Chapter thirty

Wynna's POV

Kung kailan nagtapat si Nathan sa akin saka naman siya parang nahihiya. After namin mag-usap, after niya akong halikan, bigla siyang dumaing na humihilab ang tiyan niya kaya inihatid ko siya sa kuwarto niya at pinabayaan ko siyang magpahinga.

Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko ngayong nagkatapatan na kami ng nararamdaman ni Nathan. Nahihiya yata akong humarap sa kanya. Saka paano namin gagawin 'to? May girlfriend siya at alam kong galit na galit pa sa akin. Bakit ba hindi ko naisip na sakit sa ulo itong pinasok ko? Hindi na kasi ako nakatanggi kanina nang halikan ako ni Nathan kasi naman, gusto ko talaga saka mahal ko siya.

Sinubukan kong tawagan ang doktor ni Nathan at inalam ko kung ano talaga ang nangyari. Totoo nga na pina-discharge niya ang sarili niya against medical advice. Nanghingi lang siya ng gamot sa doktor niya at sinabi sa akin ng attending physician niya ang mga kailangan niyang i-take na gamot at mga bawal kainin.

Kaya ngayon, nandito ako at nagluto ng soup para sa kanya. Sabi ng doktor niya soft foods muna ang puwede niyang kainin. Huwag na munang pilitin na kumain ng marami. Pabayaang makapagpahinga at magpalakas.

Inilagay ko sa tray ang pagkain na inihanda ko para kay Nathan. Ihahatid ko na lang sa kuwarto niya para doon na lang siya kumain.

Naabutan kong tulog na tulog si Nathan sa kama. Halatang may iniinda pa rin kasi medyo nakahawak pa rin siya sa tiyan niya. Inilapag ko sa bedside table niya ang tray ng pagkain at hinanap ko sa kuwarto niya kung nasaan ang mga gamot na sinabi ng doktor.

Nasaan kaya ang mga gamot niya? Hinanap ko sa buong kuwarto at napatingin ako sa bag niyang dala. Baka nandoon. Binuksan ko pero wala naman. Cellphone, wallet at ibang mga papel ang naroon. Discharge note, at hospital receipt ang naroon. Muli kong inikot ang paningin at pumako ang tingin ko sa kanya. Nakita kong bahagyang may nakaumbok sa bulsa ni Nathan. Lumapit ako sa kanya at kinapa iyon. Bilog na pahaba. Dinukot ko sa bulsa niya at iyon nga. Dalawang pill bottles ang nasa bulsa niya.

Sinubukan kong dukutin iyon pero ang sikip ng pantalon ni Nathan. Ayoko naman siyang gisingin para lang kunin ang gamot niya. Gusto kong naka-ready na ang lahat kapag nagising na siya at gusto kong pag-usapan naming dalawa ang sitwasyon namin. Baka kasi nabigla lang siya kanina o nadala lang siya ng pagkakataon. Baka sabog pa sa gamot at nakalimutan niyang may girlfriend siya. 'Yung mga ganoong factors na puwede kong i-consider. Tatanggapin ko naman kung joke lang ang nangyari kanina kasi iyon naman talaga ako. Isang joke sa buhay niya.

Pinipilit kong kunin ang pill bottle sa bulsa ng maong pants niya at talagang ang sikip. Lalo kong isinuksok ang kamay ko at napangiti ako ng mahawakan ko iyon at unti-unti kong nakuha. Isa pa lang. May isa pang naiwan. Sinubukan ko ulit kunin. Ang lalim naman ng bulsa ng pantalon ng lalaking 'to. Lalo tuloy akong napadikit sa kanya at talagang lumalalim ang pagpasok ng kamay ko sa bulsa ng pantalon niya.

"That tickles." Mahinang sabi niya.

Nahinto ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Tulog ba ito? Pero bakit nakangiti? Lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya para malaman ko kung talaga tulog siya pero mabilis niyang kinabig ang ulo ko at hinalikan ako sa labi.

Akala ko imagination ko lang na masarap humalik si Nathan. Pero totoong masarap talaga siyang humalik. Ramdam ko ang pagmamahal. His kiss really connects in me. Walang pagmamadali at 'yung tipong hindi nauubusan.

"Tsinatsansingan mo ako." Sabi niya nang humintong humalik sa akin.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko at sigurado akong namumula iyon.

"I was looking for your meds," nahihiyang sagot ko sa kanya. "I found it in your pocket. Ayaw lang kitang gisingin para hindi maistorbo ang tulog mo."

"Gising naman ako. Amoy mo pa lang nagigising na ako," sabi niya. "Come here," umusog siya sa kama niya at pinahihiga ako sa tabi niya.

Hindi ko alam kung paano ko igagalaw ang sarili ko. Nahihiya talaga ako. Hindi ako sanay ng ganito na may lalaking parang talagang iginagalang ako. Victor treated me as her whore and I allowed him to do that. Siguro kasi most of the time na magkasama kami, I was always under the influence of drugs. Hindi ko alam na puwede palang tratuhin ng ganito kaayos ang isang babae and I don't think I deserve to be treated this way dahil sa mga nangyari sa akin.

Sumeryoso ang mukha ni Nathan ng hindi ako gumalaw at nakatingin lang ako sa kanya.

"You don't want to be near me?" Halatang parang sumama ang loob niya sa nakitang reaksyon ko. "You still don't want me." Sinabi niya sa tonong sigurado siya.

"N-no. No. Hindi ganoon. Hindi ko lang alam kung paano ako gagalaw," alanganin kong sagot.

"Anong hindi mo alam? Anong paano ka gagalaw? Wala ka naman dapat na baguhin. What are we now? Sabi mo mahal mo na ako?" Kita ko sa mukha ni Nathan ang pag-aalala.

"Yes. Totoo iyon. Pero kasi-"

"Pero kasi ano? Si Victor pa rin ba?" Halatang nasasaktan si Nathan sa sinasabi niya. Grabe talaga ang insecurity niya kay Victor kahit alam niyang nakakahigit na siya dito sa lahat ng bagay.

"Hindi. Wala na si Victor ano ka ba? Hindi lang ako sanay na ganito ka sa akin. You don't treat me like this hindi kasi ako sanay na ganito." Sagot ko.

"Anong hindi sanay? Saan?" taka niya.

"Sa ganito. 'Yung para akong nirerespeto."

"Noon pa man, Wynna alam mong nirerespeto na kita. I did some terrible thing to you and I said stupid things pero pinagsisisihan ko iyon. Kung nasaktan ka sa mga ipinakita ko the past weeks, hindi mo alam na mas dobleng sakit ang nararamdaman ko doon." Seryosong sabi ni Nathan.

"Pero kasi-"

"I said I love you. Kailangan ko bang ulit-ulitin?" Naiiling at natatawang sabi ni Nathan. "Napapahiya na ako, eh." Parang batang sabi niya kaya natawa ako.

"Well, I want to hear it over and over para mas maniwala ako na totoo 'to." Natatawang sabi ko pero sa totoo lang lunod na lunod na ang puso ko.

"I love you, I love you, I love you. Ayoko ng ulit-ulitin kasi nagagasgas. Puwedeng gawin ko na lang?"

Nagkibit ako ng balikat at naramdaman ang labi ni Nathan sa labi ko. This time, mas malalim na ang paghalik niya. Talagang inaangkin niya ako. I closed my eyes and naalala ko ang mga nagawa ko. Ang mga pagpapahiya ko sa kanya, ang mga kalokohang nagawa ko at nahihiya ako sa mga nagawa ko kahit na nakalipas na iyon. Pakiramdam ko ay talagang hindi ako nararapat para kay Nathan.

Huminto siya sa paghalik sa akin at idinikit ang noo sa noo ko.

"Hindi kita pipilitin. Just tell me when you're ready." Mahinang sabi niya.

Tuluyang tumulo ang luha ko. Ito ang klase ng lalaking ipinagpalit ko kay Victor. Isang lalaki na talagang minamahal ako ng buo noon at kahit nasira ako, nawasak, patuloy pa rin niyang minamahal ngayon and I don't think I deserve him.

---------------à>>>>>>

Nathan's POV

Ramdam ko ang pag-alog ng mga balikat ni Wynna habang yakap ko siya. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya at hindi ko tinitingnan ang mukha niya kasi alam kong umiiyak na naman siya. I can't believe that her self-esteem is this low. Alam ko ang nararamdaman niya. She can't believe that she is still capable of being loved dahil iyon ang ipinaramdam ng mga tao sa kanya pagkatapos ng pagsubok na pinagdaanan niya. Guilty din naman ako doon. I treated her indifferently at talagang nagsisisi ako sa nagawa ko.

Marahan siyang lumayo sa akin at pasimpleng pinahid ang mga luha niya tapos ay ngumiti.

"I made soup for you. Tinawagan ko ang doctor mo para malaman ko kung ano talaga ang nangyari. Nagpa-discharge ka daw against medical advice. Ang tigas ng ulo mo," sabi niya sa akin at tumayo para kuhanin ang soup na ginawa niya.

"I can't stay in the hospital lalo na wala ka doon. Puwede naman akong magpagaling dito sa bahay," sagot ko sa kanya. Pumuwesto sa harapan ko si Wynna at nagsimulang halu-haluin ang soup na nasa harap niya tapos ay kumutsara doon at itinapat sa bibig ko.

"Open your mouth. This is good for you. No dairy as per your doctor's advice," sabi pa niya.

Pakiramdam ko ay hihimatayin na yata ako sa sobrang kilig dahil sa mga pangyayari. Sa panaginip ko lang ito nararanasan. Ang mayakap si Wynna, ang mahalikan tapos ngayon, pinagsisilbihan pa niya ako.

"Alam mo, I am a devotee of Our Mother of Perpetual Help for so many years. I did kneel-walking a couple of times." Naalala ko ang mga panahong tuwing Miyerkules ay nasa Baclaran ako at nagno-novena. Ilang taon ko rin iyong ginawa.

"You did? Parang wala sa itsura mo ang pagiging pala-simba." Parang hindi makapaniwala si Wynna sa sinabi ko.

"Yeah. Sabi kasi kapag naka-kumpleto ka ng nine weeks na novena, she will grant whatever your wish."

"Did you get your wish?" Halatang interesado si Wynna sa sinasabi ko. Napahinto pa siya sa pagpapakain sa akin.

Tumango ako. "Unti-unti. Hindi niya biglang ibinigay pero unti-unti. Kung mahina ang faith ng isang tao, you will give up. Pero ako, sa dami ng naranasan ko sa buhay, hindi ako nag-give up. I know magiging maayos ang buhay namin ni nanay. And one day, it did happen. Nanay got what she really deserved by being a legitimate Arevalo.

"That's good to hear," nakangiting sabi niya. "Kain ka pa. Akala mo mabobola mo ako sa mga kuwento mo, ha?" Ang ganda-ganda talaga ngumiti ni Wynna. Talagang nai-inlove ako sa kanya.

"Pero hindi ako tumigil magdasal at mag-novena. Nagpatuloy ako kasi hindi pa rin niya ibinibigay noon ang talagang ipinagdadasal ko."

"Ano pa ang gusto mo noon? Umayos na ang buhay mo. You became a successful individual in just a short period of time. Nakilala ng mga tao. Ano pa ang kulang?" Wala sa loob na tanong ni Wynna.

Ngumiti lang ako. "Nawalan ako ng tiwala sa pinagdadasalan ko. Inisip kong hindi na niya ibibigay sa akin kaya huminto ako. I was mad, I was frustrated, I was questioning kung ano pa ang kulang sa faith ko bakit hindi niya ibinibigay ang nag-iisang gusto ko. Iyon pala may ibang plano or wala pa sa timing. Ang galing talaga ng Diyos, Wynna. He made me realize the truth when I was about to give up. Sa huli, ibinigay din niya ang talagang ipinagdadasal ko." Titig na titig ako sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin. "Really? Hindi ka pa kuntento sa kung meron ka? People are going to kneel in-front of you. Gagawin ko nga noon kung sinabi mo."

"Mula pa noon, ikaw na ang ipinagdadasal ko. Linggo-linggo, ikaw ang hinihingi ko. Ang tagal ibinigay but I know this time, it will be perfect. Hindi ako nagsisisi na hanggang ngayon mahal kita. Wala akong pakielam sa sasabihin ng mga tao dahil sa nakaraan mo. Ikaw ang importante sa akin, Wynna. Ikaw ang hiningi ko sa Diyos at ibinigay ka niya. Tatanggapin kita kahit ano ka, kahit anong nangyari sa iyo. Huwag mong isipin na hindi ka bagay para sa akin dahil ikaw ang hiningi ko."

Nakatitig lang sa akin si Wynna at nangingilid ang luha niya tapos ay alanganing ngumiti.

"Hindi na kita papakawalan. Pakakasalan kita." Marahan kong hinaplos ang mukha ni Wynna at nakita kong tuluyang nahulog ang luha niya.

"N-Nate, hindi mo alam ang sinasabi mo. Masyadong-" pinutol ko ng halik ang anumang sasabihin niya.

"Nate, bro! I heard you discharged-"

Pareho kaming napatingin ni Nathan sa pinto at nakita namin na nakatayo doon si Sean na papalit-palit ng tingin sa amin ni Wynna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top