Chapter Thirty-Three


Wynna's POV

Kanina pa ako gising pero ayoko munang magmulat ng mata. Baka kasi nandito si Nathan at hindi ko pa makayang humarap sa kanya. Pero napangiti din ako nang maalala ko ang nangyari sa amin. It was so perfect. Ramdam na ramdam ko ang love sa pagitan naming dalawa.

I moved a bit on the sofa and I could feel my nakedness under the thin sheet that was covering my body. So Nathan was not here and he let me rest but he made sure that I will be decent when I wakes up.

"Damn it. Finally. Ang tagal mong gumising. Inip na inip na ako."

Nanlaki ang mata ko pero hindi ako kumilos. Kilala ko ang boses na iyon. Pakiramdam ko ay nanginig ang buong katawan ko dahil sa boses na iyon.

"Gumising ka na, Sleeping Beauty. Tapos na ang magandang panaginip and back to reality ka na."

Mabilis akong bumangon at nakita ko si Paula na prenteng nakaupo sa katapat kong sofa. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? Nasa Hongkong ito sabi ni Nathan. At totoo nga ang sinasabi ni Nathan. May blackeye siya at maraming pasa sa mukha. Anong nangyari sa kanya?

"He fucked you already. Gosh. Sobrang sarap ng tulog mo naghihilik ka pa. After sex nap is really satisying 'no?" Nakangiting sabi niya sa akin. Bakit parang masaya pa siya na nalaman niyang may nangyari sa amin ni Nathan? Hindi ba siya nagagalit?

Isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nasa lapag at mahigpit ang pagkakahawak ko sa manipis na kumot na itinapi ko sa katawan ko.

"Masarap bang romomansa ang boyfriend ko? What's the difference between Victor and Nate? Sino ang mas malaki? Sino ang mas wild? Suwerte mo, ha? Natikman mo pareho ang magpinsan na 'yon." Dumukot sa bag niya ng sigarilyo si Paula at sinindihan.

Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa pagiging kalmado ni Paula kasi hindi siya ganito. Makita nga lang niya ako ay nagwawala na siya pero ngayon, nalaman pa niyang may nangyari sa amin ni Nathan? Ganito lang ang reaksyon niya?

Hindi ako makatingin ng diretso kay Paula kasi nahihiya ako sa nagawa ko. Kahit saang anggulo tingnan, ako ang mali dito. Pumatol ako sa lalaking may sabit na. Kahit hindi asawa, nakakulong pa rin sa isang relasyon si Nathan. At sa mundong ginagalawan ko ngayon, lahat ng gawin ko kahit ipaglaban kong tama, magiging mali sa tingin ng iba.

"I am so sorry, Paula." Yukong-yuko ang ulo ko habang mabilis na nagbibihis.

Humithit at bumuga ng usok si Paula.

"Don't be sorry, cousin. Actually, what happened is a well-played plan. I know my boyfriend is crazy obsessed to have his revenge with you kaya pinagbigyan ko na ang isa sa mga nasa bucket list niya." Natawa pa si Paula. "Fucking you is number one on his list. So, mako-crossout na niya 'yun ngayon."

Napalunok ako at pumikit-pikit para hindi makita ni Paula na naiiyak na ako. Alam kong paghihiganti lang talaga ang motibo noon ni Nathan pero ramdam ko na mahal na niya ako ngayon. Sinabi niya at ipinaramdam niya sa akin iyon.

"What position did he do? Dog style is his favorite. Dog style while pulling my hair and holding my arms at the back and it's fucking fantastic. Nathan is wild in bed 'no? What other kinky moves did he do? He never wanted missionary position kasi I don't know, he doesn't want to see the face of the woman that he was fucking. Tingin niya sa lahat ng babaeng nakaka-sex niya ay katulad mo. Madumi, basura but not with me." Natawa si Paula. "Sigurado akong kung ano-anong porn style ang ginawa 'nyo ni Nathan."

Mabilis kong pinahid ang mga luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong maniwala sa mga sinasabi ni Paula pero iyon ang ginawa namin ni Nathan kanina. He was looking at my face the whole duration that we were making love. Talagang tinititigan niya ang mukha ko.

"Did he tell you that he still loves you?"

Hindi ako nakasagot at ang lakas ng halakhak ng pinsan ko.

"Oh my god! You are really that stupid! Naniwala ka naman." Napatirik pa ang mata niya at napahinga ng malalim. "You know, Wynna kahit banas ako sa iyo, we are still cousins kaya medyo merong konting awa pa rin naman."

"We played you. This? What happened? This is all my plan and I told Nathan to do it. Akala mo ba napatawad ka na niya sa mga ginawa mo? You broke his heart. Ipinahiya mo. Sinira mo ang pagkatao. And now, maniniwala kang mahal ka pa niya? Basura ka sa paningin ni Nathan. Pasalamat ka nga, tinikman ka pa rin niya kahit panis ka na at bulok na."

Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. Ayokong maniwala sa mga sinasabi ni Paula kasi hindi iyon ang ipinapakita sa akin ni Nathan. Pero, puwedeng totoo rin. Baka ako lang ang nag-assume. Pinilit kong makita ang gusto kong makita at hindi ko pinansin ang mga maliliit na detalye na nagsasabi na totoo ang sinasabi ng pinsan ko.

"'Yung problema nila ni Wesley, ako na ang nakiusap sa kanyang pagbigyan ang pamilya 'nyo na makabayad. Tutuluyan niya ang kuya mong makulong kahit pa nagpakagaga ka sa kanya."

"Why are you doing this?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon.

Nagkibit siya ng balikat at pinatay sa ashtray ang hawak na sigarilyo.

"I told you, I hate you. I hate everything about you. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nakikita ng mga tao sa iyo na akala nila perpekto ka." I can feel the disgust in her every words.

"Pero wala naman akong ginagawa sa iyo."

"'Yun nga! 'Yun ang nakakainis! Wala ka pang ginagawa pero napapansin ka na ng lahat ng mga tao. Wala kang ginagawang effort pero napansin ka ni Victor. Nagpakagago pa sa iyo si Nathan. Kaya naiinis ako kasi bakit ganyan ka."

Hindi ko maintindihan ang logic na sinasabi ni Paula. Nagagalit siya sa akin ng walang dahilan?

"And you did this to me." Lumapit siya sa akin at itinuro ang mukha niya. "This, sinuntok mo ako." Nagulat ako ng bigla niyang suntukin ang sarili niya.

"Paula! Anong ginagawa mo?" She punched herself so hard at agad na namula ang pisngi niya.

"You slapped me over and over," sabi pa ni Paula at sinasampal niya ang sarili niya. Shit. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Tumigil ka. Tumigil ka sa ginagawa mo! Huwag mong saktan ang sarili mo." Lumapit na ako sa kanya at inaawat ko siya.

"You are so violent that you can hurt other people." Nakita kong dinampot ni Paula ang isang medium sized flower pot at akmang ipu-pukpok sa ulo niya. Doon na ako talagang gumawa ng paraan. Hinawakan ko ang flower pot at pilit na kinukuha sa kanya. Nag-aagawan kaming dalawa para hindi siya masaktan.

"Wynna!"

Pareho kaming napatingin sa nagsalita at nakita namin si Nathan na nakatayo sa may pinto. Palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Paula. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Paula at binitiwan ang flower pot na hawak ko na ngayon. Mabilis siyang tumakbo kay Nathan at yumakap.

"Nate. Thank god you are here," umiiyak na sabi ni Paula.

Kunot na kunot ang noo ni Nathan na nakatingin sa akin. Ako naman ay hindi makagalaw sa bilis ng mga pangyayari.

"She is trying to hurt me. Sinabi ko lang naman sa kanya na gusto ko ng magkaayos kami. Hindi yata niya matanggap na ako ang girlfriend mo talaga kaya nagwala siya. She punched me. She slapped me so many times and now she wanted to hurt me with the flower pot," ang higpit-higpit ng hawak ni Paula kay Nathan.

Nagtatanong ang tingin ni Nathan sa akin kaya sunod-sunod ang iling ko. Parang napapasong binitiwan ko ang flower pot.

"H-hindi totoo ang-" hindi ko maituloy ang sasabihin ko kasi lalong nilalakasan ni Paula ang pag-iyak niya.

"Nate, she hurt me. I think she is not stable because of the drugs. Nagwawala pa rin siya. Mukhang hindi pa siya nakaka-recover sa drug addiction niya," humihikbi pa si Paula.

"Nathan, alam mong hindi ko magagawa 'yan." Naiiyak na ako. Ano ba ang pinagsasasabi ni Paula?

"Nate, natatakot ako sa kanya. I think mas mabuting ipa-rehab siya ulit. I will talk to her family and I will tell them what is happening," sabi pa ng pinsan ko.

Nakita kong napatiim-bagang si Nathan.

"Let's go, Paula." Hinawakan ni Nathan sa kamay si Paula at pahilang inilalabas ng bahay tapos ay nilingon niya ako. "You stay here. Mag-uusap tayo pag-uwi ko." Tuloy-tuloy ng umalis si Nathan kasama si Paula.

—————->>>>>

Nathan's POV

Nasa airpot na ako nang maka-receive ako ng tawag kay Sean. He was confirming kung talagang nasa Hongkong daw si Paula and I said yes. Kaya nagulat ako nang sabihin niyang nakita niyang nagkakape sa Starbucks sa Greenbelt si Paula at binati pa niya.

I called her handler, I called her secretary and I found that she never did go to Hongkong. Sa Makati Med daw nagpacheck-up si Paula at sa Greenbelt branch ng isang sikat na cosmetic surgeon nagpapa-treat ng mukha niya.

I was trying to call her but naka-off ang phone niya. I received a message from her na nasa Hongkong nga siya. Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin?

Ito ako ngayon, bumibiyahe pabalik sa bahay ko. Malayo pa lang ay nakita ko ng nakaparada sa tapat ng bahay ang kotse ni Paula. Shit. Sinasabi ko na. She was trying to confuse me para makausap niya si Wynna. I bet sinabi na niya ang totoo.

Pero hindi ko inaasahan ang maabutan ko sa loob ng bahay. Nag-aaway silang dalawa at sa pagitan nila, mukhang si Paula ang dehado. Namumula na ang mukha niya parang mula sa mga sampal. Tapos pareho pa silang nakahawak sa isang flower pot na mukhang ipupokpok sa ulo ni Paula.

"Wynna!" Pareho silang napatingin sa akin at mabilis na tumakbo palapit sa akin si Paula at mahigpit na yumakap.

"Nate. Thank god you are here," umiiyak na sabi ni Paula.

Nagtatakan tumingin ako kay Wynna. Hawak pa rin niya ang flower pot pero mabilis din niyang binitawan iyon.

"She is trying to hurt me. Sinabi ko lang naman sa kanya na gusto ko ng magkaayos kami. Hindi yata niya matanggap na ako ang girlfriend mo talaga kaya nagwala siya. She punched me. She slapped me so many times and now she wanted to hurt me with the flower pot." Lalong nagsisiksik sa akin si Paula at hindi ako makapaniwalang napatingin kay Wynna. Parang hindi ako maniwalang magagawa niya iyon.

"H-hindi totoo ang-" halatang natataranta si Wynna.

"Nate, she hurt me. I think she is not stable because of the drugs. Nagwawala pa rin siya. Mukhang hindi pa siya nakaka-recover sa drug addiction niya," humihikbing sabi ni Paula at hinahawakan pa ang mukha ko para sa kanya lang ako nakatingin.

"Nathan, alam mong hindi ko magagawa 'yan." Umiiyak na sabi ni Wynna.

"Nate, natatakot ako sa kanya. I think mas mabuting ipa-rehab siya ulit. I will talk to her family and I will tell them what is happening."

Napahinga ako ng malalim. I need to fix this first with Paula.

"Let's go, Paula." Hinawakan ko sa kamay si Paula tapos ay bumaling ako kay Wynna. "You stay here. Mag-uusap tayo pag-uwi ko." Tuloy-tuloy na kaming lumabas.

Pabalibag kong isinara ang pinto ng kotse ko ng makasakay si Paula. Wala kaming imik habang bumibiyahe kami.

"You fucked her already so it's over, right?" Basag ni Paula sa katahimikan namin.

Napahinga lang ako ng malalim at napailing habang nakatutok ang tingin ko sa kalsada. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Paula ang totoo but I have to do this. Hindi ko na kailangang pagtagalin pa.

"I hope you understand. I am sorry, Paula. But I still love Wynna."

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top