chapter one

Wynna's POV

Nakapako ang tingin ko sa lalaking dumadating galing sa gate ng university.  Victor Arevalo.  Matangkad.  Mahaba ang buhok na nakatali lang.  Man bun yata ang tawag doon nang mabasa ko sa magazine.  Tight fit maong, boots and ragged shirt.  'Yung t-shirt na halatang lumang – luma na but still, kayang – kaya niyang dalhin iyon na magmumukha pa rin siyang hot and sexy.  Lalo pang dumagdag sa appeal ng lalaki ang bitbit niyang electric guitar na nakasukbit sa likuran niya.

Nang dumaan siya sa tapat namin ng kaibigan kong si Meg at napatingin siya sa gawi ko at ngumiti siya sa akin.  Hindi ko alam kung ngingiti din ba ako sa kanya o ano.  Naisipan kong yumuko na lang at ipinanalangin na lumakad na siya palayo.

"Hay naku.  Nakita mo na naman ang durugistang si Victor kaya namimilipit ka na naman sa kilig diyan," nakairap na sabi ni Meg sa akin.  Painis niyang binitiwan ang hawak niyang mga libro sa tabi ko.

"Ikaw naman.  Hindi dahil nasa banda si Victor, durugista na siya.  Sobra ka naman.  Style niya lang 'yan," sagot ko sa kanya.  Nagkakandahaba pa ang leeg ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki.

"Wynna, hindi ko alam kung anong hangin ang sumapi sa iyo para magustuhan mo 'yang si Victor.  Drug addict 'yan.  Kalat na kalat na dito sa university.  Saka tingnan mo nga, first year college pa lang tayo, nasa second year college na 'yan.  Graduating na tayo ngayon, second year pa rin siya.  Tingin mo may future na naghihintay sa lalaking 'yan?" Halatang iritable si Meg.

"Bakit ba inis na inis ka?  Crush ko lang naman.  Hindi ko naman boyfriend."

"Kung ligawan ka?"

Natawa ako.  "Malabong mangyari iyon.  Mga sikat lang dito sa university ang nagiging girlfriend niya.  Saka kilala mo naman ang mga barkada niya dito.  Mga sikat, mga -

"Mga notorious professor's enemy.  'Yung mga pokpok na lagi niyang mga kasama.  'Yung mga tropang laging drop out.  Iyon ang mga barkada niya," nakangiwing putol ni Meg sa sinasabi ko.

Natawa na lang ako at napailing – iling.  Tumayo ako at binitbit ang mga librong dala ko.

"Halika na.  Doon na lang tayo sa library para makapag – review tayo at mawala na ang inis mo diyan kay papa Victor."

Hindi tuminag si Meg at parang naiinis pa ring nakatingin sa akin.  Tinawanan ko siya at hinila ang kamay.

"Halika na!  Huwag ka ng maarte diyan.  Hindi kita ipagpapalit kay Victor 'no?" natatawang sabi ko.

Natawa din siya at tumayo na din.

Pareho na kaming graduating sa course naming Marketing ni Meg.  We've been best friends since freshmen.  Siya ang unang estudyante na nakilala ko dito and eversince, we've become inseparable.  Talagang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.  Sa pag – aaral ay pareho kaming laging kasama sa dean's list.  Lagi kaming active sa mga school activities.  Pareho kaming straight A students since freshmen at talagang tina - target namin na maging cum laude kami pareho sa graduation.

Pagpasok pa lang namin ni Meg sa library ay sinalubong na kami ng maraming tao.  Nagkatinginan kaming dalawa at napasandal pa kami sa dingding kasi may mga nagtatakbuhan pang estudyante na papasok.

"Anong meron?" Taka ko.

"Nagpapakilala yata ang mga members ng student council.  Alam mo na.  Mga nagpapalakas sa mga freshmen dahil election na naman.  Tara.  Doon tayo sa loob," sabi ni Meg at sumiksik kami sa karamihan ng mga tao para makarating pa kami sa pinakaloob ng library.  Nakahinga ako ng maluwag nang makita namin na konti lang ang mga estudyanteng naroon. 

"Buti dito tahimik." Sabi ko at naghanap kami ng bakanteng mesa na puwede naming puwestuhan.  Pero sa malas kahit konti ang tao, okupado pa rin ang mga mesa.

"Tara doon tayo. Mayroon isang vacant na table."  Nagpauna na si Meg makarating sa itinuro niyang table pero agad din kaming napahinto kasi mayroon palanf naka - okupa doon.  Tumingin sa amin ang lalaking tahimik na nagbabasa ng libro.  Halatang nagulat nang makita kami partikular ako tapos ay kumunot ang noo.  Parang hitsurang nairita kasi naistorbo ang pagbabasa niya.

"S - sorry.  Akala kasi namin bakante.  Pasensiya na," kinalabit ko na si Meg na umalis na kami doon.  Mukha kasing suplado ang lalaki.

"Okay lang.  Hindi naman akin 'tong library." Sagot niya sabay yuko at itinuon ang sarili sa pagbabasa.

Nagtinginan lang kami ni Meg at naupo na doon.

Wala kaming imikan tatlo sa table.  Sobrang engrossed sa pagbabasa ng libro ang lalaking naroon.  Nagtitinginan lang kami ni Meg kasi nahihiya kaming mag - usap.  Baka pagalitan pa kami ng lalaki.  Tingin ko kasi ay mas matanda siya sa amin.

Napatingin kami sa lalaki nang bigla itong tumayo at binitbit ang mga gamit tapos ay walang imik na umalis. 

"Nainis yata kasi tinabihan natin," komento ni Meg.

"Bakit naman?  Kanya ba 'tong library?  Bayaan mo nga siya." Sinundan ko pa ng tingin ang lalaki na ibinabalik ang mga librong dala niya sa counter ng library.

"Cutie din si kuya 'no?" Nakatingin din si Meg sa lalaki.  "Pero mukhang poor."

Totoo naman ang sinabi niya.  Naka - tshirt lang ang lalaki na halatang lumang - luma na.  Ganoon din ang pantalon niya.  Ang sneakers niya may butas pa.  Halatang gastado na din sa sobrang suot.  Mabuti na lang uso na ngayon ang mga mukhang lumang sapatos.

"Sino kaya siya?" Tanong pa ni Meg.

"Bakit? Type mo?" Natatawang sabi ko.

"Hindi.  Curious lang ako.  Kasi ngayon ko lang siya nakita dito.  Tambay tayo dito 'di ba?"

Tumango ako.  Totoo naman ang sinabi ni Meg.  Sabagay, new sem siguradong maraming bagong mukha dito.

"New student.  O baka new professor.  Mukha naman siyang older sa atin," sagot ko.

"Hi.  Can I stay here?"

Sabay kaming napaangat ng ulo ni Meg para tingnan kung sino ang nagsalita.  Pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko ng makilala ko kung sino iyon.

Si Victor! 

Grabe ang kabog ng dibdib ko.  Pinanlalakihan ako ng mata ni Meg.  Parang sinasabi na huwag kong paupuin doon si Victor.  Pero hindi puwede.  Pagkakataon ko na ito.  Ngayon lang ako mapapalapit sa ultimate crush ko.

"Y-yes." Patay ako kay Meg nito.  Hindi ko na nga siya tiningnan kasi siguradong ang sama – sama na ng tingin niya sa akin.

Ngumiti sa akin si Victor.  "Thanks." Nakita kong may kinawayan siya at ilang mga kabarkada niya ang lumapit at naupo din doon.  Nanghinayang naman ako.  Akala ko pa naman siya lang mag-isa ang makikiupo sa amin.  Lahat naman pala ng barkada niya ay kasama niya pati ang mga babaeng laging kalandian niya. 

Napailing na lang si Meg at nagbasa na lang.  Ganoon din ang ginawa ko pero panay ang sulyap ko kay Victor. 

—————->>>>>

Nathan's POV

Napapailing ako sa tindi ng panghihinayang ko.  Nanginig yata ang tuhod ko nang makita ko si Wynna.  Napakagago ko.  Pagkakataon ko na iyon na maka-usap siya pero anong ginawa ko?  Umalis ako.

Napakatanga mo, Nathan.  Pinalampas mo ang pagkakataon na makausap ang ultimate crush mo.

Pakiramdam ko ay sinisermunan ako ng utak ko.  Laking panghihinayang ko talaga.  Sobrang tagal ko ng crush si Wynna mula nang makita ko siyang kumakain sa canteen kasama 'yung bestfriend niyang si Meg.  Ang ganda - ganda niya pero malabo naman niya akong mapansin kaya hanggang tanaw na lang ako.  Alam ko naman ang dapat kong lugaran.  Hindi ko na dapat pinag – aaksayahan ng panahon ang mga babae kasi panira lang sila sa focus kong mag – aral.  Pero iba si Wynna.  Siya lang talaga ang babaeng nagustuhan ko ng ganito.  Napahinga na lang ako ng malalim habang papalapit sa bahay na inuuwian ko.

Patakbo akong pumapasok sa loob ng malaking bahay para maabutan kong gising pa si nanay.  Pasado alas nuebe na rin noon kaya sigurado akong nagpapahinga na siya.

"Ginabi ka na naman Nathan." Bati sa akin ni Mang Rey.  Nakita ko siyang nag - aayos ng mga hose ng tubig sa garahe.  Siya ang hardinero slash boy dito sa mansion. 

"Medyo trapik ho kasi.  Si nanay ho?"

Medyo ngumiwi siya. 

"Nandoon sa likod.  Mukhang may ginagawa pa."

Nagmamadali akong nagpunta sa likod at naabutan ko si nanay na naglalaba.  Kita ko ang tambak na mga damit na nasa batya.

"'Nay.  Gabing - gabi na 'yan.  Bukas na ho 'yan." Saway ko sa kanya at inagaw ko ang mga labada niya.

"Hayaan mo na.  Konti lang naman 'to." Sagot niya at patuloy sa pagkusot ng mga damit.

"Konti?  Ayan tambak 'yan.  Ilang pantalon ni Victor ang nandiyan?  Bakit hindi kayo gumamit ng washing machine?" Umaakyat ang dugo sa ulo ko nang may makita pa akong mga comforter na dapat ay sa laundrymat na pinalalabhan.  Hindi ito kakayanin labhan ng isang tao lalo na nga ng isang may – edad na.

"Hindi naman na kailangan.  Kumain ka na.  Ipinagtira kita ng ulam." Hindi pansin ni nanay ang sinabi ko.  Patuloy lang siya sa pagkusot ng damit.

"Si Helga na naman ang nag - utos nito sa inyo 'no?" Paniniguro ko.

Umiling lang si nanay.  "Ako na ang umako.  Hindi kasi dumating ang labandera kanina kaya natambak 'to."

"Naniwala naman kayo?  Ilang linggo na bang hindi dumarating ang labandera nila at kayo ang ginagawang labandera?" pinipigil ko talagang sumabog ang galit ko.  "Nay, bakit kasi hindi pa tayo umalis dito?  Katulong na nga tayo, pero masahol pa sa hayop ang turing sa atin." Hindi ko na napigil na sabihin iyon kay nanay.

Pilit na ngumiti sa akin si nanay at tinuyo ang kamay niya at lumapit sa akin.

"Alam mo ang dahilan kung bakit ayokong umalis.  Isa pa, ga - graduate ka na.  Mabait naman sa atin si Kuya Amado.  Malaki ang naitutulong niya sa pag - aaral mo."

"Naitutulong?  Alin?  Ang mga baryang ibinibigay niya sa akin?  Ang mga pinaglumaang damit ng anak niya na mahihiya ang mga basahan pero kailangan kong tanawing utang na loob?  Umalis na tayo dito, 'nay.  Kung magkano man ang utang natin, babayaran natin sa kanila.  Pero hindi ganito." Napupuno ng galit ang dibdib ko.

"Nathan, sana maintindihan mo kung bakit ayokong umalis.  May karapatan tayo sa bahay na ito lalo ka na." Parang iiyak na si nanay.

"Hindi ko alam sa 'yo 'nay.  Hindi ko makita ang karapatan na sinasabi mo.  Kahit kailan hindi tayo magkakaroon ng karapatan sa bahay at yaman ng mga Arevalo.  Kapareho lang natin sila ng apelyido pero hinding - hindi nila tayo ituturing na kadugo."

Iniwan ko na si nanay.  Matigas naman ang ulo niya.  Sigurado naman akong hindi rin siya titigil sa ginagawa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top