chapter eleven

Nathan's POV

My hands were shaking while I was driving far away from that house. I needed to do what I had to do. May utang si Wesley, kailangan niyang bayaran kahit sa paanong paraan. Naalala ko ang hitsura ni Tita Julia at nakokonsensiya ako sa nagawa ko. Shit. That woman was so nice to me. Hindi ko naman talaga dapat iyon gagawin but Wesley made me do it.

"Are you okay, love?"

Tinapunan ko ng tingin si Paula at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Yes. I am fine." Napabuga ako ng hangin at itinutok ang tingin ko sa kalsada.

"Why did you do it there? Talaga bang kailangan na malaman ng lahat ang problema ni Wesley?" alam kong nag-aalala din si Paula sa nangyari.

"He forced me to do it. Wesley is slipping away and his family needs to know what is happening to him. Dapat ng maputol ang gambling problems niya. I am just helping him," pinipilit ko sa sarili ko na para kay Wesley kaya ko nagawa iyon.

"Really? Or is this still about Wynna?" seryoso na ang mukha ni Paula sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya at humigpit ang kapit ko sa manibela.

"What do you mean it is still about her? I don't care about her at all," inis na sagot ko.

Halatang hindi kumbinsido si Paula sa sagot ko pero tumahimik na lang siya.

"Ihahatid na lang muna kita sa condo mo. I need to go back to the office. May tatapusin lang ako doon." Iniliko ko sa isang kanto ang sasakyang minamaneho ko.

"Whatever. Kapag ganyan na naman ang mood mo, hindi na rin kita makakausap ng matino." Nakasimangot na sagot ni Paula.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Ayoko na rin naman muna ng may kausap ngayon. Sumasakit din ang ulo ko dahil sa nangyari pero hindi ko na mababawi iyon. Pagkahatid ko kay Paula ay dumiretso ako sa office ko kahit pasado alas nuebe na ng gabi. I needed to think. I needed to justify to myself that what I did was for the best of Wesley.

Pabagsak akong naupo sa couch pagdating ko sa opisina ko. Dinampot ko ang bote ng alak na nandoon at tumungga. Parang nakikita ko pa ang umiiyak na mukha ni Tita Julia and talagang naku-konsensiya ako. Pero hindi. Tama lang ang ginawa ko.

Kinuha ko ang telepono ko at tiningnan ko ang naka-register na tumatawag sa akin. Si Mr. Montoya. Family lawyer ng mga Arevalo.

"Sir, gabi na. What can I do for you?"

"Nathan, are you really going to buy the old house?" Ang bahay ng mga Arevalo na dati kong tinitirhan ang tinutukoy niya.

"Is it for sale already?" paniniguro ko.

Narinig kong napahinga ng malalim sa kabilang linya si Mr. Montoya.

"Everything is for sale, Nathan. Good thing I found you at nakapangalan sa iyo ang ibang properties at company ng lolo mo. Victor messed up everything. After his parents died, he sold everything. His drug addiction became worse, he don't know how run a company."

Hindi ako kumibo. Naalala ko nang makilala ko si Mr. Montoya three years ago. Ipinangako ko noon na babawiin ko si nanay. Magsisikap ako at gagawin ko ang lahat para makuha ko siya. Pinilit kong kalimutan ang lahat ng nangyari. Huminto ako sa pag-aaral dahil wala na akong mukhang ihaharap pa sa university na pinapasukan ko. Inilabas nila Victor ang mga hubad na litrato ko sa social media at pinaratangan akong rapist. Ginawa pa nga nila akong wanted pero wala din namang nangyari dahil wala naman akong complainant. The woman who made the story vanished.

Lumayo ako. Pinilit kong magsikap para mabawi ko ang nanay ko. Nakakuha ako ng trabaho bilang assistant sa isang Ad agency. Hanggang isang araw, dumating si Mr. Montoya at nagpakilalang abogado ni lolo Nicanor. Matagal na daw niya akong hinahanap. Isang linggo matapos daw akong palayasin ni Tito Amado ay naaksidente naman sila ni Helga at parehong namatay. Lahat ng yaman ng mga Arevalo ay mapupunta kay nanay pero wala daw alam si nanay pagdating doon. Naiwan ang lahat kay Victor. But knowing that he was a drug addict and irresponsible, walang ginawa ang pinsan ko kundi waldasin ang perang naiwan sa kanya. He lived like a king. Bumagsak ang kumpanya, naibenta ang mga shares, pati ang ibang mga properties kaya naisip ni Mr. Montoya na hanapin ako since may karapatan din daw ako sa yaman ng mga Arevalo.

He trained me well. Ang naiwang ibang business ni lolo Nicanor ay ipinamahala niya sa akin. It is a big company na hindi alam ng pamilya at kailangan lang talagang mayroong mag-takeover na pamilya ni lolo Nicanor. Pinagtulungan namin na mabawi ang mga properties na naibenta ni Victor. Hanggang sa unti-unti ay nabawi namin iyon. Inaabangan ni Mr. Montoya ang mga ibinibenta ni Victor at kami naman ang bumibili anonymously.

Sinabi ko kay Mr. Montoya na ayoko pa rin na mag-front sa business ni lolo Nicanor. I let him managed it at nagtayo ako ng sarili kong negosyo. Right now, I own an ad agency and the biggest preowned car selling shop in Quezon City. Bata pa lang ay mahilig na ako sa kotse pero hindi lang talaga ako nabigyan ng pagkakataon noon.

Naghirap kami noon ni nanay. Tiniis namin lahat ang pang-lalait, pagngungutya at pagmamalupit ng pamilya ni Tito Amado. Ang kayamanan na ipinagdamot nila sa nanay ko at sa akin ay hindi rin nila nadala sa hukay nila. Si Victor na inaasahan nila ay ang siyang nagwaldas sa perang ipinagdamot nila sa amin ni nanay. At sino ang mag-aakala na ang dating kinukutya nila ang aayos sa negosyo ng mga Arevalo?

"May buyer na ba?" nagbukas ako ng laptop at tiningnan ko ang feed ng cctv cameras sa mansion ng mga Arevalo. Napailing ako sa nakita ko. Ang dating napakagandang bahay ay lumang-luma na ang itsura. Ang garahe na punong-puno ng mga kotse noon ay walang laman kungdi isang lumang-lumang kotse na ginagamit ni Victor. Naroon pa rin si Mang Rey at napahinga ako ng malalim nang makita ko si nanay na nagwawalis sa garahe.

"Maraming nagtatanong pero ang baba ng tawad. Bulok na bulok na kasi ang bahay." Sagot niya.

"Ayaw pa rin ba ni nanay na umalis doon? I bought a house for her already," sabi ko kay Mr. Montoya.

"Nathan, ilang beses ko ng kinausap ang nanay mo pero matigas ang ulo. Hindi daw siya aalis doon. Naaawa daw siya kay Victor at baka kung anong mangyari sa pinsan mo."

Mahina akong napamura. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ni nanay kasi sa tuwing maghaharap kami ay nag-aaway lang kaming dalawa. Ayaw talaga niyang umalis doon. Iniintindi pa rin niya ang adik na Victor na iyon.

"Let's buy it. Block those buyers. Kausapin mo si Victor and tell him you will pay immediately pero babaan mo lang ang tawad. Sigurado akong ibibigay niya iyan sa presyong kahit magkano dahil kailangan niya ng pera sa para bisyo niya. Then I want him to move out from that house at huwag na siyang pumunta kahit kailan. I don't want him to see near that house and near my mother."

"Sige. Pero paano si Mang Rey at ang nanay mo?"

"Let them stay there. Tingin ko ang bahay ang mahalaga kay nanay. I'll drop there once na nakaalis na si Victor."

"Alright. Balitaan kita."

Pahagis kong binitawan ang telepono ko sa mesa at naihilamos ang mga kamay sa mukha ko. Napabuga ako ng hangin at sumandal sa kinauupuan ko. Lahat ng nangyari ng nakaraan sa buhay ko ay bumabalik. Ayoko na. Ayoko ng maalala ang hirap na naranansan ko. Ayoko ng maalala ang kahihiyan na ginawa ni Wynna sa akin.

I still can remember her face when I saw her earlier. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Ibang-iba siya. Nahihiya, laging nakayuko, walang confidence. Napailing ako at napangisi. Dapat lang sa kanya iyon. She deserves it for humiliating me and for hurting me.

But if there's a consolation of what she did to me? I became a model because of that. May nakakita ng naked picture ko sa soc med and they looked for me. An international modelling agency na naghahanap ng fresh face models para sa isang bagong clothing line. They helped me cleared my name and that's the start of my modelling career.

Pero hindi ko naman ginawang fulltime ang modelling. Mas importante sa akin ang pag-aayos ng negosyo ng pamilya at negosyo ko. I didn't sign any exclusive contract. Once or twice a year modelling gig, okay na 'yun sa akin.

Inilabas ko mula sa drawer ang mga folders ng promisory notes sa akin ni Wesley at napahinga ako ng malalim. How are they going to pay this? Kulang na kulang ang value ng negosyo ng pamilya niyang ibinenta niya sa akin. I met Wesley a year ago while he was selling some of their rental cars. I've learned that he was Wynna's brother and mabait din naman kaya nagkasundo kami. I know he has some gambling issues kasi isinasama niya ako sa casino. I am just checking on him. Pero nitong mga nakakaraan, iba na ang ugali ni Wesley. He was so hooked in gambling. Madalas naka-prenda sa casino ang kotse niyang dala. Madaling-araw tatawag sa akin para umutang ng pera o ibebenta ang isang kotse mula sa car rental nila. Naisip kong mabuti ng ako ang kumuha ng mga ibinibenta niya at least I can give him a good payment deal na madali niya akong mababayaran. But the last time that we talked, he was trying to sell me their family house. That's the time I knew he needed to stop and let his family learn about his gambling problem.

Alam kong mali ang ginawa ko kanina but, it happened. Hihintayin ko na lang na makipag-usap sa akin ang daddy niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top