Chapter Thirty Five
Wynna's POV
Ayokong maniwala sa nakikita ko.
Si kuya Wesley ba talaga ang nandito? Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot. Naguguluhan ako sa bilis ng mga pangyayari. Ipinikit-pikit ko ang mata ko para masiguro kong nandito talaga si kuya. Totoo nga!
"'Tang ina mo, Nathan anong ginawa mo?" Galit na galit ang itsura ni kuya habang tumingin kay Nathan nang pumasok siya sa loob ng kuwarto. Napakunot ang noo ko nang makita kong may putok sa may kilay si Nathan at putok sa may labi.
"W–wait. Kuya Wesley? What happened?" Takang-taka ako. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?
"What happened?! He used you! That's what happened! Kung hindi pa ako kinausap nila Tita Jocelyn hindi ko malalaman na inaalila ka na pala dito ng lalaking ito!" Galit na galit si kuya. Nasali pa si Tita Jocelyn na nanay ni Paula.
Grabe ang kaba ko. Nagpapapalit-palit ang tingin ko kina kuya at Nathan. Gusto kong magsalita siya at ipagtanggol niya ang sarili niya kay kuya pero tahimik lang si Nathan.
"K–kuya Wesley, no. It's not what you think. This is my idea. I asked him to let me do this para hindi ka makulong," sagot niya sa kapatid.
"Na sinamantala naman ng gagong iyan!" Kitang-kita ko na halos mag-apoy ang mata ng kuya ko sa paraan ng pagkakatingin niya kay Nathan. "This is his plan. That animal used me to get to you para makaganti sa iyo. Kinaibigan niya ako, he used our family just to get to you. Our parents trusted him," halatang masama ang loob ni kuya kay Nathan ng tumingin siya dito tapos ay sa akin. "Talagang ginipit niya ako sa sitwasyon ko ngayon para gumawa ka ng paraan. This is his entire plan para makaganti siya sa iyo. Tita Jocelyn told me everything!"
Tumingin ako sa gawi ni Nathan at tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Gusto kong magsalita siya at sabihin niya kay kuya ang mga sinabi niya sa akin. Sabihin niya kay kuya na mahal niya ako at ako ang pinili niya. Gusto kong sabihin niya kay kuya na mali ang sinasabi ng kapatid ko.
Pero hindi nagsalita si Nathan. Yumuko lang siya.
"Nate?" Hindi na ako nakatiis na hindi siya tanungin. Nasaan na ang mga pinag-usapan namin?
"Don't be stupid, Wynna. All of us, parte tayo ng paghihiganti ng lalaking iyan. Sarili lang niya ang concern niya. Lahat ng taong tumarantado sa kanya noon, he just wanted to get even," tumingin si kuya kay Nathan. "You think I wouldn't know? When I found out what you're doing to my sister, I investigated. Your uncle, your cousin, then si Wynna. Idinamay mo pa kami."
"Nate, please tell him that it is not true. Sabihin mo sa kanya ang mga sinabi mo sa akin," pinilit kong patatagin ang sarili ko pero ibang-iba ang itsura ni Nathan ngayon. Tahimik lang siya at mukhang wala siyang balak na magpaliwanag.
"N-Nathan-" tuluyan na akong napaiyak dahil wala talaga siyang sinabi.
Ano 'to? Bakit hindi siya nagsasalita? So totoong pinaasa lang ako ni Nathan? Pinaniwala na mahal niya? Pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Nagkamali ba ako? He was still consumed by hate and he doesn't know how to love at all?
Nagulat ako nang biglang mariing hawakan ni kuya Wesley ang kamay ko at pakaladkad akong hinihila palabas ng silid. Doon ko nakitang gumalaw si Nathan at lumapit sa amin at inaawat si kuya.
"Wesley, dahan-dahan. Nasasaktan si Wynna," sabi niya at sinubukan niyang pigilan ang kuya ko.
Malakas na itinulak ni kuya si Nathan at napasandal siya sa dingding ng kuwarto.
"Huwag mo akong hawakan 'tang ina ka! Wala akong pakialam kung ipakulong mo ako o maubos ang pera namin pambayad ng utang ko sa iyo. Pero wala kang karapatan na paglaruan ang kapatid ko," galit na galit na sabi ni kuya.
"Wesley, mahal ko si Wynna." Mahinang sabi ni Nathan.
Parang nagdiwang yata ang puso ko sa narinig kong sinabi niya..
Tumawa lang si kuya at napailing-iling.
"Mahal? Gago! Hindi ka marunong magmahal. Do you know what happened to Paula? Nandoon sa ospital. Nagwawala at hinahanap ka. What did you do to her? Magpinsan sinulot mong putang ina ka. Ang lupit mo, Nathan. Akala ko mabuti kang kaibigan pero napakasama mo," damang-dama ko ang sakit sa bawat pagbitaw ng salita ni kuya.
Napapailing na tumingin lang sa akin si Nathan.
"Leave us alone. Kung magkano man ang utang namin, babayaran ko iyon. Kung anuman ang nagawa ng kapatid ko sa iyo, binayaran na niya iyon. If I could just kill you right now, ginawa ko na. Mas masahol ka pa kay Victor."
Muntik pa akong mapasubsob nang bigla akong hilahin ni kuya at halos kaladkarin na makaalis doon.
"K-kuya Wesley, pabayaan mo munang magpaliwang si Nathan," umiiyak na sabi ko. Lumingon ako kay Nathan para makita kong humahabol siya sa amin pero hindi namin siya kasunod.
Umiling lang si kuya.
"I know I made a mistake, Wynna. Pero hindi mo kailangang gawin 'to. That asshole is a manipulator. Sinamantala niya ang lahat. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya. He uses everyone for his own sake. Look at Paula. Parang basahan lang niyang iniwan. What made you think na hindi rin niya gagawin iyon sa iyo lalo na nga at may nakaraan kayo?" Painis na binuksan ni kuya ang pinto ng kotse at sapilitan akong pinasakay doon.
Padabog ang paraan ng pag-start ni kuya ng sasakyan niya. Nagmamadali na makaalis doon.
Lumingon ako sa bahay ni Nathan at nagbabakasakali na makita ko siyang humabol pero kahit anino niya ay hindi ko nakita doon. Hindi ko siya maintindihan. Bakit hindi man lang niya ako maipaglaban kung totoong mahal niya ako?
--------------à>>>>>
Nathan's POV
Walang pakiramdam ang katawan ko nang mapaupo ako sa gilid ng kama. Nasapo ko ng dalawang kamay ang ulo ko kasi pakiramdam ko ay ang bigat-bigat noon. Mariin ko pang sinabunutan ang sarili ko. All of my plans backfired to me.
My plan for today was to go Wynna's family and tell everything about us, kaya nagulat na lang nang biglang bumulaga dito sa bahay si Wesley. I wanted to explain everything to him pero malakas na suntok na ang ipinasalubong niya sa akin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag. Galit na galit siya at hindi ko naman masisisi ang reaksyon niya. Kapatid siya ni Wynna. Paula told everything to her mom, all of our plans, then her mom told Wynna's family. Kaya naisip ko kahit na nong paliwang ang gawin ko, siguradong hindi nila ako papaniwalaan. Galit na sila sa akin dahil iniisip nilang ginamit ko sila kaya siguradong hindi sila makikinig sa lahat ng ipapaliwanag ko. Hindi ko na lang ipinilit magsalita para hindi na lang humaba. Iniisip kong palipasin muna ang ilang mga araw bago uli ako makipag-usap sa kanila. Hindi ko basta-basta bibitawan si Wynna.
Mabilis akong nagbihis at dumiretso ako sa ospital kung saan naka-confine si Paula. Pagpasok ko sa kuwarto niya ay naipagpasalamat kong siya lang ang taong nasa loob. Mabuti na ito para makapag-usap kami ng maayos. Ang ganda agad ng ngiti niya ng makita ako. Pinilit niyang umayos ng higa pero hindi niya matanggal ang pagkakatali ng dalawang kamay niya sa side rails ng hospital bed.
"Nate, thank god you are here." Naiiyak na siya.
Napahinga lang ako ng malalim at hindi ko akalain na mangyayari ito kay Paula. In a way, nakokonsensiya ako dahil may kasalanan din ako dito.
"How are you?" Tanong ko.
"They think I am crazy. They think I am obsessed with Wynna. Kay Wynna? I am not obsessed with her. I hate her. I just want her to disappear para hindi na siya manggulo sa buhay ko. Sa buhay natin," umiiyak ng sabi niya at inis na hinihila ang nakataling braso.
Napahinga ako ng malalim.
"You told her family about our plans."
"I had to. Nagawa mo na ang gusto mo, Nate. You fucked her already. Isn't it what you always wanted? Sabi ko naman sa iyo lahat ng gusto mo ibibigay ko pero hindi mo ako puwedeng iwan. Ako lang ang mahal mo." Malakas na sumigaw si Paula. "God damn these restraints!" Pilit siyang kumakawala sa pagkakatali niya.
"Paula, what we had is a mutual affection and you know that from the start. Walang love. Alam mong hindi ko kayang ibigay ang pag-ibig ko sa iba. I hate Wynna then but I can't give my love to anyone. I was just afraid to tell myself the truth that I still love her. Pero iyon talaga. I love her." Napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon.
Napahagulgol ng iyak si Paula sa narinig na sinabi ko.
"I am sorry. Magalit man ang pamilya niya, gagawin ko ang lahat para mabawi ko siya."
"Sobra ka, Nate. Ibinigay ko lahat pero bakit ganyan ka? Bakit siya pa rin? Bakit lahat na lang nakukuha niya? Bakit ako hindi?" Parang batang nag-aatungal si Paula.
Napapikit ako at napailing. I hate to see her like this pero parang tama ang mga doktor na tumitingin sa kanya. Hindi sa akin obsessed si Paula kundi kay Wynna. She hates her so much because she wanted to be her.
"I wish you a good life." Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.
"She will never love you. Si Victor lang ang mahal ni Wynna. Hindi ka niya mamahalin," umiiyak na sabi ni Paula.
Nagkibit ako ng balikat.
"I'll make her fall in love with me."
Hindi ko na pinakinggan ang malalakas na sigaw ni Paula at tuloy-tuloy na lang akong lumabas. Pupuntahan ko si Wynna at susubukan kong magpaliwanag sa pamilya niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top