chapter fifteen
Nathan's POV
Alam kong naninibago ang sekretarya ko dahil iritable akong dumating sa opisina. Ipina-cancel ko ang lahat ng mga meetings ko ngayong araw. Ayokong humarap sa kahit na kaninong tao dahil nabubuwisit ako kay Wynna. Naiinis ako sa kanya kasi bakit kailangan siya ang gumawa ng paraan para sa problema ng kapatid niya? She's going to tell me that power and money made me like this? Bullshit! Siya, si Victor, sila Tito Amado. They all made me to be like this. I hate them. Lahat ng ginawa nila sa akin.
Natawa ako sa sarili ko at pabagsak akong nahiga sa couch. I can't forget her crying face while begging. 'Tang ina, naalala ko ang pagmamakaawa ko noon sa kanya na layuan niya si Victor dahil walang magandang ituturo iyon sa kanya. Halos gusto kong bumuka ang lupa para kainin ako sa sobrang kahihiyan pero sila ay tuwang-tuwa na pagtawanan ako. Baligtad na talaga ang mundo and every luck right now was on my side.
Kaya kong gawin ang lahat para sa kanila. Nakikiusap ako sa'yo. I'll do everything, anything. If you tell me to kill myself right now, I'll do it huwag mo lang ipakulong si kuya.
I still can remember what she said. She would do anything. Napaangat ako ng kilay at napangiti. Bakit nga hindi ko subukan? I'll do it just for fun just like what she did.
"And someone is in bad mood," nakangiting bati ni Paula sa akin nang makapasok sa opisina ko. She gave me a sweet kiss in my lips bago naupo sa katapat kong couch.
"I am thinking of withdrawing the case of Wesley." Sabi ko sa kanya.
Tumaas ang kilay ni Paula. "What made you change your mind?"
"His parents. Hindi ko matitiis na makitang umiiyak si Tita Julia. She's been nice to me from day one."
Napailing si Paula. "Are you sure it's Tita Julia? O, baka naman you're considering the option that I gave you." Nangingiti pa siya.
Natawa din ako. "Pau, you know it's impossible. You know how much I hate her."
"Kaya nga mas lalong dapat mong gawin ang sinasabi kong option. Alam mo, maniniwala lang akong naka-get over ka na diyan kay Wynna kapag alam kong hindi ka na galit sa kanya. Kasi may nararamdaman ka pa. Hate and love is just the same."
"No it's not. Pau, I don't want her okay?" Napahinga ako ng malalim. "Well, she came to the house."
"See? What did she do?"
"She's just begging me to withdraw the case of his brother." Maiksing sagot ko. Ayokong i-detalye ang mga pinag-usapan namin ni Wynna.
"Nate, just fuck her please. I want our relationship to be normal again. Nagulo lang naman tayo ng dumating siya." tonong nagmamakaawa na si Paula.
"I can't do that. I don't want her." Marahan ko pang hinilot-hilot ang ulo ko.
"Alright. You don't want to fuck her? Fine. Then make her something useful. Make her a maid in your house. Make her do your laundry. Anything na may pakinabang siya kapalit ng pag-urong mo sa kaso ni kuya Wesley. You know, whatever is happening to her, she deserves it." Napabuga pa ng hangin si Paula. "And don't worry, I won't be jealous. Alam ko naman na ako ang mahal mo." Ngumiti pa siya sa akin.
Ngumiti din ako at lumapit sa kanya. I kissed her passionately kasi alam kong gustong-gusto niya ito.
"Are you going to come to Boracay?"
Umiling ako. "I'll pass. Marami muna akong aayusin dito."
"Okay. Then they're going to miss you. And I'll miss you too. My flight is tomorrow nine am. See you this weekend," tumayo na si Paula at humalik sa pisngi at tinungo ang pinto tapos ay nag-flying kiss pa.
Marahan kong hinilot ang batok ko kasi parang na-stress ako lalo sa mga sinasabi ni Paula. Minsan naiisip ko kung liberated lang ba talaga siya o talagang sobra lang ang tiwala niya sa akin. Sabagay, kahit ako naguguluhan sa aming dalawa. Kapag magkasama kami, she wants us to be exclusive. Pero kapag naka-out of town siya, she wants an open relationship.
Napabuga ako ng hangin. Shit. Different thoughts were flooding in my mind. Napakagat ako ng labi at kinuha ko ang telepono ko at dinayal ko ang number ni Mr. Montoya.
"Nate? You need anything?" agad na tanong niya.
"Ah- well- this is about Wesley and his case. Could you withdraw it and tell them I am willing to settle." Napabuga ako ng hangin sa sinabi ko.
"That is a good call, Nate. Isa pang intindihin kasi 'to. Sige. I'll do it and I'll make the calls." Halatang natuwa si Mr. Montoya sa naging desisyon ko.
Pabagsak kong binitawan ang telepono at patuloy ang pagbubuga ko ng hangin. I hope what I am going to do will help me to forget everything in the past.
-----------------------
Wynna's POV
Inayos ko ang sarili ko habang nakatayo ako sa harap ng bahay namin. Ayokong mahalata nila na kanina pa ako nag-iiiyak dahil walang nangyari sa lakad ko. Ayoko na isa pa nila akong iintindihin. Wala akong nagawa sa desisyon ni Nathan. Sobra talaga ang galit niya sa akin. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Sa dami ng masasamang nagawa ko sa kanya, mahirap kalimutan iyon basta-basta.
I put my head high and pretended that everything was fine nang pumasok ako sa loob ng bahay namin. Pero nagulat ako nang pagbukas ko pa lang ng pinto ay niyakap na agad ako ni mommy at tuwang-tuwa siya.
"Hey. Mom? W – what is happening?" takang tanong ko. Kahit si daddy ay masayang-masaya din at nakita ko si kuya na may kausap sa telepono. Halata din ang kasiyahan sa mukha niya.
"Yeah. Alright. I got it. Aayusin ko. Just tell the place and time and I'll be there. Please say my thanks to him for this. Napakalaking tulong nito sa pamilya namin," narinig kong sabi ni kuya sa kausap niya.
"Dad, what is happening?" kay daddy na ako lumapit para malaman ko kung ano ang nangyayari.
"Iniurong na ni Nathan ang demanda sa kuya mo. Pumayag na siya sa settlement," masayang – masayang sagot ni dad.
Nawala ang ngiti sa labi ko. "W – what?" gulat na gulat ako. Is this for real? What made him change his mind? Kitang – kita ko ang galit sa mukha niya kanina. Desidido siyang ipakulong si kuya. Hindi ko maintindihan pero ibang klaseng kaba ang lumukob sa akin.
"Aren't you happy, Wynna? Your brother is not going to jail," hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni mommy habang tumitingin pa siya sa itaas na parang nagpapasalamat sa langit.
Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko at kinuha ko iyon para tingnan kung sino ang tumatawag. Unknown number. Sino 'to? Number lang ni Meg ang nasa phonebook ko at number ni mommy, daddy at kuya Wesley.
Ayoko sanang sagutin kasi baka ito ang taong ayokong makita. Ni ayokong marinig ang boses niya. Ayoko na silang maalala. Pinabayaan ko na lang na mag-ring iyon ng mag-ring hanggang sa huminto. Maya-maya ay text message naman ang na-receive ko.
Answer your god damn phone. - Nathan
Lalo na akong kinabahan nang malaman ko kung sino ang tumatawag sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko uli ang telepono kong nagri-ring na naman. Napapikit pa ako nang sagutin iyon.
"Alam mo na siguro ang nangyari," bungad niya sa akin.
Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at nagkulong doon. Napalunok pa ako bago sumagot sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay hihimatayin na ako sa takot.
"Yes. Thank you for your kindness."
Narinig kong natawa sa kabilang linya si Nathan.
"Kindness? I didn't do it for Wesley and definitely, I didn't do it for you. This is for Tita Julia and Tito Paking."
"Still, thank you. Malaking bagay ito para kina mommy," sabi ko.
"Well, I am businessman, Wynna. If I give something, I expect something in return."
Napapikit ako. "What do you want in return?"
"You know, my helper wanted to have her vacation. One year na rin naman nga siyang hindi nakakauwi sa kanila. So, pumayag ako. But unfortunately, ako naman ang mahihirapan kasi wala akong helper. I was wondering if –"
"If I can be your maid?" ako na ang pumutol sa sasabihin niya.
Naririnig kong natatawa sa kabilang linya si Nathan. "Something like that."
"Alright. I'll do it." Pinipigil ko ang mapaiyak.
"Nice. Pack your things and I'll pick you up now. Doon ka na titira sa bahay ko," walang anuman na sabi niya.
"I'll live in your house? Hindi ba puwedeng uwian ako?"
"I thought you would do anything?" nagtonong seryoso na siya.
"Yes. I would." Tonong talunan na ako.
"See you in ten minutes." May gusto pa sana akong sabihin pero pinatayan na ako ng telepono ni Nathan.
Nanginginig ang mga daliri ko habang pinindot ko ang end button ng cellphone ko. Hindi ko alam kung ano ang balak ni Nathan pero malakas ang kutob ko na hindi ito magiging madali para sa akin.
Hindi ko na pinansin ang nagtatanong na tingin ni mommy ng bumaba ako sa sala namin bitbit ang isang travelling bag.
"Ano 'yang dala mo?" tanong ng mommy.
Pinilit kongngumiti kahit pa sumasakit na ang lalamunan ko sa pagpigil na umiyak.
"I need to go somewhere, mom. Meg offered me a job somewhere." Pagsisinungaling ko.
"Where? Anak, please. Kababalik mo lang," nakita kong naiiyak na si mommy.
"I'll be fine, mom. Don't worry, hindi ako gagawa ng kahit na anong ikakahiya ng pamilya natin. I just need some time to find myself again," sagot ko.
"Saan naman?" si daddy na iyon.
"I'll let you know soon, dad. But for now, pabayaan 'nyo na po muna ako. Huwag po kayong mag – alala. Hindi na mauulit ang nangyari dati. I know how to take care of myself now," punong-puno ng assurance na sabi ko sa kanila.
"Pabayaan 'nyo nga ang babaeng iyan. Mabuti nga at mawawalan na tayo ng peste sa bahay na ito," sabat ni kuya Wesley.
Hindi ko na tiningnan si kuya pero ngumiti ako kay mommy. Humalik na lang ako sa pisngi ni dad at mom at tuloy-tuloy na akong lumabas. Ayokong paghintayin ng matagal si Nathan at baka magbago pa ang isip niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top