Capítulo 3
Capítulo 3
“Amanah, hija, nag-away ba kayo ni Leandro? Kanina ko pa kasi napapansin ang hindi mo pagkibo sa kaniya.” Sabi ni Mama sa akin, habang tinutulungan ko siyang magluto.
Pagkatapos kasi naming maghain at magluto ng aming pang-hapunan ay inilapag ko kaagad ito sa aming maliit na lamesa. Habang si Papa naman ay nasa labas nagpapahangin, kasama si Leandro.
“Hindi naman po talaga kami nagkikibuan ni Leandro, Ma.” Balik kong sagot sa kaniya at napahinto naman siya sa kaniyang ginagawa.
Awang ang bibig nito nang lumingon sa akin.
“Anong ibig mong sabihin, Amanah?”
Bumuntong hininga muna ako at tuluyan ko na siyang hinarap.
“Simula noong nalaman niya na asawa niya ako, hindi kami masyadong nag-uusap. Hindi ko na rin siya pinilit na kausapin ako at baka magtanong pa tungkol sa nakaraan niya.”
Napapailing si Mama sa akin at tinulungan na ako sa paglalapag ng mga pinggan.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na gumawa ka nang mga kwento. Mahirap ba iyong gawin, anak?”
“Ma, hindi ko po talaga kaya. Pumayag na po ako sa kasunduan na magpapanggap ako bilang asawa niya, pero ang gumawa ng mga kuwento ay hindi ko na po kayang gawin ‘yon.” Pagsusumbong ko kay Mama.
Kumunot ang kaniyang noo at dismayado itong nakatingin sa akin.
“Mas mabuti nang kausapin mo nalang si Leandro mamaya. Baka nagtatampo lang iyon dahil hindi mo siya kinakausap. Asawa ka pa naman,” malamig na sabi sa akin ni Mama, bago umalis ng kusina para tawagin sila Papa at Leandro.
Napatikhim ako nang magtama ang aming mga mata. His expression became light when he saw me. Kaagad siyang inaya ni Papa na maupo sa kaniyang tabi, sa tapat ko.
Siniko ako ni Mama at gusto niyang pagsilbihan ko si Leandro. Napapailing na lamang ako sa aking isipan at sinunod ko nalang ang kaniyang utos.
Naglagay ako ng kanin at isda sa pinggan ni Leandro. Nakatingin pa rin siya sa akin habang ginagawa ko iyon.
“Natutuwa ako hijo dahil unti-unti mo nang naaalala ang ilang mga bagay. Kagaya ng pangingisda, pangangahoy at iba pa!” Nakangiting sabi ni Papa sa kaniya.
“Masaya nga din po ako dahil nakakatulong po ako sa inyo. Kung hindi lang sana nawala ang mga alaala ko…”
Palihim akong sumubo ng aking pagkain at nang lumingon ako sa direksyon niya ay nakita kong nakatitig na siya sa akin.
“Mabuti nga iyong makalimutan mo nalang ang mga alaalang iyon, nang makabuo ka ng panibago.” Pabirong sabi ni Papa sa kaniya at napatawa naman si Mama sa aking gilid.
Umiling ito kay Papa at kaagad na sumagot.
“Nagbabakasali pa rin po ako na sana bumalik ‘yong mga alaala ko. Ayoko po kasing itapon ang mga iyon. Mga alaala po namin iyon ng asawa ko. Mga alaala namin ni Amanah.”
Muntik na akong mabulunan sa kaniyang mga sinabi. Mabuti na lamang at binigyan kaagad niya ako ng tubig.
“Hey, are you okay?” Nag-aalala nitong pagtatanong sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Masama ang tingin ni Papa sa akin nang dahil sa nangyari. Leandro really thinks that I was part of his past. Na asawa talaga ang turing niya sa akin.
“Maiba tayo, hijo. Hindi ba nabanggit sa’yo ni Amanah na sasali siya sa isang pageant ba iyon? Ngayong nalalapit na fiesta ng ating baranggay.” Ani Papa.
Umawang ang aking bibig.
“Saan n’yo po nalaman ang impormasyong iyan?” Naguguluhang kong sabi sa kaniya.
Napakibit-balikat si Papa nang tumingin sa akin.
“Nabanggit kasi sa akin ni Harrieth kanina. Ipagpapaalam ka pa nga sa akin, eh. Kaya, ako nalang ang magsasabi kay Leandro, hija.”
When I looked at Leandro, I saw his confused expression. Nakikinig lamang ito sa mga pinag-uusapan namin.
“Ano sa tingin mo, hijo? Papayagan mo ba itong asawa mo na sasali doon sa beauty pageant na iyon?” Sumingit si Mama sa aming pag-uusap.
“Ayos lang po ‘yun sa’kin, Ma. Kung iyon po talaga ang gusto ni Amanah, pagbibigyan ko po siya.” Mahinahon na sagot niya kay Mama.
Sigurado ba siya? Eh, kahit nga ang asawa ni Harrieth ay hindi siya pinayagan na sumali sa pageant na iyon. Pero, bakit pagdating kay Leandro ay parang mas masaya pa siya nang malaman niyang sasali ako?
“Hindi ka magagalit?” Hindi ko na mapigilan ang magtanong sa kaniya.
“Bakit naman ako magagalit? Pupunta ako doon. Susuportahan kita,” nakangiti niyang sagot sa akin.
Bumabagabag pa rin sa aking isipan ang mga sinabi ni Leandro sa amin kagabi sa hapag kainan. Kung paano siya sumagot sa amin at sa mga magulang ko na ayos lang sa kaniya ang sumali ako sa pageant na ito.
“Oh, ano? Pumayag ba?” Pagtatanong sa akin ni Harrieth, habang tinutulungan akong mag-disenyo rito sa maliit namin na stage sa aming barangay. Dito kasi gaganapin ang paligsahan bukas ng gabi.
May inihanda na rin ang aming barangay at ang mga SK officers sa susuotin naming mga damit.
Ang makakalaban ko ay sina Patricia, Lovely, at iba pang mga candidates na kapitbahay rin namin. Hindi ko naman hinahangad ang manalo, pero, kung pagpapalain ako, ibibili ko kaagad ng gamot para sa sakit ni Mama.
Bibili rin ako ng mga vitamina nila.
Tumango ako sa tanong ni Harrieth at humalikhik naman siya sa mga nalaman mula sa akin.
“Oh, ‘diba?! Sabi ko sa’yo, eh!” Masayang sabi nito sa akin.
Napapailing na lamang ako sa kaniya at nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Nilingon ko rin ang direksyon nila Patricia at nang iba pa niyang mga kaibigan ay nakita kong nagchi-chismisan lamang sila, habang nakatingin sa akin.
Malakas akong tinampal sa balikat ni Harrieth.
“Amanah, nandyan ang asawa mo!” Bulong nitong sabi sa akin.
Kaagad akong napalingon sa aking likuran nang makita ko ang matangkad na lalaking naglalakad papunta sa aking direksyon.
Kahit na simpleng damit lamang ang suot nito ay pumaibabaw pa rin ang kagwapuhan ni Leandro.
Aaminin ko, makisig siya. Maputi, matangkad, matipuno ang katawan, at higit sa lahat… gwapo.
No wonder girls like Patricia drool over him. Kahit na ang iba pang mga babae ay napapalingon sa kaniyang direksyon. Ang iba pa ay nagtatangkang kumausap sa kaniya.
Hindi ko siya pinansin, kahit na niyuyogyog na ni Harrieth ang aking likuran. Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa.
Narinig ko ang pagtikhim ni Leandro mula sa aking likuran.
“Hi, Leandro! Napadalaw ka rito?” Maligayang pagbati sa kaniya ni Harrieth.
“Maliit lang kasi ang kinain ng misis ko kanina, kaya, dinalhan ko siya ng pagkain.” ani Leandro.
“Wow! Ang sweet naman ng asawa mo, Amanah!” Kinikilig na sabi ni Harrieth sa aking gilid.
“Amanah, puwede ba kitang makausap sandali?” Sabi sa akin ni Leandro mula sa aking likuran.
Napabuntong hininga ako at kaagad ko siyang hinarap.
“Sige, mag-usap muna kayong dalawa riyan at pupuntahan ko muna ang aking asawa.” Nakangiting pagpapaalam ni Harrieth sa aming harapan.
Hinarap ko si Leandro, nakita ko siyang dalang pagkain at nakalagay ito sa isang paper bag.
“Anong kailangan mo?” Malamig kong pagtatanong sa kaniya.
Bumuntong hininga siya at nagdadalawang-isip sa mga sasabihin sa akin.
“Galit ka pa rin ba sa akin? Patricia didn’t meant to say that, Amanah. Alam mo naman kung sino talaga ang mahal ko.”
Sarkastiko akong napatawa sa kaniya. Nagkibit-balikat ako.
“Mahal? Bakit? Sino ba ang mahal mo, Leandro? Naalala mo ba?”
His forehead furrowed, and his hard expression became evident.
“Amanah, please, just be patient with me. I am trying my best to remember everything. Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo bilang asawa mo, at unti-unti ko iyong pupunuin para lang sa’yo. I will try my best to have you again. I will try my best to love you,” mahinahon niyang sabi sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaonting kirot sa aking puso. Wala naman akong gusto sa kaniya. Ilang buwan lang ang lumipas simula noong nagising ang lalaking ito. Pero, bakit sa tuwing sinasabi niya sa aking sinusubukan niyang makaalala ay parang sinusubukan niya rin akong kalimutan?
I’m not part of his past. I’m not part of his life either. Inaamin ko, habang tumatagal, mas lalong tumataas ang kabang aking nararamdaman.
“Mas mabuti nalang siguro kung… maghiwalay nalang tayong dalawa, Leandro.”
Hindi ko siya kayang saktan pa. Habang tumatagal, nakokonsensya ako sa mga ginagawang panloloko namin sa kaniya. Mas mabuti na iyong itaboy ko siya palayo, mas mabuti na iyong maghiwalay nalang kaming dalawa, kahit na sa umpisa ay wala naman talagang kami.
His jaw clenched and he couldn’t look at me straight in the eyes. Why I see pain in his eyes? Does he loves me?
He tried to hold my hands and wrapped his fingers to mine.
Ipinagsalikop niya ang mga iyon at unti-unting lumapit sa akin.
Mapupungay ang mga matang nitong nakatitig sa akin.
“I won’t allow myself to let you go just because I couldn’t remember anything. Amanah, bumalik man ang mga alaala ko o sa hindi, susubukan ko pa rin ang mahalin ka. This is my home. Siargao is my home, and you’re my home now…”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top