako sa kanya at tiningnan ng masama si Meg.

"Ininvite niya lang ako."

Napangiti ng mapakla si Nathan.  "Kung sasama ka puwedeng mag – ingat ka.  Hindi lang kay Victor kahit pati sa mga kaibigan niya.  Bad influence kasi mga iyon.  Kung may chance kang umiwas, umiwas ka na lang."

Umiling na lang ako at hindi na ako sumagot.  Napipikon na ako kay Meg.

-----------------------

Nathan's POV

Patingin-tingin ako sa relo at pasado alas-onse na.  Tulog na tulog na si nanay.  Mabuti naman at maaga-aga siyang nakapagpahinga ngayon.  Maaga kasi akong nakauwi at tinulungan ko siya sa mga nilabhan niyang mga damit at ibang mga gawain sa bahay.  Wala kasi Helga at si Tito Amado.  Isang linggo sila sa Singapore para sa pag-e-expand daw ng business.  Wala naman akong pakielam kahit nga huwag na silang bumalik.  Kapag wala sila, medyo maalwan ang buhay namin ni nanay dito.  Si Victor lang ang iniintindi namin dahil siguradong marami na namang bitbit na barkada dito ang pinsan kong gago.

Napabuga ako nang maisip kong si Victor ang gusto ni Wynna.  Ano ba ang nagustuhan niya sa pinsan kong iyon?  Itsura pa lang mukhang addict na talaga.  Mukhang hindi gagawa ng maganda.  Hindi ko maintindihan sa mga magulang niya kung bakit hindi nila makita na may problema na sa anak nila.  Lulong na lulong na si Victor sa drugs.  Shabu, minsan cocaine pa.  Kapag mahina – hina ang diskarte niya sa pera, marijuana ang gamit niya. 

Bumangon ako nang marinig kong may pumaradang kotse sa garahe.  Tapos ay malalakas na tawanan.  May bitbit na naman na mga kabarkada si Victor.

Mabilis akong bumangon at dahan–dahan na bumaba.  Sumilip ako at nakita kong dalawang kotse ang nakaparada sa garage.  Isa ay kotse ni Victor at ang isa ay kotse siguro ng kaibigan niya.  Ang lalakas ng tawanan nila.  Murahan, sigawan.  Halakhakan.  Wala silang pakialam kahit nakakabulahaw na sila ng mga tao dito sa bahay. 

"Huwag naman kayong masyadong magulo.  Baka ma–culture shock ang bago nating recruit," natatawang sabi ng isang babae.

"Sino? Si Wynna?" Ang lakas ng tawa ni Victor.  "Hindi maku-culture shock 'yan.  Kailangan na niyang masanay sa akin kung ako ang magiging boyfriend niya.  Right, babe?"

Si Wynna?

Nagmamadali akong bumaba at tiningnan ko sila na nagkukulumpunan sa lanai.  Pakiramdam ko ay parang sasabog ang dibdib ko nang makita ko si Wynna na akbay–akbay ni Victor.  Mukha siyang lasing.  Parang wala sa sarili.

"Come on, babe.  Try this stuff.  I am sure you're going to like this." sabi ni Victor at may iniabot kay Wynna na parang ni-rolyong tuyong dahon.

"What is this?" nangungunot ang noo niya.

"Just try it.  Good trip 'yan," natatawa pang sabi ni Victor.  Nagtatawanan din ang mga kasama niya.

"I don't know how to smoke." Umiiling na sabi ni Wynna.

"I'll teach you.  Ganito lang," iminuwestra pa ni Victor ang dapat na gawin.  Titig na titig naman si Wynna.  "Come on.  Try it."

Naikuyom ko ang mga kamao ko.  Gusto kong sugurin si Victor dahil mali ang itinuturo niya kay Wynna.  Halatang walang alam si Wynna sa mga ganitong bagay.  Bago lahat sa kanya ito.  Pati ang ganitong klaseng barkada.  Maling–mali ito.

Napailing ako nang makita kong kinuha ni Wynna ang rolyo ng marijuana kay Victor at sinubukang hithitin iyon.  Ang lakas ng tawanan nila ng umubo ng sunod –sunod si Wynna.

"Sa una lang 'yan.  Sige lang.  Try it again," pambubuyo pa ni Victor.

Muli iyong ginawa ni Wynna.  This time ay parang tantiyado na niya ang gagawin.

"See?  I told you.  How does it feel?" Tingin ko kay Victor ay isang demonyo.

"I feel lightheaded.  Everything is becoming slow.  The lights are dancing," nakatingin sa kawalan si Wynna at nakangiti.

"Nagti-trip na Vic," tumatawang sabi ng isang kasama nila.

Masama ang loob kong umalis na lang doon.  Ayoko ng makita ang mga gagawin pa nila.  Si Wynna iyon.  Ang babaeng mahal na mahal ko at sinisira nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top