chapter thirty-six
Wynna's POV
Magmula ng bumalik ako sa bahay namin, ngayon na lang ulit kami sabay-sabay na nagkaharap sa hapag ng pamilya ko. Kumpleto ang pagkain sa mesa, kumpleto kaming lahat pero ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin. It's been weeks magmula ng sapilitan akong bawiin ni kuya kay Nathan at hindi pa rin namin pinag-uusapan ng pamilya ang tungkol sa nangyari.
Ang alam ko lang, inaasikaso ni kuya ang lahat para mabayaran ang lahat ng utang kay Nathan. Naka-sangla na ang bahay namin, ang negosyo namin ay tuluyan ng naibenta ni daddy, ang ibang properties ay ibinibenta na rin para lang mapunan ang lahat ng pagkakautang ni kuya.
"Kumain ka ng marami. You don't look good. Namumutla ka."
Napatingin ako kay mommy nang sabihin iyon. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Tumingin din ako sa gawi nila daddy at kuya Wesley pero pareho lang silang nakatungo at inabala ang mga sarili sa pagkain. Ayaw nilang pag-usapan ang nangyari sa amin ni Nathan. Lalo na si kuya. Ayaw niyang balikan ang ginawa ko para lang hindi siya ipakulong ni Nathan. Alam ko na grabe ang kunsensiya na nararamdaman niya sa tuwing maiisip niya na ako, ang pinakasusuka niyang kapatid ang nagligtas sa kanya para hindi siya makulong.
Ngumiti lang ako ng pilit kay mommy at kumuha ako ng pagkain na nakahain sa mesa. Ilang araw na rin ngang masama ang pakiramdam ko. Madalas akong hilo at sumasakit ang ulo. Iniisip kong dahil ito sa stress na nangyayari sa amin. Nagkagulo na si mommy at si Tita Jocelyn na mommy ni Paula. Ako kasi ang sinisisi ni Tita Jocelyn kung bakit hanggang ngayon ay hindi makalabas ng ospital si Paula. Hindi kasi maiwasan ni Paula ang magwala sa tuwing maiisip niyang ako ang pinili ni Nathan.
Gusto ko siyang puntahan at kausapin. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman ako pinili ni Nathan. Ilang linggo na akong nandito sa bahay pero ni hindi man lang siya nag-effort na puntahan ako o tawagan man lang. Wala na akong narinig sa kanya. Nakakatawa nga kasi naaalala ko ang mga ipinangako niya sa akin noon. Naaalala ko kung paano niya sabihin sa akin paulit-ulit na mahal niya ako pero nasaan siya ngayon?
"Kuya Paking, may tao kasi sa labas. Nandiyan na naman 'yung lalaking laging nasa tapat ng bahay natin gabi-gabi," kita ko ang pag-aalala sa mukha ng maid namin nangsabihin iyon.
Taka akong napatingin kay daddy at kay kuya kasi nakita kong para silang nataranta pareho at mabilis na tumayo si kuya.
"Ako na ang bahala, dad." Paalam niya at mabilis na iniwan kami.
"Is there something wrong?" Taka ko. Papalit-palit ang tingin ko kay dad at kay mommy. Naiisip kong baka may iba pang pinagkakautangan ang kapatid ko at nanggugulo na sa amin.
"Pabayaan mo na ang kuya mong umayos doon. Wala kang dapat na ipagalala. Kumain ka," pilit na pilit ang ngiti sa akin ni daddy.
Nagtatanong na tumingin ako kay mommy at pilit din siyang ngumiti sa akin tapos ay makahulugang tumingin kay dad.
"Kain ng kain, iha. Para makabawi ka kasi pansin ko para kang namayat," sabi pa ni mommy sa akin.
Hindi na lang ako kumibo at nagpatuloy na lang sa pagkain. Pero nakakailang subo pa lang ako ay naramdaman kong parang pumait ang panlasa ko at parang may bumarang kung ano. Mabilis akong tumayo at diretso ako sa lababo para sumuka. Lahat ng naisubo ko ay isinuka ko lang. Wala na nga akong maisuka pero patuloy pa rin ako sa pagduduwal.
"Wynna, are you alright?" Naramdaman kong hinahaplos ni mommy ang likuran ko.
Humihingal na nagpahid ako ng bibig at dinampot ang baso ng tubig na nakita ko at ininom iyon.
"I'm fine, mom. Baka dahil ito sa gata," sagot ko sa kanya.
"Are you sure? Namumutla ka din kasi. Baka maysakit ka na. Magpa-check-up tayo bukas, ha? Sasamahan kita."
Tumango lang ako sa kanya. "Puwede bang sa kuwarto na lang muna ako?"
"Sige. Magpahinga ka muna."
Wala akong imik na umakyat sa kuwarto ko at wala sa loob na napasilip ako sa labas ng bintana. Mula doon ay nakita kong isang kotse ang papaalis sa tapat ng bahay namin at nakita kong nakatayo doon si kuya at nakatanaw sa papalayong kotse. Bumaba ako ulit and this time ay pabalik na sa dining si kuya Wesley.
"Anong sabi?" Tanong ni dad.
"Ang kulit. He wanted to talk to her. Ayaw pa niyang tumigil. He got what he wanted. Tigilan na niya tayo," matigas na sagot ni kuya at painis na ipinagpatuloy ang pagkain niya.
"Kung pabayaan na lang natin? Don't you think we are being unfair for her? After all she did to us," si mommy ang nagsalita noon.
Ano ba ang pinaguusapan nila?
"It's better this way, mom. That asshole, hindi ako naniniwalang mahal niya ang kapatid ko. He just wanted revenge. Can we stop talking about him? Nawawalan ako ng gana," inis na sagot ni kuya.
Are they talking about Nathan? Napangiwi ako ng maramdaman kong parang sinisikmura na naman ako kaya napilitan akong pumunta na lang sa kuwarto ko.
-----------à>>>>
Nathan's POV
"What a fucking mess."
Kilala ko ang boses na iyon pero hindi ko pinansin. Nakarinig ako ng mga kalansingan ng bote na parang pinupulot o itinatabi.
"What are you doing?" Tanong pa ng taong pumasok sa kuwarto ko.
Hindi ako tuminag mula sa pagkakadapa ko sa kama kahit naririnig ko ang mga ginagawa ni Sean sa kuwarto. Naramdaman kong may binatong kung ano sa likod ko si Sean. Hindi naman ako nasaktan dahil malambot iyon. Binato niya ako ng unan.
"Fix your god damn self, man." Sabi pa niya.
"What are you doing here?" Napilitan na akong sumagot sa kanya pero hindi pa rin ako tumitinag sa pagkakadapa ko.
"What am I doing here? I am checking on you, asshole. Baka kasi nakabitin ka na sa ceiling ng bahay mo." Sagot niya.
"I am fine," paungol na sagot ko.
"Fine? You're telling me you're fine? Do you see yourself right now? You are a fucking mess, Nathan. Ilang linggo ka ng hindi lumalabas dito? Isa? Dalawa? Isang buwan? You are not the Nathan that I know."
Inis akong bumangon mula sa pagkakadapa sa kama at naupo. Nakita kong nakaupo sa couch si Sean at parang binibilang mga basyo ng bote beer na nakakalat sa sahig. Naroon din ang ilang bote ng mga hard drinks na naubos ko na rin. Napa-dighay ako at napangiwi ako sa sama ng lasa ng alcohol.
"I said I'm fine. Saka paano ka ba nakapasok dito?" Naiirita ako sa kanya kasi ang dami niyang tanong. Nahagip ng paningin ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Totoo naman ang sinasabi ni Sean. I am a fucking mess. Ilang linggo na nga ba akong ganito? Hindi ko man lang maayos ang sarili ko. Ang haba na ng buhok ko. Hindi ko na naahit ang balbas at bigote ko. Nanlalalim ang mga mata ko dahil wala akong matinong tulog. Humpak ang mukha ko at halata ang pagbagsak ng katawan ko. Ilang linggo na akong walang maayos na pagkain at hindi na rin nakakapag-gym.
"Your helper called me. She is worried with what you're doing to yourself. Your mom too. Hindi mo na daw siya dinadalaw, hindi ka makausap ng matino. Madalas kang kargado ng alak. Minsan kang dinalaw dito, inaway mo pa. Nakikita mo ba ang sarili mo or you have other plans? Are you trying to kill yourself?"
"It's none of your fucking business." Inis na sagot ko sa kanya at muling nahiga sa kama.
Mabilis na lumapit sa akin si Sean at hinawakan ang kuwelyo ng damit ko.
"It's my business, asshole! Wake up! You need to fix yourself. Alalahanin mong may mga negosyo kang pinapatakbo. Your clients and suppliers are all looking for you." Ramdam kong totoong nagagalit na sa akin si Sean.
"Kaya nga kayo ni Denny ang partner ko 'di ba? In my absence, kayong dalawa ang bahala sa company."
"Pero iba ang nandoon ka. We need your presence. We need you physically stable." Huminga ng malalim si Sean at inayos ang nagusot na kuwelyo ko. "I don't know what is your problem but we are worried, man. You are falling apart."
Umiling lang ako at napahinga ako ng malalim.
"I said I am okay. This will pass. Just give me some time to find myself." Dumampot ako ng isang basyo ng beer at sinubukang inumin ang natitirang laman noon pero mabilis iyong inagaw sa akin ni Sean.
"I cannot imagine that you're going to end like this because of a woman."
Hindi ako sumagot at inis na kumuha ng unan at itinabon sa mukha ko. Sumigaw ako ng malakas doon para kahit paano ay mabawasan ang galit na nararamdaman ko.
Nagagalit kasi ako sa lahat. Nagagalit ako kay Wesley dahil bakit ayaw niya akong payagang kausapin si Wynna? Ilang beses na akong pabalik-balik sa bahay nila. Kulang na lang ay maglumuhod ako sa kanya at sa magulang niya para lang makausap ko si Wynna pero matigas sila.
"Do you want to know whom did I bump into yesterday in Manila Doctors?"
"No. And kalalaki mong tao napaka–chismoso mo. I am not interested kung sino man 'yan." I said that while mumbling on the pillow.
"Oh, you would be," sagot ni Sean sa akin.
Hindi ako umimik. Alam ko naman na kahit sabihin ko na hindi ako interesado ay sasabihin pa rin iyon sa akin ni Sean.
"I saw Wesley sa OB wing ng Manila Doctors. May kasama siya."
Painis kong inalis ang pagkakatabon ng unan sa mukha at sinamaan ng tingin Sean.
"Wala akong pakialam kung nakabuntis si Wesley. Hindi ako interesado sa kanya."
"Pero kilala mo ang kasama niya. Kasama niya si Wynna."
Napatitig ako kay Sean ng sabihin niya iyon.
"Are you sure?" Paniniguro ko.
"Yeah, man. It was an accident. Sinamahan ko kasi si Margot na magpa-check-up. You know her right? My sister from Cali na nakabakasyon dito. She is four months pregnant and 'nung palabas na kami ng clinic, papasok naman si Wesley at si Wynna. Nagkagulatan pa nga kami. I mean, anong ginagawa niya doon? Alangan naman na si Wesley ang magpapa-check-up sa OB?"
Mabilis akong napabangon at halos manginig ang buong katawan ko ng lumapit ako kay Sean.
"Bro, what happened?" Nag-aalala ako kasi baka may nangyaring masama kay Wynna.
"I don't know. Hindi naman kami masyadong nakapag-usap ni Wynna. Ang higpit magbantay ng kuya niya. I think there is something wrong with her kasi she doesn't look good. Namumutla tapos parang nanghihina."
"Jesus Christ," mahinang sambit ko at naihilamos ang mga palad sa mukha ko. Mabilis kong kinuha ang telepono ko at idinayal ang number ni Wynna. Kahit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, susubukan ko pa ring alamin ang kalagayan niya.
Pero katulad ng mga nakakaraan, panay ring lang iyon. Walang sumasagot.
"Hindi pa rin kayo nagkakausap?" Seryoso na ngayon si Sean.
Umiling lang ako at inis na ibinato sa kama ang telepono ko.
"Tingin ko ayaw ng pamilya niya na magkausap pa kami. And I think, ayaw na rin niya. Kasi if she wanted to talk to me, gagawa naman siya ng paraan. I did everything I could just to see her. Para na akong gago na laging naghihintay sa tapat ng bahay nila pero lagi lang akong itinataboy ni Wesley. Ipinahuli pa nga niya ako sa barangay. Kapag bumalik pa ako doon, tuluyan na akong ipapakulong. I don't know what to do, man." Doon na ako bumigay. Nasubsob na ako sa mga palad ko at napaiyak.
Napabuntong hininga si Sean at tinapik ang balikat ko.
"You cannot blame them. Pamilya 'yun. Alam mo naman ang nangyari kay Wynna tapos malalaman pa nila ang ginawa mo at mga plano mo. Hindi mo sila masisisi kung maging over protective sila kay Wynna."
"But I love her."
"I know but you need to lie low. Palipasin mo na muna then if everything is settled, saka ka ulit makipag-usap sa kanila."
Napapikit na lang ako ibinagsak ang katawan ko sa kama. Hanggang kailan ko ba kailangan na maghintay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top