Chapter forty-three

Wynna's POV

"Walanghiya ka, Nathan! Ilabas mo ang anak ko! Kidnapper ka!"

Wala akong pakialam kahit na makabulahaw ako sa kapitbahay ni Nathan. Malakas kong hinahampas ang gate niya. Wala siyang karapatan na basta kunin ang anak ko. Kung kailangan ko siyang idemanda ng kidnapping ay gagawin ko para mabawi ko ang anak ko.

"Nathan! Ilabas mo ang anak ko!" Muli ay malakas kong pinukpok ang bakal na gate.

Hindi nagtagal ay bumukas iyon at nagtataka ang mukha ni Nathan nang humarap sa akin. Nasa hitsura niya ang naistorbo lang sa kung anuman ang kanyang ginagawa dahil hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit. Pambahay na puting kamiseta at boxer shorts ang suot niya.

"Nasaan ang anak ko?! Ibalik mo ang anak ko! Kidnapper ka!" talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang basta kunin ang anak ko?

Lalong nadagdagan ang inis ko nang parang hindi man lang apektado si Nathan sa nangyayari. Kalmadong-kalmado lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. Umiiling-iling pa nga siya tapos ay parang nagpipigil ng ngiti. Lalo lang iyong dumadagdag sa galit ko. Malakas kong binayo ang dibdib niya.

"Ilabas mo ang anak ko kung ayaw mong ipakulong kita. Wala kang karapatan sa anak ko. Ibalik mo siya sa akin!"

"Pumasok ka kaya muna," mahinahon niyang sabi sa akin.

"No! Hindi ako papasok diyan sa bahay mo. Ibalik mo ang anak ko! Ano pa ba ang gusto mo sa akin?! Nakuha mo na lahat 'di ba? Hindi ka pa ba kuntento sa mga ginawa mo? Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa buhay ko?!" halos umusok na ang ilong ko sa sobrang galit.

Nakita kong tumingin sa paligid si Nathan at ganun din ang ginawa ko. May ilan ng mga kapitbahay ang lumabas at nakatingin sa lugar namin.

"Pumasok ka dito ng makapag – usap tayo ng maayos," Sabi niya at nilakihan ang bukas ng gate

"Hindi ako papasok! Basta ilabas mo ang anak ko!"

Pero hindi sumagot si Nathan. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay. Na-out of balance ako kaya diretsong akong sumubsob sa dibdib niya.

Tulad ng dati, ang bango-bango ni Nathan. Kahit tingin ko ay hindi pa ito naliligo, nakakapanghina ang naghahalong natural masculine scent niya at imported na pabangong gamit. I remember the time when we were together. I missed his smell and the warmth of his body next to mine. Parang ayokong umalis sa malapad na dibdib ni Nate. I feel so secured. I feel comforted kahit na nga ilang taon kaming nagkahiwalay.

Shit. Paulit-ulit ko ng sinabi ko na kakalimutan ko na siya pero saglit lang nagkadikit ang katawan namin ay talagang bibigay na ako sa kanya.

Pero para akong natauhan nang bahagya siyang nag-ehem. Malakas kong itinulak si Nathan at parang nandidiring lumayo sa kanya.

"Where is Patrick?!" hindi ko pinansin ang nakakalokong ngiti ni Nathan sa akin. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay.

"Patrick! Mommy is here! We will go home now!" ang lakas-lakas ng boses ko. Isa-isa kong binubuksan ang pinto ng mga silid sa buong bahay. Pati mga banyo ay tinitingnan ko kung naroon ang anak ko. Iiling-iling lang na nakasunod sa akin si Nate.

"Patrick! Get out now! We will go home!"

"Puwede bang huwag kang sumigaw? Puwedeng mag-usap tayo ng maayos," sabi ni Nate sa likuran ko.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Mabilis akong umakyat sa taas at tiningnan ko ang dati kong kuwarto. Naiiyak na ako kasi wala pa rin dito ang anak ko.

"Patrick, please. Come out now. Mommy needs you," naiiyak na sabi ko. Para na akong nanghihina dahil mukhang walang plano si Nathan na ibalik ang anak ko.

Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang tuhod ko kaya napilitan akong naupo sa kama at tuluyang napaiyak.

"Why are you doing this to me, Nathan? I did everything para mapatawad mo ako kung ano man ang mga nagawa ko sa iyo noon. Pinagbayaran ko lahat. Ako at ng pamilya ko. But please, huwag naman pati ang anak ko. Hindi ko kakayanin kapag pati si Patrick ay kinuha mo sa akin. Patrick is my life," napahagulgol ako sa dalawang palad ko.

"And you are my life."

Napahinto ako sa pagngalngal. Tama ba ang narinig ko?

Kahit sabog ang luha sa mukha ko ay inalis ko ang mga palad sa mukha ko at nakita ko si Nate na nakaluhod sa harap ko."

"After all those years, you are still here," seryosong sabi niya sa akin at kinuha ang kamay ko tapos ay inilagay sa tapat ng dibdib niya. "Women come and go in my life, but no one made me crazy like you did. I don't know what else to do para mapansin mo ako kaya ko nagawa ang mga iyon sa iyo."

Pakiramdam ko ay nabibingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Will you just please marry me? It took me forever to say this to you. I will not let you go this time. Hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa akin," nanginginig ang mga kamay ni Nate na may dinukot sa bulsa at mula doon ay kinuha nito ang isang singsing. Lalo akong napaiyak.

Totoo ba ito? Parang ayokong maniwalang magagawa ni Nathan ito. He was full of hate at alam kong ginagawa lang niya ito para makuha niya sa akin si Patrick.

"You are blinded by hate and you are only doing this para makuha mo ang anak ko," umiiling na sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Nathan. "What? What are you talking about? I am proposing to you right now."

"Para makuha mo ang anak ko."

Napakamot siya ng ulo.

"I am proposing because I love you. I loved you then, I love you now and I will love you forever." Wala akong nagawa ng kunin ni Nathan ang kamay ko at halikan iyon.

"Wynna, kahit siguro gaguhin mo ulit ako papayag pa rin ako maging akin ka lang. I'll do everything you want just like I used to do just to please you. Sabihin mo kung anong mga katangahan ang dapat kong gawin, gagawin ko. And please don't say no dahil may basbas na ito ng magulang at kapatid mo," nangingiting sabi niya.

"Basbas? Anong basbas? What are you talking about?" Anong alam nila mommy dito? Pati si kuya Wesley.

Hinalikan ni Nathan ang kamay ko bago sumagot.

"They know that I am going to propose to you today. Matagal ko na dapat itong ginawa. Masyado lang maraming insidente ang nangyari noon na hindi umaayon para sa ating dalawa. I begged for your family just to see you. I returned your house, the money. Hindi ko kailangan ang mga iyon. Ikaw lang ang kailangan ko. Talagang nakikiusap ako sa kanila na sabihin kung nasaan ka. But your dad asked me to let you go dahil kailangan mo daw iyon para makabangon ka. But at least I want to know your exact location kaya I hired a private investigator to find you and he did. Para na akong masisiraan ng ulo noon. Kahit ayaw ng parents mo, pinuntahan kita but I didn't have the courage to talk to you. Kasi ibang-iba ka na. You were full of life back then kaya sino ako para pigilan ang buhay mo doon."

Walang patid ang pagtulo ng mga luha sa mata ko habang nakatingin lang ako sa mukha ni Nate.

"Pero may nakalimutan kang sabihin sa akin. You forgot to tell me about our child. Kaya nang malaman ko, gumawa ako ng paraan para bumalik ka dito. I talked to your supervisor and told them everything kaya pinilit nilang magkaroon ka ng forced vacation. I talked to your parents and told them my plans kaya pati sila kinukulit kang umuwi. Alam kasi nila na hindi na nila ako mapipigilan na sunduin ka doon kung hindi ka pa babalik dito." Paliwanag pa niya.

Lumakad paluhod si Nathan para makalapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"I've waited for so long, Wyn. Siguro naman tama na 'yung ilang taon na sakripisyo ko para mabayaran ko ang kasalanan ko sa iyo. I deserve to be happy now. We deserve to be happy." Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

"W–where is Patrick?" Iyon na lang ang nasabi ko.

Napahinga ng malalim si Nate. Parang hindi nagustuhan ang sagot ko.

"Kasama ni Wesley. Sinundo ang mommy at daddy mo sa airport."

"You don't have to do this. Muntik mo na akong patayin sa kaba. All you must do is just ask me. Hindi mo na ako kailangang takutin na kukunin mo ang anak ko," sumbat ko sa kanya pero ang totoo parang malulunod na ako sa sobrang tuwa dahil sa mga narinig kong sinabi ni Nate.

Ngumiti ng parang nahihiya si Nate.

"Wala na kasi akong maisip na paraan para kausapin mo ako. Alam kong galit ka sa akin dahil sa mga nangyari sa atin. But I only did that just to have you. I know its selfish, but I love you so much and I can do the stupidest things just to be with you," pagkatapos noon ay mahigpit niya akong niyakap.

Mahigpit din akong yumakap sa kanya. God knows how I missed this so much. Bahagyang lumayo sa akin si Nate at hinawakan ang baba ko tapos ay masuyo akong hinalikan sa labi kaya napaiyak na naman ako.

"Why are you crying?" takang tanong niya.

"Hindi ko na kasi inaasahan na mangyayari ito. Sa dami ng nangyari sa atin, hindi ko na inisip na magkakaroon pa tayo ng ganito." Humihikbing sabi ko.

"Wyn, magkarayuma man ako, pumuti ang buhok, kumulubot ang lahat ng dapat kumulubot sa katawan ko, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Ikaw noon, ikaw pa rin ngayon."

Ako ang humawak sa mukha ni Nate at hinalikan ko. Sobrang miss na miss siya. Ramdam na ramdam ko din ang pagkasabik sa bawat paghalik niya.

Pero agad kaming napahinto ng bumukas ang pinto at sumilip doon si Patrick.

"Did she say yes, dad?" Nakangiting tanong ni Patrick.

Napakagat-labing nangingiti si Nate bago sumagot. "Yes, son."

"Dad?" Nagtatanong ang tingin ko sa kanya.

"Well, he told me he wants me to be his dad. Cool dad daw ako," parang nahihiya pa siya ng sabihin iyon.

"Yes!" Malakas na sigaw ni Patrick at tumakbo sa aming dalawa tapos ay mahigpit kaming niyakap.

"I have a dad! Yes! I have a dad!" malakas nitong sigaw at muling tumingin sa aming dalawa. Hinalikan pa kami pareho sa mga pisngi naming. "I love you mom! I love you dad!" masayang – masaya ito.

Nakita kong nakatitig lang sa akin si Nathan.

"And I love you," mahinang bulong niya sa akin.

- END

- You've reached the end of the story. Thank you for reading Nathan and Wynna's story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top