Chapter Thirty one

Nathan's POV

Papalit-palit ang tingin sa amin ni Sean na parang sinisiguro niya kung tama ang nakita niya. Mabilis na lumayo sa akin si Wynna pero mahigpit ko siyang hinawakan palapit sa akin. I won't lie to Sean anymore. Wynna is mine at hinding-hindi niya makukuha sa akin.

Nakita kong tumango-tango si Sean at seryosong tumingin sa akin.

"Do you want to tell me something, bro?" Diniinan pa ni Sean ang salitang bro sa sinabi niya.

"Kung ano ang nakita mo, 'yun na 'yun." Sagot ko sa kanya.

Napatiim-bagang si Sean. "But you hate her." Sabi niya at tumingin kay Wynna. Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni Wynna sa sinabing iyon ni Sean.

"I don't need to explain to you what is going on. I love her that's it." Matigas na sabi ko.

"But you have a girlfriend! Nababaliw ka ba? Kung so-syotain mo 'yan, ayusin mo muna ang problema mo dun sa isa. And besides, wala kayong problema ni Paula. Maayos ang relasyon 'nyo na ginagawa mong kumplikado." Mataas na ang boses ni Sean.

Nakita kong napayuko si Wynna sa narinig na sinabi ni Sean.

"Shut up." Saway ko sa kanya.

"I am going to tell this to you dahil baka epekto 'yan ng mga kesong na kinain mo. I don't know what is your game, pero hindi puwedeng ganito. Hindi puwedeng dalawa ang para sa iyo. Kailangang mamili ka."

"What the hell are you doing here? Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka," naiirita na ako kay Sean. Bakit ba kailangan niyang sumulpot ngayong maayos na kami ni Wynna?

"Answer my question first. Mamili ka sa kanilang dalawa."

"Ano ba ang problema mo, Sean? Wala ka namang alam sa kung anong nangyayari? What do you want?"

"You know that I like her tapos ganito? Hindi puwedeng lahat makuha mo, Nathan. Nasa iyo na si Paula tapos pati siya?" Halatang gigil na gigil si Sean.

Napahinga ako ng malalim at napailing tapos ay tiningnan ko si Wynna. Nakayuko lang siya at parang hiyang-hiya siya sa nangyayari.

"Go in your room and we will talk later," sabi ko sa kanya.

Walang imik siyang tumayo at iniwan kaming dalawa ni Sean.

"What the hell were you thinking, Nate? Gulo itong ginagawa mo," naiiling na sabi ni Sean at naihilamos pa ang kamay sa mukha niya.

"I am sorry, okay? I know you like her but I love her first. She's my first love, Sean." Malumanay kong sagot sa kanya.

Hindi nakasagot si Sean at napakunot ang noo sa akin.

"Wait. Wait a minute. She's the one you're telling us? The chick from college?" paniniguro niya.

Tumungo ako at tumango.

"What the fuck, Nathan? Ano 'tong ginagawa mo? Alam ni Paula 'to?"

"Actually this is her idea. You won't understand, Sean. Sigurado ako 'nung una that all I wanted was revenge. You know what she did to me. Pero hindi pala ganoon kadali iyon. Kapag mahal mo, mahal mo kahit na anong nangyari."

Natatawa at napapailing si Sean na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya.

"Why you didn't tell me? Bakit pinabayaan mo akong makipaglapit sa kanya?"

"I thought I can suppress whatever I am starting to feel again about her." Umiling ako. "I love her, man. I would die for her."

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Sean.

"The cheesecake stunt. Sinadya mo iyon 'no? Nagseselos ka kasi," paniniguro niya.

"I know it was stupid but I got her attention." Natatawang sagot ko.

"'Tangina ka, Nate. Napakagago mo." Ang lakas na ng tawa niya at natatawa na rin ako. I know he understands it now.

"She's the one." Sabi ko.

"But what about Paula? Did you break up?"

Umiling ako.

"Iyan ang kagaguhan, Nate. Masyado kang sigurista. Sana, bago ka nagtapat uli kay Wynna, inayos mo na muna ang kay Paula. Alam mong mainit siya sa girlfriend mo tapos ganito pa ang ginawa mo? You are digging your own grave. Wait. What about her family? Alam na rin nila ang tungkol dito? Her dad and brother are mad at you." Paliwanag pa ni Sean.

Napakamot ako ng ulo. "Aayusin ko naman ito."

"Alam ko at naiintindihan kita. Pero hindi lahat ng tao ay katulad kong malawak ang pang-unawa. Magmula ng magkita kayo ni Wynna, puro pahirap na ang dinanas sa iyo at kay Paula. Do you think maniniwala ang pamilya niya na seryoso ka sa kanya samantalang ibinaon mo nga sa utang si Wesley."

"Inayos na iyon ng lawyer ko. Bro, everything is going to be fine. Gusto ko lang na tayo ay maging okay. She chose me. She loves me," sagot ko sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Hey, if Wynna loves you, wala na akong laban doon. I know when to stop kung alam kong talo na ako."

Para akong nakahinga ng maluwag at pinilit kong tumayo para lumapit kay Sean at nakipag-kamay. Tinanggap naman niya iyon tapos ay naiiling na yumakap sa akin.

"You could have just told me about this. Hindi iyong magpapakamatay ka pa para mapansin ka lang," natatawang sabi niya.

"I love to eat the cheesecake," pagbibiro ko.

Napahinga ng malalim si Sean. "Fix everything first, Nate para wala kang problemang iniisip. Unahin moa ng kay Paula."

"Aayusin ko naman. Pupuntahan ko siya bukas o sa makalawa sa Hongkong para doon kami mag-usap. Something happened in the hospital. Nagpang-abot silang dalawa. Sabi ni Wynna, nasampal niya si Paula. They have this rift way, way back kaya talagang may friction na sa kanilang dalawa ever since. But when I saw Paula's face, parang hindi lang sampal ang nangyari. She got bruises all over her face. And I don't believe that Wynna can do that," seryosong sabi ko.

"For real?" Halatang hindi rin makapaniwala si Sean. "Mukhang wala naman sa karakter ni Wynna ang pagiging bayolente."

"I know kaya gusto kong makausap si Paula ng masinsinan. I know she is not going to take this easily but you know who I will choose."

Marahan akong tinapik sa balikat ni Sean.

"I'll support you in everything, bro. Siguraduhin mo lang na maaayos mo ito."

-------------------à>>>

Wynna's POV

Wala akong tigil sa kakaikot sa kusina at pasilip-silip ako sa sala kasi baka nandoon na si Sean. Gusto ko nga ding umakyat dahil baka nagbubugbugan na silang dalawa. Ang galing naman kasi ng timing ni Sean sa pagpunta. Nahuli pa niya talaga kami ni Nathan na naghahalikan.

Napabuga ako ng hangin at napaupo sa harap ng mesa at nagsalin muli ng tubig sa baso tapos ay tuloy-tuloy iyong ininom. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Sean. Pilit niyang ipinaalala kay Nathan na may girlfriend siya. Mali naman talaga ito. Nagtatapat ng pag-ibig sa akin si Nathan pero girlfriend pa niya si Paula. Tama ang sinasabi ni Sean na dapat, ayusin na muna niya ang relasyon nila ni Paula bago siya makipag-relasyon sa akin.

Nakakahiya talaga ako. Alam ko naman na may girlfriend 'yung tao pero bumibigay ako sa kanya. Kasalanan ko na naman kapag nalaman ni Paula ito.

Pero ramdam kong totoo ang sinasabi ni Nathan sa akin. Ramdam ko na mahal niya ako at kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.

"So, he won this time."

Napa-angat ang mukha ko para tingnan ang nagsalita noon at nakita ko si Sean na nakatayo sa may bukana ng kusina. Nakangiti siya sa akin at napapailing.

Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango.

"You love him." Hindi siya nagtatanong. Sigurado siya sa sinabi niya.

Tumango uli ako.

"Sabi ko na. I know kahit ipilit ko ang sarili ko sa iyo hindi mo ako gugustuhin. I was thinking it was because of Victor pero ang gagong si Nathan pala." Natatawang sabi niya.

"Sorry, Sean."

"Don't say sorry. Karapatan mong sumaya. What did I tell you? You need someone who will make you whole, who will make you happy. You found him then never let go." Napakibit-siya ng balikat. "Well, medyo may kailangan muna kayong ayusin before you can go tell the whole world about the two of you."

"Alam ko naman iyon kaya nga nag-iisip ko kung tama ito. Alam kong magagalit si Paula." Sagot ko sa kanya.

"Well, if she really loves Nathan, she is willing to let him go. Mahirap ang isang love story na one way lang. 'Yung isa lang ang nagmamahal. Just like what happened to Nate. Whatever he did, wala kang pakielam 'di ba kasi naka-focus ka lang kay Victor noon."

Parang nahihiyang napayuko ako.

"Na-inlove ka, Wynna. Nagkamali pero pinilit mong magbago and you deserve a second chance sa taong magpapasaya sa iyo and I am so happy you look at his way this time." Nakangiting sabi ni Sean.

Grabe ang lalaking ito, sobrang bait. Napaka-lawak ng isip niya kaya sigurado akong suwerte ang babaeng mamahalin niya.

"Can I at least get a hug?" Natatawa pa niyang sabi sa akin kaya mabilis akong lumapit at yumakap sa kanya.

"You know seloso ako."

Mabilis akong bumitiw kay Sean nang marinig ko ang boses ni Nathan at nakita ko siyang nakatayo malapit sa amin. Hindi naman siya mukhang galit pero hindi rin siya nakangiti.

"You are such an asshole," tumatawang sabi ni Sean. "This is just a parting hug ano ka ba?"

"Kahit na. I don't want any other men touching her, looking at her." Nakatitig ngayon sa akin si Nathan at grabe ang tingin na iyon. Nakakatunaw.

"Fuck off. Sige na. Alam kong gusto mo lang akong paalisin. Magpagaling ka na then we will talk again? Okay?" Tawa ng tawa si Sean at naiiling na tumingin sa akin.

"Go. Istorbo ka," pagtataboy ni Nathan sa kaibigan niya.

Akmang muling lalapit sa akin si Sean para humalik sa pisngi pero mabilis na humarang sa amin  si Nathan.

"Nakakarami ka na, ha? Get out now," halatang pinipigil lang ni Nathan ang mapangiti.

Ang lakas ng halakhak ni Sean at nag-peace sign sa amin.

"Fine! I'll leave you, lovers." Naglakad siya at tinungo ang pinto tapos ay muling humarap kay Nathan. "Fix it first, bro. Huwag mo siyang saktan." At inginuso niya ako bago tuluyang lumabas.

"What a douche," natatawang sabi ni Nathan at humarap sa akin. "At nagpapayakap ka pa, ha?" Kunwari ay galit pero nakangiti naman siya sa akin.

"Mabait naman si Sean saka magkaibigan lang kami." Katwiran ko.

Lumapit sa akin si Nathan at hinapit ako papalapit sa kanya. Dikit na dikit ang mga katawan namin at magkalapit ang aming mga mukha.

"Will you give up on me?" Seryosong tanong niya sa akin.

Umiling lang ako.

"Will you wait for me?" Sabi pa niya. He was brushing his nose to my nose.

Tumango ako. "Kahit matagal."

He planted soft kisses on my lips.

"I'll fix it with Paula. I promise I'll fix it and I will choose you."

He didn't let me say another word and I felt his lips against mine. Searching, claiming like it was his. His embrace tightened and what comes after this, I will let him take me anywhere.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top