Capítulo 24
Capítulo 24
“Nasaan ang asawa ko?”
Narinig ko ang boses ni Papa sa labas, even when he’s outside I can feel his anger towards me. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at kumunot ang aking noo at nagtaka kung paano nakarating si Papa rito sa Maynila.
I tried to asked him to come here but he refused and mad at me even more! Kaya, nagtataka ako kung paano siya nakarating rito!
“Nandito si Papa?” Naguguluhan kong pagtatanong kay Leandro.
He’s sitting beside me and he cleared his throat before he stood up in front of me.
“I called him, Amanah.” He replied shortly.
Umawang ang aking bibig at parang may bumara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalitang muli.
“Pa-paano mo nakumbinsi si Papa, Leandro?” naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.
He licked his lower lip and sighed. Few days had passed and Leandro didn’t leave my side even once. He stayed beside me and help me to prepare everything. Dumating rin ang ibang mga kasamahan ko sa trabaho at lalong-lalo na si Mr. Rodriguez. He throw us a look together with Leandro and get confused why he’s here but I didn’t give him an explanation.
Ayoko munang pag-usapan ang mga bagay na iyon dahil mas inuna ko ang lamay ni Mama. Pinilit kong ipagtabuyan si Leandro at kahit anong mga rason ang idadahilan ko sa kaniya ay hindi niya tinatanggap. There are times that he’s busy but he’s always find ways to come here and have time to be with me. Panigurado akong isusumpa ako ng mga Fernandez dahil nakikipagkita na naman si Leandro sa akin.
His family hated me so much and they don’t want me here. Si Leandro lamang itong mapilit at gustong makipagkita sa akin.
“I did my best to call and convinced him. His wife needed him, Amanah. I couldn’t just sit here and think that he couldn’t be able to see his wife again for the last time. He should put aside his anger first and be here.” Sabi sa akin ni Leandro at kaagad niya akong iginiya papalapit kay Papa nang makita ko itong unti-unting lumapit sa kabaong ni Mama.
Nilagpasan lamang niya ako at naiintindihan ko ang nararamdaman niya. When I heard my father’s broken voice and cried in vain. My heart ached so much! Gustong-gusto kong lapitan si Papa at yakapin ngunit hindi ko magawa!
Hinagod ni Leandro ang aking likuran nang dahan-dahan. My lips trembled as I saw him almost hugged the coffin of my mother.
“Kasalanan ko ang lahat nang ito,” bulong kong sabi sa sarili at bigla kong narinig ang mahinang boses ni Leandro mula sa aking likuran.
His body is covering me from the back. He’s towering me behind it.
“This is no one’s fault, Amanah. Ginawa mo ang lahat para gumaling lang si Mama sa sakit niya. Your father just couldn’t understand that,” he whispered it to me.
“Pero ayaw niyang dalhin ko si Mama rito sa Maynila. Gusto niyang manatili nalang kami roon sa Siargao. Sinuway ko pa rin siya, sinuway ko ang gusto niyang mangyari.”
My jaw dropped when Leandro slowly held my right hand in silence and touched my thumb.
“Huwag kang mag-alala, maiintindihan ka rin ni Papa.” Pampalubag loob niya sa akin.
Nabalik lamang ako sa realidad nang makita ko si Papa sa aking harapan. Kahit na walang emosyon ang ipinapakita niya sa akin ay alam kong galit pa rin siya.
I didn’t do anything wrong! Ginawa ko ang lahat para gumaling si Mama sa sakit niya. I even borrow a large amount of money from Ma’am Venus to sustain the needs of my mother! Bakit hindi iyon makita ni Papa? Bakit palagi nalang mali ang nakikita niya sa akin?!
“Masaya ka na? Masaya ka nang wala na ang iyong ina?”
Napakurap-kurap ako sa biglaang pagsasalita ni Papa sa aking harapan.
Nang lumapit ang paningin niya sa mga kamay namin ni Leandro ay kaagad ko itong kinuha. Papa smirked at me and slowly nodded like he’s thinking of something he’s right about it.
“Kaya pala gustong-gusto mo nang pumunta rito ng Maynila nang dahil sa lalaking ito. Hindi mo man lang nirespeto ang ina mo. Dinala mo pa talaga siya rito kahit alam mo nang naghihirap na siya!” tumaas ang boses ni Papa at napansin kong napapatingin na rin ang ibang mga kaibigan, ka-pamilya ni Papa sa aming direksyon.
Leandro couldn’t help himself but defend me to my own father.
“Walang kasalanan rito si Amanah, ginawa lang niya ang kaniyang makakaya para gumaling si Mama.”
“Pare-pareho lang kayo! Problema lamang ang dulot ninyo sa aming dalawa ng asawa ko!”
I closed my eyes and shook my head. Magsasalita pa sana ako nang bigla nang lumabas si Papa sa loob ng venue.
Napahilamos ako sa aking mukha at sinubukan kong sundan si Papa ngunit pinigilan ako ni Leandro.
“I’ll talk to him,” he said and leave immediately.
Lumapit sa akin si Ma’am Venus at kaagad niyang hinagod ang aking likuran. Tears slowly falling down my cheeks like river. Lumipas ang dalawang araw at hanggang sa ilibing namin si Mama, hindi pa rin ako kinikibo ni Papa. There’s still a grief in his heart that I couldn’t erase. Lalong-lalo na nang palagi ko siyang naririnig tuwing hatinggabi na umiiyak sa kwarto niya. He is still in my unit and he wants to go back in Siargao but I didn’t let him. Kung papayagan ko siya, sino ang mag-aalaga sa kaniya roon? Sino ang magbabantay sa kaniya? Nandito ang trabaho ko kaya dapat dito lang ako sa Maynila.
Sa Siargao, hindi ko siya matututukan at mababantayan.
Pagod akong bumalik ng trabaho at dumiretso sa building. I really need to go back to my senses and put this all behind. Kailangan kong maging matatag lalong-lalo na ngayon dahil wala na si Mama at kaming dalawa na lamang ni Papa ang natitira. He’s only the family I have left.
“How are you?”
Kumunot ang aking noo nang biglang lumapit sa akin si Francheska. She is curious about what happened about my parents. Bumuntong hininga muna ako at ngumiti nang tipid sa kaniya.
“I think I will be fine,” maikli kong sagot sa kaniya.
“I’ve heard about your parents. I’m sorry for your loss,” sabi niya sa akin at nakita ko ang munting pagngiti niya.
She is really beautiful. Her beauty is ethereal. Sa lahat nang modelong kasama ko rito ay si Francheska ang pinakamaganda sa aming lahat. At first I really thought she’s mean because that was everybody describe her.
“Thank you,” I mouthed at her.
She was going to say something again but I was shocked when someone throw a cold coffee in front of me.
“The hell?!” Francheska yelled at someone and she’s getting mad.
Kumulo rin ang aking dugo at nang makita ko ang galit na galit na pagmumukha ni Yllana ay para akong unti-unting nanghina.
“Ano ba’ng problema mo?!” pagtatanong ko sa kaniya kahit na alam ko na kung ano ang pakay niya rito.
She is making a scene here! Lahat nang mga taong nandito ay natuon ang buong atensyon sa aming dalawa.
“You bitch! Mang-aagaw ka talaga! Hindi ka pa talaga na-kontento at sinundan mo pa si Leandro rito sa Manila?! Ang kapal nang pagmumukha mo!” galit niyang sabi sa akin.
She’s shaking just because of her anger, and her eyes were bloodshot.
“I warned Leandro about this, Yllana. Pero siya itong lapit nang lapit sa akin.” Sinubukan kong maging mahinahon ngunit nagulat ako sa biglaang paglapit niya sa akin at pagsampal.
Napasinghap ako sa ginawa niya at nanlaki ang mga mata ni Francheska sa ginawa ni Yllana sa akin.
“Hey! Stop it!” Francheska stopping her but Yllana was giving her a look.
“At kailan mo pa naging kaibigan ang malanding ito?! Hindi ka dapat nakikipaglapit rito dahil baka agawin niya ang boyfriend mong kapatid nang fiance ko!”
Yllana pointed her finger at me but Francheska butted in. Nakapamewang itong humarap kay Yllana at pinagtaasan niya ito ng kilay.
“Fiance? Akala ko ba ay hiwalay na kayo bago lumipad si Leandro patungong Mindanao?”
Biglang namutla si Yllana at parang nahimasmasan ito sa mga biglaang pagtatanong ni Francheska sa kaniya. She cleared her throat and looked away. Hindi siya makatingin sa amin nang diretso. Naguguluhan akong palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
“Anong pinagsasasabi mo? Of course he’s my fiance! Nagkatampuhan lamang kami noon ni Leandro pero hindi ibig sabihin nun ay naghiwalay kaming dalawa!” pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.
“Really?” pagdadalawang-isip na sabi ni Francheska sa kaniya.
“Wala ka nang pakialam pa dun, Francheska! Si Amanah ang kausap ko rito!”
“At ikaw naman! Huwag ka nang mangarap na maging boyfriend si Leandro, dahil hindi ikaw ang nararapat para sa kaniya! Mahirap ka lang! Hindi kailanman nababagay ang mantsa sa puting damit. You are just a stain in Leandro’s life! Kaya, tumigil ka na sa kahibangan mo!”
Dinuro niya akong muli ngunit kaagad na dumating ang mga guards mula sa labas ng building. Sinubukan nilang hawakan ito ngunit nagpupumiglas nang dahil sa galit na nararamdaman.
“Kapag nakita kitang muli na kasama si Leandro, hindi lang ‘yan ang aabotin mo sa akin!” she shouted at me before leaving the room.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang makaalis na siya ng aming building. Abot-abot ang aking kaba at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang emosyong nararamdaman ko!
“Let me get you some tissue,” ani Francheska at kaagad na kumuha ng tisue.
Nanghina ako at unti-unti akong nawawalan nang lakas. This is what I’ve been talking to Leandro! Ang sabi niya sa akin ay siya na ang bahala sa lahat, kahit na si Yllana! Ngunit anong ginawa niya? Wala siyang ginawa!
Hindi ko na hahayaan pa na mismong ang mga magulang pa ni Leandro ang susugod rito sa building na ito. Mawawalan ako ng trabaho. Importante sa akin ang trabahong ito dahil ito nalang ang bumubuhay sa aming dalawa ni Papa ngayon. Ayoko nang bumalik ng Siargao! Ayoko na!
Dumiretso ako sa comfort room at hindi ko na hinintay pa si Francheska na makalabas nang dressing room. I locked the door and cried again inside. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalamig ako. Nang sugurin ako kanina ni Yllana ay parang sinampal lamang ako ng katotohanan na hindi talaga ako ang nararapat para kay Leandro. Na kahit anong pagsusumikap ko ay hinding-hindi ako matatanggap ng mga Fernandez.
I’m the one who ruined the life of Leandro, lied to him and make fake scenarios about his past. Ang kapal nang pagmumukha kong… pangarapin pa ang isang tulad niya.
I admire him… I admitted it now.
Pero, habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nahihirapan. Kahit na gustohin man naming dalawa ni Leandro, hinding-hindi kami pahihintulutan nang tadhana.
He was meant for something better, and that’s not me.
Hindi siy ang nararapat para sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top