chapter sixteen

Wynna's POV

Walang salita si Nathan nang sunduin niya ako sa kanto ng subdivision namin at wala din siyang salita nang ibinaba niya ako sa tapat ng bahay niya. Nag-doorbell tapos ay muling sumakay sa sasakyan niya at umalis din doon. Naiwan akong hindi alam kung anong gagawin ko sa harap ng bahay niya.

Maya-maya lang ay isang may-edad na babae ang nagbukas ng gate sa akin at nakangiti siya nang salubungin ako.

"Ikaw siguro si Wynna. Ikaw ba ang magiging kapalit ko dito?" nakangiting tanong ng matanda sa akin at kinuha ang dala kong travelling bag.

"Ako nga ho si Wynna. Kayo ho ba ang helper ni Nathan? Nabanggit kasi niyang magbabakasyon daw kayo," sagot ko sa kanya habang nakasunod papasok sa loob ng bahay. Nagpapalinga-linga ako kasi kung gaano kaganda ang labas ng bahay ni Nathan, ganoon din kaganda ang loob noon. Halatang may taste ang kung sino man na nakatira sa loob. Magaganda at mamahalin ang mga appliances. De-klase ang mga muwebles.

"Ewan ko ba sa batang iyon. Nasabi ko naman na hindi ko kailangang magbakasyon. Aba, pinilit-pilit akong pagbakasyunin," naiiling na sagot ng matanda.

Napa-ah lang ako. So this is what I am. I will be his house helper. This is what I have to pay for his withdrawal of my brother's case.

"Kumain ka na ba?" tanong pa niya. Patuloy lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa itaas at buksan niya ang isang kuwarto tapos ay ipinasok doon ang gamit ko. Kumunot ang noo ko. This is not a maid's room. Tingin ko ay kuwarto ito para sa mga bisita.

"Manang, hindi ba dapat sa maid's quarter ako?" paniniguro ko.

Parang nagtatakang tumingin sa akin ang matanda.

"Maid's quarter? Sabi ni Nathan dito ka daw sa isang kuwarto sa taas mag-stay. Saka hindi naman kasi ako stay-in dito. Papasok ako ng alas-otso tapos, uuwi na ako ng ala-singko pagkatapos kong magluto ng hapunan. Basta maiayos ko lang ang mga gamit niya pero kadalasan naman gabi na 'yan umuuwi at madalas hindi na kumakain. Tulog lang talaga siya dito," sabi pa niya. Binuksan niya ang isang tokador at ipinasok doon ang gamit ko. "Huwag kang mag-alala at hindi ka naman pagod dito. Bantay lang talaga sa bahay ang papel ko dito kasi once a week may dumarating na tagalinis ng bahay niya. May nagme-maintain ng paglilinis dito."

Bakit si Manang puwedeng stay-out? Bakit ako kailangan kong dito tumira? Napabuga ako ng hangin sa kawalan ng sagot sa tanong na iyon sa isip ko.

"Matagal ka na dito, manang?" tanong ko sa matanda. Ngayon naman ay nakasunod ako sa kanya papunta sa kusina.

"Matagal na. Tatlong taon na. Magmula pa nang mabili ni Nathan ang bahay na ito. Sa labas lang naman kasi ako ng village nakatira kaya pumayag na rin ako sa set up na ganito. Saka isa pa, masyadong generous 'yang batang 'yan. Lahat ng kailangan ko suportado niya." Nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha ng matanda. "Pakiramdam ko tuloy ayaw na ni Nathan sa serbisyo ko at kailangan na niyang kumuha ng mas bata sa akin."

"Huwag 'nyo hong isipin 'yon. Hindi ho ako magtatagal dito. Baka gusto lang talaga ho ni Nathan na makapahinga kayo," pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Sabagay. Makakampante pa rin naman ako na may bago siyang kasama dito sa bahay. Teka nga. Kilala mo ba ang girlfriend ni Nathan?" nagtitimpla na ng kape ngayon ang matanda.

"H – hindi ho," pagsisinungaling ko.

Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Uunahan na kita. Selosa iyon. Kung ako sa iyo, huwag kang masyadong lalapit kay Nathan kung ayaw mong awayin ka ng awayin ng babaeng iyon. Galit iyon sa magaganda at sigurado ako na kapag nakita ka ni Paula, tiyak na aawayin ka."

Natawa lang ako at naupo sa harap ng mesa at kinuha ang kape na iniabot ng matanda sa akin.

"Madalas ho ba siyang nandito? 'Yung girlfriend ni Nathan?" Gusto kong malaman dahil ayokong mag-abot kami ni Paula dito at para alam ko kung kailan ako iiwas.

"Minsan dito natutulog. Pero hindi naman madalas pumunta dito." Tumingin siya sa relo. "Pupunta muna ako sa palengke. Nagpapaluto kasi si Nathan ng hapunan. Baka maagang umuwi dahil nandito ka. Bahala ka na muna diyan, ha?" iniwan na niya ako at tuloy-tuloy na siyang lumabas.

Napahinga ako ng malalim at napailing habang tanaw ng tingin ang pag-alis ni Manang. Puwede naman palang hindi magbakasyon ang helper ni Nathan pero bakit ako nandito ngayon? Naalala kong kapalit nga pala ito ng pag-urong niya ng kaso ni kuya. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid at maayos naman ang lahat. Malinis at organisado ang buong bahay kaya ano pa ang gagawin ko dito? Dinampot ko ang kape ko at bumalik ako sa silid na sinabi ni Manang na tulugan ko. Inayos ko ang mga gamit ko at pinamilyar ang sarili sa silid. Kumpleto ang gamit. May sariling banyo sa loob, kumportable ang queen sized bed na nababalutan ng comforter. De-aircon ang kuwarto. Hindi normal na tulugan ng isang helper na katulad ko.

Binuksan ko ang aircon at napapikit ako sa lamig na inilabas noon. Nahiga ako sa malabot na kama at parang ang sarap-sarap ng pakiramdam noon sa likod ko. Parang bigla yata akong nakaramdam ng pagod matapos ang ilang araw na pag-aalala sa sitwasyon ng kapatid ko at isang matinong idlip ang hinahanap ng katawan ko.

--------------------

Nathan's POV

Pasado alas-otso na ako nakarating sa bahay. Wala na si manang. Naka-receive lang ako ng tawag sa kanya na iniwan na niya dito sa bahay si Wynna. Nakatulog daw at hindi na niya inabala pa. Kaya nandito ako ngayon sa kuwarto niya. Tahimik na nakatayo sa paanan ng kamang tinutulugan niya.

Tulog na tulog si Wynna sa kama. Nakasabog ang mahabang buhok sa malambot na unan. Bahagyang naka-buka ang mga labi. Pinagmamasdan ko lang ang itsura niya katulad noon. Wala halos ipinagbago ang magandang mukha. Maganda pa rin ang parang iginuhit na mga kilay, ang cute na ilong. Ang mala-rosas na mga labi. Tingin ko ay para lang siyang lalong gumanda. Nagkalaman ang katawan at nagmamalaki ang mga dibdib na natatabingan ng suot niyang t-shirt. I remember back then when I was always staring at her almost every day. Kuntento na akong makita siya, matanaw sa malayo kahit na may kasama siyang iba. Nagpapabuo ng araw ko noon sa tuwing makikita ko siyang masaya at nakangiti. I was head over heels in love with her.

Noon.

Ngayon, tanging pagkamuhi lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa kanya at kay Victor na sumira sa akin. Pinaglaruan niya ako. Dinurog niya ang puso ko at pagkatao ko. I don't want her. Tama si Paula. All I can feel right now is hate kaya hindi ako maka-move on kay Wynna. Wala akong nararamdaman kundi galit dahil sa ginawa niya. Pinatay ni Wynna ang puso ko nang sirain niya ang pagkatao ko at mahalin niya si Victor.

Bahagyang gumalaw si Wynna at nag-inat. Napangiti pa siya siguro sa kakuntentuhan ng pahinga na nakuha nya. Nagmulat siya ng mata at napatingin sa akin. Kumunot pa ang noo na sinisigurong naroon nga ako. Mabilis siyang bumalikwas ng bangon nang masigurong ako nga ang nasa harapan niya.

"S-sorry. Pasensiya na nakatulog pala ako. Hindi ako ginising ni Manang," mabilis siyang tumayo at sinusuklay ng mga daliri niya ang nagulong buhok. "Kanina ka pa diyan?"

"Nag-dinner ka na?" tanong ko sa kanya.

"B-busog pa ako," sagot niya pero narinig ko ang mahinang pagkulo ng tiyan niya.

"Manang cooked pork steak for our dinner. Eat. I already ate outside. After you're done, go to my room. May pag-uusapan tayo," malamig na sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Dire-diretso ako sa kuwarto ko.

I stepped into the shower and gave myself a relaxing hot bath. Sa dami ng ginawa ko ngayon sa opisina gusto kong ma-relax. Mabuti na nga lang at wala na si Paula na isa pang mangungulit sa akin. Sigurado akong gusto niyang naka-detalye sa kanya ang plano ko ka Wynna.

Isa pang problema ko ay ang sitwasyon ni nanay. Naibenta na ang bahay sa akin. Wala na si Victor doon and I was asking my mother to live with me here comfortably. Kung gusto niyang kasama si Mang Rey, okay lang sa akin basta alam kong maayos siya. I don't want her to live in that house anymore. Napakaraming masamang alaala ang ibinabalik ng bahay na iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw umalis ni nanay. Iyon ang pinagtalunan namin kanina.

I was drying my hair when I heard a faint knock on my door. Nagsuot ako ng boxers at binuksan ko ang pinto bago tinungo ang kama ko. Nakita kong nakatayo doon si Wynna at nag-aalalangan kung papasok ba siya o ano.

"Get in and close the door," utos ko sa kanya. Ipinatong ko sa silyang naroon ang tuwalyang ginamit ko at sumandal ako sa headboard ng kama bago dumampot ng bote ng alak na nasa bedside table ko.

Hitsurang hiyang-hiya si Wynna sa harap ko na nanatiling nakatayo sa paanan ng kama. Hindi siya makatingin sa akin at nanatiling nakayuko lang. Alam kong naasiwa siya sa hitsura ko dahil tanging boxers lang ang suot ko. Gusto kong matawa. Mahihiya pa ba siyang makakita ng hubad na lalaki samantalang ibinigay nga niya ang sarili niya kay Victor ng paulit-ulit?

"Did you eat well?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin.

"Good. If I tell you to do something are you going to do it?" Gusto kong matawa sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakakaramdam ako ng excitement sa gagawin ko.

Napatingin sa akin si Wynna tapos ay muling napayuko. "Iyon naman ang usapan natin. Sinabi ko iyon. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo." mahina niyang sagot.

Napatango-tango ako.

"If I tell you to strip naked in front of me, are you going to do it?" diretso akong nakatingin sa mga mata niya at nakita kong napatingin siya sa akin. Para pa ngang namula ang mukha sa narinig na sinabi ko. Halatang napapahiya siya pero pinilit niyang magpakatatag.

"Ipapagawa mo ba?" balik-tanong niya.

Ngumisi ako. "Parang gusto ko."

Napapikit si Wynna sa narinig na sinabi ko at hinubad ang suot niyang t-shirt.

---------

for those who are asking my FB name is HELENE MENDOZA.

FB group page is HELENE MENDOZA'S STORIES

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top