chapter ten


Wynna's POV

I can't move.

Nakatingin lang ako sa lalaking naglalakad palapit sa amin. Hindi ako maniwalang si Nathan ito. Sobrang layo ng lalaking ito sa Nathan na nakilala ko noon. Ang taong nakikita ko ngayon ay kakikitaan ng authority at hindi basta-basta mabu-bully. Hindi siya ang tipo ng lalaking magpapatalo sa kahit na ano at siya ang tipo na tingnan pa lang niya ang isang tao ay parang matutunaw na at iyon ang nangyayari sa akin ngayon.

Pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko nang makalapit siya sa amin. Pati ang amoy niyaay iba rin. Ang bango. Hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang tingin ko kasi nakatitig lang siya sa akin.

"I heard from your brother that you're back so I decided to drop by."

Even his voice changed. It has full of authority and full of confidence.

Alam kong mataas akong babae pero bakit parang biglang ang tangkad-tangkad niya sa harap ko? Hindi ako makasagot kasi naaalala ko ang ginawa ko sa kanya. Ipapahiya ba niya ako dito? Sasabihin ba niya sa lahat ang ginawa ko sa kanya? Hindi ko makayang salubungin ang tingin niya. Nakaka-conscious kasi ang paraan ng pagtingin niya kasi pakiramdam ko tinatalupan niya ako.

"Ah, oo. Kahapon lang siya dumating," si Meg na ang sumagot para sa akin. Naramdaman kong bahagya pa niya akong siniko kaya napilitan akong ngumiti kay Nathan.

Ngumiti din siya sa akin. Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputing ngipin na puwedeng gawing modelo ng toothpaste.

Ipinapanalangin ko na umalis na siya sa harap namin. Hindi ko na siya kayang harapin pa. Naalala ko lang ang ginawa ko sa kanya. Nagi-guilty ako.

Nahihiya ako.

"So, how are you?" he crossed his arms on his chest and made himself at ease with us. 'Yung tipong parang barkada na matagal naming hindi nakita. Parang wala akong ginawang masama sa kanya.

"I–I'm fine. I'm fine. Dito lang ako sa bahay," iyon na lang ang naisagot ko.

Tumango-tango lang si Nathan at nanatiling nakatingin sa akin. Nakakaasiwa. 'Yung klase ng tingin niya sa akin ay para bang kinakabisado niya ang itsura ko.

"You look better now compared the last time I saw you. Remember? Engineering building?" natawa pa siya ng sabihin iyon.

Napatingin ako kay Meg at nagtatanong siyang tumingin sa akin.

"Don't worry. Whatever happened, wala na sa akin iyon. Actually, I have to thank you for that. You and your so called friends? That photos that they spread in social media, they paved my modelling career." Nakangiti pa ring sabi niya.

Inilabas ba nila ang mga litratong iyon? I don't remember it anymore. Hindi ko na alam kung anong ginawa nila because that was the last time I saw Victor's group.

"Nathan!"

Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng tinig na sumigaw. Nakita ko ang isang maganda at sosyal na babae na papalapit sa lugar namin. She was so sexy wearing a red tank top na nagpatingkad lang sa kaputian niya. Her skinny jeans showed her nice curves. Agad na kumapit ang babae sa braso ni Nathan nang makalapit sa amin. She was just looking at me with brows raised at halatang hindi siya masaya na nakita niya ako.

"I thought you're not going here?" malambing na tanong niya sa lalaki. Parang hindi kami pansin ni Meg. I know who she is. She's my cousin Paula.

"Wesley is not answering my calls kaya I decided to drop by and Tita Julia invited me," sagot niya at tumingin ulit sa akin. Nakita kong tumingin din sa akin si Paula at nakataas ang kilay na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"So, the prodigal daughter is back? Kamusta naman ang bakasyon mo sa rehab?" she said that with a mocking tone. Alam kong ipinapahiya niya ako.

Napailing ako. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang inis niya sa akin. Magmula kasi ng lumaki kami ay madalas na kaming pagkumparahin dahil same age kami ni Paula. We studied in the same school from grade school up to college. There was always a competition between us pero hindi ko naman iniintindi iyon. Her mom was a competitive mom. Lagi na lang kino-compare si Paula sa akin but unfortunately for her, mas laging ako ang nakakalamang sa kanya. She was always second to me in everything. Kahit sa atensiyon ni Victor noon.

Napahinga ako ng malalim. Talaga bang lahat ng mga taong makakaharap ko ngayon gabi ay magpapaalala sa akin sa lalaking iyon?

"Hindi ka ba nakakagamit ng drugs sa rehab? I heard kahit na nasa loob na, marami pa ring nakakulong doon ang puwedeng gumamit. You don't have a supplier?" nag-itsurang inosente pa ang mukha ni Paula pero alam ko naman na gusto lang niya akong mapahiya.

"FYI lang, Paula. Wynna was out from rehab two years ago. And ever since she was already clean. So don't imply that it was just like yesterday when she got out from there." Inis na sabi ni Meg. Tingin ko ay hindi nakatiis sa mga panunuya ni Paula.

Pasimple kong kinalabit si Meg para huminto na siya. Kung ako, hindi ko na siya papatulan.

"Be it two years ago or just yesterday, it is still the same. My point is, she is a drug addict and –"

"I am fine, Paula. Thank you for asking," putol ko sa sinasabi niya. Ayokong ako ang pagsimulan ng gulo dito.

"Whatever," sagot nito at inirapan siya tapos ay bumaling kay Nathan. "Let's go, love. Puntahan na natin si Wesley." Ang higpit-higpit ng kapit niya sa boyfriend niya at halos hilahin na paalis doon.

Nakita kong nakatingin sa akin si Nathan tapos ay ngumiti sa akin.

"I am really glad that you're back, Wynna." Sabi niya bago ito umalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Kahit kailan, bitch talaga ang pinsan mong iyan. Hindi na ma-overcome ang insecurity sa iyo." inis na sabi ni Meg.

"Ikaw naman kasi pinapatulan mo pa. Bayaan mo na sila. Halika na. Doon tayo sa loob," nagpauna na akong maglakad kay Meg kasi hindi ko na kayang magtagal pa doon. Hindi kasi ako makampante dahil nakikita ko pa rin si Nathan na patingin-tingin sa akin kahit na nga kausap na niya ngayon si kuya Wesley.

"Ano ang sinasabi ni Nathan na nangyari sa inyo and he have to thank you?" tanong ni Meg.

Napayuko ako at napailing. "I made mistakes, Meg. I hurt people like you, my family. I did something to him na alam kong mahihirapan siyang patawarin ako."

"Like what? Binasted mo siya? Tanggap niya iyon. Alam naman niya na patay na patay ka kay Victor."

"Worse than that. Victor made me do it. He knows that Nathan was in love with me and he asked me to do something." Napahinga ako ng malalim. "I made advances at him, I pretended I like him then when I know that he was already carried away, I cried rape even if it was not true. I know it was so stupid but I was so high, I thought it was a joke. Alam mo 'yun. Victor's friends took a photo of him naked. They threatened him that they will put it on social media. I didn't know what happened next because I was sent to a rehab." Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. "Nagsisisi ako sa mga nagawa ko, Meg. Pero hindi ko alam kung paano ako magmo-move on sa buhay ko. Those nightmares that I did keep on haunting me and I don't want to go back. I don't want to remember them but still, people are coming back to remind me of what I did."

Naaawang niyakap ako ni Meg. "Maiintindihan naman niya siguro kung bakit mo iyon nagawa. You were not yourself during thoae times. Kilala naman natin si Nathan 'di ba? Mabait siyang tao."

"Nagbabago ang tao, Meg. Lalo na kung na-agrabyado ng sobra." Napabuntong-hininga ako nang sabihin iyon. "How did he become a partner of my brother? Since when?"

"Hindi ko rin alam. Basta isang araw naikuwento na lang ni Tita Julia sa akin ang tungkol sa kanya. And minsang dinalaw ko si Tita, naabutan ko siya dito. I think sobrang close nila ng kuya mo." Uminom ng hawak na juice si Meg. "What happened to him was like a Cinderella fairy tale. Male version nga lang. Sino ang mag-aakala na may ibang properties and companies pala ang lolo niyang si Nathan at sa kanya nakapangalan. Basta. Puwedeng pampelikula ang nangyari sa buhay niya kaya naging instant millionaire in just three years."

Palaisipan pa rin sa akin kung paano nakilala ni kuya si Nathan at kung paano siya yumaman ng ganito. Paulit-ulit noon si Victor sa pagsasabi na anak ng kasambahay nila si Nathan at kung gaano ito kahirap kahit na nga magpinsan sila. Lagi niyang sinasabi sa akin na walang karapatan si Nathan sa yaman ng mga Arevalo.

Magsasalita pa sana ako nang may marinig akong komosyon na nangyayari sa labas. Napalabas kami ni Meg para usisain kung anong nangyayari. Nakita kong nag-uusap si Nathan at si kuya Wesley. Sobrang seryoso. Tingin ko ay hindi maganda ang pag-uusap nila.

"Pinagtataguan mo ako," iyon ang narinig kong sabi ni Nathan kay kuya.

"Why are you doing this?" Nagngangalit ang panga ni kuya. Halatang pinipigil lang ang galit.

Ngumisi si Nathan. Tingin ko ay parang nag-iba ang aura niya.

"You are pushing me to do this, Wesley. I told you I need my money pero puro pangako ang ginagawa mo sa akin. Binayaran mo nga ako pero tumalbog naman ang mga cheke na ini-issue mo. Sinabi ko naman sa iyo, mabuti akong kaibigan. Pero ang ayoko sa lahat ay ang gagaguhin ako."

Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng takot sa sinabing iyon ni Nathan. Pakiramdam ko ay sa akin niya pinapatungkol iyon.

"Puwede naman natin itong pag – usapan sa ibang araw pero huwag naman dito. Kababalik lang ng kapatid ko," tonong nakikiusap si kuya.

Nakita niyang napailing si Nathan.

"Paano mo pa mababayaran ang utang mo sa akin kung nandito na nga ang kapatid mo? Baka sa pang – bisyo pa lang niya, kulang pa ang kinikita mo," sabi pa nito.

Ang lakas ng boses ni Nathan. Pakiramdam ko ay ang init-init ng mukha ko sa sobrang pagkapahiya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin sa akin ang ilang mga bisita. Hindi ako makapaniwala na manggagaling iyon mismo kay Nathan.

"Nathan! Ano ba ang problema mo? Umalis ka na dito kung manggugulo ka lang!" sumigaw na si daddy.

"Wait. Hindi 'nyo pa ba alam? Wala pa bang sinasabi sa inyo si Wesley tungkol sa negosyo niya at sa mga nangyayari sa kanya?" Kitang-kita ko ang kalituhan sa mukha ni kuya Wesley at alam kong kinakabahan siya.

"Nate, please. Pag-usapan natin 'to. Not like this," pakiusap ni kuya at hinawakan nito sa braso si Nathan para mailayo doon.

"Baon na sa utang si Wesley sa akin. His business with me, ibinenta na niya sa akin iyon. Your family car rental business, he sold it to me too. You know why? He has gambling problems. Hindi 'nyo ba napapansin?"

Hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi ni Nathan. Hindi magagawa iyon ni kuya. He was perfect. Wala siyang bisyo. Ako lang ang may problema sa pamilyang ito.

"I'm going to kill you, Nathan! Umalis ka na dito bago ko pa magawa iyon! Magkano ang utang ng anak ko at babayaran ko!" galit na galit na sigaw ni daddy. Inaawat lang si dad ni Uncle Felix.

"Can you pay his fifteen million debt? Wala pa doon ang mga interes ng inutang ni Wesley," sagot ni Nathan at nakangising umiling – iling. "Pero sa tingin ko, mahihirapan kayong bayaran na ang utang niya. Sa mga bisyo ng mga anak nyo? Isang sugarol at ang isa naman," ibinitin pa nito ang sinasabi at muling tumingin sa akin. "Drug addict." Mariin nitong wika.

Napalunok ako sa sinabi ni Nathan. Hindi ko akalain na manggagaling iyon mismo sa kanya.

Nakita kong hinimatay si mommy. Agad na umalalay dito ang mga bisita at si daddy at si kuya. Parang hindi man lang natinag si Nathan. Nakatingin lang siya sa gawi namin ni Meg tapos at kay kuya.

"I need my money as soon as possible. Kung wala kayong ma – iproduce, I'll see you in court," at dire-diretso na siyang umalis. Hindi man lang niya ako tiningnan nang dumaan sa harap namin tapos ay nakasunod si Paula sa kanya.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko akalain na magagawa ni Nathan 'to. Ang laki ng ipinagbago niya. Hindi na siya ang Nathan na nakilala ko noon.

What made him change like that?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top