chapter nine

Wynna's POV

Todo ang pakiusap ko kina mommy at daddy kung puwedeng huwag na lang akong umattend sa 30th wedding anniversary nila.  Kahit na nga dito lang sa bahay gagawin ang celebration, hindi ko pa rin kayang humarap sa mga bisita nila at mga kamag-anak namin.  Alam na alam ko na ang sasabihin nila.  Madalas noon, laman ang pamilya namin sa usap-usapan tungkol sa pagiging drug user ko kaya hindi ko masisisi si kuya Wesley kung bakit grabe ang galit niya sa akin.  Hindi matatawaran ang kahihiyang ibinigay ko sa pamilya ko.

            Pero ngayong gabi, ramdam ko ang saya sa mga bisita namin nang makita nila ako.  Ramdam na ramdam ko ang init ng pagtanggap nila sa pagbabalik ko.  Kung noon, puro panlalait at masasamang salita ang naririnig ko mula sa mga tito ko at tita, mga pinsan, mga kaibigan nila mommy and daddy, ngayon puro papuri ang naririnig ko sa kanila.  Mommy was so proud that I am a counselor in the rehab and I helped many kids to overcome their addiction.  Everyone knows that I was a drug user pero mas nakikita nila ang malaking pinagbago ko. 

"Wynna, nakita ka na ba ng Uncle Rod mo?"

Nilingon ko si mommy na may bitbit na plato ng pagkain.  Nakita pa rin niya ako dito sa sulok ng garden.  Minabuti kong dito na lang manatili dahil hindi ko pa rin kayang humarap sa bisita namin.  Nahihiya pa rin ako.  Naroon din kasi ang mga kaibigan ng kuya ko na ang iba ay nakatingin sa akin and I know that look.  Alam kong pinag-uusapan nila ako.  Saka okay na rin ako dito kasi nakikita kong nagsasaya sila mommy.

"Yes, 'mom. Kanina pa nung dumating sila," sagot ko sa kanya.

"Bakit ba nandito ka?  May bisita kang dumating hindi mo man lang hinarap," sabi pa ni mommy sa akin.

Kumunot ang noo ko.  Bisita?  Wala akong inaasahang bisita.  At hindi ako magkakaroon ng bisita kahit kailan dahil wala na akong kaibigan.  Pinutol ko naang kaugnayan ko sa mga taong magpapaalala ng nangyari sa akin.

"Wynna!" Ang lakas ng boses niya.  Napatayo ako nang makilala ko kung sino iyon tapos ay parang naiiyak na tumingin ako kay mommy.

"I called her.  I told her you're back.  She never misses to call me and ask about you." Kumaway si mommy kay Meg bago kami iniwan.

"M-Meg," hindi ako makalapit sa kanya.  Nahihiya ako sa kanya.  Grabe ang ginawa kong pagtakwil sa kanya noon.

"Don't say anything." Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin tapos ay ngumiti siya.  "I missed you."  Mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.  Doon na ako napaiyak at yumakap din sa kanya.

"Sorry.  Sorry sa lahat ng nagawa ko."

"You don't need to say sorry.  You're back and we are good.  Okay?  Kalimutan natin kung ano ang nangyari." Nakangiting sabi sa akin ni Meg.  Pinahid pa niya ang mga luha ko.  "Look at you.  Ang ganda-ganda mo.  Hindi ka pa rin nagbabago.  Lalo kang gumanda at sumeksi."  I know Meg was  just telling me those para hindi ako makaramdam ng guilt feeling sa mga nagawa ko sa kanya.

"Forgive me?" hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa nagawa ko sa kanya.

"Oh, please.  I said we are good."  Nakangiting sabi nito sa kanya.  "I heard from Tita Julia that you are a counselor in the rehab.  That is good.  Marami kang mga kabataan na natutulungan."

Nagkibit ako ng balikat.  "After what happened, I want to help other people to change.  Ang hirap, Meg.  It's been three years pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari.  Sobrang nahihiya ako sa pamilya ko, sa iyo.  I can't forgive myself."  Nangilid na naman ang mga luha ko.

"Hey, you are clean.  You helped yourself to stand again.  Tao ka lang.  Nagkakamali.  Ang mahalaga kung paano ka lumaban at bumangon para magbago.  And here you are.  You are helping people.  I am so proud that you are my friend."

Tuluyang nahulog ang mga luha ko.  "Sorry uli."

Meg rolled her eyes at me and laugh. "Halika nga.  Kumuha tayo ng food at nagugutom na ako saka na-miss kong ka-chismisan ka." 

Sabay kaming pumunta ni Meg sa buffet table.  Kapag may dumadaang kakilala ay yumuyuko lang ako kasi ayokong humarap sa kanila.

"Ang dami 'nyong bisita in fairness.  Kamag-anak 'nyo lahat 'yan?" walang tigil ng pagkuha ng food si Meg.

"'Yung iba.  Friend ni kuya Wesley 'yung iba.  Hindi ko rin mga kakilala." Sagot ko.

Tiningnan ni Meg ang gawi ni kuya na kausap ang ilang mga kaibigan.     

"Marami din palang mga bisita si Wesley," puna ni Meg at muling itinuon ang pansin sa pagkain niya.

"Hindi ko kilala ang mga 'yan."

"Sigurado ako, mga kasamahang male models 'yan ni Paula."

"Paula?  My cousin?  She is a model?" paniniguro ko.  Pero hindi na rin ako nagtaka kasi parang ganoon naman ang nasa karakter ni Paula.  Halos sabay kaming lumaki.  Same age, same track record sa school.  Both graduating and running for high honors in college.  Well, I know she graduated.  Me?  Went to rehab.  I felt happy for her kasi deserve naman niya iyon dahil maganda siya at matalino.

Nagtatakang tumingin sa akin si Meg.  Parang hindi makapaniwala sa tanong ko.

"You don't know?  Ang tagal na 'no.  Sikat na print ad and tv model na siya.  Wala bang tv or internet sa pinanggalingan mo?" natatawang sabi ni Meg.

Umiling ako.  "I don't watch tv anymore.  I don't use internet.  I don't have any phone.  I don't want any communication with anyone."

Sumeryoso ang mukha ni Meg.  Alam kong ramdam niya na umiiwas ako sa lahat ng maaaring magpaalala ng nakaraan ko.

"I am so sorry for what happened to you, Wynna.  Sa totoo lang nagi-guilty ako sa nangyari kasi parang kulang 'yung pagpapaalala ko sa iyo.  Pakiramdam ko hindi ako naging mabuting kaibigan." Malungkot na sabi ni Meg.

"Hey, stop saying that.  I chose it so walang dapat sisihin kundi ako." Napabuga ako ng hangin at nagsalin ng juice sa baso.

"Wyn, do you remember Nathan Arevalo?"

Kumunot ang noo ko sa kanya.  Nathan?  The name rings a bell but I don't remember him. 

"Nathan?  Wala akong maalala." Umiiling na sagot ko.

Parang hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Meg.  "You don't remember him?  Library?  The plain and poor guy?  The one who was head over heels in love with you?"  Paalala niya.

Nakakunot pa rin ang noo ko. Hindi ko maalala kung sino ang sinasabi niya.

Sumeryoso ang mukha niya.  "Alright, Victor's cousin."

Nakaramdam ako ng takot kahit nga pangalan lang ni Victor ang narinig ko pero naalala ko na kung sino ang Nathan na sinasabi ni Meg.  Mabilis na bumalik sa alaala ko ang mga nangyari.  Mariin kong ipinikit ang mga mata ko kasi gusto kong maalis sa isip ko ang mga nagawa ko noon.

"I remember him now.  Why?"

"Well, you wouldn't believe if you will see him now."

Malabong mangyari iyon kasi ayoko siyang makita.  Hindi ko kayang humarap sa kanya.

After what I did, wala na akong mukhang ihaharap sa taong iyon.

           "Malabo sigurong magkaharap kami."

           "Wala ka ba talagang alam?" talagang parang gulat na gulat si Meg sa mga sagot ko.

           "Ano ba ang dapat kong malaman?  Meg, I wanted to forget what happened to me and that includes the people that will remind me of that nightmare."

           "Mukhang malabo iyon.  Nathan Arevalo is one big shot businessman now.  He owns the biggest preowned selling car shop in Quezon City and a big advertising company.  He is a multi-millionaire."

           "R-really?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Meg. Mahirap pa sa daga ang nakilala kong Nathan Arevalo. "That is good.  Good for him.  Hindi naman imposibleng mangyari iyon sa kanya.  Matalino iyon 'di ba?  Saka masipag.  That's good to hear." Iyon na lang ang nasabi ko. Bumabalik sa alaala ko ang ginawa ko kay Nathan noon.  I pretended I was being raped by him.  Utos kasi iyon ni Victor sa akin.  Shit.  Nakokonsensiya talaga ako.

           "And you know,  he is also a part time model."

Nasamid ako sa sinabing iyon ni Meg. 

"Model?"  Hindi ako makapaniwala.  Pilit kong inaalala ang itsura ni Nathan.  As far I can remember him, he was so plain.  The thick glasses, the unkempt hair and the overused clothes.  "Meg, kung bigtime siya, hindi na kataka-taka iyon.  He came from a wealthy family and the man got some brains.  Pero ang maging model?"

Natawa si Meg sa reaksyon ko.  "Ganyan din ang reaksyon ko nang malaman ko.  Pero alam natin na anak siya ng maid nila Victor kaya nagtataka ako kung paano sila naging mag-pinsan.  Ito pa.  He is the boyfriend of your cousin Paula."

Doon na talaga nakuha ni Meg ang interes ko.

"You have got to be kidding me.  Boyfriend ni Paula si Nathan?  Alam mong hindi pumapatol sa pangit ang pinsan ko."

"Kaya maniwala ka sa mga sinasabi ko.  Ang dami mong hindi alam.  You want to see him now?" Dinukot ni Meg ang cellphone niya pero umiling ako. 

"No.  I am not interested with him."

"But I know one of these days, magkakaharap kayo.  I am expecting him to be here." Sabi pa niya.

"Bakit naman siya pupunta dito?"

Gusto ng sabunutan ni Meg ang sarili niya sa sobrang frustration dahil wala akong alam sa mga sinasabi niya.  "Saang planeta ka ba talaga galing?  Hindi mo man lang alam ang nangyayari sa pamilya mo.  Nathan is the new business partner of your brother Wesley.  Hindi ba nabanggit ng mommy mo?  Labas-masok dito sa bahay 'nyo si Nathan."

Hindi ako nakasagot pero nanlalaki lang ang mata ko sa sinasabi niya.  Magsasalita pa sana ako nang mapatingin kami pareho sa nakabukas na gate ng bahay namin at pumapasok doon ang bagong-bagong model ng isang SUV.

"Do you still expecting some visitors?" tanong ni Meg.  Hindi naman namin maaninag ang sakay ng sasakyan dahil sobrang tinted noon.

Umiling lang ako.  Wala na kaming inaasahan.  Si Paula lang naman ang wala dito. 

Nang bumaba ang sakay ng SUV ay para akong ipinako sa kinatatayuan ako.  I remember him.  Siya ang lalaking nakita ko sa billboard sa EDSA.

"Oh my god.  It's him." Nanlalaki pa ang mata ni Meg.

Nagtatakang tumingin ako kay Meg tapos ay sa lalaking nakatayo sa tabi ng sasakyan.  Sino 'to?  Ang ganda niya tumindig.  Matikas na matikas ang porma sa suot na black slocks and ash blue longsleeves.  Naka-tupi ng hanggang siko ang mga manggas at nakabukas ang butones hanggang sa dibdib.  Naalala ko ang billboard sa EDSA.  Shirtless siya doon.  Ang ganda ng katawan.  Kahit na mukha na siyang haggard ngayon, parang dumagdag lang iyon sa appeal niya.  His unkempt hair complemented his angular face with some facial hairs.  He looked like he didn't shave for how many days and yet it adds the masculine effect on his whole persona.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may nag-aati-atihan sa dibdib ko sa lakas ng kabog.  Dahil ba sa nakatitig siya sa lugar namin, partikular sa akin at naglalakad papalapit.

"Damn.  That is Nathan.  That is Nathan Arevalo now." Pabulong na sabi ni Meg sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top