chapter nineteen
Nathan's POV
Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa sobrang galit.
That image of Victor and Wynna can't get off my head. Victor touching her, kissing her, fuck! Kung hindi talaga ako inawat kanina, that asshole could be dead.
Pasimple kong tinatapunan ng tingin si Wynna na tahimik lang na nakaupo at nakatingin sa labas ng sasakyan namin. Yakap-yakap lang niya ang sarili niya para hindi mahubad ang nasira niyang t-shirt. Lalo lang nag-apoy ang galit ko sa nakita kong itsura niya.
"Lock the doors. Don't open it for anyone." Sabi ko sa kanya nang ihinto ko sa harap ng bahay ang sasakyan ko. Hindi ko man lang siya tinitingnan.
Tahimik na nagtanggal ng seatbelt si Wynna at bumaba ng sasakyan. Nang makita ko siya na nakapasok sa loob ay umalis na rin agad ako doon. Babalik ako sa big house. Kailangan naming mag-usap ni nanay.
Agad akong sinalubong ni Mang Rey nang dumating ako doon. Nag-aalala ang mukha niya ng makababa ako sa sasakyan.
"Ano bang nangyari dito? Nagwala daw si Victor?" paniniguro niya.
Napailing lang ako. "Basta ho huwag 'nyo na siyang papasukin dito. Hindi na niya bahay ito. Kung magpupumilit, tumawag kayo ng pulis. Sige ho. Puntahan ko lang si nanay." Iniwan ko na si Mang Rey at dumiretso akong pumasok sa loob. Nakita kong nakapatong sa mesa ang isang malaking paper bag ng Louis Vuitton. Nilapitan ko iyon at tiningnan. Naroon ang mga signatured bags, sandals at iba pang mga gamit. Ito siguro ang iniutos ni Paula kay Wynna na ibigay kay nanay.
"Ibalik mo 'yan sa babaeng iyon. Ayoko ng mga iyan. Hindi ko kailangan ang mga suhol para lang magustuhan ko siya," hindi ko nilingon si nanay kahit alam kong papalapit na siya mula sa likuran ko.
Kinuha ko ang paper bag at inilapag iyon sa baba. Nahihiya akong humarap kay nanay. First time niya akong nakitang magwala kanina.
"'Nay, nagmamagandang loob lang si Paula. Gusto lang niyang mapalapit sa inyo."
"Sa tingin niya makukuha niya ako sa mga suhol? At ipapadala pa niya sa ibang tao? Bakit hindi siya ang personal na magdala niyan sa akin at ipakilala niya ang sarili niya," halatang-halata sa tono ni nanay ang pagkainis.
Napakamot na lang ako ng ulo at napailing. "Mabait naman si Paula." Matagal naman ng gustong magpakilala ni Paula kay nanay pero ako lang ang may ayaw. Para sa akin kasi ay hindi pa panahon para magharap ako ng babae sa kanya.
"Kalmado ka na ba?" tanong niya sa akin nang makaharap ako.
Ngumiti ako ng mapakla at humalik sa pisngi niya. "Pasensiya na ho sa nangyari kanina." Naupo ako sa mesa at napabuga ng hangin.
"Galit ka pa rin kay Victor." Sabi ni nanay.
"Galit ako sa kanya kasi binabastos niya kayo."
"Ako o ang babaeng mahal mo?"
Gulat akong napatingin kay nanay. Hindi niya alam ang tungkol kay Wynna.
Napatawa si nanay. "Magandang bata. Nakakatuwang kausap. Gusto ko siya." Parang sa sarili lang iyon sinabi ni nanay.
"Helper ko lang ho iyon." tanging sagot ko. "Nagalit lang ako kanina kasi wala ng paggalang sa inyo si Victor. Ban na siya dito 'di ba? Sinabi kong hindi na siya puwedeng pumasok kahit kailan."
"Helper? Parang hindi siya bagay maging helper. Sabi ko na kanina nang makita ko siya parang pamilyar ang mukha niya."
"Dati siyang girlfriend ni Victor. Labas-masok dito." Nagtagis ang bagang ko nang maalala ko ang nakita ko kanina. Kahit ang mga nangyari noon ay bumabalik sa isip ko.
"Hindi. Hindi ko nga naisip na naging kasintahan siya ni Victor. Alam ko nakita na siya noon. Pumasok ako sa dati mong kuwarto at doon ko nakita. Isang kahon ng sapatos ang litrato niya sa kuwarto mo."
Shit. Hindi ko pala naisamang itapon ang mga iyon? Sinabi ko na kay nanay na itapon na lahat ang mga gamit ko sa dati naming kuwarto.
"Anak, hindi ako nagtatanong kung ano ang mga plano mo pero ano ba ang ginagawa mo? Nasa iyo na lahat. Nakuha mo na ang gusto mo. Alam ko naman na paghihiganti ang gusto mong mangyari pero sinabihan na kita. Pabayaan mong Diyos ang gumawa ng plano para sa buhay mo at nangyari ang mga gusto mo 'di ba?"
"Basta ayoko na pupunta pa si Victor dito." Matigas na sagot ko.
"Tayo na lang ang kamag-anak na natitira ni Victor. Kahit anong mangyari, pamangkin ko pa rin ang batang iyon."
"'Nay, hindi kita maintindihan. Kahit kailan hindi ka iginalang ni Victor. Basura ang turing sa inyo. Bakit hindi 'nyo na lang siya pabayaan?" lalo lang akong naiinis dahil sa naririnig kong sinabi ni nanay. "Nakita 'nyo na ang ginawa niya kanina?"
"Anak, kapag galit ang pinamahay mo sa dibdib mo, hindi mo makikita ang kahalagahan ng isang tao. Hindi mo makikita na minsan ang mga taong naliligaw ang landas, pang-unawa ang kailangan nila. Magpatawad ka, iho. Tingnan mo, makikita mo ang sarap mabuhay. Gagaang ang pakiramdam mo."
Damn it. Ito na naman si nanay. Bakit ba ang dali niyang sabihin ang mga ito? Ang tagal niyang nagtiis sa pahirap ng pamilya ni Victor pero nasasabi pa niya ang mga ganito? Magpatawad? What the fuck? That asshole Victor deserves what was happening to him right now.
Tumayo na ako napapailing na humalik uli sa pisngi niya.
"Babalik na lang ho ako." Tingin ko ay wala din kaming pagtatapusan na usapan ni nanay.
"Bitbitin mo ang mga suhol ng babae mo. Ayoko sa kanya. Huwag na huwag mo siyang ihaharap sa akin. Pakisabi kay Wynna dalawin niya ako dito. Gusto ko siyang kausap," sabi pa ni nanay.
Painis kong binitbit ang paper bag at umalis na ako doon at ibinato ko sa loob ng kotse ko. Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Denny ang tumatawag sa akin.
"What?" Ini-start ko ang kotse ko kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Bro, Guess what? Sean is back. Nagyayayang lumabas. Game ka?" bakas sa tono ng kaibigan ko na excited siya.
"Sure. Saan?" Maige ito. Kahit paano ay mawawala ang isip ko dahil sa nangyari kanina.
"Well we can meet in Makati then diretso tayo sa bahay mo para walang hassle. Like the old times," sabi pa niya.
"Sure. Sige."
Marahan kong hinilot ang ulo ko at nag-drive na paalis doon. Maybe I really needed to unwind para mawala ang init ng ulo ko.
---------------------->>>>>>>>>
Wynna's POV
Pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa ang mga nakakadiring paghawak at paghalik sa akin ni Victor kaya lalo kong kinuskos ng kinuskos ang sarili ko. Nandidiri ako sa bawak pagdikit pa lang ng balat niya sa akin. Kung noon ay halos magpakamatay ako para lang mapansin niya pero ano ba ang nangyari sa akin? Nasira ang buhay ko dahil sa kanya. Naging ganito ako dahil sa naniwala ako na ang pag-ibig kasama si Victor ay isang walang katapusang kasiyahan. Pero nasaan ako ngayon? Nagsisisi, nagtitiis sa mga panlilibak ng mga taong alam ang pinagdaanan ko.
Hinayaan kong humalo ang mga luha ko sa tubig na umaagos mula sa shower. Ang sakit-sakit na iparamdam sa akin na wala talaga akong kuwentang babae. Ang sakit na mula kay Nathan na sabihin niyang tanga ako dahil ginugusto ko pa rin si Victor. Ganoon ba katindi ang galit niya sa akin na kahit nakikita niyang ayaw ko sa pinsan niya ay sasabihin niyang gusto ko pa rin? Sabagay, bakit nga ba ako nandito? Dahil lang naman sa galit ni Nathan na pati pamilya ko nadamay.
Nagbihis ako at hindi na ako nag-atubili na magbihis ng maayos. Tanging pambahay na short-shorts ang isinuot ko at white tank top spaghetti sando. Hindi na ako nag-bra. Ako lang naman mag-isa dito. Sigurado akong hindi naman uuwi si Nathan ngayon dahil bad trip siya.
Nagtutuyo ako ng buhok nang may marinig akong nag-door bell. Tumingin ako sa relo at pasado ala-sais na rin. Pagbukas ko ay si Manang Marissa ang nabungaran ko doon.
"Manang. Akala ko nakabakasyon ka na?" taka ko.
"Sa makalawa pa naman ang biyahe ko. Tinawagan ako ni Nathan at may darating daw na mga bisita. Magluluto lang ako tapos aalis na rin." Nakatingin siya sa mga braso ko na bakat pa ang pagkakahawak ni Victor. Sigurado akong magpapasa ang mga iyon. "Napaano ka? Sinasaktan ka ba ni Nathan?" seryosong tanong niya.
Sunod-sunod ang iling ko. "Hindi ho. Hindi ho nananakit si Nathan. Tatlong araw na nga ho siyang hindi umuuwi. Nabunggo lang ho ito."
Alam kong hindi naniniwala ang matanda sa sinabi ko pero hindi na siya kumibo. Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina at tumulong sa mga gawain doon. Nagbilin daw si Nathan na magpalamig ng beers para naka-ready na daw pagdating nila.
Napako ang atensyon ko sa pagtulong sa pagluluto kay Manang. Nagluto ako ng mga putahe na natutunan kong lutuin noong nandoon pa ako sa resort ni Tita Vera. Baka sakaling magustuhan ni Nathan at mawala naman ang init ng ulo sa akin.
Nagkatinginan pa kami ni Manang nang marinig kong may mag-doorbell. Ako na ang nagprisintang magbukas ng pinto para naman hindi na maistorbo si Manang sa pagluluto niya. Diretso ako sa pinto at nakita ko si Nathan na nakatayo doon kasama ang dalawang lalaki. Nagtatawanan sila pero nang makita nila ako ay pare-pareho silang nagsitahimik at nakatitig lang sa akin. Lahat ay nakatingin sa itsura ko. Hindi nakaligtas sa akin ang paglukot ng mukha ni Nathan habang pinapasadahan ang kabuuan ko.
"Where the hell is Manang?" inis na tanong niya sa akin. Napaatras ako dahil tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay kasunod ang mga bisita niya. Ibinato pa niya ang dalawang bag sa couch.
"Nagluluto kasi si Manang at hindi maiwan kaya ako na ang nagbukas ng pinto," sagot ko sa kanya. Nakita kong napatingin sa magkabilang braso ko si Nathan at lalong sumimangot ang mukha niya.
"Ikuha mo nga kami ng beer," halatang asar na asar siya sa presensiya ko kaya tumalikod na ako sa kanila.
Hindi na ako kumibo at tumalikod na lang sa kanila. Kailangang sundin ang utos ng hari at baka maging dragon na naman ito at bugahan pa ako ng apoy.
Pero hindi pa ako nakakapasok sa kusina ay naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako patungo sa hallway.
"What the hell are you wearing?" nakakatakot ang itsura ni Nathan. Parang katulad lang din kanina nang makita niya si Victor.
"H-ha?" May kasalanan na naman ba ako? Tiningnan ko ang suot ko at tingin ko naman ay walang masama sa suot ko. Siguro kung may masama man, iyon ay ang paghakab ng damit sa katawan ko. Pero I don't see anything wrong with this. Nasa bahay lang ako.
"Ano 'yang suot mo? Kulang na lang maghubad ka na diyan," parang uusok na talaga ang ilong ni Nathan.
"Anong masama dito?" parang gusto ko na ring mainis.
"Magpalit ka na ng damit bago pa mag – init ang ulo ko," mariing sabi ni Nathan at iniwan na ako.
Inis kong tiningnan ang palayong si Nathan at padabog na pumunta sa kuwarto ko. Alam ko naman na walang akong magagawa kaya susundin ko na lang ang lahat ng gusto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top