chapter thirty-nine
Wynna's POV
"Honey, are you sure you want to do this?"
Napangiti ako habang ipinagpapatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit ko. Alam ko ng si mommy iyon at tulad ng mga nagdaaang gabi, mukhang alam ko na kung saan tatakbo ang pag-uusapan namin.
"I have to, mom. Everything is already settled. And I want to start a new life," sagot ko at pilit na isiniksik sa maleta ang piraso ng mga damit.
"But you can start your life with us. Nag-uumpisa na tayo 'di ba? Umaayos na ang pamilya natin. Hindi mo kailangan na lumayo uli. Hindi ka na guguluhin ni Victor. Nag-usap na kayo at nangako siyang magbabago na at hindi ka na guguluhin," sabi ni mommy. Nakita kong yumuko siya para itago ang mga luha niya.
Napahinga ako ng malalim at inihinto ko ang ginagawa ko tapos ay tumabi ako kay mommy.
"Mom, we already talked about this. Um-oo ka na 'di ba? Ikaw pa nga ang nagsabi na magandang opportunity ito para sa akin. Bakit ganyan ngayon?"
"Kasi akala ko hindi mo itutuloy. Bakit ngayon ka pa aalis? Mas kailangan mo ang tulong namin. How will you take care of yourself this time? You need us more lalo na sa kalagayn mo ngayon," tuluyan ng napahagulgol si mommy.
Para namang piniga ang puso ko sa nakita kong itsura ni mommy. Talagang ang lakas ng hagulgol niya. Umaalog pa ang balikat. Inakbayan ko si mommy at hinalikan sa pisngi.
"You don't need to worry, mom. I promise, I'll take care of myself. I'll take care of my baby."
"Kaya nga. Ngayon ka pa ba aalis gayung mas kailangan mo ang tulong namin? How will you take care of yourself? You need us more lalo na sa kalagayan mo ngayon," umiiyak na sabi niya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ng mommy ko. Wala sa loob na sinalat ko ang tiyan ko. Wala pa namang umbok doon dahil eight weeks pa lang naman ang baby ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko dahil naisip ko na naman na lalabas ito ng walang ama.
"Why don't you tell Nathan about your situation? Baka naman panagutan ka niya kapag nalaman niyang buntis ka. Hindi siya papayag na umalis ka," tingin ko ay desperada na si mommy kaya kahit ang mga imposibleng mangyari ay naiisip na niya para mapigilan akong umalis.
"Let it go, mom. You promise me you will not tell Nathan about this. Please. Kahit na hindi na para sa akin. Para na lang sa magiging anak ko. Sa magiging apo mo. Ayokong ipilit ang isang bagay na alam kong hindi naman tatanggapin ng lalaking iyon."
Hindi na sumagot si mommy at umiyak na lang ng umiyak.
"Lagi ka na lang umaalis. Hindi na tayo nakumpletong pamilya. Bakit ba tayo nagkaganito? Ano ang naging pagkakamali ko?" Sumisinok-sinok pa si mommy. "Tingin ko ako ang nagkulang bilang ina kaya kayo nagka-ganyan magkapatid. Patawarin 'nyo ako," grabe ang hagulgol ni mommy.
"Mom, huwag ka namang ganyan. Wala kang pagkukulang sa amin ni kuya Wesley. Napakabuti mong ina sa amin. Kami ang nagkamali. Hindi dahil nagkamali ay ikaw na ang sisisihin. May sarili kaming isip ni kuya. Pinili namin ang daan na hindi mo itinuro. We are trying to build ourselves again. Siguro hindi lang talaga para dito ang buhay ko. Sa dami ng pagkakamali kong nagawa, mas mabuting lumayo ako. But don't worry, mom. Babalik ako. Babalik kami ng apo ninyo and if that time comes, magiging kumpleto na tayong pamilya."
Patuloy lang sa pag-iyak si mommy. Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'll be okay, mom. You don't need to worry. Nakita 'nyo naman ang offer ng company 'di ba? Everything is paid, free board and lodging, good compensation. And I can help people."
Nagdesisyon kasi ako na tanggapin ang offer ng center sa akin. Napakaganda kasi ng job offer nila at nahirapan talaga akong tanggihan. Saka isang pagkakataon ko na iyon makatakas sa buhay ko dito sa Pilipinas.
Hinawakan ni mommy ang mukha ko.
"Mag-iingat ka doon, ha? Lagi kang tatawag."
Tumango ako at hinalikan ang kamay ni mommy.
------------
Nathan's POV
Hindi na ako bumalik pa sa rehabilitation center.
Hindi ko na tinangka pang kausapin si Victor. Ayoko kasing may malaman akong hindi maganda. Pagod na akong masaktan.
Pagod na akong umasa.
Sinubukan ko ang lahat para lang mapansin ni Wynna. Akala ko, matapos ang lahat ng ginawa ko matututunan niya akong mahalin. Magagawa niya akong ipaglaban sa lahat. Pero wala akong nakitang effort sa kanya. Pinabayaan niyang paglayuin kami ng pamilya niya.
Aminado akong may kasalanan ako. Sinamantala ko ang kahinaan niya. Ginipit ko siya para tulungan niya ang pamilya niya. Pero 'nung mga panahon na magkasama kami, hindi ba niya naramdaman ang totoong nararamdaman ko para sa kanya?
Muli kong binuksan ang laptop ko at ini-open sa website ng rehabilitation center kung saan naka-check in si Victor at counselor si Wynna. Tiningnan ko ang website. Naroon ang ilang mga events. Naroon ang listahan ng mga counselors at napangiti ako ng makita ko ang litrato ni Wynna. Nag-browse pa ako hanggang sa makita ko ang ilang litrato ng mga nagdaang events. Pakiramdam ko ay may kumurot sa puso ko nang makita ko ang litrato nila ni Victor na magkatabi. Pareho pa silang nakangiti.
Napakagat-labi ako. Ang nararamdaman ko ay katulad lang din ng dati. Parang kinukurot ang dibdib ko. Bagay na bagay kasi silang dalawa. Lalo na ngayon na nakaka-recover na si Victor at lumilitaw na ang totoong hitsura. Guwapo. Mukhang modelo. Ito ang Victor na kinabaliwan ni Wynna noon. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin talaga ako manalo sa lalaking ito.
Inis kong isinara ang laptop at marahang hinilot ang ulo ko. Bigla yata akong inatake ng migraine. Parang sumakit ang buong katawan ko. Pero ang talagang pinakamasakit sa akin ay ang dibdib ko. Literal na para iyong pinipiga.
Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumapasok doon si Wesley at pinipigilan ng secretary ko.
"Sir, ang kulit niya kasi. Sabi ko tatanungin muna kita kung tatanggap ka ng bisita pero nagmamadali siyang pumasok dito," sinamaan pa ng tingin ng sekretarya ko si Wesley.
"Okay lang, Emily. Sige na. Ako na ang bahala dito." Sabi ko dito.
Napapailing na lumabas ang sekretarya ko at iniwan kami ni Wesley.
Walang nagsalita sa amin ni Wesley. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Alam kong nagpipigil lang siya ng galit. Gusto ko siyang sumbatan. Bakit galit na galit siya sa akin? Samantalang si Victor na sumira sa buhay ng kapatid, okay lang sa kanya na kausapin ni Wynna? Napahinga ako ng malalim at dinampot ang ballpen at ipinagpatuloy ko ang pagpirma ko sa mga papeles na nasa harapan ko para mahalata niyang abala ako.
"What can I do for you, Wesley." Sabi ko sa kanya habang patuloy sa pagpirma.
Sa halip na sumagot ay ibinato niya sa harap ko ang isang brown envelope.
"Count it if you want. Wala na akong utang sa iyo," sabi niya sa akin.
Napaangat ako ng ulo at tumingin kay Wesley.
"Cash, checks, our house title. Pati mga kotse namin sa iyo na. Basta tigilan mo na ang pamilya ko." Matigas na sabi niya at naglakad na palayo.
"Wait." Awat ko. Naipagpasalamat kong huminto naman si Wesley pero hindi siya lumilingon sa akin.
"How's Wynna?" pinilit ko ng lakasan ang loob ko. Gusto ko lang malaman kung kumusta na siya.
Humarap sa akin si Wesley at napapailing na napapatawa.
"After what you did to her. You have the nerve to ask how she is? Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?" Ramdam na ramdam ko ang pagtitimpi niya.
"I just want to know if she is okay. Hindi naman ako manggugulo." Tumayo ako dinampot ko ang envelop na ibinigay niya sa akin. "Ito?" Lumapit ako sa kanya at ibinalik ang envelope "Itong mga ito? Hindi ko 'to kailangan. Kung gusto mo dadagdagan ko pa. Just tell me where she is. I just want to see her," doon na ako bumigay. Kung sabihin niya sa akin na lumuhod ako at halikan ang mga paa niya ay gagawin ko para lang makita kong muli si Wynna.
Napahinga ng malalim si Wesley.
"She left already. And it is better that way. Mabuti ng malayo siya sa inyong dalawa ng pinsan mo. Kahit sino sa inyong dalawa, walang magandang idudulot sa buhay ng kapatid ko," sagot niya sa akin.
Napalunok ako. She left? "W – what? Where did she go?"
Wala na akong narinig na sagot mula kay Wesley. Inihagis niya ang envelope sa mesa ko.
"Hanggang kahuli-hulihang sentimo ng utang ko, bayad na. Kaya tigilan mo na kami. Huwag mo ng guluhin ang kapatid ko." Pagkasabi noon ay tuloy-tuloy ng lumabas si Wesley.
Pakiramdam ko ay nanghihina akong napaupo sa swivel chair ko. Wynna's gone? Saan siya pupunta? Hindi puwede. Hindi puwedeng umalis siya. Hahanapin ko kung saan man siya magpunta. Hindi ako papayag na magkalayo kami. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin.
Mabilis kong dinampot ang telepono ko at binuksan ang drawer ko. Hinanap ko doon ang isang calling card na hindi ko inakalang magagamit ko.
Agad kong tinawagan ang numero na naroon. Nakahinga ako ng maluwag ng isang lalaki ang sumagot sa akin.
"Jacob Ramirez please."
"Speaking. Who is this?" Dama ko ang kaseryosohan sa boses niya.
"I am Nathan Arevalo. I want you to find someone for me. I can pay any amount." Desperado na ako. I want to find her at gagawin ko ang lahat makita ko lang siya uli.
Saglit na wala akong narinig. Tanging mga kaluskos ang narinig ko sa kabilang linya.
"Give me her details. I'll give you a feedback at the end of the week." Iyon ang sabi niya ng balikan ako.
Lahat ng detalye ay ibinigay ko sa kanya.
"Who is this? Ex-wife? Girlfriend?" tanong ng private investigator.
"First love." Tanging sagot ko.
Napa-hmm lang siya.
"Alright, wait for my report at the end of the week." Iyon lang at pinatayan na niya ako ng telepono.
Kahit paano ay para akong nakahinga ng maluwag.
Pasasaan ba at matatagpuan ko rin si Wynna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top