chapter six
Wynna's POV
Nagising ako sa malakas na pagbukas ng kuwarto. Wala pa akong matinong tulog. Pasado alas-tres na ako ng umaga nakauwi at ngayon pa lang nagbabawi. Masakit pa ang ulo gawa ng hangover. Lasing na lasing ako kagabi.
"What the hell is this Rowynna?!" malakas na malakas ang boses ni daddy.
"What?" asar kong sagot sa kanya. Ano na naman ang trip ni dad? Hindi ba niya alam na gusto ko pang matulog. Inis kong kinuha ang kumot ko at nagtalukbong.
"Punyeta kang bata ka! Ano 'to?!" dumadagundong ang boses ni daddy sa buong kuwarto ko. Mukhang hindi naman siya titigil kaya inis akong bumangon. Natigilan ako kasi naroon din si mommy at si kuya Wesley na nag-aalala ang mga itsurang nakatingin sa akin.
"Ano ba? Ang aga-aga ang ingay 'nyo," inirapan ko pa sila.
Malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni dad. Agad siyang inawat ni mommy at ni kuya.
"Ano 'to? Ito? Ano ang mga ito?!" Pulang-pula ang mukha ni daddy at ibinato sa harap ko ang mga pakete ng contraceptive pills na ibinigay sa akin ni Victor. Hawak din niya ang isang supot ng pinatuyong marijuana at isang maliit na plastic na may laman na parang pulbo. Shit. Hindi pala kinuha ni Victor ang stash ng cocaine niya sa bag ko.
"What are those dad? I don't know about that," kunwari ay hindi ko ito alam pero kinakabahan na rin ako.
"Hindi mo alam? Sa bag mo ito nakuha ng mommy mo. These are contraceptive pills. Bakit meron ka nito?" nanginginig ang boses ni daddy sa galit.
"Obvious ba? So I won't get pregnant." Umirap pa ako sa kanya. Gusto kong sawayin ang sarili ko. Nakakasagot ako ng ganito kay dad? Wow. This is not really me. Parang may ibang tao ang sumanib sa akin at kaya ko siyang sagutin ng ganito.
Nakita kong tuluyang tumulo ang luha ni dad. Ganoon din si mommy. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.
"W-what is going on Wynna? May problema ka ba, iha? You can tell us," umiiyak na sabi ni mommy.
Inis akong umalis sa kama at nilagpasan ko lang sila. Lalabas na lang ako at aalis sa bahay na ito. Doon na lang ako matutulog kina Victor pero maagap na hinarangan ni kuya Wesley ang dadaanan ko.
"Padaan," matigas na sabi ko sa kanya.
"Who the fuck are you? You are not my sister." Sabi niya sa akin.
Sinimangutan ko lang siya at mukhang wala naman siyang planong umalis sa daraanan ko kaya bumalik ako sa kama ko.
"Ano ba ang problema 'nyo? Is this your first time to see contraceptive pills? Of course I need to have that. I have a boyfriend." Binuksan ko ang bedside drawer ko at kumuha ng sigarilyo doon at sinindihan sa harap nila. Wala na akong hiya. Wala na akong pakialam kung magalit man sila. Gusto ko itong gawin at gagawin ko kahit nasa harap nila.
"Oh my god, Wynna. What is going on with you?" humahagulgol na si mommy.
Mabilis na lumapit sa akin si kuya Wesley at inagaw ang sigarilyong sinindihan ko tapos ay itinulak ako ng malakas.
"Wala kang karapatang bastusin sila mommy. Ang kapal ng mukha mo." galit na sabi niya.
"Hindi pa ba kayo tapos?" naiiling na sabi ko sa kanila.
Tahimik lang si daddy at napapailing tapos ay walang imik itong lumabas. Sinundan naman ito ni mommy. Naiwan si kuya Wesley na ang sama ng tingin sa akin.
"What?" inis na inis ako sa kanya. Istorbo silang lahat.
"You're grounded. You cannot go to school anymore. Mom and dad know that you are already dropped in school. The university called them." Naiiling na parang hindi makapaniwala si kuya. "What did you do? Why did you trash your life because of a drug addict? And naging ganoon ka din?"
"Yabang mo naman. Akala mo kung sino kang perfect."
Mabilis na lumapit sa akin si kuya at hinawakan ng madiin ang mukha ko.
"Mom made me promise not to lay my hands on you. You ruined our family." Pagalit niyang binitiwan ang mukha ko at walang sabi-sabing umalis siya doon at malakas na isinara ang pinto.
And they think they can keep me here forever? Inis na kumuha ulit ako ng sigarilyo at sinindihan iyon.
------
"Babe, what took you so long? Where are the stash?" iyon agad ang bungad sa akin ni Victor nang dumating ako sa tambayan namin sa school. Wala akong kadala-dala kahit na anong gamit dahil talagang tumakas lang ako sa bahay. Itinaon kong umalis silang lahat.
"My dad found it. They took it," parang nahihiyang sagot ko kay Victor.
"What? What the fuck, Wynna. Bakit pinabayaan mong makita nila? Wala na tayong perang pambili noon." Halatang naiinis sa akin si Victor at bahagya pang lumayo sa akin.
"Sorry, babe. Hindi ko alam kung paano nila nakita. Grounded nga ako kasi alam na nilang hindi na ako pumapasok sa school. Tumakas nga lang ako sa bahay para makita ka." Ayokong nagagalit sa akin si Victor. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Nakita kong tumingin siya sa akin tapos ay napangiti.
"You'll do anything for me?" paniniguro niya.
"Yeah. Anything."
"Do you want to have fun today?" bakas ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Victor.
"It's always fun to be with you, babe." Mukhang hindi na siya galit sa akin.
"Alright. I want you to do something and we will have so much fun."
——————————-
Nathan's POV
Ilang libro ang nakabukas sa harap ko pero hindi ko maintindihan ang kahit na anong nakasulat doon. Nag-aalala ako para kay Wynna kasi nagkausap kami ni Meg na nalaman na daw sa bahay nila na may problema siya. Her addiction is so much worse. Galit na galit ang parents niya at hindi alam kung paanong gagawin. Nalaman na rin na hindi na siya pumapasok.
Kung may magagawa lang talaga ako. Gustong-gusto ko siyang ilayo kay Victor pero si Wynna ang ayaw lumayo. Hindi ko alam bakit hindi niya makita ang masamang impluwensiya sa kanya ng gago kong pinsan.
Inis kong isinara ang mga libro at ibinalik sa counter. Kakain na lang muna ako sa canteen at saka ako babalik dito. Baka sakaling magkaroon na ako ng interes mag-review.
Palabas na lang ako ng library ng makasalubong ko si Wynna. Sa ilang buwan niyang pagsama kay Victor, sobrang ang laki ng ipinagbago niya. Bumagsak ang katawan. Nanlalalim ang mga mata. Nawala ang magagandang ngiti na lagi kong inaabangan na makita sa mukha niya. Ang hitsura niya ngayon, katulad na rin nila Victor. Hitsurang parang wala ng kinabukasan.
"Hi, Nathan." Nakangiti niyang bati sa akin.
"Ako?" paniniguro ko. Luminga ako sa paligid kasi baka naroon lang sa paligid si Victor at ang mga kabarkada niya.
"Puwede mo ba akong samahan?" malambing na sabi niya sa akin. Kumapit pa siya sa mga braso ko.
"Samahan? Saan?" Ano ba itong nangyayari kay Wynna? Nagti-trip ba siya?
"I am so depressed. Gusto ko lang ng makakausap. Vic and I fought kasi nahuli ko siyang may ibang girls. Akala ko ako lang. Sana pala naniwala na ako sa iyo." Yumakap pa siya sa akin at umiyak.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong may ilang mga estudyante na ring nakatingin sa amin kaya mabilis kong inilayo sa akin si Wynna.
"Huwag ganito. Nakakahiya sa mga tao." Sabi ko sa kanya.
"Why? You don't want people to know that I like you too? 'Di ba sabi mo gusto mo ako? Ayaw mo na ba sa akin?" ang lungkot-lungkot ng mukha ni Wynna habang nakatingin sa akin.
"Gusto kita, Wynna. Gustong-gusto kita. Mahal na nga kita 'di ba? Pero alam kong may iba kang gusto." Sagot ko.
"Ikaw na nga ang gusto ko. Na-realize ko na wala akong kinabukasan kay Vic. Puwede mo ba akong samahan? I just want to forget him," muli siyang yumakap sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko kayang hindian si Wynna. Sumunod na lang ako sa kanya nang hilahin niya ang kamay ko. Papunta kami sa Engineering building at umakyat kami sa fifth floor. Napakunot ang noo ko. Bihira ang mga estudyanteng napapadako sa area na 'to kasi nga marami sa mga kuwartong nandito ay sira kaya hindi na pinapagamit sa mga estudyante.
"Anong ginagawa natin dito?" taka ko. Nakita ko si Wynna na pumasok sa isang bakanteng kuwarto at hinila ako papasok.
"Ayaw mo ba akong makasama?" Isinara niya ang pinto nang makapasok ako.
Napalunok ako kasi ang lapit-lapit ni Wynna sa akin. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.
"Wynna, gusto kita pero ayoko ng ganito. Iginagalang kita at –" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya pero wala akong lakas na pigilin siya. Ang lambot-lambot ng labi ni Wynna. Ang sarap niyang halikan. Napapikit ako nang maramdaman ko ang dila niyang pumapasok sa bibig ko.
Automatic na kumapit ang mga kamay ko sa ulo niya at sa bewang niya. Ayokong matigil ito.
"Masarap ka palang humalik," nakatitig siya ngayon sa akin at nakakagat labi pa.
Wala akong masabi. Nakakalasing ang ginawa niya sa akin. Naramdaman ko ang mga kamay niya na isa-isang tinatanggal ang butones ng suot kong polo.
"T-teka. Huwag. Baka may mga dumating na tao at ayokong makita ka nila na ganito. Huwag, Wynna. Hindi kita gagalawin kasi nire-respeto kita." saway ko sa kanya.
"No. I am sure walang taong darating. I want you. I want to make love to you," sabi pa niya at tuluyang hinubad ang polo ko. Sinunod niyang hinawakan ang butones at zipper ng pantalon ko.
"Wynna," iyon na lang ang nasabi ko. Ayokong gawin pero parang wala akong lakas na pigilan siya sa ginagawa niya sa akin.
Nakatayo ako sa harap ni Wynna na walang pang-itaas at nakababa ang pantalon ko. Nakatingin lang siya sa akin at nakakagat-labi. 'Yung itsura niya na parang gustong-gusto ang nakikita niya. Hanggang sa biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Wynna. Parang biglang natakot. Biglang nataranta at bahagyang lumayo sa akin.
"Help me! Please someone help me! He is trying to rape me!" malakas niyang sigaw.
Ano daw? Mabilis kong iniangat ang pantalon ko pero bumukas ang pinto at nagpasukan doon sina Victor kasama ang mga kabarkada nito. Nagkislapan ang mga camera. Naguguluhan ako. Natataranta ako sa mga nangyayari.
Nakita kong mabilis na lumapit si Wynna kay Victor at yumakap dito.
"Babe, look o? He was trying to do something bad to me," nagsisiksik pa si Wynna sa pinsan ko.
Gusto ko ng umiyak kasi alam ko na set-up ito ni Victor. Kagagawan niya ito at idinamay pa niya si Wynna.
"Wala akong ginagawang masama," naghahalo ang galit at pagkapahiya sa boses ko.
Ang lalakas ng tawanan ng mga kabarkada ni Victor. Si Wynna ay nakangisi ding nakatingin sa akin.
"Are you trying to rape my girl? Gago ka!" malakas akong sinuntok ni Victor. Bagsak ako sa lapag.
"Wala akong ginagawang masama sa kanya. Wynna, tell them." Nagmamakaawa ang tingin ko sa kanya.
Nagkibit lang siya ng balikat sa akin. "Sorry." Iyon lang ang sabi niya na halatang namang napipilitan lang.
"May pruweba kami sa balak mo sa kanya. Ilalabas namin ito sa social media. Makukulong ka." Sabi pa ni Victor at sinipa pa niya ako sa sikmura at nagtatawanan silang lumabas ng kuwarto.
Punong-puno ng galit ang dibdib kong nakatingin sa kanya. Nakita kong nilingon ako ni Wynna. This time ay para siyang naaawang nakatingin sa akin.
"Sorry," iyon ang nakita kong ibinuka ng bibig niya tapos muling nakipagtawanan sa mga kasama niya.
Naiwan akong nag-iisa doon. Pakiramdam ko ay kawawang-kawawa ako. Kahit naman itanggi ko na wala akong balak na masama kay Wynna ay walang maniniwala. Nahuli nila akong walang damit at nakababa pa ang pantalon ko. Sa panahon ngayon kahit hindi kasalanan ng lalaki basta pumiyok ng rape ang babae, talo kami. Si nanay agad ang naisip ko. Paano na siya? Paano na kami? Hindi ko akalain na ang pinakamamahal kong babae ang sisira sa akin ng ganito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top