Capítulo 23
Capítulo 23
Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan ni Leandro at kaagad na tinungo ang ICU. Hindi ako mapakali at muntik pa akong matalisud nang dahil sa pagmamadali.
Luckily, Leandro got me and held his arms. Nanghihina ako at nang tumingin ako sa mga mata niya ay nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
“Careful, Amanah.” He worriedly said to me and I couldn’t think properly!
Walang ibang nasa isipan ko ngayon kung hindi ang kalagayan ni Mama. Nang makarating na kami sa ICU ay sinalubong ako ni Tina, ang inutosan kong magbantay kay Mama pansamantala.
Pinagpapawisan ito habang dala-dala pa rin ang kaniyang cellphone sa kabilang kamay.
“Tina, anong nangyari?!” hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Tina habang kinakabahan siyang magsalita sa aking harapan.
“Bi-bigla nalang po kasing may lumabas na itim na dugo sa bibig niya, Ate Amanah. Kaya, kaagad kong tinawag ang nurse at ang doktor rin at kaagad na dumating.” Pagpapaliwanag nito sa akin.
Umawang ang aking bibig at mas lalo akong natakot nang makita kung ni-re-revive na nang doktor si Mama. I was really hoping that everything would turn fine out. I was hoping and praying that Mama will be alright despite of her situation.
Nang makita kong hindi na nila kayang i-revive si Mama ay nakita kong umiling na ito at tumingin sa akin.
“Leandro, a-anong nangyayari? Ba-bakit sila tumigil? Hindi dapat sila tumigil!” I shake the arms of Leandro and I looked at him.
He tried to comfort me with his gentle voice but it didn’t help me enough. Nanginig ang buo kong katawan at hindi na napigilan ang hindi pumasok sa loob ng kwarto ni Mama.
“Amanah!” Leandro called me but it was too late.
Unti-unting bumibilis ang aking paghinga nang makita ko ang sariling ina na na hindi na humihinga.
“Doc, ba-bakit kayo tumigil?! Ituloy n’yo po, please!” pagmamakaawa ko sa kaniya at mas lalo akong nawalan nang pag-asa nang makita ko siyang umiling sa akin.
I almost held his hands but Leandro stop me from doing it. He whispered words to me as his eyes were also from Mama.
“Mr. Fernandez, Miss. Iduana, I am really sorry. We really tried our best to save her but her body is just too weak to function anymore.” Pagpapaliwanag nang doktor sa amin.
Napahagulgol ako nang iyak at tuluyan akong nanghina. Leandro wrapped his arms around me and hugged me tight. Napahawak ako sa dibdib niya at kahit nagusot ko ito ay wala na akong pakialam!
Hindi ko matanggap na wala na si Mama! Hinding-hindi ko ‘yon matatanggap!
“Leandro, hi-hindi ko kaya! Hindi ko kayang wala si Mama! Siya ang rason kung bakit tinanggap ko ang pag-mo-modelo! Siya lang!” I cried so hard I couldn’t even recognize my own voice.
He kissed my forehead and I saw him closed his eyes.
“I know, I know, baby. Just cry it out loud. Just let it out,” he whispered it to me.
Mas lalo akong umiyak sa mga sinabi niya at hanggang sa unti-unting nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang patuloy na lumalandas.
“Hindi ko kaya!”
Hindi na niya ako pinigilan nang kumalas ako sa mga bisig niya at pinuntahan ko si Mama. I bit my lower lip as I memorized every details of her. Her wrinkles, her white and fair skin with traces because of old age, her pale lips. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay nang hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Mama.
It started to cold…
Hinaplos ko ito at hinalikan. Bumalik lahat nang alaala ko na kasama si Mama, simula noong pinanganak ako, hanggang sa lumaki nang paunti-unti. She’s always gives me advices and wisdom. She’s always showing her love towards me. Siya ang naging dahilan kung bakit tinanggap ko ang alok na trabaho ni Ma’am Venus. Siya ang naging lakas ko para harapin ang hirap para lang kay Mama.
“Ma, pa-patawarin n’yo po ako…” bulong kong sabi kay Mama kahit na alam kong wala na siyang naririnig sa akin.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok at ngumiti nang may sakit na nararamdaman sa puso.
“Ba-bakit, Ma? Ang bilis naman! Hi-hindi ko ‘yun matatanggap! Hindi ko kaya!”
Lumaki ako nang naging sunod-sunoran lang kay Papa, at sa lahat nang gusto niyang mangyari. Ganoon rin si Mama. Kaya nang nagkasakit siya, mas lalo kong sinunod ang lahat nang gusto nila.
“The world just hate me so much,” sabi ko kay Leandro nang makabalik na kaming dalawa sa loob ng kaniyang sasakyan.
He held his steering wheel so tight and the veins of it are showing. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at ang pagbuntong hininga nito.
Pagkatapos namin sa ospital ay kaagad tinawagan ni Leandro ang kakilala niyang makakatulong sa amin sa magiging lamay ni Mama. I rejected his help but he love my mother too. Naging ina rin niya si Mama at hinding-hindi ko siya mapipigilan roon.
“Don’t say that, Amanah. Matagal nang may sakit si Mama, kahit noon pa. It’s just getting worse and worse,” sabi niya sa akin nang mahinahon.
“Hindi mo na dapat pa ako tinulungan. Paano kung makarating ito sa mga magulang mo? Sa mga Fernandez? They would probably do everything just to destroy me more! Lalong-lalo na si Yllana,” problema kong sabi sa kaniya.
Napahilamos ako sa aking mukha at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kaliwang kamay at mahigpit niyang hinawakan ito. He gently held my left hand and sighed.
Ang buo niyang atensyon ay nasa akin na.
“My family is out of it. Whatever my decisions and plans they couldn’t do anything about it. Dahil takot silang mawala ako ulit sa kanila. Atsaka, huwag ka nang mag-alala pa kay Yllana. Ako nang bahala doon,” ani Leandro.
Hindi pa rin ako kampante kahit na sabihin niya sa akin na siya nang bahala kay Yllana. I don’t see it that way. She is obsessed with Leandro and think Leandro has feelings for her.
“I don’t want to indulge myself to you anymore. Akala ko ba galit ka sa akin? Bakit nandito ka pa rin? Bakit hindi mo ‘ko hinayaang mag-isa?”
While saying those words to him, my tears slowly falling down my cheeks. My heart started to race faster. Sumikip ang aking dibdib at kaagad kong pinunasan ang aking mga luha.
He gently held my hands again and caressed it slowly.
“I am still mad at you, Amanah. I am truly mad at you about everything but I couldn’t mad at you in this kind of situation. Lalong-lalo na ngayon na mas kailangan mo nang karamay at masasandalan. Huwag ka nang mag-alala, please, baby. Ako ang bahala sa lahat, magtiwala ka lang sa akin. Just do me a favor, don’t hold back yourself when you’re with me.”
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at napahagulgol ng iyak. Hindi na ako nagulat nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap nang napakahigpit.
“I am always here for you, Amanah. I will try my best to protect you and keep you safe from harm. Sa ngayon, huwag mo munang alalahanin ang mga bagay tungkol sa ating dalawa. I’ll handle it.” Ani Leandro.
I don’t know why but every time I am with him, it feels like I am all safe. I am safe when I’m with him. Hindi ko naman ito naramdaman noon, nung nasa Siargao pa siya. Inaamin ko, noong nawala na siya sa amin ay parang may kulang, at galit ako sa sarili ko dahil hindi ko iyon matanggap.
That I lost him along the way.
Tinawagan ko si Papa at pinaalam sa kaniya ang nangyari kay Mama. Galit siya sa akin dahil kung hindi ko nalang daw dinala si Mama rito sa Maynila ay hindi sana magkakaganito at buhay pa sana siya.
“Kasalanan mo ang lahat nang ito, eh! Kung nakinig ka lang sana sa akin na huwag na kayong tumuloy riyan, edi sana buhay pa ngayon ang Mama mo! Ang tanga mo kasi, Amanah!” galit na galit na sabi sa akin ni Papa sa kabilang linya.
Napahilot ako sa aking sentido habang pinagmamasdan ko ang kabaong ni Mama. It is already settled and Leandro get some people to help me prepare the things for Mama. Ipinaalam ko na rin kay Ma’am Venus ang tungkol sa nangyari kay Mama at sasabihin niya raw ito kay Mr. Rodriguez. Lalong-lalo na’t hindi ako makakadalo sa nalalapit na grand runway sa ibang bansa. Mr. Rodriguez was expecting me to be in Hongkong and be part of it but this happened. Kailangan ako ni Mama rito.
“Pa, walang may gustong mangyari ito kay Mama. Tinutulungan ko lang na mapabuti ang kalagayan niya kaya ko siya dinala rito sa Maynila!” sinubukan kong magpaliwanag kay Papa ngunit alam kong magmamatigas lamang siya sa akin.
I know him too well because he’s my father. Mainitin ang ulo at hindi nakikinig sa akin.
“Mapabuti ang kalagayan niya?! Kita mo kung ano ang nangyari sa kaniya ngayon?! Nang dahil sa’yo, nawala ang asawa ko!”
Napabuntong hininga ako at tinanggap ko nalang na ganito na talaga si Papa pagdating sa akin. He is always hard-headed and rude to me.
“Dito ko ililibing si Mama at hindi ko siya i-uuwi riyan sa Siargao. Kailangan kita rito, Papa. Kailangan mong lumuwas ng Siargao.”
Marahas siyang bumuntong hininga at kaagad akong sinagot.
“Kung pupunta ako riyan? Baka’t masampal lang kita nang dahil sa galit ko! I-uwi mo ang asawa ko rito!”
Sasagot pa sana ako nang bigla na niya akong binabaan ng tawag. Nalilito na ako kung ano ba ang dapat kong gawin, gayong galit na galit si Papa sa akin. He thinks I kill my own mother just because of my self-interest. Ang gusto ko lang naman mangyari ay mapabuti ang kalagayan ni Mama at gumaling siya.
I didn’t expect this to happen at all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top