chapter forty-one
Nathan's POV
"Was that Wynna?"
Hindi ko pinansin si Sean na nagkakandahaba ang leeg sa pagsunod sa babaeng dali-daling lumabas mula sa restaurant.
Muli kong tinapunan ng tingin ang babae na dali-daling sumakay sa dumating na taxi. Iniwan nito ang kasamang babae din.
"I think so," maikling sagot ko at iniabot ang menu na ibinigay ng waiter. Itinuon ko doon ang pansin ko kahit na nga parang hindi na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"And you didn't do anything?" Gulat na gulat na sabi ni Sean.
Hindi ako kumibo. Nanatiling nakatuon ang pansin ko sa hawak na menu.
"Nate, she's back. You're not going to do anything?" Pangungulit pa nito.
"Who are you talking about?" Sabat ng kasama naming si Chloe.
Tumingin ako kay Sean. Gusto kong makahalata siya na ayokong maging topic ang taong sinasabi niya.
"Let's order food," kumaway ako sa waiter para maka-order kami ng pagkain.
"You're really going to let this pass? What happened?" Mukhang walang balak huminto sa pangungulit si Sean.
"Wait. Can you please put me on the loop? Who are you talking about? Are you talking about that woman? The drug addict?" inosenteng sabat ni Chloe.
"She is not an addict. You don't have the right to say that. Kung wala kang magandang sasabihin, pakitikom mo ang bibig mo." Sinamaan ko ng tingin si Chloe.
Sumenyas si Sean sa babae na huwag nang magsalita pero ibinagsak nito sa mesa ang hawak na menu.
"I will say whatever I want. I am a partner in your company. And kalat na kalat sa opisina mo ang pagkahibang mo sa isang drug addict na babae. So siya ba iyon? 'Yung nakabasag ng glass?" sabi pa nito.
"Please shut up, Chloe. Hindi dahil sa daddy mo ang abogado ko, may karapatan ka ng magsalita ng kung ano-ano tungkol sa buhay ko. You don't know me, you don't know my life. So please shut up." Matigas kong sabi sa kanya at bumaling ako kay Sean. "Please tell her to shut up."
Umirap si Chloe at humalukipkip.
"Bakit hindi mo sinundan? Baliw ka sa babaeng iyon 'di ba? Ipina-private investigator mo pa. And then what happened? Five years kang iniwan. Walang paliwanag, walang kahit na ano. Ngayong nakita mo, pinabayaan mo lang." Ayaw pa ring tumigil ni Chloe
Pabalibag kong binitawan ang hawak na menu sa mesa at tumayo na tapos ay iniwan sila. Hindi ko inintindi ang pagtawag sa akin ni Sean. Hindi ko kayang makinig sa sinasabi ng babaeng iyon at baka may magawa lang akong hindi maganda.
Para akong napapagod ng makasakay sa kotse ko.
Hindi ako makapaniwala na nakita ko si Wynna. Hindi ko akalain na nandito na siya.
It's been five years and yet parang walang nagbago sa kanya. She was still the woman that always took me out of my senses.
I did everything to look for her. I paid huge amount of money just to find her. Kahit maubos ang pera ko, gagawin ko iyon matagpuan ko lang siya. And I did. The private investigator that I hired found her and I was ready to follow her anywhere she go.
But her father and her brother talked to me.
Kung mahal ko daw si Wynna, matuto daw akong ibigay ang kalayaan na kailangan niya. Pabayaan ko daw na mabuhay itong mag-isa. Sabi nila, Wynna had suffered a lot and she deserved a new life away from those people that hurt her at kasama ako doon. Halos maglumuhod sa akin ang tatay niya para layuan ko lang si Wynna.
Ayoko. Hindi ko iyon kaya. Kahit makiusap sila sa akin, hindi ko iyon gagawin. Mahal ko siya at babawiin ko siya kaya hindi nila ako napigilan nang sundan ko siya sa Canada.
Pero nagkamali ako.
Ibang Wynna ang naabutan ko sa Canada ng puntahan ko siya.
She was a different person when I saw her in that center. Happy, bubbly. Contented. At hindi ko yata kayang sirain ang bagong buhay niya.
That's why I decided to follow what her father wanted.
I let go of her and gave her the new life that she deserved without me.
Until I received an email from the same private investigator that I hired. I am no longer interested with his report. Hindi ko na nga pinatapos ang trabaho niya. I just gave the money and didn't talk to him again. It was just update from all of his works. At doon ko nalaman na may hindi sinabi sa akin si Wynna. Doon ko nalaman na may itinatago siya.
Nakalimutan niyang sabihin na nagkaroon kami ng anak.
At hindi ako papayag na hindi ko magampanan ang pagiging tatay ko sa anak ko.
-----------
Wynna's POV
Today's seminar was a success.
Hindi ko maipaliwanag ang saya sa mukha ng mga patients na sumali sa seminar na iyon. Everyone had a blast. Nakakatuwang malaman na maraming drug dependents na naka-rehab sa center ang naniniwala na may panahon pa silang magbago. Lagi kong ini-example ang sarili ko sa kanila at nakakatuwang isipin na matapos ang maraming pagsubok sa buhay ko, nagagawa ko pa ring maging magandang ehemplo sa ibang tao.
Nagmamadali akong nagpindot sa elevator para makarating sa floor ng unit ni kuya. Two months lang naman kaming mag-stay dito ni Patrick kaya okay lang naman sa kanya na dumito muna kami. Kaninang-kanina pa tumatawag sa akin ang anak ko at pinagmamadali akong umuwi dahil may surprise daw siya sa akin. Napangiti ako. Ang hilig-hilig mag-surprise ng batang iyon. Kagabi nga lang bago kami matulog, binigyan pa niya ako ng isang tangkay ng rose na kinuha daw niya sa bulaklak na ibibigay ni kuya Wesley sa nililigawan nito.
Pero kahit two months lang kaming mag-stay dito, nahihiya din naman ako kay kuya. Binata ang kapatid ko at alam kong kailangan din nito ng privacy. Sinabihan ko na nga siya na kukuha na lang kami ni Patrick na sarili naming matutuluyan pero ayaw naman niyang pumayag. Masaya daw siya na kasama niya kami ng anak ko. Sabagay, madalas din naman na wala si kuya dito dahil pumapasok siya sa trabaho. Kapag Sabado at Linggo naman na off nito ay lagi naman nitong kasama si Patrick mamasyal. Okay lang naman iyon sa akin kasi madalas, weekend natatapat ang mga seminars na kino-conduct sa center. Pero meron pa din namang mga pasulpot-sulpot na tawag ng weekdays sa akin.
Nawala ang ngiti ko sa labi nang pagpihit ko sa doorknob ay hindi iyon naka-lock. Mahigpit na bilin ko sa on call yaya ni Patrick na laging ikakandado ang pinto kung silang dalawa lang sa unit. Pumasok ako at nakiramdam. Tahimik ang paligid. Tingin ko ay wala ang yaya ng anak ko dahil hindi ko naririnig na tumutunog ang mga teleserye nitong pinapanood sa cellphone na madalas kong maabutan.
"Patrick!"
"Mom! I'm in the kitchen!" mula sa kusina ko nga narinig ang boses ng anak ko kaya doon ako dumiretso.
Pero daig ko pa ang nakakita ng maligno ng makita kung sino ang kasama doon ng anak ko. Wala sa loob na nabitiwan ko ang dala kong grocery bag dahil pakiramdam ko ay nangalog ang buong katawan ko.
"Hi mom! Look! I am making some sandwich for your dinner. Uncle Nathan is teaching me how to do it," narinig kong sabi ni Patrick. Nakatuntong siya sa isang upuan at abala sa pagpi-prito ng bacon sa kaharap ng kawali. Sa tabi nito ay naroon si Nathan na nakatupi ang longsleeves na suot at inaalalayan ang anak ko sa ginagawa. Tingin ko nga ay galing ito sa trabaho at dito lang dumiretso. Pero paano siya nakapasok dito?
"G – go to your room Patrick," hinidi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon.
Kumunot ang noo sa akin ng anak ko.
"Mom, I am making your food. I am making your dinner," nasa tono nito ang pagpo-protesta.
"Just follow what I said and go to your room!" sa kauna – unahang pagkakataon ay napagtaasan ko ng boses ang anak ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya at pagkapahiya.
Nakita kong binulungan ni Nathan si Patrick at walang imik na bumaba mula sa tinutuntungang silya at umalis doon.
"Hindi mo naman kailangan sigawan 'yung bata," narinig kong sab ini Nathan.
Hindi ko siya pinansin. Dinaanan ko lang siya at bahagya ko pa nga siyang tinabig para ligpitin ang mga gamit na ginamit nila sa pagluluto. Isa-isa kong inilagay sa lababo ng mga plato.
"Tinikman mo sana man lang ang ginawa ng anak mo. Pinaghirapan niya iyan," sabi pa niya habang nagpupunas ng kamay matapos maghugas.
"Ano bang ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok dito?" Padabog kong binitiwan ang mga plato sa lababo.
"Masama bang pumunta dito?" parang taking tanong niya.
"Hindi ka welcome dito. Saka nasaan ba ang yaya ng anak ko?"
"Pinauwi ko na. Sabi ko ako na lang ang magbabantay kay Patrick habang hinihintay ka," kaswal na sagot niya at sumandal pa sa dingding na naroon.
"You have no right to do that!" sigaw ko at tinungo ang pinto at binuksan iyon. "Please umalis ka na."
"I have all the right to do that, Wynna. And you know that," makahulugang sabi niya sa akin.
"What do you want?!" Gusto ko ng umiyak. Bakit ba kasi siya nandito? Paano siya nakapunta dito? Ginawa ko ang lahat para makaiwas sa kanya. Ayokong malaman ng anak ko ang tungkol sa kanya.
Nagkibit lang ng balikat si Nathan at seryosong tumingin sa akin.
"I know Patrick is my son and I want to take him. I want him to know that I am his father," walang anuman na sabi nito. Walang feelings. Parang business deal lang. Katulad lang noon na parang business ang nangyari sa aming dalawa para hindi makulong ang kapatid ko.
"W – what? You don't know what you're saying." Halos hindi ko marinig ang boses ko sa sobrang pagkabigla.
"I know he is mine, Wynna and I cannot take it na kung sino – sinong tao lang ang nagbabantay sa kanya. How can you take care of him kung maghapon kang wala dito sa bahay at hindi mo nasusubaybayan ang mga nangyayari sa kanya?"
Mabilis akong lumapit kay Nathan at malakas ko siyang sinampal.
"Don't you ever preach me on how to take care of my son! Wala kang karapatan sa kanya!"
"Dahil tinanggal mo ang lahat ng karapatan ko na maging tatay niya!" galit na sagot niya sa akin. "Damn it! Why you didn't tell me that you were pregnant?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Nathan.
"Itinago mo sa akin ang anak ko. May karapatan din ako sa kanya pero tinanggal mo lahat iyon ng umalis ka. I missed those five years of his life. His growing years na hindi ko siya naalagaan at hindi na maibabalik pa. You took that all from me," himig nanunumbat na sabi niya.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko na nag-uunahang mahulog sa pisngi ko.
"What if I tell you na hindi ikaw ang tatay niya?" Desperado na ako. Gagawin ko ang lahat huwag lang makuha ni Nathan ang anak ko.
Tumaas ang kilay niya sa akin. Alam kong hindi naman ito naniniwala sa mga sinasabi ko. Umiling lang siya at ngumisi sa akin.
"Say whatever crap you want to say. My lawyer will be in touch regarding the custody case of my son. I'll do everything, anything just to get him. You know I will do that. I'll see you again Wynna," iyon lang at tuloy – tuloy na siyang umalis.
Mabilis kong ini-lock ang pinto ng makalabas si Nathan. Siniguro kong hindi na makakapasok ulit ang lalaking iyon. Nagmamadali kong tinungo ang kuwarto ni Patrick at ini-lock ko din. Nagharang pa ako ng mesa para hindi agad iyong mabubuksan.
"Mom, what's wrong?" kitang – kita ko ang pag – aalala sa mukha ng anak ko.
"No one can take you away from me," umiiyak na sabi ko at mahigpit siyang niyakap "I love you, anak. I will never leave you. Hindi ako papayag na makuha ka nila sa akin."
"I love you too, mom" malambing na sambit ni Patrick. "You know, Uncle Nathan told me he knows who my father is. I can't wait to meet him."
Lalo akong napaiyak sa sinabing iyon ng anak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top