chapter five
Nathan's POV
Alam kong madaling-araw na kung umuwi si Victor. Kanina pa ako inaantok pero pinipigil ko ang nararamdaman ko. Pinapapak na ako ng lamok dito sa harap ng maliit naming kuwarto pero nagtitiyaga akong nakaupo lang doon at hinihintay siya. Kakausapin ko ng matino baka sakaling makuha ko siya sa pakiusap.
Hindi ko makakayang makita si Wynna na sinisira ang kinabukasan dahil lang sa lalaking ito. Kung mahal ni Victor si Wynna, hindi siya papayag na masira ang girlfriend niya. In just a few months graduating na si Wynna.
Kandahaba ang leeg ko ng makarinig ako ng makina ng kotse sa tapat ng gate namin. Tumayo na ako at nagmamadaling binuksan iyon kahit na nga hindi pa bumubusina si Victor. Nakangisi lang siya sa akin ng makita ako tapos ay malakas pa ring bumusina kahit nakikita niyang nagbubukas na ako ng gate.
"Ang bagal mo," naiiling na komento niya ng mapatapat sa akin at padaskol ang ginawang pagmamaneho ng kotse papasok.
Mabilis kong isinara ang gate at hinintay ko siyang bumaba sa kotse niya. Tulad ng mga nakakaraan, naghahalo na ang amoy ng alak at sigarilyo sa katawan niya. Nanlalaki ang mata niya at meron na siyang unnecessary movements ng panga niya na alam kong side effect na ng matagal na paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
"May kailangan ka ba?" nagsindi pa siya ng sigarilyo sa harap ko.
"Vic, puwede ba akong makiusap?" pinipilit kong magpakahinahon sa kanya.
"Ano?" binugahan pa niya ako ng usok sa mukha.
"Puwede bang huwag naman si Wynna? Napakarami mong babae pero huwag naman siya. Graduating na siya and her parents are expecting her to graduate with honors. Sobra ang laki ng ipinagbago niya mula ng makilala ka," mahina akong napabuga ng hangin ng masabi ko iyon. Sigurado akong mamasamain ni Victor ang sinabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at humithit sa hawak niyang sigarilyo tapos ay pinitik sa paanan ko.
"Anong sabi mo? Dinidiktahan mo ba ako?"
"Hindi kita dinidiktahan. Nakikiusap ako. Alam ko na gumagamit na rin si Wynna. Sobra ang hatak mo sa kanya at lahat ng gusto mo hindi niya mahihindian. Please, kung mahal mo talaga siya hindi mo pababayaan na masira ang buhay niya."
Natawa si Victor sa sinabi ko. "Gago ka ba? Ang babaeng iyon ang patay na patay sa akin. Anong magagawa ko? Besides, she was a virgin. Sayang naman. And she likes it when she's with us so anong pinagsasasabi mong masisira ang buhay niya? Huwag ka masyadong mayabang dahil ba makakatapos ka na at ako ay nasa second year pa rin? I am just going to school because my parents wanted me to. Hindi ko naman kailangan na magtrabaho dahil marami kaming pera. Ikaw. Ikaw ang dapat na kumayod dahil mahirap pa kayo sa daga. Tabi nga," tinabig pa ako ni Victor at dire-diretso siyang naglakad papasok ng bahay.
"Alam mong may karapatan kami sa yaman ng mga Arevalo. Alam mong inaangkin 'nyo lang ang para sa amin." Hindi na ako nakapagpigil na hindi sabihin iyon.
Nakita kong napailing si Victor at mabilis na lumapit sa akin at malakas akong itinulak.
"Ano ba ang gusto mo? Ano ba ang ipinagmamalaki mo? 'Tang ina ka, palamon na nga lang kayo ng ina mo dito, nagmamagaling ka pa. Wait." Saglit na natigilan si Victor at napapailing na natatawa. "What the fuck? This is about Wynna. You like the chick?"
Naikuyom ko ang kamao ko dahil ang trato niya sa babaeng mahal ko ay parang babaeng nakuha lang niya sa kanto.
"Concern lang ako dahil nag-aalala ang kaibigan niya sa puwedeng mangyari sa kanya. She is so vulnerable." Pinipilit kong maging kalmado.
Lumapit pa sa akin si Victor at hinawakan ako sa damit.
"Ito ang isaksak mo sa utak mong walang laman. Dumating kayo dito ng nanay mo na mahirap at mamatay kayo na mahirap. Si Wynna? Hinding-hindi mo matitikman. She is mine. I got her already. I fucked her already. Masarap. Tumitirik ang mata niya kapag ginagamit ko sa kama. Paulit-ulit kong patitirikin ang mata niya. Mamatay ka inggit." Natatawang tinalikuran na ako ni Victor. Tumawa pa siya ng malakas ng tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay.
Humihingal ako sa galit habang tinitingnan ko ang dinaanan niya. May araw din ang gagong 'to.
-------------------------
Wynna's POV
Naiinis na ako.
OMalapit na akong magwala sa sobrang inis dahil ayaw akong tigilan ni Nathan. Simula pa ng pumasok ako kanina, nakasunod na siya sa akin. Kahit saan ako pumunta. Kahit sa canteen, sinubukan kong pumunta ng library kahit parang pinapaso na ako doon pero nakasunod pa rin siya. Ano ba ang trip niya? Kung bakit naman kasi wala pa sila Victor. Kaninang – kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.
Hindi naman masyadong lumalapit sa akin si Nathan. Nakatingin lang siya sa akin at parang tinitingnan ko ano ang gagawin ko. Ang laki ng problema ng lalaking ito.
Para akong nabuhayan ng loob ng pagbalik ko sa tambayan namin ay naroon na sila Tory at Reiden. Nagmamadali akong sumama sa kanila dahil papunta sila sa canteen.
"Bakit ang tagal 'nyo? Kanina pa ako naghihintay dito," sabi ko sa kanila at sinulyapan ko ulit si Nathan. Naroon pa rin siya. Nakasunod na naman sa amin.
"Kumuha pa kasi kami ng supplies. Naiwan pa doon si Vic pero pupuntahan ka naman daw niya. Are you okay?" tanong ni Tory sa akin. Siguro ay napansin niya ang pagiging uneasy ko.
"Someone is following me. Kanina pa. Nakakainis na siya," inirapan ko si Nathan.
"Who?" parehong nagpalinga-linga ang dalawa.
"Si Nathan. I don't know what is his problem," inis na sabi ko.
Natawa si Reiden. "The loser? Vic's loser cousin?"
"They are cousins? Anak daw 'yun ng kasambahay nila 'di ba?" paniniguro ko.
Tuluyan ng napatawa si Reiden. "That loser is Vic's cousin. Ask him it's just a long and twisted story. Pabayaan mo lang. Mukhang matindi ang tama sa iyo."
Napabuga lang ako ng hangin at pinabayaan ko na lang siya. Pero sobrang nakakainis na talaga kaya hindi ko na natiis ay sinugod ko si Nathan. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kasi natigilan siya ng makita ako sa harap niya. Nasa likuran ko sina Tory at Reiden.
"Puppy ka ba?" Asar na sabi ko sa kanya. Wala akong pakialam kahit na maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin.
"Wynna, pasensiya ka na kung pakiramdam mo sinusundan kita. Pero kasi –"
"Talagang alam kong sinusundan mo ako. Para kang asong sunod ng sunod!" Inis na sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Nagtatawanan ang dalawa kong kasama at ang mga estudyanteng naroon ay nakatingin sa amin. Naglakad na ako pero nanatiling nakasunod si Nathan.
"Gusto lang kitang protektahan. Mga bad influence ang kasama mo," sabi niya sa akin.
"Whoa! Wow! Kami? Bad influence? Sino ka para sabihin sa amin 'yan?" sabat ni Reiden.
"Ito yata ang sabog, eh." Natatawa din si Tory at bumaling sa akin. "Mukhang matindi ang tama nito sa 'yo."
"Please, leave me. Ayoko sa iyo." Mariing sabi ko sa kanta.
"Trust me wala silang magandang ituturo sa iyo. Makinig ka naman sa akin. Pakiusap din ito ni Meg." Mahinahon pa ring sabi niya. Muli akong humarap sa kanya at talagang lumapit na ako.
"Wala kang pakialam kung sino ang mga gusto kong kasama dito. Saka bakit ba ang kulit mo? Sinabi ng wala akong gusto sa iyo at boyfriend ko na si Victor. Si Victor lang."
Kita ko ang sakit at panghihinayang na lumatay sa mukha ni Nathan pero pinilit niyang magpakatatag.
"Kahit pa boyfriend mo na siya, po- protektahan pa rin kita. Alam ko ang ugali ni Victor. Paasahin ka lang, gagamitin at sasaktan. Ayaw kitang masaktan," sagot niya sa akin.
"'Tang ina neto. Ang lakas ng trip. Ito yata ang naka-drugs. Ilang gramo ang nahithit mo?" Sabat ni Reiden.
"You know Nathan? I was just friendly to you kasi you look harmless. But right now, I realized how pathetic you are. Who do you think you are para magustuhan ko? 'Yang itsura mong 'yan? Wala ka sa kalingkingan ni Victor. Sa totoo lang, naaawa lang ako sa iyo kaya ako nakipagkaibigan sa 'yo. But I have my new friends now. My real friends. Ayokong pagtawanan ng mga tao kapag kasama ka kaya please umalis ka na," inis na inis na sabi ko sa kanya.
"Wyn, pagbigyan mo na kaya ng isang gabi 'yan para makalimutan ka na," tumatawang sabi ni Tory.
Natatawa na akong muling humarap kay Nathan.
"Do you want sex? Kung iyon lang, pagbibigyan na kita ng mawala na ang obsession mo sa akin."
"Wynna, baka dinidilaan mo pa lang tainga 'nyan labasan na 'yan," sobrang lakas ng tawa ni Reiden.
"O ano? Gusto mo ba ng sex? Sabihin mo na agad!" sigaw ko kay Nathan. Hindi naman siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin. "My god! You are crazy!" tinalikuran ko na siya.
"Mahal kita Wynna kaya gusto kitang protektahan."
Tumingin sa akin ang mga kasama ko at nagtawanan ulit sila sa narinig na sinabi ni Nathan. Muli ko siyang tiningnan at kita ko ang lungkot sa mukha niya.
"What?" gusto kong masiguro kung tama ang narinig ko.
"Mahal kita. Gusto kong makita mo na mas may kinabukasan ka sa akin kaysa kay Victor." Diretsong sabi niya.
Lalong naghagalpakan ng tawa ang mga kasama ko. Kahit paano ay nakakaramdam na ako ng awa kay Nathan pero hindi ako magpapahalata.
"Damn it! Hindi kita gusto. I don't need you! Get lost! I don't want to see you near me!" bulyaw ko na lang sa kanya. Gusto ko na lang na lumayo na siya sa akin at wala na akong pakielam kahit sino pa ang makarinig sa pagsisigaw ko.
"Tingin ko adik din 'yan. Tigilan na kasi ang pagsinghot ng katol," tawa ng tawang sabi ni Reiden.
"Let's go. Iwanan na natin ang baliw na 'yan." Inirapan ko pa si Nathan bago kami nagmamadaling umalis doon. This time ay siniguro namin na hindi na siya susunod. Siguro naman tinablan na din siya sa mga sinabi ko. Kapal ng mukha. Mahal daw niya ako. Mas may kinabukasan ako sa kanya? Mas mahirap pa nga siya sa daga sabi ni Victor sa akin. Pero may naalala ako. Shit. Wala nga pala akong pera. Hindi ako nakakupit sa pera ni mommy.
"Wait for me guys." Nagmamadali akong bumalik kay Nathan. Nakita kong para siyang nabuhayan ng loob ng makitang bumalik ako sa kanya.
"Sana maisip mo na maayos ang intensiyon ko sa iyo." Sabi niya ng makalapit ako.
"Give me some money."
Kumunot ang noo niya. "Ha?"
"Pera. Pautangin mo ako. Kailangan ko ng pera ngayon," sabi ko sa kanya at kinapkapan ko pa siya sa bulsa. Sinasaway naman niya ako.
"Wynna, wala akong pera."
"Akala ko ba po-protektahan mo ako? I need money now." Pinilit kong ipinasok sa mga bulsa ng pantalon niya ang mga kamay ko at nakakuha ako ng three hundred doon. Napangiti ako. "Thanks for this. Still, I don't want you." Nagmamadali na akong bumalik sa mga kasama ko at nagtatawanan pa kaming umalis doon.
-----------
Paalala mga kapatid. Bawat chapters na isinusulat ay raw copies. Meaning walang editing. Walang proofreading. Asahan na kung may mga mali. Kung meron man, maaaring i-message si author privately at iko-correct ko iyon. Hindi kailangan mam-bash. Wala pong pilitan sa pagbabasa ng story ko. Kung hindi pasok sa taste 'nyo, move on tayo. okie? If you want to know more stories of mine, join Helene Mendoza's Stories group sa FB.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top