Capítulo 17

Capítulo 17

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawala sa isipan ko kung sino ang taong nagbayad ng bill ni Mama sa ospital. I couldn’t believe someone just paid for it in full! Kung sasabihin lang sana iyon ng nurse ay baka noong isang araw ko pa siya napasalamatan, pero ayaw talaga niyang ibigay sa akin.

Lumipat kami ni Papa sa isang maliit na bahay. May nahanap naman akong bahay na puwedeng rentahan at babayaran kada-buwan. May sahod naman akong matatanggap kaya magtitipid nalang ako para may ipon kami ni Papa. Prince was always on my side and he helped me find a new rent house. Hindi ganoon kalaki pero puwede na. Hindi rin naman puwede na habangbuhay kaming mananatili sa evacuation center.

“Maraming salamat, Prince.” Tipid kong pasasalamat sa kaniya nang sumabay siya sa akin palabas ng resort.

Ganoon pa rin ang trato sa akin ni Kyla at unti-unti ko na rin naman iyong tinatanggap dahil wala na rin naman akong magagawa. If they don’t like you, you don’t have to prove yourself to them or beg them to treat you right.

“Walang anuman, Amanah. Atsaka, nangako ako sa’yo hindi ba na hindi kita pababayaan. Ganito nalang, samahan mo nalang ako riyan sa kanto at kumain tayo ng street food!” pag-aaya ni Prince sa akin.

Ngumiti nalang rin ako sa kaniya at pumayag. He is too kind to me and I couldn’t say no to him. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Papa sa kaniya, gayong mabait naman si Prince at matulungin sa kaniyang pamilya.

I followed him and went to the place. These past few days was exhausting and very tiring. Isama mo pa iyong nangyari sa bahay namin, ang aksidenteng natamo ni Papa, ang bayarin ng ospital, ang trabaho ko. Lahat nang iyon ay bumagabag sa isipan ko. Pinagmasdan ko lang si Prince habang abala ito sa pagkuha ng fish ball. Ang mga nakuha niya ay kaagad niyang ibinigay sa akin. Napatawa na lamang ako nang muntik pa itong mahulog sa sahig.

“Kumain ka nang marami, Amanah. Hindi na natin ito nagagawa.” Sabi pa nito sa akin habang nakatuon lamang ang buong atensyon sa kaniyang pagkain.

Nakipag-kwentuhan lamang ako kay Prince at hindi na inabala pa ang mga tao na nasa aming paligid. Siguro dahil ay abala rin ito sa kanilang mga ginagawa at pagkain.

“Gago!” Prince shouted.

Nanlaki ang aking mga mata nang tumalsik ang putik sa likuran ng uniform ni Prince! My jaw dropped when I saw him very wet and his back was almost covered in mud!

Sayang ang puti!

Kumunot ang aking noo at sinundan ang sasakyang mabilis ang takbo paalis sa aming direksyon. Hindi ko nakita kung sino ang driver dahil pinaharurot nito ang sasakyan.

“Prince, ang uniform mo.” Nag-aalala kong sabi sa kaniya at tumigil muna kaming dalawa sa pagkain.

Galit na galit si Prince sa sasakyang dumaan sa aming gilid at kulang nalang ay murahin niya ito nang dahil sa galit. Mali rin naman kasi ang ginawa ng driver na iyon! Walang modo at respeto!

“Gago ‘yon, ah?! Walang respeto! Hindi porke’t mahirap lang tayo at kumakain ng fish ball ay gaganituhin na tayo!” galit niyang sabi sa akin.

Kaagad akong naghanap ng tissue at ibinigay ito sa kaniya kahit na alam kong wala rin itong mapapala sa uniform niyang naputikan.

“Ano na ang gagawin mo ngayon? Panigurado akong mahirap ‘yan tanggalin,” sabi ko sa kaniya.

Napapailing na lamang siya at napamura nang mahina.

“Ibababad ko nalang ito buong gabi, Amanah. Wala rin kasi akong ibang uniform, eh. Atsaka, kailangan kong pumasok sa trabaho.”

Nalungkot ako para kay Prince. He is doing this for his family. Tapos tatapunan lang ng putik ang uniporme niya?! Ang bastos talaga ng driver na iyon! Sana mabangga nalang siya!

Kinabukasan ay matagal na dumating si Prince sa trabaho, hindi ko nga rin alam kung anong nangyari pero mukhang dumiretso siya sa manager. Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa nang biglang magsalita si Kyla sa aking tabi.

Nagkibit-balikat ito habang taas-noo akong tinignan nang may panghuhusga.

“Humana ka, Amanah. Babalik na si Ma’am Sophie rito sa resort para magbakasyon ng tuluyan. Kapag nalaman niyang tinutulungan ka ng fiance niya ay panigurado akong gulo ang aabutan mo.” Sabi niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa. I’ve never done anything wrong so I don’t have to prove myself or be scared just because she is the fíancee of Mr. Albienda.

Paano kung kasama niya pala si Leandro at si Yllana? Pa-paano kung mas pahihirapan pa nila ang buhay na mayroon ako rito?

“Magpapaliwanag nalang ako kay Ma’am Sophie, panigurado akong maiintindihan naman niya iyon.” Malamig kong sagot sa kaniya pabalik.

She hissed and almost rolled her eyes on me.

“As if naman pakikinggan ka nun! Diyan ka na nga!” inis nitong sabi sa akin at kaagad na umalis sa aking harapan.

Lumipas ang ilang linggo at matiwasay naman ang bawat araw ko maliban nalang noong dumating na si Ma’am Sophie. Actually, she is with Ms. Venus. Sinadya ko talaga na magpa-assign muna sa mga comfort rooms para maiwasan ko sila sa hallway. At least rito, nakakapagtago ako.

Itinuon ko lamang ang buong atensyon ko sa paglilinis ng mga bowl at tiniis ko ang pagod para makapag-ipon pa nang mas malaking pera para kay Mama. Ganoon pa rin naman ang sinabi sa akin ng doktor niya, kailangan kong maging matatag para kay Mama.

“Amanah…”

Napalingon ako nang tawagin ako ng aking kasamahan na si Rosa. Napatigil ako sa aking ginagawa at pagod ko siyang hinarap.

“Bakit?”

“May iuutos daw sa’yo si Ma’am Sophie. Nasa swimming pool area sila kasama ang mga kaibigan nito. Ikaw ang gusto niyang maghatid ng pagkain nila,” halos pabulong na sabi sa akin ni Rosa.

Bumuntong hininga na lamang ako at napapailing sa aking isipan. All the staffs here and housekeepers are already assigned to their respective areas. Kaya, nagtataka ako kung bakit ako ang napili niyang magdala sa pagkain nila. Iba ang trabaho ko at hindi ako waitress.

“Marami namang mga waitresses na naka-duty roon, hindi ba? Bakit ako?” Pagtatanong ko sa kaniya.

Umiling siya at mukhang hindi niya rin maintindihan kung bakit ako.

“Hindi ko rin alam eh, napag-utosan lang ako.”

I hold myself back and controlled it. Kaagad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko para dumiretso sa kusina at kunin ang gustong kainin nila. Binigay naman kaagad ng mga chefs ang hinandang pagkain nila para kay Ma’am Sophie at sa mga kaibigan nito. Nag-ayos muna ako ng sarili at kaagad na lumabas ng kitchen. Bumuntong hininga pa akong muli at dumiretso sa swimming area ng resort.

Nasa malayo pa lamang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan nila. There are bunch  of guys and some girls. Ang iba naman ay nasa swimming pool na at naliligo.

Umawang ang aking bibig nang makita ko siyang muli. What the hell is he doing here?! My heart is beating so fucking loud and fast! They stopped talking when they saw me. Nakita ko ang pag-ismid nila Ma’am Sophie at Yllana sa gilid. Nakita ko rin kung gaano kalapit si Yllana kay Leandro.

She held the right arm of Leandro and even kiss him on his neck! She is flirting with him!

“Oh, nandito na pala ang slave natin!” nagulat ako sa sinabi ni Ma’am Sophie at napayuko ako.

Kaagad akong nanliit at hindi kaagad nakagalaw nang marinig ko iyon. Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa mga kagaya ko? Isang alipin?

My hands were shaking as I hold the tray even more. I slowly put it down and I saw them laughing at me. Since dalawang tray ang dala ko, ilalatag ko na sana iyong isang tray na may lamang isang buong pitchel na may juice nang biglang may sumapid sa akin!

Damn it!

Naghiyawan sila sa gulat nang matumba ako at nahulog ang laman ng juice kay Yllana.

My eyes widened even more when I saw her angry face. Hindi ko naman iyon sinasadya! May sumapid lang talaga sa akin!

“What the hell!” Yllana shouted in frustration.

Napalingon rin ako kay Leandro at nakita ko ang malamig niyang tingin sa akin. He looks so different now. Ibang-iba sa Leandro na nakasama ko sa bahay. Ipinapakita lang niya sa akin na magkaiba talaga kaming dalawa. Mayaman siya, mahirap ako. Nang magtama ang aming mga mata ay kaagad siyang umiwas at nilagok ang alak na hawak-hawak niya. He doesn’t care to me all! Kahit na siguro saktan ako ng babaeng ito ay mas magiging masaya pa siya.

Napahiya na nga ako ngayon ay wala man lang siyang imik. Sabagay, bakit ka pa naghihintay na ipagtatanggol ka niya?! You have a big mistake and you almost ruin his life, Amanah! Kaya, panigurado akong galit na galit pa rin sa akin itong si Leandro.

“Pa-pasensya na, hi-hindi ko sinasadya, Ma’am.” Paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya ngunit hindi niya ako pinapakinggan.

She is already making a scene here! Ang ibang mga turista at ang mga taong naliligo ay nakatingin na rin sa aming dalawa. Hindi man lang siya pinigilan ng mga kaibigan niya!

“Of course, sinadya mo! Papansin ka kasi!” inis nitong sabi sa akin at humarap pa kay Leandro para magpatulong.

“Look, oh! May stain na ‘yung damit ko.” She pouted but Leandro remained silent and unbothered in front of us. Kahit na magkatabi silang dalawa.

“Hindi ko talaga maintindihan si Edrian kung bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin.”

Biglang sabi ni Ma’am Sophie sa akin. Ang ibang mga kaibigan nila ay nagbubulong-bulongan sa aking harapan.

“Maybe you have plans after all. That’s why you are doing this to me! Bakit? Aagawin mo na naman ba itong fíance ko?!” lumapit na siya sa akin at pagod ko siyang tinignan pabalik.

“Ma’am, I am just here to work. Wala na po akong ibang intensyon sa inyo.” Kahit na masakit siyang magsalita ay sinagot ko pa rin siya nang may respeto.

She smirked at me and throw me their drinks. Napaatras ako nang dahil sa ginawa niya. Napapikit ako dahil tumama iyon sa pagmumukha ko at nabasa ang aming uniporme.

“Liar! I won’t believe you! Mang-aagaw ka! Dapat sa’yo ay kinukulong!” galit niyang sigaw sa akin at pinagmasdan lamang siya ng mga kabigan niya.

Even Leandro…

Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Prince at galit itong tumingin sa kanilang lahat. Inalalayan niya ako dahil kahit ako ay unti-unti nang nanghihina. Lamig na lamig na ako at gusto ko ng magpalit ng damit ngunit nandito pa ako sa harapan nila. They are making fun of me and they even caused a scene here.

Pinahiya ako ni Yllana sa harapan nilang lahat!

“Miss Yllana, tama na po.” Malamig na sabi ni Prince sa kaniya, habang nakahawak sa akin.

“Ayos lang Prince, tara na.” parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita nang maayos.

Napakabigat sa pakiramdam…

“Huwag kang makialam rito kung ayaw mong sisantihin kita! Bantayan mo ‘yang malanding ‘yan at huwag mo na pabalikin rito!” Yllana insulted me even more.

“Huwag mo siyang tawaging ganoon, hindi mo siya kilala.”

Pinigilan ko si Prince dahil ayokong madamay pa siya rito.

“How dare you?!” sabi ni Yllana at susugod na sana ito nang biglang tumayo si Leandro.

His jaw clenched when he saw us together. His forehead furrowed even more and his lips twitched while looking at us. Anger was very evident on his face.

Isang galit na ngayon ko lang nakita galing sa kaniya.

“Say something bad about Yllana and you’re fucking dead to me,” he said in a baritone cold voice.

Nakatuon ang buong atensyon niya kay Prince at hindi man lang niya ito tinanggal.

“Ayoko lang po na sinasaktan nila si-“ hindi natuloy ni Prince ang kaniyang sasabihin nang magsalita na naman siyang muli.

“I don’t fucking care about anyone. Just do your job and leave.”

Kaagad na binitawan ni Prince ang aking magkabilang braso at tumingin ito sa akin nang may lungkot sa kaniyang mga mata. Magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Prince at ang aking sarili nang makita ko ang magkasalubong niyang mga kilay.

“At ikaw naman… oras ng trabaho ngayon. Maghahatid ka na nga lang ng pagkain rito, hindi mo pa magawa. Leave.” He said with full of authority and leave in front of me immediately.

Parang pinunit ang aking puso nang ilang beses nang marinig ko ang mga salitang iyon galing sa kaniya. It cuts deep in my heart and I couldn’t move! Lalong-lalo na nang tinapunan niya ako nang mapanghusgang mga tingin.

Buong lakas akong umalis sa kanilang harapan at tumakbo palabas ng resort. Wala na akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan ngayon! Wala na akong pakialam sa lahat!

All I want know is to cry!

Kung nagbalik siya para maghiganti sa akin, nagawa na niya. Nasaktan na niya ako nang sobra-sobra! Kung mas pahihirapan pa niya ako ay tatanggapin ko! Kung iyon lamang ang natatanging paraan para mapatawad niya ako sa lahat nang mga kasalananag nagawa ko ay gagawin ko! Kahit na masakit ay gagawin ko!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top