chapter eight

Wynna's POV

THREE YEARS LATER

Wala akong imik habang naka-upo sa backseat ng sasakyang dina-drive ni Uncle Felix.  Hindi naman masyadong tinted ang kotse namin kaya nagkasya na lang akong tingnan ang paligid.  Sinundo nila ako sa airport at ngayon ay sinasagasa namin ang traffic ng EDSA pauwi sa bahay namin sa Quezon City.

Wala naman halos ipinagbago ang paligid ng metro mula nang "pagbakasyunin" ako nila mommy sa Cagayan de Oro.  One year akong nag-stay doon tapos ay hindi na muna ako bumalik dito sa Manila.  Nakiusap ako kina mommy kung puwedeng doon muna ako tumira kay Tita Vera sa Camiguin.  Sabi ko, gusto ko munang ipagpatuloy ang pagbabakasyon ko.  Pero ang totoo, ayoko na talagang umuwi sa amin.  Sobrang nahihiya ako sa pamilya ko.  Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila lalo na kay daddy at kay kuya.  Si mommy lang ang madalas dumalaw at mangamusta sa akin noong nasa rehab ako.  Si dad, mga ilang beses.  Pero si kuya, never. 

Ang hirap-hirap sa rehab.  Hindi ko alam kung paano ako naka-recover.  Initially, I hate my family.  I hate everyone na nagsasabing addict ako.  The withdrawal process was really horrible.  I was thinking of ending myself during those times.  I battled physical and emotional stress na hindi ko alam kung matatapos pa.  Until day by day, I am beginning to think clearly.  Siguro kasi nawawala na ang effect ng drugs sa katawan ko.  That's when I realized how I destroyed myself because of loving someone who doesn't deserve to be loved.  I let myself belong to those group of people na mga walang pangarap sa buhay.  I began to hate myself.  Sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa ko noon, ang mga kahihiyang ginawa ko sa pamilya ko, hindi ko na talaga kayang humarap pa sa kanila.  I wanted to change and become my old self again.  I self-studied inside the rehab, I became one of the speakers and counselors for young drug dependents.  In just six months, I was clean and I was okay to go out pero ayokong lumabas.  Ayokong umuwi.  I can't forgive myself for bringing embarrassment to my family.  I continue to help those kids na naligaw ng landas dahil sa drugs.  Sabi ko sa sarili ko, that's the least I can do to help those people na nagkamaling katulad ko.

I stayed for another two years in Camiguin.  Doon ako sa resort ni Tita Vera.  Gusto ko doon kasi malayo sa lahat.  Pinutol ko ang lahat ng communications sa lahat ng kakilala ko.  Social media, tv's, radio, lahat iniwasan ko.  Ayokong makabalita ng tungkol sa buhay sa Maynila.  Lumayo ako kina mommy, at least wala na ako na kahihiyan nila sa pamilya.  Alam ko kung gaano ang kahihiyan na hinarap nila mommy and daddy sa mga kamag-anak namin.  Gusto ko din doon sa Camiguin kasi malayo din ako sa mga masasamang barkadang nakilala ko noon. 

Malayo ako kay Victor.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko nang maalala ko siya.  Ayoko na siyang makita o maalala man lang.  He was the reminder of the broken life that I had.  Nagsisisi ako na minahal ko siya.  Sinisisi ko ang sarili ko kasi naging marupok ako sa katulad niya.  I've learned my lesson the hard way and I don't know kung hanggang kailan bago ko mapatawad ang sarili ko sa mga nagawa ko.

"Masaya ka ba doon sa resort ng Tita Vera mo?"

Tumingin ako kay mommy na nasa passenger front seat.  Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.  Hindi ko maintindihan pero hiyang-hiya pa rin ako kay mommy.  Hindi ko nga makuhang yumakap o humalik sa kanya nang sunduin niya ako sa airport kanina.

"Maganda po doon.  Maraming tao and malakas ang resort ni tita." Maiksing sagot ko.  Itinuon ko uli ang pansin ko sa naglalakihang billboards na nakakalat sa EDSA.

Ngumiti sa akin si mommy.  Halata ko naman na masaya siyang makita ako pero hindi pa rin ako kumportable.

"Sabagay mukhang magaling mag-alaga ang Tita Vera mo.  Ang ganda-ganda ng katawan mo.  Ang ganda-ganda mo."

Ngumiti lang ako at yumuko.  Totoo naman kasi ang sinasabi ni mommy.  Three years ago nang ipasok nila ako sa rehab, I was like a total stranger to them.  Ang hitsura ko ay mukhang bungo sa sobrang payat.  Nanlalalim ang mga mata ko.  I didn't take care of myself because all I think about back then was to be with Victor and when can we take those drugs.

"Mom, do I really need to be in your dad's event?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo sa akin ni mommy.  "Iha, ano bang klaseng tanong 'yan?  Of course.  Thirtieth wedding anniversary namin ng daddy mo so dapat kumpleto ang pamilya natin."

"Pero mom, I don't think I can face dad.  Hindi ko yata kaya," nanginginig ang boses ko.

"Wynna, everything is fine now.  Your dad is so excited to see you." Si Uncle Felix na ang nagsabi noon.

Paulit-ulit na rin iyong sinasabi sa akin ni mommy pero pakiramdam ko ay bibitayin pa rin ako kapag humarap ako kay dad.  Hindi na lang ako kumibo at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas hanggang sa mapakunot ang noo ko nang may makita akong malaking billboard na nakabalandra sa may tulay ng Guadalupe.

Beat the summer with these hotties.

Iyon ang nabasa kong tagline.  Dalawang lalaki ang naroon at isang babae na mga nakasuot ng panligong kasuotan.  Sobrang pamilyar ng mukha ng isang male model.  Brown skinned, toned chest and abs.  His pose was really hot like the summer poster where he was at.  He was wearing a white and green board shorts.  I can't take off my gaze on his face kasi he looks very familiar.  The angular face, the pointed nose, the chinky eyes.  Damn.  I know I saw that face.

Nakalampas na kami sa billboard ay talagang sinisilip ko pa rin iyon. Pilit kong iniisip kung saan ko siya nakita.

"We're here."

Iyon ang nagpabalik sa kamalayan ko at parang nagulat pa ako nang makita kong nasa tapat na kami ng bahay namin.  Kanina pa pala nakahinto doon si Uncle Felix at ina-unload na ang mga gamit ko mula sa compartment ng kotse.  Si mommy ay nasa labas din at nakasilip sa akin.  Ang ganda ng ngiti niya.

"Come inside, iha.  Kanina pa naghihintay ang daddy mo."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.  Hindi ko yata kayang gumalaw.  Hindi ko kayang bumaba.

Pinilit ko ang sarili kong bumaba ng sasakyan pero hindi ko magawang pumasok sa loob ng bahay namin.  Nakahinto lang ako sa may pinto at hindi ko maihakbang ang mga paa ko.  Naalala ko 'nung huling nandito ako, sobrang gulo ang ibinigay ko sa kanila.  Hindi ko pa talaga kayang humarap kina daddy.

Napapiksi pa ako nang maramdaman kong hinawakan ako ni mommy sa kamay.

"Don't worry, honey.  Everything is alright now," ang ganda ng ngiti ni mommy sa akin.  Naramdaman kong hinihila niya ako papasok sa loob ng bahay.

I looked inside our house and it was still the same.  Pinigil ko ang sarili kong mapaiyak.  I remember everything in this house.  Maraming masasayang alaala dito pero mas tumatatak sa isip ko ang mga kasamaan na ginawa ko.  I remember I took money from my parents, from my brother.  Ibinenta ko ang mamahalin niyang speakers para lang magkaroon ako ng pambigay na peram kay Victor na pambili namin ng drugs.  Marami pa akong gamit na kinuha sa bahay para maibenta.  Some of it was so rare na mga collectibles ni dad and kuya.  Napapikit ako sa kahihiyan sa sarili ko.

"Come on.  Your dad is in the kitchen.  Puntahan natin."

Umiling ako.  "I-I can't mom.  Hindi ko pa kayang humarap kay dad.  I'll see him later," napabuga ako ng hangin.  Gusto ko ng kumaripas ng takbo paalis doon.

"What?  Wynna, your dad is expecting you." Tonong nakikiusap na si mommy.

"I–I am sorry, mommy.  Mamaya na lang po.  Para din kasing sumakit ang ulo ko," pagdadahilan ko.  "Doon na lang po muna ako sa kuwarto."

Paakyat na ako sa kuwarto ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.  Napalunok ako sa takot nang makita kong si daddy ang may gawa noon.  Titig na titig siya sa akin.  Para pa ngang namamasa ang mata.

"Hindi mo ba yayakapin si daddy?" nakangiting tanong sa akin ni dad.  Ibang-iba ang aura niya ngayon.  Halatang ang saya-saya niya na makita niya ako, hindi katulad noon na halos itakwil niya ako.

Doon na ako bumigay.  Mabilis akong yumakap kay daddy ng mahigpit at umiyak ako ng umiyak.  Miss na miss ko si dad.

"I'm sorry, dad.  I am sorry.  I am sorry," iyon lang ang nasabi ko ng paulit habang humahagulgol ako.  Naririnig ko din na sumisinghot si daddy habang mahigpit ding nakayakap sa akin.

"It's okay, baby.  It's okay.  Everything is okay now.  You don't need to worry," gumagaralgal ang boses ni dad habang nararamdaman kong marahan niyang hinahaplos ang buhok ko.

Bahagyang humiwalay sa akin si daddy at tiningnan ang mukha ko tapos ay pinahid niya ang mga luha ko.

"You are still pretty, anak.  I missed you so much." Lalo akong napaiyak nang makita kong punong-puno ng luha ang mukha ni daddy.  Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.  Pati si mommy ay umiiyak din.

Pare-pareho kaming napatingin sa isang lalaki na bumababa mula sa itaas ng bahay.  Nabuhay ang takot sa dibdib ko nang makita ko siya.

"Wesley, Wynna is here.  Hindi mo ba iwi – welcome ang kapatid mo?" masayang sabi ni mommy.

Walang kangiti-ngiti si kuya na nakatingin sa akin.  Halatang hindi siya masaya na makita ako doon.

"Wesley, Wynna is back." Si daddy naman iyon.

Huminga ng malalim si kuya at napapailing na nilampasan kami.

"Welcome back," walang kaemo – emosyong sambit niya at dire-diretsong lumabas ng bahay.

"Wesley!  Wesley!" malakas na tawag ni daddy.

Pinilit ko na lang ngumiti sa kanila kahit nakaramdam ako ng pagkapahiya.  Alam kong si kuya Wesley ang hindi masaya sa pagbabalik ko.

"It's okay, dad.  Naiintindihan ko naman si kuya.  Alam kong hindi pa siya handa sa pagbabalik ko."

Napahinga din ng malalim si daddy at muling tiningnan ang mukha ko tapos ay hinalikan ako sa noo.

"Pagod lang ang kuya mo.  Halika.  Kumain ka na muna.  Ipinaluto ko ang paborito mong ulam.  Alam kong miss na miss mo na ang luto ng mommy mo," sabi ni dad at inalalayan pa akong makarating sa dining area.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top