Capítulo 8

Capítulo 8

“Sigurado ka na ba talaga rito, Amanah? Malaki naman ang kinikita mo sa pagtitinda ng isda sa palengke.” Pangungumbinsi sa akin ni Harrieth, habang pinagmamasdan akong ayos na ayos para pumasok sa unang araw ng trabaho.

Wala akong ibang mapagpipilian. Kung aasa lamang ako sa kinikita ko tuwing hapun sa palengke, kulang na kulang pa rin iyon sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Lalo na ngayon at mukhang may bagyong darating, wala kami masyadong kita sa palengke. Kaya, napag-desisyunan ko nalang ang magtrabaho sa isang sikat na resort rito sa Siargao.

La Hacíenda Amor is actually recommended by my friend, Harrieth. Matagal nang hindi nag-ta-trabaho rito si Harrieth, simula noong nag-asawa na ito ay tumigil na rin ito sa pag-ta-trabaho sa resort na iyon. Maayos naman raw ang sweldo at araw-araw ang pagbibigay ng sweldo nila doon sa resort, at malaki rin ang sahod kada-buwan.

“Kulang na kulang pa rin ang kinikita ko sa palengke, Harrieth. Sa resort, malaki ang sasahurin ko. Lalong-lalo na dahil housekeeper ako ng resort, malaki ang sahod nila sa mga housekeepers.” Sagot ko pabalik kay Harrieth at ngumuso lamang ito sa akin.

Humarap muna ako sa aming maliit na salamin at pinagmasdan ang kabuuan ng aking katawan. I am wearing a black polo shirt that has the name of the resort on the left side of it. Kaagad ko rin kinuha ang aking name plate at inilagay ito sa  aking kaliwang dibdib. Inayos ang aking buhok at walang takas ang mga iyon sa naging ayos ko. Lahat nang mga housekeepers sa resort ay kailangang magsuot at naka-uniporme ng black polo shirt and black slacks. Nakaayos ang buhok at presentableng tignan.

Napabuntong hininga na lamang ako nang makita ko sa aking likuran si Harrieth, napakibit balikat na lamang ang aking kaibigan habang nakatingin sa akin.

Madaling araw nang magising si Leandro sa aking tabi at nagpaalam na sumama sa mga kapwa mangingisda niya. Habang si Papa naman ay nanatiling nasa ospital para bantayan ang kalagayan ni Mama. Kailangan kong mas kumayod pa para may pambili kami ng gamot ni Mama, at mailipat ko siya ibang ospital kung saan kaya nilang ibigay ang pangangailangan ni Mama.

“Mag-iingat ka lang sa mga magiging kasamahan mo sa resort na iyon. Maraming mga pabida doon!” pagpapaalala sa akin ni Harrieth.

Kumunot ang aking noo at kaagad ko siyang nilingon. Hindi ko pa nakikita ang mga magiging kasamahan ko, kaya, nagulat ako sa mga sinabi ni Harrieth sa akin.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.

“Ang ibang mga naging kasamahan ko noon sa La Hacíenda Amor ay mga pabida at papansin sa aming amo! Kung nakikita nilang mas paborito ka ng amo n’yo, gagawa at gagawa sila ng paraan para masiraan ka sa harapan ng may-ari ng resort.”

Hindi naman siguro lahat ay ganoon ang pag-uugali. Aminin na natin, hindi naman talaga natin maiiwasan ang mga taong ‘yan. Lalong lalo na kung kulang sila sa pagmamahal ng mga magulang nila. Pero, maghahanap naman ako nang mga magiging kasamahan ko sa trabaho at magiging kaibigan.

“Oh, ano? Natahimik ka diyan?!” Nabalik lamang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang boses niya sa aking tabi.

“Wala, huwag ka nang mag-alala pa. Hinding hindi naman ako makikipag-kaibigan sa mga ganyang tao.” Mahinahon kong sabi sa kaniya at kinuha na ang aking sling bag at brown envelope para tumungo na sa resort.

Bago umalis si Leandro kanina para mangisda ay nagising lamang ako nang marinig ko ang paggalaw ng kama sa aking gilid. Leandro took the chance to talk to me when he noticed that I moved. Kaagad siyang nagpaalam sa akin at tinanong pa ako kanina kung magpapasundo ba ako sa kaniya mamaya, o hindi na.

It doesn’t matter to me anyway. Kaya ko namang umuwi nang mag-isa lang. Nasanay na ako noong nag-aaral pa lamang ako ng kolehiyo rito, at gabi na kung makauwi sa bahay nang dahil pang-gabi magsisimula ang klase namin noon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay sinamahan muna ako ni Harrieth na makapasok sa malaking resort na pag-ta-trabahuan ko ngayon.

Umawang ang aking bibig nang makita ko kung gaano kaabala ang mga workers rito sa kanila. Wala akong ibang nakikita ngayon kung hindi ang mga malalaking hakbang mula sa crews, sa mga waitresses na panay ang pag-serve ng mga iba’t-ibang mga pagkain mula sa kanilang mga orders. Habang ang mga bellboys naman ay iginiya ang ibang mga turista na gustong mamasyal at magpahinga rito.

Malaki ang resort, at mayroon rin silang hotels na pagmamay-ari ng mga Albienda. May mga malalaking pools at mayroon rin para sa mga bata. Ang katabi ng resort na ito ay ang napakalaking farm, kung saan dinudumog ito ng mga turista para magbakasyon. Mayroon kasing iba’t-ibang mga activities ang puwede nilang salihan. May horse riding, zip lining, at iba pa.

Dumiretso kami sa isang manager na kumausap sa akin kahapon at nagdala sa HR. Nakasuot na rin ito ng uniporme at abala sa pag-uutos ng ibang mga crew.

“Magandang umaga, po!” Maligayang pagbati ko kay Ma’am Rose.

Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata nang makita si Harrieth sa aking tabi. Kaagad itong ngumiti sa aming dalawa at nagulat nang makita si Harrieth.

“Harrieth! Naku, kamusta ka na, hija?” Maligayang pagtatanong nito sa aking kaibigan.

“Ayos lang naman po ako.”

Ang kwento sa akin ni Harrieth ay matagal na raw itong naninilbihan si Ma’am Rose sa pamilya ng mga Albienda. Noong unang pasok pa lamang niya rito sa resort ay nandito na ito.

“Hindi ka na ba talaga babalik ng resort, hija?” malungkot na pagtatanong ni Ma’am Rose sa kaniya.

Harrieth shook her head as her final answer. Ilang beses ko na rin na pinagsabihan si Harrieth tungkol riyan na pumasok nalang siyang muli pero hindi talaga niya gusto.

“Maayos na po ako, Ma’am. Atsaka, may asawa na po ako! Napag-desisyunan nalang po namin na mag-negosyo.”

Tumango si Ma’am Rose at talagan hindi na nuya mapipilit si Harrieth.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na si Harrieth na aalis na at iginiya naman ako ni Ma’am Rose sa mga kwartong lilinisan ko. Ipinakilala rin niya ako sa aking magiging kasamahan sa paglilinis.

“Bago ka rito?” pagtatanong sa akin ng isang babaeng matangkad at payat.

Tumango ako sa kaniya at nagsimula na ako sa aking gagawin sa susunod na kwarto. Dalawa kaming maglilinis sa room 128 at siya ang magiging kasama ko.

“Bababa muna ako sandali para kunin ang ibang mga panlinis. Mauna ka na sa kwarto,” striktang sabi nito bago ito umalis sa aking harapan.

Umawang ang aking bibig at nagulat sa naging biglaan niyang pagpansin sa akin. Maybe, Harrieth was right about it. Strikta ang mga ito at pinipili lamang ang kinakaibigan.

Napabuntong hininga na lamang ako at napapailing nalang sa aking isipan. Hindi ko na siya hinintay dahil iyon naman ang naging utos sa akin ni Kyla, na kasamahan ko rito. Tulak tulak ang aking gamit ay dumiretso ako sa room 128.

Kumunot ang aking noo nang makita kong nakabukas ang pintuan ng kwarto. Siguro ay nag check-out na ang huling gumamit ng room na ito. Pinapalinis kasi sa amin ang mga rooms na magiging bakante, para magiging available ito sa mga susunod na mag-che-check in.

I was so confident in myself that I immediately opened the door of the room, and I gasped when I saw a man trying to remove his shirt! Nanlaki ang aking mga mata at muntik pa akong mapatili nang dahil sa gulat! Nagmamadali akong tumalikod sa kaniya at napahawak ako sa aking dibdib.

Malakas ang pagkalabog nito!

“Miss, are you okay?” pagtatanong niya sa akin mula sa aking likuran.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakita kong nakasuot na ito ngayon ng panibagong damit. His forehead furrowed while looking at me. Kailanga ko pa talagang mag-angat ng tingin nang dahil sa matangkad siya. I think he’s six feet tall. His messy hair shows that he’s in deep sleep. 

“Na-nagulat lang ako, akala ko kasi ay wala nang tao rito. Babalik nalang po ako mamaya!” Pagpapaalam ko sa kaniya, ngunit kaagad niya akong pinigilan.

“Wait a minute! You can clean my room now. Bababa na ako para makakain ng breakfast.” Sabi niya sa akin habang hindi iniaalis ang paningin sa akin.

Napabuntong hininga ako at magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang natatarantang boses ni Kyla mula sa aking likuran.

“Oh my God! Sir, hi-hindi ko po inaasahan ang pagdating ninyo! Kung alam ko lang po ay hindi po kami manggugulo!” Kyla’s voice were shaking.

Even when Kyla is talking beside me, his eyes are fixated on me. Biglang lumiwanag ang eskpresyon niya nang mapagmasdan ako nang maayos.

“It’s okay, aalis naman ako ngayon, eh.” He said in a husky voice.

Nakita kong kinuha niya ang susi ng kaniyang sasakyan at ang kaniyang mamahaling wallet.

Anak mayaman.

Iyon kaagad ang napansin ko noong unang kita ko palang sa kaniya rito. Maybe he was here just for a short vacation.

“Pasensya na po talaga, sir.” Pag-uulit ni Kyla sa kaniya at umiling lamang ang lalaki sa aming harapan.

“You don’t have to say that, Kyla. You can start cleaning now… how about you? Are you new here? What’s your name?” Nagulat ako nang bigla niya akong kinausap.

Napalunok ako at kaagad ko siyang sinagot pabalik.

“I’m Amanah. I’m new here, sir.”

He bit his lower lip and a playful smile was very evident on his face.

“Nice to meet you, Amanah.”

He wants to have a shake with me? Hindi ko na lamang iyon pinansin at kaagad kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

“Nice to meet you too, sir.” Sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siyang muli sa akin, bago nagpaalam na bababa na ito. Matagal akong nakabawi nang dahil sa kabaitan na ipinakita niya sa amin ni Kyla.

“Anong tinutunga-tunganga mo diyan? Tulungan mo na ako rito!”

Nabalik lamang ako sa realidad nang bigla niya akong sigawan. Bilang bagohan, kailangan kong magtiis sa mga ganitong kasamahan. Titiisin ko nalang, baka kapag naging kaibigan ko ito, mag-iiba ang pakikitungo nito sa akin at magiging mabait.

“Bakit ka bigla biglang pumapasok?! Hindi ka man lang kumatok muna! Nakakahiya ka!” Galit niyang sabi sa akin.

“Bukas kasi ang pintuan kaya… hindi na ako nag-abala pa na pumasok rito sa loob. Hi-hindi ko naman alam na may tao pa pala rito,” pagpapaliwanag ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya ako paniniwalaan.

“Sa lahat nang mga babae ritong housekeepers ay ikaw lamang ang kauna-unahang kumausap nang ganoon kay Engineer Edrian. Naglahad pa talaga sa’yo ng kamay!” hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

Kahit nalilito na ako ay patuloy pa rin ako sa pagpupunas ng salamin sa banyo ng kwarto.

“Si-sino siya?” hindi ko na napigilan ang hindi magtanong sa kaniya.

“Si Edrian Albienda, panganay na anak ng mga Albienda. Ang may-ari ng resort na ito,” ani Kyla.

Umawang ang aking bibig at hindi kaagad na-proseso sa utak ko ang lahat nang mga sinabi niya.

“Kung may balak ka na landiin si Engr. Edrian, huwag ka nalang mangarap dahil nakalaan na iyon sa ibang babae. Iyong mayaman at galing sa marangyang pamilya.”

Sino ba ang may sabi na lalandiin ko ang lalaking iyon? Eh, hindi naman ako mahilig sa mga gwapo! Hindi rin ako interesado sa mga mayayaman! Mas gugustuhin ko pa ang makasama ang isang mahirap na lalaki, pero madiskarte sa buhay at may malaking pangarap. Hindi iyong laki na sa yaman at pakiramdam nila ay pagmamay-ari nila ang lahat!

“Huwag ka nang mag-alala, may asawa na ako.” malamig kong sabi sa kaniya.

Nalaglag ang kaniyang panga nang banggitin ko ang bagay na iyon sa kaniya.

“Talaga?! Hindi halata ah!” sarkastiko niyang sabi sa akin.

Napapailing na lamang ako at itinuon na lamang ang buong atensyon sa aking ginagawa. Nang matapos na kami sa paglilinis ng kwarto ay ang iba naman ang nilinisan namin ni Kyla.

Pagod na pagod akong bumaba at dumiretso sa likuran para lamang makapagpahinga.

Nagulat ako nang makita ko si Prince!

“Amanah?!” nagulat siya nang makita ako.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam kaagad ako ng saya nang makita ko siyang muli!

Kaagad akong lumapit sa kaniya at yumakap. Napapikit ako nang dahil sa saya na aking nararamdaman ngayon!

“Nandito ka!” masaya kong sabi sa kaniya.

“Oo naman! Sabi ko naman sa’yo ‘di ba? Magta-trabaho ako rito sa resort. Mukhang nakalimutan mo na nga, eh.”

Sa dinami dami ng mga iniisip ko ngayon ay pati iyon ay nakalimutan ko na!

Hindi ko lubos maisip na nandito rin pala si Prince at dito rin siya nag-ta-trabaho! Ang buong akala ko ay nasa Maynila siya ngayon.

“Akala ko ba ay… nasa Maynila ka?” Pagtatanong ko sa kaniya.

Hindi makatingin sa akin si Prince nang diretso at mukhang nahihiya pa siyang ipaalam sa akin ang kaniyang rason.

“Sa totoo kasi… hindi ko pala talaga kaya, Amanah. Hi-hindi ko kayang mawalay sa’yo at hindi ka makita. Pakiramdam ko, unti-unti akong mamamatay kapag hindi kita nakakausap at nakikita. Ganoon nga talaga siguro kapag nagmamahal,” ani Prince.

Nagulat ako sa mga sinabi niya at hindi ko iyon inaasahan. Ngayon, paano ko sasabihin sa kaniya na hindi na talaga puwede dahil nandito na si Leandro.

May asawa na ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top