chapter seven
Nathan's POV
Hindi ko kayang umuwi muna sa bahay.
Sigurado akong gumawa na ng gulo si Victor doon. Sigurado akong naisumbong na niya ang nangyari sa magulang niya. Wala na sana akong pakialam doon. Sanay na akong pagbintangan nila sa mga bagay na hindi ko naman ginawa. Ilang beses na ba nila akong sinisi sa mga bagay na alam naman nilang si Victor ang gumawa? Hindi ko na mabilang. Nagnakaw, nakasira ng kung ano. Sinanay ko na ang sarili ko sa ganoon. Pero ngayon. Ang ibinibintang ni Victor sa akin ay hindi ko matatanggap dahil hindi ako namimilit ng babae kapag ayaw sa akin. Mahal ko si Wynna pero hindi ko siya pipilitin na maging akin kung ayaw niya. Wala naman akong maibibigay sa kanya bukod sa pagmamahal ko. Wala akong pera, hind kami mayaman.
Nagbuga ako ng hangin bago ako pumasok sa malaking bahay. Agad akong sinalubong ni Mang Rey.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ng nanay mo," Pagsisinungaling ko. Halata ko sa hitsura ni Mang Rey na nag-aalala siya.
"May tinapos pa kasi ako sa trabaho. Nasaan ho si nanay?" Ipinapanalangin kong wala naman sanang nasabi na si Victor kung anong nangyari sa eskuwelahan. Ayokong mag-alala pa si nanay.
"Nathan, ano ba kasi ang ginawa mo? Matindi ang ibinibintang sa iyo ni Sir Amado," sabi ni Mang Rey.
Kumunot ang noo ko. Si Tito Amado? Teka, bakit naging si Tito Amado? Kay Victor lang ako may atraso dahil sa bintang niya sa akin.
"Nathan! Putang ina ka! Ilabas mo ang pera ko!"
Pareho kaming napatingin ni Mang Rey sa sumigaw at nakita kong si Tito Amado iyon at galit na galit ang tingin sa akin. Agad na humarang sa akin si Mang Rey para hindi ako mapagbuhatan ng kamay ng tiyuhin ko pero naabot pa rin ako ng suntok niya.
"S-Ser, ser. Tama na po. Pag-usapan 'nyo muna 'to," awat ni Mang Rey sa tiyuhin ko. Sa likuran ni Tito Amado ay naroon si Helga at si Victor na tatawa-tawa.
"Ang kapal ng mukha mo. Pakain na namin kayong mag-ina, paaral na kita, binihisan, pinatira dito sa bahay ko, nanakawan mo pa ako. Ilabas mo ang pera ko!" Galit na galit na sigaw ni Tito Amado.
"Ano hong pera? Wala akong perang kinukuha sa inyo," sagot ko.
"Tarantado ka! Sumasagot ka pa?! Ilabas mo ang perang ninakaw mo!"
"Wala akong perang ninakaw sa inyo. Baka 'yang anak 'nyo ang nagnakaw ng pera mo. Huwag mong ibintang sa akin ang gawain ng anak mo. Alam 'nyo naman na siya ang may kagagawan 'non. Nagbubulag-bulagan lang kayo na hindi ninyo nakikita na lulong na sa droga ang pinakamamahal 'nyong anak!" hindi ko na natiis na hindi sumagot sa kanila.
Nakita kong natigilan si Tito Amado sa sinabi ko. Namula ang mukha sa galit.
"Ang kapal ng mukha mong putang ina ka!" mabilis na lumapit sa akin si Tito Amado para suntukin ako pero inawat ito ni Mang Rey.
"Gago ka, Nathan. Ako pa ang pagbibintangan mo? Ikaw lang naman ang magnanakaw dito. Masyado ka kasing wannabe na yumaman. Alam naman ng lahat na katulong lang kayo dito," sabi sa akin ni Victor.
"Hayop ka, Victor. Lahat ng kagaguhang ginagawa mo sa akin mo ipinapasa. Anong ginawa ko sa iyo para ganituhin mo ako? Kung ayaw 'nyo kami dito, aalis kami. Matagal na kaming nagtiis ng nanay ko na tratuhin 'nyo kaming parang basahan. Sawa na ako. Aalis na kami dito," tinalikuran ko na sila pero mabilis akong pinigilan ni Mang Rey.
"Kung may aalis dito, ikaw lang iyon. Ikaw lang naman ang walang karapatan sa bahay na ito. Maiiwan ang kapatid ko. Ikaw, ngayon pa lang, umalis ka na." sabi ni Tito Amado sa akin.
Tumalim ang tingin ko sa kanila.
"Hindi ko iiwan ang nanay ko. 'Nay!" malakas kong sigaw at pilit akong pumupunta sa maliit na silid namin pero mabilis akong pinigilan ng mga guwardiya ng tiyuhin ko.
"Palabasin 'nyo na 'yan. Hindi ko kailangan ang magnanakaw dito sa bahay ko. Pasalamat ka nga hindi pa kita pinadampot. Lumayas ka na lang dito," sabi niya sa akin.
"Hindi ako aalis! Isasama ko ang nanay ko. 'Nay!" malakas na sigaw ko. Pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ng mga guwardiya sa akin. Pero nakakapagtakang hindi lumalabas si nanay sa silid namin. Naiiyak na tumingin ako kay Mang Rey.
"Nasaan ang nanay ko?" nag-aalalang tanong ko.
"Nathan, intindihin mo ang kalagayan ng nanay mo. May sakit siya. Pneumonia. Kung isasama mo siya, anong mangyayari sa inyo? Saan kayo pupulutin?" Malungkot na sagot nito sa akin.
"Ha?" Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko. "Nasaan si nanay?"
"Nasa ospital ang nanay mo. Kung ako sa iyo, umalis ka na lang muna dito. Isipin mo ang kalagayan ng nanay mo. Umalis ka na lang muna." Mahinang sabi sa akin ni Mang Rey.
"Hindi ko iiwan ang nanay ko," tuluyan na akong napaiyak.
"Nathan, makinig ka. Ako ang bahala sa nanay mo. Hindi ko siya pababayaan. Umalis ka na lang muna ngayon bago ka ipadampot ng tiyuhin mo."
Hindi ako nakasagot at iyak lang ako ng iyak. Ang sama ng tingin ko sa pamilya ng tiyuhin ko. Muling lumapit ang mga guwardiya sa akin at hinawakan ako pero mabilis akong pumiksi.
"Huwag 'nyo akong hawakan. Aalis ako dito pero sinisiguro ko. Babalik ako at kukunin ko ang para sa amin ng nanay ko. Luluhod kayo sa harap ko," pigil na pigil ko ang galit ko.
"Please," bahagya pang romolyo ang mata ni Helga. "Get out already. Ang dami mo pang arte."
Wala akong nagawa ng eskortan ako palabas ng mansion ng mga guard. Nanatili lang akong nakatingin sa mataas na gate na isinara nila sa harap ko.
Walang patid ang pag-agos ng luha ko. Sa isip ko ay pinapatay ko na ang pamilya ng tiyuhin ko. Pero babalik ako. Babawiin ko ang nanay ko at magsisisi sila sa ginawa nila sa akin.
Lahat sila kasama na si Wynna.
------------------->>>>>>>>>>>>>
Wynna's POV
Pauwi na ako sa bahay ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko sa tuwing maalala ko ang nangyari sa school kanina. Tawang-tawa ako sa itsura ni Nathan na parang manok na hinubaran at hindi malaman ang gagawin nang dumating ang mga kaibigan ko. Tanga ba siya? Expected ba niya na ipagpapalit ko si Victor sa kanya? Oh my god?
Wala na akong pakialam kahit na nga pasado alas-dos na ako nakauwi sa bahay. Gosh! What the hell is this feeling? Pakiramdam ko ay lumilipad ako. Ang gaang-gaang ng lahat. Ang bilis ng mga nasa paligid ko. Victor made me take cocaine this time. Dati marijuana and shabu. Now, nag-level up. Mas matindi ang trip. Mas masarap. Mas masaya.
Hindi ko na pinansin na kahit alas-dos na ng madaling araw ay bukas na bukas pa ang ilaw sa bahay namin. Alam ko kapag ganitong mga oras ay tulog na sila mommy and daddy. Si kuya naman madalas umaga na rin kung umuwi. Saka ayoko na munang humarap sa kanila. After what happened earlier, alam kong bad shot pa rin ako.
Nagulat pa ako nang pagdating ko sa sala ay nakatayo doon si daddy at si kuya Wesley. Meron ding ibang mga tao na hindi ko kakilala. Mga naka-uniform ng puti. Sino ba ang mga ito? Si mommy naman ay nakaupo lang sa couch at iyak ng iyak. Kausap ni mommy si Uncle Felix and Tita Olive. Parang kino-comfort nila si mommy.
"Anong meron?" naiiritang tanong ko. Dumukot pa ako ng sigarilyo sa bag ko at nagsindi sa harap nila. Wala na akong hiya sa mga ginagawa ko. Wala akong pakialam kahit magalit siya. Ibinalibag ko pa ang bag ko sa sofa na kinauupuan ni mommy.
Walang sumagot kahit isa sa kanila. Nakita kong nakatingin lang sa akin si daddy and kuya Wesley. Maya-maya ay lumapit sa akin ang mga naka-unipormeng puti at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"What the fuck is this? Bitawan 'nyo nga ako!" galit na sigaw ko sa kanila. "Mommy?! What the hell is this?!" iritado kong tanong sa kanya. Pinipilit kong kumawala sa pagkakahawak ng dalawang naka-puti na humahawak sa akin.
Pero walang sumasagot sa akin. Patuloy lang sa pag-iyak si mommy. Pati si Tita Olive ay naiiyak na rin.
"Daddy?! Kuya Wesley! What is this?!" Nakakaramdam na ako ng takot kasi mukhang walang balak sila daddy na pigilan ang nangyayari sa akin. "Let go of me!" nagwawala na talaga ako at nagpipilit na kumawala sa mga humahawak sa akin.
"Makakabuti sa iyo ang magpagaling ka muna," nanginginig ang boses ni daddy at tumalikod sa akin.
"Magpagaling? But I am not sick! Daddy, please! I don't want this!" sigaw ko. Naiiyak na ako at patuloy pa rin akong nagwawala. Nakita ko ang isang attendant na may hawak na syringe at papalapit sa akin. Nakita ko si kuya Wesley na napapailing at tumalikod sa akin. Sinuntok niya ang kaharap na pader.
"Paquito, Wesley, baka puwede naman na huwag na nating ipa – rehab si Wynna? Pagtulungan na lang natin siya. Ayokong malayo sa anak ko," iyak ng iyak si mommy habang nakatingin kay dad.
Rehab? What? They are going to bring me to a rehab?
"We already talked about this, Julia. You said okay with this. This is for her own good," gumagaralgal na rin ang boses ni daddy.
"Rehab? No! I don't want to go to a rehab! Please let me go! Mommy!" umiiyak na ako at sumisigaw. Pilit akong kumakawala sa mga humahawak sa akin lalo na ng makita ko ang isang may hawak ng syringe na lumapit at itinusok sa braso ko ang syringe na hawak niya.
"Daddy! Kuya Wesley, please. Ayokong sumama sa kanila. I don't want to go to a rehab. Tulungan 'nyo ako!" ang lakas ng palahaw ko. Talagang nagmamakaawa ako sa kanila kahit pakiramdam ko ay nag-uulap na ang paningin ko. Alam kong epekto ito ng gamot na isinaksak sa akin.
"We love you so much, Wynna. We don't want to see you destroy yourself. What we did is for you own good." Umiiyak na si daddy.
Nakatingin lang ako sa kanila habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Wala na akong lakas na manlaban pa. Pinabayaan ko na lang na nakahawak ng mahigpit sa akin ang mga attendant at hinihintay nilang mag-take effect ang gamot na isinaksak nila sa akin.
Umiiyak na mukha ni mommy ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top