Capítulo 20

Capítulo 20

“I know this will happen very soon, at hindi ako nagkamali. Tumawag ka nga,” nakangiting sabi sa akin ni Ma’am Venus.

Nagkita kami sa isang coffee shop dito sa Siargao dahil tinawagan ko ang card na ibinigay niya sa akin noon. Ayoko rin na sa resort kami mag-uusap dahil alam kong nandoon sila Yllana at Ma’am Sophie. They will mock her for not letting me have this job. Sisiguraduhin nila na mapapabagsak pa ako lalo.

Sumimsim muna ako sa kape na in-order niya, bago ko siya sinagot. She is confident enough that I will call her very soon and that soon is now.

“Kailangan ko nang pera,” walang pag-aalinlangan kong sabi sa kaniya.

Hindi siya nagulat at parang alam na niya na iyon talaga ang sasabihin ko.

“Well, you have to work hard for it before you can get it, Amanah. Wala nang libre sa panahon ngayon, lahat may bayad.”

Bumuntong hininga ako at unti-unti akong tumango sa kaniya. Gagawin ko ito dahil alam kong wala akong ibang pagpipilian. Kung mananatili ako sa resort bilang isang housekeeper, o kahit waitress man lang, kulang na kulang pa rin ang pera na kikitain ko roon. Kahit na pumasok pa ako sa ibang trabaho, hinding-hindi ko kayang kitain ang mahigit isang milyon. Buhay ni Mama ang nakasalalay rito, at gagawin ko ito para sa kaniya.

“I am willing to work with you, Ma’am Venus. How much money can I get after this?”

Ipinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay at napatitig sa akin.

“You have to submit your portfolio through our agency. Mostly beginners will earned 50,000 to 100,000 for a TV commercials or fashion events. If you really want to pursue modelling, you can earn seven digits for a full time modelling. Especially, if you want to join a fashion or runway events. Don’t worry about submitting your portfolio, I can recommend you immediately to them. Sumama ka sa akin sa Manila para makilala ka nila,” pagpapaliwanag sa akin ni Ma’am Venus.

Thinking those high amount would make me choose this job even more. Malaking halaga na iyon para mapagamot ko si Mama.

“Tatanggapin ko ang trabahong ito. May isa lang akong hihilingin,” sagot ko sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo at kaagad akong sinagot pabalik.

“What is it?”

“Kailangan ko ng pera para mailipat ko si Mama sa Maynila.”

“I can lend you some money, magkano ba ang kailangan mo? Basta’t siguraduhin mo na magta-trabaho ka. It can change your life and your living, Amanah. You have the potential to be more. Huwag mong hayaan na apihin ka lang ng mga kaibigan ko.”

Hindi kami masyadong magkakilala ni Ma’am Venus pero nandito siya at willing na tulungan ako para makaahon. Kung hindi lang magagalit si Papa ay matagal ko na itong tinanggap. Noon pa. Ngayon na wala na talaga akong pagpipilian, tatanggapin ko ang trabahong ito at kahit na magalit man sa akin si Papa, wala na rin naman siyang magagawa pa doon. Desisyon at plano ko ang masusunod sa ngayon.

And besides, I am doing this not just for myself, but for them.

“Isang milyon, mahigit isang milyon ang kailangan ko para mailipat ko si Mama sa Maynila. Bu-buhay ni Mama ang nakasalalay rito. Mag-ta-trabaho ako hanggang sa makabayad ako sa perang hihiramin ko sa’yo. I can work for you forever if you want!” tuluyan nang tumulo ang aking mga luha sa mga salitang lumabas mula sa aking bibig.

Kung kinakailangan kong magmakaawa sa kaniya, gagawin ko! Para kay Mama!

“I’ll prepare the cheque right away. Resign from your job and prepare your things. We are going to leave after we process your papers.”

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Ma’am Venus sa akin. I almost hug her because of it! Kung wala ang offer niya, panigurado akong maghihirap pa kami lalo!

“Nahihibang ka na ba, Amanah?!” galit na sabi sa akin ni Papa nang malaman niya ang planong ginawa ko.

Nagsimula na akong mag-impake ng aking mga gamit nang bigla siyang nagtanong sa akin. Hindi ko rin naman siya iiwan rito, eh. Isasama ko siya.

“Pa, kailangan ko nang malaking halaga. Makukuha ko lamang iyon kung magsusumikap ako. Kailangan natin ilipat si Mama sa Maynila. Doon, mas matututukan siya ng mga doktor at magagamot nang maayos,” sinubukan kong ipaliwanag lahat kay Papa ngunit nagmamatigas pa rin siya sa akin.

He didn’t like the idea of us leaving here in Siargao. Gusto niya lang na manatili rito, at hindi na ako papayag pa roon.

“Bakit? Hindi mo ba kayang abutin ‘yon dito?! Hindi ka aalis at hindi tayo aalis ng Siargao!”

Marahas akong bumuntong hininga at buong tapang kong hinarap ang galit ni Papa. Unti-unti nang nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa luhang nagbabadyang lumabas.

“Maliit lang ang sweldo ko sa resort, at kailangan na raw ilipat ni Mama sa isang mas malaking ospital! Hindi ko naman puwedeng pabayaan si Mama, Pa! Kailangan natin siyang ipagamot sa Maynila, kailangan natin ng pera! Kung ayaw mong umalis rito, aalis ako! Isasama ko si Mama at ipapagamot ko siya sa Maynila!” I said those words to him with full of control.

Galit ako kay Papa, dahil wala man lang siyang ginawa para matulungan ako. Kahit na suporta man lang sa lahat nang mga ginagawa ko at plano ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Kahit na kaonting atensyon man lang ay hindi niya maibigay sa akin!

“Ang tigas talaga ng ulo mo! Ang sabihin mo, gustong-gusto mo rin ang trabahong iyan kaya ka luluwas nang Maynila! Idadahilan mo pa ang ina mo!”

Napapikit ako nang dahil pinipigilan ko ang aking sarili na makapagsalita nang hindi maganda sa kaniyang harapan. Kahit kailan ay hinding-hindi niya ako maiintindihan!

Nagpatuloy ako sa aking pag-impake at kumirot ang aking puso nang makita kong wala man lang siyang ginagawa. Papa is hard-headed, if he doesn’t want to leave here, he will never leave. Kahit na pilitin ko man siyang sumama sa akin ay hinding-hindi pa rin siya papayag. Ayaw na ayaw niya ang pag-mo-modelo, kahit noon ay sapilitan lamang siyang pumayag na sasali ako sa kahit anong mga pageant activities. Si Mama lang naman ang nakakapagpapayag sa kaniya. Ngayon na may sakit si Mama at kritikal ang kondisyon niya, pinaghihigpitan niya na rin ako.

“Kahit na pagalitan n’yo man ako, buo na po ang desisyon ko. Luluwas kami ni Mama ng Maynila.” Malamig kong sabi sa kaniya at tinapos ko na ang pagliligpit ng aking mga damit.

“Amanah, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Ang bilis mo naman ata magtiwala kay Ma’am Venus.” Sabi sa akin ni Harrieth nang dumaan ako sa bahay nila para magpaalam.

I am heading to resort again not to work but to send my resignation letter. Alam ko naman na pipirmahan iyon kaagad ni Edrian kung ipapaliwanag ko lang sa kaniya ang tunay kong dahilan kung bakit kailangan kong umalis sa trabaho. He is a good man. He’ll understand me.

Binigyan ako nang nagdadalawang-isip na ekspresyon ni Harrieth.

“Mabait si Ma’am Venus sa akin, Harrieth. Atsaka, malaking oportunidad na rin ito para sa akin. Matutustosan ko na ang pagpapagamot kay Mama,” sagot ko sa kaniya.

I heard her sighed and look at me worriedly.

“She’s friend with those brats, Amanah. Paano kung may pinaplano pala sila sa’yo pagkarating mo doon sa Maynila?”

“I can handle myself, Harrieth. You don’t have to worry about me. Kung sakaling totoo man ‘yan, uuwi kaagad ako rito ng Siargao.”

Alam kong nag-aalala lamang itong si Harrieth sa magiging kalagayan ko pagkarating ko ng Maynila. I assure her that I will be fine there.

Bago ako dumiretso sa resort ay pumanhik muna ako nasunog naming bahay. Biglang kumirot ang aking damdamin nang makita ko ang maitim na abo sa paligid ng lugar. Hindi ko alam kung paano nangyari ang pagsunog ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil ligtas si Papa. My parents build this small wooden house for us. Sa isang iglap… bigla nalang nawala ang lahat. Pinaghirapan ito nang aking mga magulang tapos… susunogin lang!

“I heard you want to go to Manila with Venus? Is it true?”

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang anino ng katawan ni Leandro mula sa aking likuran. Hindi ako humarap sa kaniya at nagkibit-balikat na lamang. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Bakit niya pa ako sinusundan?

“Amanah, sagutin mo ako.” Ma-awtoridad niyang sabi sa akin.

Pagod akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

“Ano naman ngayon kung pupunta ako ng Maynila? Does my decisions concern you? I don’t think so,” sarkastiko kong sabi sa kaniya.

His jaw clenched and his eyes were full of mixed emotions. Kunti nalang ay sasabog na ito nang dahil sa galit sa akin.

“Maayos naman ang buhay mo rito, ah? Bakit ka pa aalis?”

“Kahit kailan hindi naging maayos ang buhay ko rito, Leandro! Simula pa noon, noong hindi ka pa dumating sa buhay namin, ayoko na rito! I have dreams! I finished my studies well but what am I doing here?! Isang housekeeper, isang waitress?! Isang tindera! That's not the life that I want to have, Leandro… kaya nang pinagbigyan ako ng pagkakataon ni Ma’am Venus ma magkaroon ng magandang trabaho, hindi ko na pinalagpas pa ‘yon.”

I tried my best not to cry in front of him. I don’t want to betray myself! Matapang ako!

“Paano si Mama? Iiwan mo siya rito? Sino ang magbabantay sa kaniya kung ganoon?” sunod-sunod niyang pagtatanong sa akin.

Pinagmasdan ko siyang mabuti at napansin kong unti-unting tinangay ang kaniyang buhok nang dahil sa hangin. Ang iilang hibla ng kaniyang buhok ay tumatakip sa mga mata niya.

Those piercing eyes were looking at me like I’m some kind of a problem that’s need to be solve.

“Wala ka talagang alam sa mga nangyayari, no? Wala kang ideya,” sabi ko sa kaniya.

He tilted his head and sighed. Unti-unti siyang lumapit sa aking harapan nang ganoon pa rin ang kaniyang ekspresyon.

“Make me understand then,” he answered coldly.

Ngayon, ako naman ang hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Para akong nalalasing sa mga tinging ibinibigay niya sa akin. Leandro has always big effect on me! Kahit na sa ibang babae! Ganoon siya! Ganoon ang epekto sa kanila!

“Kailangan kong ilipat si Mama sa Maynila dahil matagal nang kritikal ang kondisyon niya. She needs further treatment from the specialist doctor. Kaya ko tinanggap ang trabahong inalok sa akin ni Ma’am Venus dahil wala akong choice! Kailangan ako ni Mama!”

Tuluyan nang tumulo ang aking mga luhang kanina ko pa rin pinipigilan. It is just so hard to keep it! It hurts so much!

“Why you didn’t tell me about this? You always have a choice!”

“Mag-isip ka nga nang mabuti, Leandro! Bakit ko sasabihin sa’yo ang problema namin?! Kami ang dahilan kung bakit nawalay ka sa tunay mong mga magulang! Kami ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kayong dalawa ni Yllana!  I am a cursed to you!”

Umawang ang kaniyang bibig at unti-unting bumibilis ang kaniyang paghinga. His gazed soften and couldn’t say a word to me.

I bit my lower lip as I tried to hold back my tears.

“Hi-hindi ka na nga dapat nakikipag-usap sa akin, eh. Hindi ka na nga dapat lumalapit sa akin. I destroy you! You should stay away from me! Galit na galit ang buong angkan mo nang dahil sa ginawa namin sa’yo. Kaya kung pahihirapan mo ako o kahit na sinong tao, tatanggapin ko!”

“Amanah… wala akong pakialam sa sasabihin nila sa akin, at hindi nila ako puwedeng diktahan sa kung ano man ang gagawin ko. This is what I want. You are one of the reasons why I came back here.” Ani Leandro.

“Dahil gusto mong maghiganti sa akin, ganoon ba? Bakit hindi mo pa rin ginagawa ‘yon ngayon?” pilosopo kong sabi sa kaniya.

“Oo… iyon ang naging plano ko noon bago ako bumalik rito ng Siargao. I want to see you suffer, I want to see you begged down your knees on me! Yes! I think that way towards you! I vision it all in my mind, Amanah! Pero hindi ko nagawa! Hindi ko ginawa ‘yon!”

Umawang ang aking bibig at hindi makapaniwala sa kaniyang mga sinabi. I was too stunned to speak!

Hindi kaagad ako nakagalaw nang makita ko siyang tuluyan na niyang hinawakan ang aking kanang pisngi. He touched my cheeks and neck. Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pagkalabog ng aking puso!

His eyes were bloodshot and his expression became hard as well. Hindi ko na iyon mabasa pa.

“Nagalit ako noong nalaman ko mula sa’yo na sinunog ang bahay. I even tried to investigate and make them pay for what they did! You don’t know how much you mean to me, Amanah… noong nalaman kong hindi kita totoong asawa… nasaktan ako nang sobra. Hindi ko matanggap ‘yon! Kahit na nagsinungaling ka sa akin, mas gugustohin ko pa na hindi ko nalang nalaman ang lahat!”

Mas lalong kumunot ang aking noo at napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. He is already too closed to me! Pero bakit nagugustuhan ko ito?!

“You’re crazy, Leandro…” I almost whispered it to him and talked again.

“Don’t give up your expensive life just because of me-“ hindi ko natuloy ang aking sinasabi nang biglang lumapat ang mga labi niya sa akin!

My eyes widened as he pulled me closer to him even more. He caressed my back and move his lips towards mine. I felt dizzy when his lips touched mine. Ang pagkalabog ng aking puso ang naging dahilan kung bakit parang nabibingi ako ngayon!

Nabalik lamang ako sa realidad nang tumigil siya sa paghalik sa akin at kaagad ko siyang sinampal nang napakalakas.

Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran ko siya. Marahas niyang hinablot ang aking kaliwang braso at nagpumiglas ako sa kaniya ngunit unti-unti na akong nanghihina!

Please, Leandro! Huwag mo na akong pahirapan pa!

“Leandro, ano ba?!” I screamed at him but he didn’t listen to me.

Niyakap niya ako mula sa likuran at yakap na niya ako nang buong-buo! Napapikit ako nang dahil sa ginawa niya! He's warm! I feel like I’m safe when I’m with him!

“I’m taking my revenge now… marry me, be with me. I don’t want to be with Yllana. Kahit na bumalik pa ang mga alaala ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko, Amanah… ikaw ang gusto kong makasama… ikaw lang…” bulong niyang sabi sa akin.

Mas niyakap pa niya ako nang mas mahigpit at parang takot na mawala ako sa kaniya.

Patawarin mo ‘ko, Leandro…








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top