Chapter Thirty-seven

Wynna's POV

I am six weeks pregnant.

Hindi maalis ang tingin ko sa kapirasong papel na resulta ng transvaginal ultrasound ko. Wala akong maintindihan sa black and white na litrato pero naroon ang isang napakaliit na parang butil at nakasulat sa tabi noon ang salitang "BABY."

Sumikip yata ang paghinga ko. Ngayon nagsi-sink in sa akin ang katotohanan na buntis ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Should I tell this to Nathan? Pero siguradong hindi papayag sila kuya at sila daddy. Pero naisip kong karapatan niyang malaman 'to but tatanggapin kaya niya?

Mabilis kong itinago sa likuran ko ang ultrasound report nang marinig kong bumukas ang pinto ko. Kahit alam na ng pamilya ko ang tungkol sa pagbubuntis ko ay nahihiya pa rin ako sa kanila. Pakiramdam ko wala na akong ginawang tama sa pamilya na ito. Nag-adik ako, sumama ako sa lalaki at ngayon umuwi akong buntis na walang ama. Wala na akong mukhang iharap sa kanila. Kahit hindi sila nagsasalita, alam kong malaking kahihiyan na naman itong ibinigay ko.

"Wyn?"

Napangiti ako ng mabosesan ko ang nagbukas ng pinto.

"Meg," nakangiti agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Yumakap ako ng mahigpit at pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi sa kanya.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin at nakatingin sa kabuuan ko. "I heard from Tita Julia that you are sick kaya pinuntahan kita. I am sorry ngayon lang ako nakadalaw kasi na-transfer ako sa Cebu ng ilang linggo para sa training," sagot niya sa akin.

Tumango lang ako. "Okay lang ako. Kumusta?"

Napahinga siya ng malalim at nahiga sa kama ko.

"Ayos lang. Stressed sa dami ng trainees na inaasikaso ko. Ngayon lang ako nakapag-off after so many weeks. Nakaka-drain ang trabaho," himig reklamo niya.

"Mas mabuti na 'yung stressed dahil sa trabaho kesa naman stressed dahil sa dami ng problema," naiiling na sagot ko.

Mabilis na bumangon si Meg at humarap sa akin.

"What happened? Narinig ko parang nagpang-abot daw si Wesley saka si Nathan?"

Tumango lang ako.

"Shit. Paano nalaman ng kuya mo na nandoon ka kay Nathan?"

"Si Paula. She told her mom then her mom told my parents and all hell broke loose." Nagkibit lang ako ng balikat.

"What? Wala talagang magawang matino 'yang pinsan mo. Hindi ko maintindihan kung anong nakita ni Nathan sa babaeng iyon," naiiling na sabi ni Meg.

"Why? Sila pa rin ba?"

Wala akong balita tungkol kay Nathan at hindi ko alam kung anong mga nangyayari sa kanya. Bantay-sarado ako dito sa bahay. Kahit ang telepono ko ay kinuha ni kuya. Pakiramdam ko bilanggo ako dito pero hindi ko naman sila masisisi. After all that I've done in this family, sigurado akong suko na sila sa mga kahihiyang ibinigay ko.

Ngumiti ng mapakla sa akin si Meg.

"Well, it was my executive check-up yesterday. Requirement ng office." Napakagat-labi pa siya at parang alanganin kung sasabihin sa akin ang gusto niyang sabihin.

"What is it, Meg?"

"Wyn, alam kong mahal mo si Nathan pero I think you don't deserve that asshole. I thought he changed and he really did love you pero sa nakita ko kahapon, mukhang talagang ginantihan ka lang niya."

May bumara yata sa lalamunan ko nang marinig ko iyon na sinabi ni Meg.

"Bakit?" Pinigil ko ang mapapiyok ng sabihin iyon.

Napahinga ng malalim si Meg.

"I saw him yesterday in the hospital and kasama niya si Paula and I think pati mommy ni Paula. They look good together. Mukhang wala naman silang problema," nakatingin lang sa akin si Meg at parang tinatantiya ang reaksyon ko.

Hindi ako nakasagot at ipit na ipit ang paglunok ko. Ang sakit-sakit ng lalamunan ko sa pagpipigil na mapaiyak.

What would I expect? He got what he wanted. He got more than what he bargained for. Ganoon kasama si Nathan. Ganoon siya kawalang-kunsensiya. All he thinks about is himself and how to get even with those people who wronged him. Walang puwang ang pagpapatawad sa puso niya so ano pa ang silbi na malaman niya ang tungkol sa kalagayan ko?

"Wyn, magsalita ka naman." Malungkot na sabi ni Meg sa akin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"I am fine. Well, at least he is happy. He got what he wanted," pumiyok ako ng sabihin iyon at nanginginig ang mga labi ko dahil nagsisimula na akong maiyak.

"Wynna. I am really sorry," parang maiiyak na rin si Meg at niyakap niya ako. Doon na ako tuluyang bumigay. Ang lakas-lakas ng hagulgol ko.

"Sabi niya sa akin mahal niya ako. Sinabi niya ako ang pinili niya. Sabi niya tanggap niya ako kahit anong nangyari sa akin. Naniwala ako."

Panay lang ang hagod ni Meg sa likod ko para makalma ako.

"Umasa ako ng bagong buhay pero bakit hindi ko makuha? Gusto ko lang ng pagbabago sa buhay ko pero bakit ang damot-damot nila at ayaw nilang ibigay sa akin. Nagsisi na ako, pinagbayaran ko na lahat pero bakit ganito pa rin?"

"You don't deserve that asshole, Wynna. You need to stand up on your own. Hindi mo kailangan ang kung sino para ipagpatuloy ang buhay mo. Always remember, your past will never define who you are right now. You have a bad past? Learn from it. It was just a life lesson not a life sentence."

Sa ganitong pagkakataon, nagpapasalamat talaga ako na si Meg ang naging bestfriend ko. She helped me in so many ways. Tinalikuran ko na pero hindi niya ako iniwan.

Nanginginig ang kamay na ipinakita ko sa kanya ang resulta ng ultrasound report ko. Kunot na kunot ang noo ni Meg na kinuha iyon at tiningnan tapos ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.

"Oh my god! You're pregnant?" Paniniguro niya.

Tumango lang ako.

"Shit. Does he know?" Nanlalaki ang mata niya.

Umiling ako.

Napahinga siya ng malalim hindi dahil na-relieve siya kundi iniisip niyang bagong problema na naman ito.

"What are your plans? Do you want to tell him?"

Muli akong umiling. "I'll keep my child. I cannot allow my child to grow up knowing that his or her father never wanted me."

"Nandito kami nila Tita Julia para suportahan ka. Hindi ka namin pababayaan."

Ngumiti ako kay Meg kahit naiiyak na naman ako.

"Salamat. Salamat talaga. I'll start my new life without him."

----------------à>>>>>>

Nathan's POV

Tama si Sean.

Hindi puwedeng magkulong na lang ako sa kuwarto ko at magmukmok, magpakalango sa alak at magpakamatay sa lungkot. I need to move on kahit na nga ilang linggo ko ng hindi nakikita si Wynna.

Kaya ito ngayon, tambak ang trabaho ko sa opisina at hindi magkada-ugaga sa patong-patong na papeles na kailangan kong pag-aralan at pirmahan.

Wala talaga akong balita sa kanya. Grabe ang pagbabantay ng kuya niya at ng daddy niya. Hindi ko din naman nga sila masisisi kasi nga, kahit siguro sa anak ko mangyari iyon, talagang magwawala din ako at babantayan ko ng mahigpit.

Bumukas ang pinto ng opisina at alam kong si Sean ang pumasok doon pero hindi ko na siya inintindi.

"What happened to you last week? MIA ka, ha? Kahit sa bahay mo wala ka."

"Sinamahan ko lang si Paula na maka-uwi. Nakiusap lang ang mommy niya sa akin na samahan sila kasi para kumalma siya then sumama ako na maihatid siya sa Camiguin."

"Is she that bad?" Ramdam kong nag-aalala din si Sean. Paula is also his friend kaya nanghihinayang din siya sa nangyari.

"She can't accept the fact that I still chose Wynna over her. Si Wynna pa rin naman. Noon, ngayon kahit bukas. Pero hindi ko alam kung bakit hindi talaga umaayon ang panahon sa amin. It was my cousin before. Si Victor ang kalaban ko pero ngayon pamilya na niya." Binitiwan ko ang hawak kong ballpen at naisuklay ang mga kamay sa ulo ko. "Am I that bad? Do I deserve this?"

Nakatingin lang sa akin si Sean at napapailing.

"The truth? Yes. The fact that you are holding grudges to Victor and what Wynna did to you, yes you are a ruthless person." Diretsong sagot niya sa akin.

Napangiti ako ng mapakla. "Kaibigan ba talaga kita? Wala man lang preno 'no?" Napakamot ako ng ulo.

"Why? What do you want to hear from me? Kunsintihin ko ang ginawa mo? It was your choice man, and now you need to face the consequence. I am your friend and true friends say bad things on your face." Kumindat pa sa akin si Sean.

"I want to talk to her parents. I want to ask forgiveness from her, from them but I don't know where to start."

"Start with Victor, man. If you forgive him, everything will follow thru." Sagot ni Sean.

"Nagkita kami ng kaibigan ni Wynna. Si Meg. Galit sa akin pero hindi ko naman masisisi. Tinanong ko kung kumusta si Wynna, sabi lang sa akin hindi na daw sa kanila nakatira. I tried to talk to Wesley but katulad pa rin ng dati, ayaw makipag-usap. Patuloy lang ang dating ng bayad niya sa akin. I don't need the money. Si Wynna ang kailangan ko." Napasandal ako sa kinauupuan ko.

"Palipasin mo nga muna. Darating din ang panahon na magiging maayos kayo. But trust me on Victor. Gagaan ang pakiramdam mo once you talked to him and forgive him."

Nang makaalis sa opisina si Sean ay umalis na din ako. Ipinatanong ko sa abogado ko kung saan naka-rehab si Victor. Sa isang drug rehabilitation facility daw sa Alabang ipinasok ang pinsan ko kaya doon ako dumiretso. Hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko habang papasok ako sa rehabilitation center. Hindi ko alam kung kaya ko ng harapin si Victor.

Pagdating ko pa lang doon ay may sumalubong na sa akin na facilitator ng center. Nakausap na nga daw sila ng abogado ko na darating ako at bibisitahin ko si Victor. They showed me my cousin's progress and it's not bad. Since na talagang lulong sa drugs si Victor, he is under the full term program of the center and kahit one and a half months pa lang daw na naroon ay nagpapakita na rin naman ng improvement.

Iniikot ako ng facilitator sa buong center. Maganda ang lugar, maayos para sa mga naroon. Dinala niya ako sa isang kuwarto kung saan naroon ang mga pasyente nila at kung nasaan si Victor. Nakita ko ang pinsan ko na nakikinig sa mga nagsasalita and for the first time, nakita kong maayos ang itsura niya. Malinis. May laman ang katawan at may kulay. Mukhang nahuhusto sa tulog and hindi ko maipaliwanag kung bakit natuwa ako ng makita siyang maayos.

"This is our counseling room. Dito nagkakaroon ng interaction ang mga pasyente namin and with our counselors. We have different counselors from different facilities." Sabi ng kausap ko.

Sumilip ako muli at nakita kong ipinapakilala ang mga counselors na makakaharap ng mga patients. Napakunot ang noo at talagang tiningnan kong maige kung tama ba ang nakikita ko na tumayo mula sa grupo ng mga counselors na tumayo sa harap.

"Our next counselor is Miss Wynna. She is from Life Foundation from Cagayan and she is here to help us today. Let's give her a warm of applause." Sabi ng nagpapakilala.

What the fuck? Is this a sick joke? Agad akong tumingin sa gawi ni Victor at nakita ko ang pinsan ko na ang ganda ng ngiti at malakas na pumapalakpak habang nakatingin kay Wynna. Muli akong tumingin kay Wynna at all smiles din siya sa mga tao tapos ay tumingin din siya sa gawi ni Victor at ngumiti rin sa pinsan ko. Wala akong makitang bakas ng takot o kaba sa mukha niya kahit nga nasa harap niya si Victor.

Shit. Nagkabalikan na sila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top