chapter forty-two
Wynna's POV
May naka-schedule akong for counseling ngayong araw pero mas minabuti kong i-cancel na lang. Wala ako sa huwisyo na humarap sa mga tao. Pakiramdam ko, walang laman ang ulo kundi ang katotohan na alam na ni Nathan ang tungkol kay Patrick.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan kami tumutuloy. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang totoo. Tinanong ko ang kapatid ko pero wala din daw siyang alam. Ang sabi lang niya, Nathan can do anything because he has all the means to find anyone.
Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha at dinampot ko ang sigarilyo na nakapatong sa ashtray sa harap ko at humithit doon. I quit smoking a long time ago because I wanted to be clean pero ibang usapan ngayon. This was the first time that I am doing this again dahil nai-stress ako.
Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang on-call baby-sitter ng anak ko. Kinumusta ko sila, tinanong ko kung may ibang taong pumunta. Paulit-ulit kong bilin na huwag palalabasin ng unit si Patrick. Huwag makikipag-usap kahit kanino o huwag magpapasok ng hindi kilala.
"I got your call. Everything alright?"
Tumingin ako kay Meg na umupo agad sa harapan ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya
Ngumiti lang ako ng pilit at muling dinampot ang sigarilyo at humithit doon.
"And when did you start smoking again? What is your problem?" Seryoso na ngayon si Meg.
Pinatay ko sa ashtray ang sigarilyo at muling nagtaktak ng bago mula sa kaha at nanginginig ang mga kamay kong sinindihan iyon. Mabilis na kinuha ni Meg ang sigarilyo mula sa bibig ko at pinatay sa ashtray.
"Wyn, what is wrong? You're shaking."
Napabuga ako ng hangin at napailing.
"Nathan found us," naitakip ko ang mga kamay sa bibig ko nang masabi iyon.
Napa-oh lang si Meg pero halatang nagulat din.
"What? How? Anong nangyari? Alam na ni Patrick na si Nathan ang tatay niya?" sunod – sunod na tanong niya. Ramdam ko sa boses ang pag-aalala.
Napalunok ako upang pigilin ang pag – iyak.
"I don't know how." Umiiling na sagot ko. "Alam na rin niyang anak niya si Patrick at gusto niyang kunin sa akin." Doon na ako bumigay at tuluyang napaiyak. "Wala akong magagawa kapag pinalakad ni Nathan ang pera niya. Kaya niyang bayaran ang lahat. Nagawa niyang kunin ang lahat sa pamilya ko at alam kong kaya niya ring kunin ang anak ko." Napasubsob ako sa mga palad. "Meg, hindi ko kaya kapag nawala ang anak ko."
"Bakit ba kasi hindi ka pa tantanan ng lalaki na iyan?! Talaga sigurong malaki pa rin ang gusto sa iyo kaya habol ng habol sa iyo," inis na komento niya.
Napasinok-sinok ako dahil sa pag-iyak.
"Nag-file na daw siya regarding sa custody case ng anak ko. Kawawa naman si Patrick. Malilito siya sa mga posibleng mangyari. Baka kung mapaano ang anak ko."
"Gago talaga 'yang si Nathan. Wala ng ibang inisip kundi ang sarili niya at ang pahirapan ka. Para siyang bata. Hindi pa ba siya maka – get over sa nangyari noon? That was decades ago!" palatak pa ni Meg.
Iiling – iling lang siya habang patuloy na naiiyak.
"Anong plano mo ngayon? Did you tell this to your family?"
"Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinabi ko na, na maling-mali na bumalik kami dito. Kung hindi lang talaga sa pakiusap nila mommy, ayoko na talagang bumalik. Maayos na kami ng anak ko sa ibang lugar malayo sa tatay niya."
"What if you try to talk to Nathan? I mean, magkaroon kayo ng agreement. Wyn, may karapatan din naman kasi siya sa anak niya. And hindi mo rin masisisi kung maging ganoon ang reaction niya. Imagine, you keep that secret from him. Talagang medyo harsh ang magiging reaction niya," alam kong tinitimbang din ni Meg ang sitwasyon ko.
"Pero nakaya naman namin ni Patrick ng kami lang. Hindi namin siya kailangan. Hindi siya kailangan ng anak ko."
Naramdaman kong hinawakan ni Meg ang kamay ko.
"Wyn, go home. Take a rest. Sleep. Have a freaking massage para ma-relax. Then, saka ka mag-isip kung ano ang gagawin. Maybe this is the time that you really need to face Nate para magkaintindihan kayo."
Napabuga ako ng hangin at naisuklay ang kamay sa buhok ko.
"Go home. Ihahatid na kita."
Parang wala pa rin ako sa sarili ng makauwi ako sa unit ni Kuya Wesley. Tumingin ako sa relo ko at ala-una pa lang ng hapon. Sigurado akong nagpapahinga si Patrick. Pagtapat ko sa unit ni kuya at isuksok doon ang susi ay kusa na iyong bumukas. Hindi naka-lock.
"Maricel?" Tinawag ko ang babysitter ng anak ko.
Pero tahimik na tahimik ang buong unit. Walang bukas na tv, walang aircon. Halatang-halata na walang tao.
"Patrick?!" mabilis kong tinungo ang silid ng anak pero wala ding tao doon. Malinis na malinis ang buong silid at maayos na maayos ang kama na halatang wala namang natulog. Lahat ng laruan ay nakaimis sa isang gilid.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa kaba.
"Patrick!" Naiiyak na ako habang ginagalugad ko ang buong silid. Baka nagtatago lang ang anak ko sa likod ng pinto, sa loob ng cabine, sa CR. Baka nasa ilalim ng kama at gugulatin ako para sa isang surprise.
"Patrick! This is not a good joke! Come out please!"
Pero wala ang anak ko dito. Napaiyak na ako ng tuluyan at mabilis na tinawag si kuya Wesley.
"Kuya! Nasaan ang anak ko? Nawawala ang anak ko. Kuya, si Patrick-" utal-utal na ang salita ko sa sobrang kaba at iyak.
"Hey, hey. Slow down. Wynna, what happened?" Nag-aalala din ang boses ni kuya.
"Wala si Patrick dito sa bahay. Nawawala ang anak ko!" Naghihisterikal na talaga ako.
"Nang umalis ako kanina naglalaro pa silang dalawa ni Maricel. Anong ibig sabihin mong nawawala? Baka naman naglalaro sa clubhouse 'yung dalawa."
Hindi na ako sumagot ay kuya at ihinagis ko ang telepono ko sa kama. Mabilis akong lumabas ng silid at tinungo ang pinto para pumunta sa clubhouse. Pero pagbukas ko ay isang may edad na lalaki ang nakatayo doon.
"Wynna Delgado?" Paniniguro nito.
"Sino ka?" Hindi ko kilala ang lalaking ito.
Ngumiti ang lalaki sa akin at inilahad ang kamay.
"Lawyer ako ni Nathan Arevalo," pakilala niya sa akin.
Napuno ng galit ang dibdib ko nang sabihin niya kung sino siya.
"Wala akong pakialam kung sino ka man. Umalis ka na. Nagmamadali ako," marahan ko pa siyang tinabig at nilampasan.
"Miss Delgado, this is about your son Patrick."
Napahinto ako sa narinig na sinabi niya at nilingon ko siya.
"Alam mo kung nasaan ang anak ko?" Humihingal na tanong ko.
Bahagyang ngumiti ang lalaki.
"Well, my client decided to take Patrick for the mean time. Patrick is in good hands with Nathan, so you don't need to worry. And besides he already filed for a custody case of his son," sabi niya sa akin sabay abot ng ilang piraso ng papel.
Marahas kong hinablot ang papel at pinunit-punit sa harap niya.
"Wala kayong karapatan na basta kunin ang anak ko! Kidnapping ang ginagawa 'nyo!" galit na galit na sigaw ko at patakbo kong tinungo ang bumukas na elevator. Makikita ng Nathan na iyon. Hindi niya makukuha ang anak ko sa akin!
-------------
Nathan's POV
Nagpaalam ako kay Patrick na abala sa pagkukulay ng mga coloring books sa harap niya nang marinig kong tumunog ang telepono ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag at napangiti ako ng makita kong si Attorney iyon.
"Nate," bati niya ng sagutin ko ang tawag.
"Did she take the papers?"
"I think you need to be ready. She is heading straight to your house." Natatawang sagot ni Attorney.
Instead na matakot ay natawa lang ako sa sinagot niya sa akin.
"I am ready. Nag-i-enjoy naman ang anak ko dito," sabi ko pa at tinapunan ng tingin si Patrick na busy pa rin sa ginagawa.
"I don't know how you're going to do this. I am just giving you a heads up. Be careful. You took the cub from his momma. She is not going to take this well."
"I have my plans. I can handle this. Thanks for your help, Attorney. Send my regards to Wesley, too. Thank you sa pagtulong niya para makasama ko ang anak ko."
Ibinalik ko sa bulsa ko ang telepono at muling lumapit kay Patrick.
"Are you enjoying?" tanong ko sa kanya. Dumampot din ako ng color pencil at nagkulay din.
Ngumiti sa akin ang bata at parang lalong tumaba ang puso ko. When he smiles, I can see the smile of his mom.
"Yes. Uncle Wesley said that you are nice man that's why I am here." Sagot ng bata.
Napasandal ako sa kinauupuan ko at nanatiling nakatitig sa anak ko.
"Do you know who's your dad?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang ang bata habang patuloy sa pagkulay.
"Mom said my dad is far away and he cannot go home to us."
Napatiim-bagang ako sa narinig na sagot ng anak ko.
"Is that so?"
Tumango ito.
"Mom said that it's just the two of us. Dad is so busy and he cannot take care of me."
Napahinga ako ng malalim.
"What if, one day your dad is in front of you? What are you going to do? Are you mad at him?"
Tumingin sa akin si Patrick at pakiramdam ko ay haanggang kaluluwa ko ay tinitingnan niya.
"I am going to embrace him tightly. I am going to kiss him and I will tell him to come home with us."
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay nanakit ang lalamunan ko.
"Patrick, I don't know how to say this." I cleared my throat so I can say the words that I wanted to tell my son. "You see, your mom and I had some-" Oh god. How am I going to tell the truth to a five year old boy?
Nakatingin siya sa akin na parang hinihintay talaga niya ang sasabihin ko.
Hinawakan ko ang mukha ng anak ko.
"I am your father, Patrick." Bahala na kung paano niya tatanggapin ito.
Nakatingin lang sa mukha ko ang bata at parang ina-absorb niya ang mga sinabi ko.
"I don't know how I am going to explain this but that's the truth. You are my son and I am your father. Your mom and-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang yumakap sa akin ang bata. Ang higpit-higpit noon. Doon na ako tuluyang napaiyak.
"Can I call you dad?" Inosenteng tanong niya.
Hindi ako makasagot kasi iniipit ko ang pag-iyak ko. Ang tagal kong pinangarap 'to.
Mabilis akong lumayo sa kanya nang pareho naming marinig ang malalakas na pagsigaw mula sa labas ng bahay. Kasabay noon ang pagkalampag ng gate ko.
"Nathan! Walanghiya ka! Ilabas mo ang anak ko!"
Boses ni Wynna iyon. Walang tigil niyang kinakalampag ang gate ng bahay ko.
Nagtatakang nakatingin sa akin si Patrick.
"Is that mom? She is mad?"
Kinarga ko ang bata.
"Let's go out. Let's go talk to your mom."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top