chapter seventeen

Wynna's POV

I did what he told me to do.

I ate my dinner kasi gutom na rin naman ako. I fixed the dishes para hindi naman nakakahiya na mag-iiwan pa ako ng pinagkainan ko doon. Dumiretso na ako sa kuwarto ni Nathan pagkatapos ko. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng pinto. Grabe ang kabog ng dibdib ko at hindi ko na yata marinig ang hininga ko. Napabuga ako ng hangin bago ako kumatok sa pinto niya.

Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto niya at nakita kong nakatayo doon si Nathan na nagtutuyo ng buhok niya gamit ang tuwalya. Hindi ako agad na pumasok kasi naasiwa ako sa itsura niya. He was just wearing boxers in front of me.

"Get in and close the door," sabi niya sa akin at tinalikuran na ako. Parang balewala lang naman sa kanya na ganoon ang itsura niya sa harap ko at dumiretso siya sa kama niya. Binitawan ang hawak na tuwalya at sumandal sa headboard ng kama habang nakatingin sa akin. Nakita kong dinampot niya ang isang bote ng alak na nasa bedside table niya at lumagok doon ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ko.

"Did you eat well?" tanong niya sa akin at tumango lang ako sa kanya.

"Good. If I tell you to do something are you going to do it?" Seryosong tanong niya sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang nangilabot ako sa sinabing iyon ni Nathan.

"Iyon naman ang usapan natin. Sinabi ko iyon. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo." mahina kong sagot.

"So, if I tell you to strip naked in front of me, are you going to do it?"

Gusto kong masiguro kung totoo ang narinig kong sinabi ni Nathan. Nakita kong diretso siyang nakatingin sa mga mata ko at ramdam ko ang kaseryosohan sa boses niya. Ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya at sa pagkapahiya na nararamdaman ko pero pinilit kong magpakatatag sa harap niya.

"Ipapagawa mo ba?" medyo pumiyok pa ako ng sabihin iyon.

Ngumisi siya sa akin. "Parang gusto ko."

Napapikit ako ng mariin at walang imik na hinubad ko ang t-shirt ko. Isinunod kong hubarin ang suot kong pantalon. Iniwan ko lang ang mga panloob ko. Wala na akong itinirang kahihiyan. Wala akong karapatang tumanggi sa kahit na anong gustuhin ni Nathan. Lahat ng ipagawa niya sa akin ay gagawin ko. Para na rin niya akong binili.

"O? Hindi mo na ba itutuloy? Tanggalin mo lahat. I want to see it all. Gusto kong makita kung ano ang kinabaliwan sa iyo ni Victor noon," walang kaemo-emosyong sabi ni Nathan sa akin.

Napalunok ako sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Sumasakit ang lalamunan ko kasi pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano doon. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggal ko ang pagkaka-hook ng bra ko. Tapos ay pikit-mata kong tinanggal ang kahuli-hulihang saplot ng katawan ko.

Alam ko ang ginagawa sa akin ni Nathan. Ipinapahiya niya ako. Gumaganti siya sa ginawa ko noon sa kanya.

Gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng kumaripas ng takbo palabas dito pero wala akong magawa kahit pakiramdam ko ay ang baba-baba na ng tingin ko sa sarili ko. Wala akong karapatang tumanggi sa gusto niya dahil para na rin niya akong binili.

Pinilit kong magpakatatag sa harap ni Nathan. Itinaas ko ang mukha ko at humarap ako sa kanya kahit hubad na hubad ako. Nanatiling siyang nakatitig sa akin habang nakasandal sa headboard ng kama niya. Ako ang gustong mahiya sa itsura niya. Wala siyang pakielam kahit halos hubad na rin siya sa harap ko. Kahit dim light ang ilaw sa kuwarto niya, kita ko pa rin ang malapad niyang dibdib at flat na tiyan. Agad kong binawi ang tingin ko ng mapadako iyon sa pagitan ng mga hita niya. Bakat na bakat kasi ang nakabukol niyang pagkalalaki doon na bahagya ng tumatayo pero parang wala siyang pakialam doon. Nakatingin lang siya sa kabuuan ko. Muli siyang tumungga sa hawak na bote ng alak at hindi inaalis ang tingin sa akin.

Binitiwan ni Nathan ang hawak na bote ng alak at ibinalik sa bedside table. Tumayo siya at lumapit sa akin. Lalo kong nakita ang lalong lumaki na bulge sa pagitan ng hita niya kaya ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Tumayo siya sa harap ko at marahang hinaplos ang mukha ko habang titig na titig sa akin. Naramdaman kong bumaba ang mga kamay niya sa balikat ko at marahan ding hinaplos iyon. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Bakit ganoon? Bakit hindi ako nandidiri sa bawat paghaplos niya? Hinihintay ko pa nga ang bawat pagdampi ng palad niya sa balat ko.

Pinapakiramdaman ko si Nathan nang umikot siya at pumuwesto sa likod ko. Napahinga ako ng malalim nang humagod ang mga kamay niya mula sa balikat ko pababa sa braso ko, pababa sa bewang ko. Tuluyan kong napapikit nang lumapat ang mga labi niya sa balikat ko paakyat sa leeg. Nakakakuryente na nakakalasing ang ginagawa niya.

Napakagat-labi ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga at labi ni Nathan sa tainga ko.

"Kung ako sana ang pinili mo noon, hindi mo sana dinanas ang mga ito," bulong niya sa akin at naramdaman kong dinilaan niya ang puno ng tenga ko.

Napabuga ako ng hangin sa ginawa niya at hindi ko maintindihan ang kilabot at excitement na gumapang sa buong katawan ko. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Nathan kasi ang tanging nasa utak ko ay ang nakaka-kuryenteng paghaplos niya sa balat ko. Para na akong lutang sa ginagawa niya. Nakakalasing ito. Nakaka-high kahit walang droga na nasa katawan ko.

But then something changed. Ang init na lumukob sa katawan ko ay biglang nawala. Parang bigla pa akong nilamig. Wala na akong maramdaman na paghaplos sa katawan ko. Wala na ang maiinit na hininga sa tainga ko at batok ko. Mabilis akong napamulat ng mata at nakita kong nakaupo na si Nathan sa kama at nakasandal sa headboard habang natatawa at napapailing na nakatingin sa akin.

I never felt humiliated like this in my entire life. Gusto ko na lang maglaho sa harap niya.

"Dress up. There is nothing interesting in what I saw. Close the door when you leave," malamig na sabi ni Nathan sa akin. Dinampot ni Nathan ang telepono niya at nag-dial doon. Hindi man lang niya ako tinitingnan. Tingin ko nga ay diring-diri pa siya sa nakita niya.

Pigil na pigil ko ang luha ko habang nagmamadaling isuot ang mga damit ko.

"Pau, honey. I missed you, babe. I wish you were here in my bed." Nakapikit pa si Nathan nang sabihin iyon. Parang ini-imagine talaga niyang kasama niya si Paula.

Tahimik akong lumabas ng kuwarto niya at mahinang isinara ang pinto. Doon ko inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Ngayon ko lang naranasan ang mapahiya ng sobra na tanging isang tao lang ang nakakita. Ngayon ko nalaman kung gaano kasakit ang ginawa ko noon sa kanya.

--------------------

Nathan's POV

I haven't been in my house for three days since Wynna came there. And I never had a normal sleep for three days after I saw her naked. I don't want to see her for now kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit naisipan kong patirahin si Wynna sa bahay. I was thinking of what Paula told me. Just fuck her and get over her pero hindi ganoon kadali iyon. I can't do that. Inis kong itinaboy ang mga papel sa harapan ko at sumandal sa kinauupuan ko.

Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Para pasakitan siya because of the heartache that she gave me? Fuck me. It's been three years. Karma made its way for her. Sirang-sira na siya. Hirap na hirap makabangon dahil sa pagiging drug user. But still, her beauty never fades. Her face still has the face that made me swoon on her feet back then.

I can still remember her slender body, her curves at the right places, her smooth skin, her sweet scent when I smelled her. Ibang klase ang hatid noon sa sarili ko and I needed to remind of what she was over and over para mawala ang init na nararamdaman ko para sa kanya.

Wala sa loob na napatingin ako sa pagitan ng mga hita ko at kita ko sa chinos na suot ko na bahagyang namumukol ang harapan ko.

"Oh please. Not again," napapailing na sabi ko. Tatlong gabi ko rin na problema 'to. Walang tigil sa galit at paninigas ang nasa pagitan ng hita ko sa tuwing maaalala ko ang hubad na katawan ni Wynna.

Napabuga ako ng hangin at marahang hinilot ang batok ko. I keep on reminding myself that she was just in my house because I want to have my revenge. Tapos na naman lahat. Tito Amado and Helga deserved what happened to them. I don't need to do anything with Victor. He is destroying himself. The last time I heard he is a drug pusher now with his friends. Talagang nag-evolve na siya. I got what I wanted. Money, success, a pretty woman on my side, I can give a better life for my mom. And now, Wynna is here. Siya na lang naman ang kulang sa lahat ng mga taong may atraso sa akin.

Alright, alright. Para akong gago na nakikipagtalo sa sarili ko. Bahala na kung anong mangyayari sa kanya. Basta naroon siya sa bahay ko. She can be my helper or anything. Basta iisipin ko pa kung ano ang pakinabang niya sa akin. Pero ayoko na muna siyang makita ngayon kasi I am getting intoxicated with her presence. Hindi na mangyayari ngayon ang nangyari noon na nagpakabaliw ako sa kanya. She is under my control at kung ano ang gusto ko, iyon lang ang gagawin niya.

Napatingin ako sa bumalandrang pinto at parang nagmamartsang Paula ang pumasok sa loob ng opisina ko. Kunot na kunot ang noo. Lukot na lukot ang mukha at malakas na ibinato ang hawak na handbag sa couch ko.

"When did you come back, hon?" tanong ko sa kanya. Alam ko ay nasa Boracay pa siya at next week pa ang balik niya.

"Why in the world you didn't tell me na itinira mo sa bahay mo si Wynna?" galit na galit na sabi niya sa akin.

Napakunot ang noo ko tapos ay natawa sa sinabi niya. Ang iniimpit kong tawa ay lumakas habang muli kong hinarap ang mga trabaho ko.

"I went to your house to surprise you pero ako pala ang masu-surprise doon. What is she doing there?!" naglalabasan ang litid sa leeg ni Paula sa galit.

"Wait. You're jealous? This is your fucking idea," natatawang sagot ko sa kanya.

"I said you need to fuck her not bring her to your house!" Padabog pa siyang naupo sa couch ko at humalukipkip. Naiiling na tumayo ako at tumabi sa kanya.

"Babe, I don't want fuck that woman. I don't want to touch her at all. Nandidiri ako just thinking that someone I know fucked her already. He is just in the house because I wanted her to be useful just like what you said. Hey, I am just following everything you told me."

Bahagyang kumalma si Paula na narinig na sinabi ko.

"Pero hindi kayo tabi matulog?"

Lalo akong natawa. "Three days na akong hindi umuuwi sa bahay ko because I don't want to see her." Tumayo ako at lumapit sa kanya. "I am doing everything you said just to make her life miserable and she's having it right now." Marahan ko pang hinalik-halikan sa leeg si Paula na talagang ikinawala ng galit niya.

"Siguraduhin mo lang 'yang sinasabi mo. Pumayag lang ako ngayon na may kahati sa iyo para matapos na 'yang pantasya mo sa babaeng 'yan. But after that, hindi na ako papayag because you are only mine," sabi pa ni Paula.

"Don't worry babe, after I'm done with her, I'll put that trash away from you. Alam ko naman kung gaano ka ka-allergic sa kanya," sagot ko sa kanya para tumigil na ang pagmamaktol niya. I looked at Paula's cleavage at para yatang nag-init ako. Kailangan ko lang yata ng sex para ma-release ang init na nararamdaman ko na tatlong araw ng nagpapasakit ng mga ulo ko. I cupped her breasts and slowly removed the buttons on her blouse.

"You are a naughty boy. But wait. Wait. You need to stop," sabi niya habang inaawat ako sa ginagawa ko.

"I missed you," sabi ko sa kanya. I need her now.

"Not now, okay? Hindi rin kasi ako magtatagal. I need to meet Tory Espinosa. Nagpunta lang ako dito para sabihin sa iyo na inutusan ko ang helper mong si Wynna."

Napahinto ako sa ginagawa ko at takang tumingin sa kanya.

"Inutusan? Saan?"

"Well, I told you I want to meet your mom but ayaw mo. Gusto ko naman na maging good shot sa kanya 'di ba? I bought a bag for her and some stuff but ayoko naman na pagalitan mo ako kasi pinangunahan kitang i-meet ko ang nanay mo. So, what I did, inutusan ko si Wynna na dalhin ang mga bigay ko sa bahay ng nanay mo." Parang proud na proud pa si Paula sa ginawa niya.

"You did what?" Shit. Wynna is going to the big house?

"I think it would be okay kasi sasabihin naman ni Wynna na inutusan siya ng boss niya. Gusto ko lang bumango ako sa nanay mo before I meet her and introduced myself as your girlfriend."

Napa-oh lang ako sa mga dahilan na sinabi ni Paula. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong hindi mapalagay sa nalaman kong pupunta si Wynna sa big house. Victor used to live there at alam kong nakakapunta pa rin siya doon kahit ipinagbabawal ko na.

"At ito pa. Grabe, dapat magpasalamat sa akin si Wynna para sa mini reunion nila, ha? Guess who I saw earlier in Power Plant?"

"Who?" parang alam ko na kung sino ang sasabihin niya.

"Your cousin Victor. In fairness, kahit mukhang durugista talaga 'yung pinsan mo na 'yon, guwapo talaga. No wonder talagang head over heels si Wynna sa kanya. Baka kapag nagkita nga sila ngayon maghubad na agad ng panty si Wynna." Tawang-tawa si Paula sa naisip niya.

"What do you mean kapag nagkita sila?" seryosong tanong ko.

"Magkakilala naman kami ni Victor. And nagkakuwentuhan ng konti and nabanggit ko sa kanya that Wynna is out from rehab. Nabanggit niya na matagal na rin pala niyang hinahanap ang girlfriend niya. Imagine, after three years girlfriend pa rin ang turing ni Victor sa kanya. Oh my god. True love siguro ang sa kanilang dalawa. Sabagay bagay naman sila. Pareho silang addict. They deserve each other," bahagya pang tumaas ang kilay ni Paula.

Hindi ko namalayan na bumibilis na pala ang paghinga ko. Napupuno ng galit ang dibdib ko.

"And, this is what I did also. I played cupid for them. I told Victor that Wynna is going to his house. So magkakaroon silang dalawa ng grand reunion. Isn't it great?"

"You did what?" parang hindi ako makapaniwala. Magkikita si Wynna at Victor?

"I told him kung nasaan si Wynna. I don't see anything wrong with that. They are lovers so karapatan ni Victor na malaman kung nasaan ang girlfriend niya. As far as I remember, wala naman silang formal break-up dahil itinago lang ni Tito Paking ang anak niya. Technically, mag-syota pa rin sila."

Mahina akong napamura at tumayo para lumayo kay Paula. Parang naalibadbaran ako sa kanya.

"Hey, you're mad? Nagalit ka ba na inutusan ko si Wynna to meet your mom?"

Parang wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Paula. My mind was filled with thoughts kapag nagkita na si Wynna and Victor. Baka bumalik na naman siya sa pinsan ko. Alam ko kung gaano siya nagpakabaliw sa lalaking iyon. Kulang na lang pati kaluluwa niya ay ibigay niya sa pinsan ko.

"Babe. Hey. Ano ba?" parang naiinis na sa akin si Paula kasi hindi ko na siya intindi.

"Sorry. I forgot I have a meeting right this moment. Can we see each other tomorrow?" pinipigil ko ang galit na lumulukob sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko na naiisip kong magkikita si Wynna at si Victor.

"I'll go. I'll see you tomorrow. Let me know if your mom likes my presents." Humalik sa pisngi ko si Paula at tuloy-tuloy na lumabas ng opisina ko.

Para akong sinisilihan na palakad-lakad sa opisina ko. Tinatawagan ko ang number ni Wynna para pigilan siyang pumunta kay nanay pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Naibato ko na ang telepono ko sa pikon dahil hindi ko siya ma-kontak. Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?

"Damn it. Fuck!" galit na galit talaga ako at padabog akong lumabas ng opisina ko. "Cancel all my appointments!" halatang nagulat ang sekretarya ko sa sinabi ko at tuloy-tuloy ang sumakay sa bumukas na elevator.

Muli kong idinayal ang number ni Wynna but just the same. Panay lang ang ring nito. Pindot ako ng pindot sa B2 button ng elevator para lang bumilis ang pagbaba ko. Ayokong magkita si Victor at si Wynna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top