Capítulo 18

Capítulo 18

“Did Sophie hurt you, Amanah?” pagtatanong sa akin ni Edrian. Nahimigan ko sa kaniyang boses ang galit nito.

I swallowed hard, and I look at him. I saw his anger in his eyes, but he controlled it. He crossed his arms while waiting for my answers. Kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo ay panigurado akong mas magagalit pa sa akin si Ma’am Sophie. Panigurado akong mas kamumuhian pa ako nun.

I shook my head as a response. Alam kong nagmamalasakit lamang itong si Edrian pero ang kalabanin ang sarili niyang fíancee nang dahil sa akin ay iba na iyon. Ayokong makasira ng relasyon nang dahil sa mababaw na dahilan. Kung kailangan kong iwasan ang bagay na iyon ay gagawin ko.

“Ayos lang naman po, Sir Edrian. Maayos naman po ang pakikitungo sa akin ni Ma’am Sophie. Wala na po kayong dapat ipag-abala pa.” pagsisinungaling ko sa kaniya.

I’d rather lie than tell him the truth. Especially that Ma’am Sophie, Ma’am Venus, and Yllana were in a yacht. right now. Kaya, panigurado akong nandoon rin si Leandro kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Ginagawa ko ang lahat ngayon para hindi kami magkitang muli, kaya, kinausap ko ang aking mga kasamahan na babalik ako sa paglilinis ng mga kwarto at hindi na ako sasali pa roon sa paglilinis at pagbibigay ng mga pagkain sa yacht. na iyon.

They are going to have a small party in that yacht.

 

“Are you sure? She didn’t hurt you? Hindi mo na kailangang magsinungaling sa akin, Amanah. You know I don’t really like the attitude of that woman, even from the very beginning. You don’t have to protect her dark side,” pagpapaliwanag sa akin ni Edrian.

Tumigil muna ako sa aking ginagawa at inayos ang bed sheet. Tahimik akong naglilinis rito nang bigla siyang pumunta rito at kinausap ako tungkol kay Ma’am Sophie. Maybe he did hear about what happened yesterday, and he just wants to confirm it by asking me directly. Pagkatapos rin kasi ng mga nangyari ay umiwas na talaga ako para hindi na mangyari pa iyon ulit.

Thankfully, Prince was here with me last night to comfort me. Sa lahat ng mga kasamahan ko rito ay si Prince lang ang malapit sa akin. Ayoko rin naman kasing makipag-kaibigan sa iba ko pa na mga kasamahan, dahil alam kong magsusumbong lang rin sila kay Kyla kung may lalabas man sa bibig ko. Heather and Prince are only my truest friends here.

“That’s the truth, Sir Edrian. You don’t have to worry about it. Atsaka… umiiwas rin kasi ako sa kanila dahil…” hindi ko matuloy ang aking salita dahil pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko.

It still hurts! It still hurts so much!

“Because of Leandro? Yes, I understand. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya bumalik pa rito sa Siargao, eh. His family right now is very worried about him. The doctor is always checking him up about his condition and his memory. Hindi ko alam kung bumalik na ba ang alaala niya o hindi,” ani Edrian.

I know his motive why he’s here. He wants to take revenge on me. Ayos lang naman sa akin kung maghihiganti siya, huwag lang niya idamay ang mga magulang ko.

“Salamat sa pag-intindi, Sir Edrian.” Iyon na lamang ang aking nasabi sa kaniya at ngumiti.

He smiled at me too and said goodbye. Ang sabi niya sa akin ay kailangan niyang sumunod sa mga kaibigan niya sa yate dahil gaganapin mamaya ang party. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa trabaho at inalis sa aking isipan ang mga nangyari kahapon.

It was already five pm when I heard Rosa in my back. Oras na para umuwi dahil bibisitahin ko pa si Mama sa ospital. It’s been weeks and she was still unconscious. Sinabihan na kami ng doktor na kailangan na namin siyang dalhin sa mas malaking ospital sa Maynila, dahil maraming mga doktor roon na makakatingin sa kalagayan ni Mama. Ngunit, wala naman akong sapat na ipon. Isang ticket pa nga lang papuntang Maynila ay libo-libo na. Nahihiya rin akong umutang kay Sir Edrian, at baka malaman ito ng kaniyang fíancee at awayin na naman ako. Ayokong magkagulo nang dahil lang sa akin.

Ginagawa ko naman ang lahat para bumuti ang kalagayan ni Mama, pero, hindi lang talaga sapat ang perang kinikita ko sa pang-araw-araw namin ni Papa.

“Oh, Rosa? May problema ba?” pagtatanong ko sa kaniya nang makita ko siyang napakamot sa kaniyang batok.

“Amanah, pinapapunta ka na naman nila doon sa yate. Mukhang ikaw ang gusto nilang utosan,” nagdadalawang sabi sa akin ni Rosa.

Nakapamewang ako nang marinig ko ang mga salitang iyon. This is not right! Sinasadya na nila ito! Hindi porke’t makapangyarihan sila ay gaganituhin na nila ang isang tulad ko! Pahihiyain na naman nila ako!

“Pupunta ako, Rosa. Kakausapin ko si Ma’am Sophie,” malamig kong sabi sa kaniya at nag-aalalang tumingin sa akin si Rosa.

“Sigurado ka ba? Mukhang pinag-iinitan ka talaga ni Ma’am Sophie at Ma’am Yllana, Amanah.”

Bumuntong hininga ako at pagod akong tumango sa kaniya.

“Totoo ang mga sinabi mo, Rosa. Kaya, hindi ko na hahayaan ang mga iyan na pahiyain na naman nila ako sa harap ng maraming tao.” Buong tapang kong sagot sa kaniya at kaagad akong nagpaalam para pumunta roon sa yate.

Nasa malayo pa lamang ako ay nakikita ko na ang mga maliliit na lights na nakapalibot sa railings ng yate. May mga guards rin na nagbabantay sa labas nito at ang ibang mga lalaking staffs ay inaalalayan ang mga bisita. Malaki ang yate na kinuha nila at kasya ang mahigit bente na tao sa loob. Hindi ko alam kung ano ang klaseng party ang gaganapin, at wala rin akong pakialam.

I removed my hair tie and let my hair flow down my back. Umalon ang aking mahabang buhok sa likuran at tinangay ng sariwang hangin ang iilang hibla ng aking buhok. I am still wearing my uniform and I went to the yatch immediately. Wala na akong pakialam kung magkita man kaming muli ni Leandro.

Nakasalubong ko rin ang aking mga kasamahan sa resort at pabiro pa akong binati nito.

Nakita ko ang dalawang serbidora na abalang naglalagay ng mga pagkain at champagne sa maliit at bilog na table.

“Kanina pa ba kayo rito?” pagtatanong ko kila Beatrice at Maureen.

Yumuko ang dalawa sa akin at mukhang nahihiya sa mga taong nandirito sa loob ng yate.

“Oo, galit nga si Ma’am Sophie dahil ang tagal mo raw.” Halos pabulong na sabi sa akin ni Maureen.

Napapailing na lamang ako sa aking isipan at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng yatch. People were busy having on their own chitchats. Ang iba ay umiinom na nang alak at ang iba naman ay kumakain. Nabaling lamang ang aking atensyon nang makita ko si Leandro na nakatayo sa gilid habang kausap ang iilang mga kaibigan ni Edrian.

They’re all dressed sharply in business suits, but Leandro catches everyone’s attention. He’s wearing a white polo shirt with the sleeves neatly folded up, revealing just enough of his arms as he casually holds a glass of wine. His new haircut is a game-changer—it suits him so well that he looks unbelievably hot, effortlessly commanding the room.

Nagtagal ang paningin ko sa kaniya habang nakikipagtawanan ito sa mga kaibigan niya.

Tumabi sa akin si Beatrice at bumulong.

“Hindi ako makapaniwala na nakasama mo si Mr. Fernandez sa iisang bahay, Amanah. Atsaka, tignan mo ang mga pinsan niya, gwapo rin, hindi ba?” kinikilig na sabi sa akin ni Beatrice.

Kumunot ang aking noo at bumaling ako sa kaniya na ngayon ay nakatuon pa rin ang buong atensyon sa direkyon nila Leandro.

“Mga pinsan?”

“Oo! Iyang katabi ni Sir Leandro ay ang pinsan niyang si Adonis Fernandez, iyong Sargent? At ang dalawang nasa harapan rin niya ay si Manuel Fernandez at ang kapatid nitong si Constantine Fernandez. Mga kaibigan rin ni Mr. Edrian Albienda,” pagpapakilala ni Beatrice sa akin.

They all stood tall, showing a natural confidence that didn’t demand attention but effortlessly commanded it. Leandro, with his  white polo shirt and neatly folded sleeves, looked every bit the man who knew exactly how to steal the spotlight. The glass of wine in his hand seemed like an extension of his poise, and his new haircut—shorter on the sides, perfectly framing his sharp features—made him look dangerously attractive, almost untouchable. His presence alone could silence a room, it was the quiet kind of charm that made people notice without him even trying.

His cousins, though, carried a completely different energy. They had this unspoken intensity, an edge that couldn’t be ignored. One of them had a dark aura that wrapped around him like a second skin—his sharp jawline, intense eyes, and a smirk that seemed to dare you to get closer. Women couldn’t help but be drawn in.  They all shared the kind of beauty that didn’t just turn heads; it stopped hearts. And when they stood together, they were impossible to ignore, like kings who didn’t need to speak to prove their place.

Isama mo pa ang pagiging successful nila sa negosyo nila. I’ve read some information about them, and the family and relatives of Leandro are very rich. Siya lang ang naiiba. Piloto siya… isang magaling na piloto. Kung alam ko lang na hindi siya isang ordinaryong tao ay baka hindi ko nalang hinayaan si Papa na tulungan siya noon. Sana ay dinala nalang namin siya sa ospital at hinanap kaagad ang pamilya niya.

Hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat ngayon.

“Anong meron?” pagtatanong ko sa kanilang muli.

“May mga investors raw na darating mamaya at isa ito sa pamamaraan nila para makuha ang malaking project na gaganapin rito sa Siargao. Magtatayo kasi sila ng five star hotel at ang kompanya ng mga Fernandez ang isa sa magdadala nito. The Fernandez Construction Firm and the company of Mr. Manuel Fernandez, Jr. is having a collaboration with this big project. Kaya, may party na nagaganap ngayon.”

Umawang ang aking bibig nang marinig ko ang sinabi ni Maureen sa akin. Ako lang pala ang walang alam sa lahat. Ang bobo ko dahil hindi ko man lang inalam ang background ni Leandro. Ang tanga ko dahil sinabayan ko ang sarili ko na lokohin siya. When he has the opportunity to show himself as himself. Hinayaan ko siyang utosan ni Papa na sumama sa pangingisda nang madaling araw. Hinayaan ko siyang maglinis sa bahay at magkarga ng mga malalaking isda sa palengke, araw-araw. Malamig ang pakikitungo ko sa kaniya palagi at araw-araw rin siyang nag-iisip kung bakit ako ganoon sa kaniya. Kung bakit ganoon ang pakikitungo ko sa kaniya.

“Hey, you!”

Nabalik lamang ako sa realidad nang bigla kong marinig ang boses ni Yllana. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakakibit-balikat itong tumingin sa akin. She looks very rich and elegant with her white long dress that is open at the back. Sa tabi nito ay si Ma’am Sophie at Ma’am Venus.

Nilingon kong muli ang direksyon nila Leandro at nakita ko ang paglingon niya sa akin. Tinapunan lamang niya ako ng tingin bago ibinalik ang paningin nito sa kaniyang kausap.

“Bingi ka ba?! Bring us some champagne!” sigaw nito sa akin na para bang kami lang dalawa ang nandito sa yatch.

Wala akong nagawa at kaagad ko siyang sinunod. Dahan-dahan kong dinala ang tray na may lamang mga champagnes at dahan-dahan ko itong nilagay sa stand table nila.

“Ang bagal mo!” her lips twitched while saying those words to me.

Hindi ko siya sinagot at pinigilan ko ang aking sarili na sagutin siya pabalik. I just did all my best in work and let her slave me.

Nang mailagay ko na lahat ay aalis na sana ako nang bigla niyang itinaas ang isang champagne.

“I’ve changed my mind. Ayoko nito! Pakiramdam ko, mas bagay ‘to sa pagmumukha mo!”

Shit!

Napamura ako sa aking isipan nang itinapon niya ang laman ng champagne sa aking mukha. Her friends laughed at me except Ma’am Venus. She is making a scene here again! Hindi talaga ako titigilan ng babaeng ito!

Marahas kong pinunasan ang aking mukha at nangilid kaagad ang aking mga luha nang makita ko ang mga tinging mapanghusga mula sa kanila.

“Ma’am Yllana, alam kong galit kayo sa akin, pero, huwag n’yo naman idamay ang trabaho ko.” I almost begged her while saying that.

She sarcastically smiled at me and think she won against me.

Napaatras ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin at unti-unti rin akong napapaatras.

“Nang dahil, nawalay sa akin si Leandro nang mahigit isang taon! Nang dahil sa’yo, hindi natuloy ang engagement naming dalawa! This is all your fault!” galit na galit niyang sabi sa akin at hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin.

She pushed me hard and I fell into the sea! Narinig ko ang mga hiyawan ng mga tao at wala na akong naramdaman pa kung hindi ang malamig na tubig na bumalot sa aking katawan.

Hindi ako marunong lumangoy!

I tried my best to seek for help but it’s drowning me! The water is drowning me too hard! Para akong hinihila pailalim at hindi na ako makahinga nang maayos!

Please… someone, please… help me…

Unti-unti akong nawawalan nang lakas nang maramdaman kong may humila sa akin.

A big arms welcomed me and encircled his right arm to my waist and pulling me up.

Kaagad akong tinulungan nila Beatrice at Maureen para ma-i-ahon ako nang maayos. Nakapikit pa rin ang aking mga mata at panay ang aking pag-ubo.

“What the hell is wrong with you, Yllana?!” narinig ko ang galit na galit na boses ni Edrian.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita kong marahas na kinuha ni Edrian ang kaniyang business coat sa sahig at kaagad niya itong inilagay sa akin.

I am shaking just because of what happened! Akala ko ay katapusan ko na!

“Bakit? Kasalanan ko ba na hindi siya marunong lumangoy?!” she still defended herself.

“Shut up! Alam kong sinadya mo ‘yun!” Edrian shouted back.

“Edrian, puwede ba?! Why are you so concerned about that girl?! I am here! Baka nakakalimutan mo?!” singit ni Ma’am Sophie sa usapan.

Nahihilo ako at nang tumayo ay muntik pa akong mapatumba nang inalalayan kaagad ako ni Edrian. Umiling ako sa kaniya at gustong-gusto ko na siyang bitawan ngunit hindi niya ako hinahayaan.

“Kapag ginawa mo pa ito ulit, kalimutan mo nalang na may kaibigan ka, Yllana.” Malamig na sabi ni Edrian at kaagad akong binuhat. Ignoring the words of his fiancée.

Kahit nahihilo na ako ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Leandro at ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang glass wine habang nakatuon ang buong atensyon sa aming dalawa ni Edrian.

His jaw clenched even more and I can see that he is already mad. Bumibilis rin ang paghinga nito. He annoyingly brush his hair using his other hand.

“Edrian!” tawag ni Ma’am Sophie sa kaniya ngunit nakalabas na kami ng yatch.

I saw the eyes of Leandro and he kept his eyes on us. Kahit nahihilo ako, alam ko sa sarili kong… nandidilim ang paningin niya sa aming dalawa ni Edrian.

Iyon lang ang nakita ng dalawa kong mga mata. I didn’t even mind the surroundings and the shouting. Iyon lang ang napansin ko kahit na nanghihina ako at nahihirapang huminga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top