chapter eighteen

Wynna's POV

Hindi matapos-tapos ang inis ko habang sakay ako ng taxi papunta sa address na ibinigay sa akin ni Paula.  Ang yabang talaga ng pinsan kong 'yun!  Nakapag-syota lang ng mayaman at guwapo, akala niya yata siya na ang pinakamaganda at pinaka-sikat na babae sa mundo.  Nagalit pa sa akin kasi naabutan niya ako sa bahay ni Nathan.  Malay ko ba sa set-up nilang dalawa?  Ako, tagasunod lang sa gusto ng lalaking iyon na hindi ko naman alam kung anong gustong mangyari sa akin.

            Inis kong tiningnan ang malaking paper bag na ipinadala niya sa akin.  Kapal ng mukha.  Sabi pa sa akin huwag ko daw nanakawin ang laman at mahal pa daw sa buhay ko ang halaga ng laman 'nun.  Bitch talaga ang pinsan ko na 'yun.  Palibhasa hindi pa rin mawala ang insecurity niya sa akin.

            Napahinga na lang ako ng malalim at muli kong binasa ang papel kung saan nakasulat ang address na pupuntahan ko.  Napakagat-labi ako at parang gusto kong ipabalik na lang sa bahay ni Nathan ang taxi.  I know this address.  Address ito ng bahay ni Victor.  Ilang beses na rin akong nakapunta sa bahay na iyon.  Nagtatambay kami.  Kapag wala ang magulang ni Victor doon din kami gumagamit.  Napapikit ako at umiling-iling para mawala ang mga masasamang alaala na pumapasok sa isip ko.  Ayoko ng alalahanin pa si Victor.  Kung meron man akong gustong burahin sa buhay ko, iyon ay ang araw na nakita at minahal ko siya.

            Iniisip ko sanang tawagan si Nathan at ipaalam sa kanya ang utos ng reyna niyang syota pero naisip kong huwag na lang.  Mukhang wala din naman siyang interes sa kung anong sasabihin ko.  Tatlong araw na nga siyang hindi umuuwi doon sa bahay niya.  Tatlong araw na rin akong naiiwan doon na nag-iisa at hindi ko alam ang gagawin ko.

            Hindi na muna ako nag-doorbell ng bumaba ako sa harap ng bahay.  Nakatingin lang ako at tinitingnan ko ang paligid.  The house was so deteriorated.  It looks so miserable and lonely.  Hindi katulad noon na punong-puno ito ng buhay.  Does Victor stays here?  Pero ang sabi ng pinsan kong magaling naibenta na nga daw itong bahay na ito kay Nathan at ang nanay niya ang nakatira dito.  Safe naman sigurong pumunta.  Siguradong wala na dito si Victor.

            Doon na ako nag-doorbell.  Ilang pindot pa muna bago isang may-edad na babae ang humarap sa akin.

            "Kay Aling Norma ho.  Norma Arevalo."

            Sinipat-sipat ako ng matanda.  "Bakit?"

            Nginitian ko siya.  "Ako ho pala si Wynna.  Bagong helper ho ako ng anak 'nyo.  Si Nathan.  Inutusan ako ng girlfriend niya na dalhin sa inyo ang mga ito." Ipinakita ko sa kanya ang isang malaking paper bag.

            Hindi naman ngumiti ang matanda at parang inis pa nga na tiningnan ang dala kong supot.  Walang-imik siyang nagbukas ng gate at pinatuloy ako.

            "Istorbo ho ba?  Puwede ko hong iwan na lang ito dito." Sabi ko sa kanya.

            "Tumuloy ka, iha.  Wala akong kasama dito at umalis si Rey.  Halika.  Pumasok ka," sabi niya at naglakad patungo sa sala. 

            Parang lalo akong naawa sa bahay nang makapasok ako.  Kung gaano kasira ang labas ay ganoon din kasira ang loob. Laglagan ang mga kisame, baklas ang mga pintura.  Ano ba ang nangyari dito?

            "Gusto mo ng kape?" tanong pa ng matanda sa akin.  Sa kusina niya ako inaya.

            Umiling ako.  "Tubig na lang ho."

            "Masarap ang kape ko.  Galing Batangas." Sabi pa niya.  Parang ipinaparating na gusto niyang matikman ko ang offer niya kaya tumango na lang ako.  Tiningnan ko lang siya habang nagpi-prepare siya ng iinumin namin.  "Pamilyar ang mukha mo sa akin, iha.  Nagpupunta ka ba dito noon?" tanong niya habang nagtitimpla ng kape.

            "Minsan ho.  Naging magkaklase ho kami ni Victor." Ayoko ng mag-elaborate.  Nakakahiya kung malalaman pa niyang isa ako sa mga babae ni Victor na dinadala dito noon.

            Tumango-tango siya at inilapag sa harapan ko ang isang mug na may kape tapos ay naupo siya sa harap ko.

            "Paano ka naman naging helper ng anak ko?  Iha, wala naman sa itsura mo ang pagiging helper.  Ang ganda-ganda mo." Nakangiting sabi niya sa akin habang nakatitig sa mukha ko.

            Natawa ako at parang nahihiyang humigop ng kape.  For the longest time, ngayon ko lang naramdaman na nagkaroon ako ng kaunting self-confidence dahil ibang tao ang nagsabi sa akin noon.  Alam kong hindi ako inuuto at pinaglulubag lang ang loob ko.

            "Mahabang istorya ho.  Nagkaroon lang ho ng problema sa pamilya ko at si Nathan ang tumutulong sa amin."

            Tumango-tango lang siya at tiningnan ang dala ko.  "Galing ba sa babaeng sawa 'yan?"

            Pinigil ko ang mapatawa.  "Babaeng sawa?  Kay Paula ho galing ito.  Inutusan akong dalhin dito.  Mga regalo niya para sa inyo."

            Ngumiwi ang mukha ng matanda.  "Suhol kamo.  Kahit ano pa ang ibigay niya sa akin ayoko sa kanya para sa anak ko.  Mukhang manggagamit ang babaeng iyon." Seryosong sabi niya.

            Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aling Norma.  Mukhang magkakaproblema si Paula sa nanay ng syota niya.

            "Sayang naman ho ang mga ito.  Binili pa niya sa abroad.  Mamahaling bag, sapatos.  Kunin 'nyo na ho." Ibinigay ko ang paper bag sa kanya pero itinulak niya iyon palayo.

            "Ayoko niyan.  Kuntento ako sa kung anong meron ako.  Ibalik mo 'yan sa kanya."  Matigas na sabi ni Aling Norma at tumayo siya.  "Titingnan ko lang ang gate kung naisara ko.  Mamaya ka na umuwi.  Kuwentuhan muna tayo."

            Tumango lang ako sa kanya at sinundan ko siya ng tingin.  Nang makita kong wala na siya ay tumayo ako at hinanap ang kuwarto niya.  Doon ko na lang iiwan ang mga regalo ni Paula.  Kailangang maibigay ko ito kay Aling Norma at ayokong singhalan na naman ako kapag nalaman niyang hindi tinanggap ng inaangkin niyang mother in law ang regalo niya.

            Hindi naman ako nahirapan hanapin ang kuwarto ng matanda.  Old guest room ang kuwarto niya.  Maraming mga pang-matandang gamit kaya naisip kong dito ang kuwarto niya.  Pumasok ako at inilapag sa kama ang paper bag.  Inilabas ko ang mga laman.  Louis Vuitton bag, Prada sandals.  May pashmina pa at Kate Spade na wallet.  Natawa ako.  Talaga ngang nanunuhol si Paula.

            Mabilis akong bumalik sa kusina para doon uli ako maabutan ni Aling Norma.  Pero pababa pa lang ako ng hagdan ay para ng ipinako ako sa kinatatayuan ko.  Para akong nakakita ng maligno nang makilala ko ang taong nakatayo sa ibaba ng hagdan na nakangising nakatingin sa akin.

"Hi, baby." Nakangising sabi ng lalaki.

"Victor."

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para lang banggitin ang pangalan niya.

Hindi ko siya makilala dahil ibang-iba ang itsura niya.  Sobrang payat at humpak na humpak ang mukha.  Nanlalalim ang mga mata nito at nangingitim ang paligid na halatang ilang araw ng walang tulog.  Ang haba din ng buhok niya na nakatali lang pero itsurang hindi siya naliligo.  Shit.  Ang dungis niya.  Ganito ang itsura niya noon na kinabaliwan ko pero bakit ngayon nandidiri ako sa itsura niya?  At sigurado ako, nasa impluwensiya din siya ng ipinagbabawal na gamot ngayon.

Napaatras ako nang makita ko siyang lumakad palapit sa akin.

            "I missed you so much, honey!" Ngayon ay binilisan na niya ang paglapit sa akin pero nagmamadali akong umiwas sa kanya.

            "What are you doing here?" kinakabahan talaga ako.  Nakakatakot ang itsura ni Victor.  Para siyang gagawa ng hindi maganda.

            Itsurang nagulat si Victor sa tanong ko.

            "Aren't you happy to see me?  I missed you, honey!" this time ay akma niya akong yayakapin pero mabilis akong lumayo sa kanya.

            "Don't touch me!  Don't come near me.  You ruined my life!" Hindi ko na napigil ang galit na nararamdaman ko.  Naiiyak na ako kasi lahat ng masasamang nagawa ko noon ay bumabalik sa alaala ko.

Pero parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko.  Natatawa pa nga siya.

            "I ruined your life?" Ang lakas ng halakhak niya.  "You liked it.  You begged me not to leave you.  And besides, we are so much in love with each other.  Kung hindi ka lang itinago ng magulang mo sa akin, sigurado ako hanggang ngayon tayo pa rin ang magkasama."

            Napupuno ng galit ang dibdib ko.  Kung may bagay akong pinagsisihan sa buong buhay ko, iyon ay ng makilala ko ang lalaking ito.

            "Please, umalis ka na.  Baka malaman ni Nathan ito.  Madadamay ang pamilya ko."

Tumaas ang kilay niya sa akin tapos ay tumawa ng malakas.

"Si Nathan?" ang lakas ng tawa niya.  "And you believe he is still in love with you?"

Hindi ako nakasagot kasi alam ko naman na hindi na.  Ipinaramdam na sa akin ni Nathan iyon.

"Trust me, Wynna.  Wala ng ibang lalaking magtitiyaga sa iyo.  Ako na lang.  Kung ano man ang ipinapangako sa iyo ni Nathan ngayon, puro kagaguhan iyon.  He is just going to use you.  Titikman tapos pagsasawaan at itatapon.  Dahil ganoon ka.  Ganoon kang klaseng babae.  Hindi ka dapat iniingatan dahil basura ka na."

            Hindi ko na napigil ang mga luha ko.  Alam ko ang katotohanang iyon pero bakit nasasaktan pa rin ako?

            "Just leave me," umiiyak na sabi ko sa kanya at nilampasan ko na siya.  Ayoko ng magtagal dito. 

            Pero hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman kong hinawakan ako sa bewang ni Nathan at sapilitan na binuhat para dalhin sa couch sa sala.  Panay ang palag ko para bitiwan niya ako.  Pilit niya akong inihihiga sa couch.

            "Victor ano ba?!  Bitiwan mo ako!" parang demonyo ang tingin ko kay Victor. 

            "You'll like this like we used to do.  I know, na – miss mo din ako ng sobra," sabi pa niya at pabagsak akong inilapag sa couch.  Shit!  Naakatakot ang itsura niya na nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.  He was pinning me on the couch and pressing his lower body on to me.  He was forcing to remove my shirt but I won't allow him to touch me. 

"Damn you!  Bitiwan mo ako demonyo ka talaga!" I used all the force that I had just to push him away pero kahit na ang payat niya ay ang lakas pa rin niya.  Para siyang wala sa sarili at nauulol lang na nakatingin sa akin.  He ripped my shirt pero hindi ako papayag na ganito.  Lalaban ako.

Noon ko nakita si Aling Norma na may dalang kung ano at nabitiwan ang hawak niya ng makita ang nangyayari sa amin.

            "Susmaryosep!  Victor!  Ano ba ang nangyayari?!" kitang-kita ko ang pagkataranta sa mukha niya.  Hindi makapaniwala sa nakikita niya.

            "A-aling Norma!  Tulong ho!  Tumawag ho kayo ng pulis!" pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ni Victor pero para na talaga siyang nababaliw.  Parang wala siyang pakielam kung may tao man na makakita sa amin.  Ang mahalaga sa kanya ay mairaos ang kung anuman na init ng katawan niya.

            Nakita kong hindi hindi malaman ng matanda kung ano ang gagawin niya.  Natataranta siya at hindi alam kung saan pupunta.

            "Aling Norma bilisan 'nyo ho!" sigaw ko.  Panay ang suntok ko kay Victor para tigilan na ako.  Napasigaw ako ng malakas nang hilahin niya ang butones at zipper ng suot kong pantalon.  Nasira niya iyon.  Nakakatakot talaga siya!

            Nagulat ako ng biglang parang may humatak kay Victor palayo sa akin.  Parang laruan na inihagis sa isang sulok.  Nakita ko si Nathan na galit na galit na nakatingin kay Victor.  Sa itsura niya, tingin ko kayang-kaya niyang pumatay ng tao.  Kung nakakatakot si Victor, mas nakakatakot ang itsura ni Nathan.

            Napasigaw ako nang lumapit si Nathan sa pinsan niya at malakas na suntukin sa mukha.  Isa. Dalawa.  Ayaw huminto ni Nathan.  Kita kong umaagos ang dugo sa ilong at bibig ni Victor.  Talagang makakapatay si Nathan kung hindi ito titigil.  Mabilis akong lumapit at inawat ko siya.  Niyakap ko para mapigilan lang ang pambubugbog niya kay Victor.

"Umalis ka na Victor kung ayaw mong masaktan!" ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawn ni Nathan dahil sa galit.

Nakangising tumingin sa akin si Victor at tumayo tapos inayos ang sarili.  Pinahid pa ang dugong umaagos sa ilong niya. Namamaga ang pisngi at putok ang labi dahil sa mga suntok ni Nathan.

            "Ito ba ang paraan mo para makuha mo si Wynna?" sabi ni Victor habang nakatingin kay Nathan.  Dumura pa ito.  "Hanggang ngayon, wala ka pa ring kuwenta sa kanya.  Kung hindi ka pa yumaman at inangkin mo ang yaman namin, hindi mo mabibili ang babaeng iyan.  Bakit hindi mo tanggapin na ako pa rin ang gusto niya?"

            "Gago!" Malakas na sigaw ni Nathan at muling susugurin ng suntok si Victor pero lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.  Ayokong may magawa siyang hindi maganda at pagsisihan niya sa huli.  Victor was not worth it.

            "Tama na, please," nakikiusap na sabi ko.  Binalingan ko si Victor.  "Umalis ka na dahil talagang pagdating ng mga pulis dito, ipapakulong kita!"

            Ang lakas ng tawa niya.

"Huwag kang umasa na may ibang lalaki pa na magkaka – interes sa iyo.  Ako na lang ang nag – iisang pag – asa mo.  Babalik ako, Wynna.  Akin ka.  Sisiguraduhin kong wala kang ibang mapupuntahan kundi ako," napapailing pa si Victor habang naglakad paalis doon.  Hindi man lang niya pinansin si Aling Norma na nanginginig sa takot na nakatingin sa kanya.

            Marahas na inalis ni Nathan ang pagkakahawak ko sa kanya at itinulak ako palayo.

            "Paano siya nakapasok dito?!" Halos umusok ang ilong niya.  Sinipa pa niya ang center table na naroon.

            "Anak, bahay niya ito.  Labas-masok siya dito." Kinakabahang sabi ni Aling Norma.

"'Yan ang sinasabi ko sa inyo.  Hindi ko kayo maintindihan kung bakit kailangan 'nyo pang patuluyin dito ang demonyong iyon.  Atin na ang bahay na ito!  Wala na siyang karapatan at kahit ang pagpunta dito ay hindi na rin niya puwedeng gawin!"

            "Nathan, kumalma ka nga.  Ikukuha kita ng tubig," tingin ko ay ayaw sabayan ni Aling Norma ang galit ng anak niya.

            Malakas na sumigaw si Nathan tapos ay tumingin sa akin.  Tingin ko ay lalong nagbaga ang mga mata niya nang makita ang itsura kong punit ang damit at hawak ko ang pantalon ko para huwag mahubo.

            "Ang lakas ng loob mo?  Siguro gustong-gusto mo talagang pumunta dito para magkita kayo.  Putang ina.  Dito pa?  Dito pa sa bahay na ito para gawin 'nyo ang kababuyan 'nyo," he said that in between his teeth.

            "Ano ba ang pinagsasasabi mo?  Inutusan ako ng syota mo dito.  You think I want this?  Nakita mo nga muntik na akong ma-rape," katwiran ko.

            "Na talagang gustong – gusto mo naman!  With that guy that ruined your life?  Tanga ka talaga!" galit na sabi niya.

            "Hindi ko alam na pupunta rin siya dito.  Nakita mo naman kung anong nangyari," tingin ko ay kahit anong katwiran ko, hindi naman siya makikinig.  Sarado ang isip ni Nathan sa mga katwiran.

            "Sa susunod na makita kong magkasama pa rin kayo, I am telling you talaga bubulukin ko sa kulungan ang kapatid mo.  Tara na!" tinalikuran na niya ako at naglakad na siya palabas.  Hindi nga niya pinansin ang nanay niya na may dalang baso ng tubig.

Gusto kong maiyak.  Wala naman akong kasalanan dito.  Pilit kong inayos ang sarili ko at nahihiya akong tumingin kay Aling Norma.

            "Pasensiya na ho sa gulo.  Hindi ko ho alam na magkikita kami ni Victor." Tuluyan na akong napaiyak.

            Tumango lang siya at inayos ang t-shirt kong lumaylay ang punit.

            "Sige lang, iha.  Mag-uusap tayo uli.  Kakausapin ko ang anak ko.  Sa ngayon, hindi ko makakausap ng matino 'yan.  Ngayon ko lang 'yan nakitang magalit ng ganyan.  Hayaan na muna nating kumalma."

            Pinahid ko ang luha ko at nakarinig ako ng malalakas na sunod-sunod na busina.

            "Sige na.  Sumunod ka na.  Magkita tayo uli, ha?" Pilit na pilit ant ngiti ng matanda sa akin.

            Tumango lang ako at mabilis na lumabas.  Walang imik akong sumakay sa naghihintay na sasakyan ni Nathan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top