Capítulo 16
Capítulo 16
Mabigat ang aking loo habang pinapabilis ko ang tricycle na aking sinasakyan. Hindi ako mapakali habang hawak-hawak ko ang aking dibdib.
Wala sanang nangyaring masama kay Papa! Mawala na ang bahay namin, huwag lang si Papa!
“Manong, heto po ang bayad!” sabi ko sa kaniya at hindi ko na hinintay na mabigyan pa niya ako ng sukli dahil nagmamadali na akong makalabas ng tricycle.
Umawang ang aking bibig sa aking mga nakita. Fire was flashing through the skies; it became red and orange when our neighbours tried to pour water into our small house. Kaagad akong lumapit sa direksyon nila at nilapitan ako ni Prince.
“Prince, nasaan si Papa?!” nanginginig kong pagtatanong sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang malaking apoy na halos lumamon na sa buong bahay namin.
“Nasugatan ang ama mo, Amanah. Dinala kaagad namin siya sa clinic ng barangay para magamot.” Sagot sa akin pabalik ni Prince.
Napahilamos ako sa aking pisngi at hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol ng iyak. We lost the house! We lost the house that my parents built for so long! Ang munting bahay na palaging linilinisan ni Mama ay nawala at unti-unting nagiging abo. Ang bahay na minahal ko… ay nawala…
Nabalik lamang ako sa realidad nang hinawakan ni Prince ang aking kaliwang braso.
“Hindi nila alam kung saan nagsimula ang apoy, ngunit naabutan nalang nila si Tito na nakahandusay sa buhangin nang dahil sa natamong sugat. Unti-unti na rin lumalaki ang apoy, Amanah.” Pagpapaliwanag sa akin ni Prince.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat nang bagay namin, mga damit, pati ang naipom kong pera! Nasunog! A-ano na ngayon ang gagawin namin ni Papa?! Namomroblema pa nga ako sa bayarin namin sa ospital, tapos nasunog pa ang bahay namin!
“Prince, puwede mo ba akong samahan? Pupuntahan ko si Papa.”
Kaagad na tumango si Prince sa akin at inaya niya akong pumunta ng clinic.
Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami. Para akong isang bagay na nakalutang lamang sa hangin. Wala man lang akong magawa!
“Papa!”
Biglang kumirot ang aking puso nang makita ko siyang malaki nga ang sugat na natamo niya sa kaniyang braso. Namimilipit si Papa sa sakit habang ginagamot ito ng nurse.
“Pa, anong nangyari?!” iyak kong pagtatanong sa kaniya.
I wanted to hug him, and I have so many things that I wanted to ask from him. Kaya lang nang makita ko siyang nahihirapan ay parang umismid ang dila ko at hindi na ako makapagsalita pang muli.
Lumuhod ako sa harapan niya at hinayaan ko lamang siya na gamotin ng nurse kahit na alam kong sobrang nasasaktan na siya.
“Ka-kagagaling ko lamang sa pangingisda, tapos naabutan ko na ang bahay natin na nasusunog.” Nahihirapang sabi ni Papa sa akin.
Sino naman kaya ang masamang tao ang gumawa nito sa amin?! Wala naman kaming inagrabyadong tao!
“Pa, wa-wala po ba kayong nakaaway?” nagdadalawang-isip kong pagtatanong.
Nilingon ako ni Papa at mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Kung hindi lamang nito hawak ng nurse ay baka napagsalitaan na ako ng hindi magandang salita ngayon.
“Kaibigan ko ang lahat ng mga mangingisda rito, Amanah. Atsaka, wala naman akong utang sa kanila. May mga taong adik lang talaga!” galit na sabi niya sa akin.
“A-anong gagawin natin ngayon? Paano na ‘yong mga gamit natin? Saan tayo matutulog ngayon?”
I couldn’t think properly just because of what happened! Walang ibang maaasahan si Papa sa bahay at sa pagbabantay kay Mama, ako lang. Paano na ito ngayon? Kulang pa ang pang-araw—araw kong kinikita sa paglilinis.
Umawang ang bibig ni Papa at pagod itong bumuntong hininga, habang nakapikit.
“Puwede ko naman po na pakiusapan si Kapitan, Amanah. Sa evacuation center muna kayo tumira pansamantala. Tutulong rin panigurado sila sa mga gastusin ninyo.” Sabi sa akin ni Prince at nabuhayan ako roon.
“Bakit nandyan ang lalaking ‘yan?” malakas na pagtatanong ni Papa sa akin tungkol kay Prince.
Gusto kong magalit sa kaniya ngunit kailangan ko siyang intindihin dahil alam kong nahihirapan rin siya ngayon kagaya ko. Kaming dalawa nalang ngayon.
“Si Prince po ang tumawag sa akin tungkol sa nangyari. Huwag po kayong mag-alala, Pa. Hahanap po ako ng paraan para makabawi tayo.” Pampalubag loob ko sa kaniya.
Nakita ko ang iritado niyang ekspresyon at tumikhim sa akin.
“Dapat lang! Pinagtapos ka namin ng pag-aaral ng ina mo kaya responsibilidad mo kaming tulungan.”
Nasaktan ako sa sinabi ni Papa ngunit nilunok ko nalang. Wala rin silbi kung papatulan ko siya ngayon. Lalong-lalo na dahil mas mahihirapan kami ngayon dahil wala na kaming mauuwian. Wala na kaming bahay.
“Huwag po kayong mag-alala, ga-gagawa po ako ng paraan.”
Parang may bumara sa lalamunan ko nang masabi ko ang mga salitang iyon. Nang hindi ko na matiis ay kaagad akong nagpaalam sa kaniya para umalis muna at asikasuhin ang paglipat namin sa evacuation center.
Nang tuluyan na kaming makalabas ng clinic ay doon ako napahagulgol ng iyak. Nanginginig ang buong katawan ko nang dahil sa takot, galit at sakit! I am doing my best to provide everything for my family, but it is always not enough! It will never be enough for him! Araw-araw niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako sapat! Na palaging may kulang!
Prince hugged me so tight and I became weaker and weaker.
“Amanah, huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Hinding-hindi kita pababayaan,” bulong niyang sabi sa akin.
Sinubukan naming kausapin ang kapitan tungkol sa mga nangyari at handa naman daw silang tumulong sa amin. Pinayagan nila kami na sa evacuation center muna tumira pansamantala. Ang ibang mga kapitbahay namin ay nagbigay ng mga ayuda at mga damit. Lahat ng pride ko ay nawala. Nilunok ko nalang ito at tinanggap lahat ng mga ayuda galing sa mga tao. Para akong aso na nagmamakaawang bigyan ng pagkain kahit kaonti.
“Amanah, pasensya ka na ha, ito lang talaga ang mga damit na hindi na namin ginagamit. Pagtyagaan mo nalang,” sabi ng isang kapitbahay namin nang inabot niya ang isang supot na may mga lamang damit.
Napakurap-kurap ako at ngumiti ng tipid sa kaniya.
“Malaking tulong na po ito. Salamat po,” iyon na lamang ang aking nasagot sa kanila, bago ako bumalik ng evacuation center.
Nakita ko si Papa na nakaupo sa harapan ng bintana habang malayo ang tanaw. Lumiban muna ako sa trabaho ng dalawang araw para ayusin ang lahat. Nakalikom naman kami ng mahigit limang daang piso at iyon ang pinambili namin ng mga ka-kailanganin namin at mga pagkain. Bukas ay babalik kaagad ako sa trabaho para may pambili ako ng gamot ni Papa at mabayaran nang paunti-unti ang bayarin namin sa ospital ni Mama.
“Tinanggap mo pa talaga ‘yan? At ano ang sasabihin ng mga tao sa atin?! Na walang-wala na tayo?! Na para nalang tayong aso na walang mauuwian?!”
Hindi ko maintindihan si Papa kung bakit ganito siya mag-isip. Mas inuuna pa niya ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa kalagayan namin ngayon.
“Pa, kailangan ko itong tanggapin dahil wala na tayong maisusuot. Kung bibili tayo ng mga bago, panigurado akong hindi aabot sa susunod na buwan ang perang nakuha natin galing sa mga taong tumulong!” hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapagtaasan siya ng boses.
“Edi kumayod ka! May trabaho ka naman, hindi ba?”
Gustong-gusto kong sumbatan si Papa, gustong-gusto ko siyang pagsalitaan ng mga masasamang salita! Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman, ngunit naduduwag ako! Hindi ko kaya!
“O-opo,” iyon na lamang ang aking nasabi sa kaniya at kaagad ko siyag tinalikuran.
Is this already the consequence? Is this karma for everything that we did to Leandro?
Ito na ba?
Bumuntonghininga ako bago ako pumasok muli sa resort. Alam na ng aking mga kasamahan ang tungkol sa nangyari sa bahay namin. They feel sorry about it and they even give me some money to support our needs. Hindi ko na sana iyon tatanggapin ngunit gipit na gipit na rin kasi kami ngayon.
“Buti naman at pumasok ka na, hindi ka na nahiya kay Mr. Albienda. Pagkatapos ng mga nangyari ay nagpumilit ka pa at nag-request ng leave! Nakakahiya ka,” sabi sa akin ni Kyla habang nakapamewang siyang humarap sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagliligpit ng mga bed sheet. Sinadya niya talaga ang puntahan ako rito para inisin at pagsalitaan ako ng hindi maganda.
“Oh, bakit natahimik ka na ngayon? Nasaan na ang tapang mo?” Pagsasalita niyang muli.
Pagod akong humarap sa kaniya at nakita ko ang pang-iinsulto niyang mga titig sa akin.
“Hindi ko na kailangan ang magpaliwanag sa’yo, Kyla. Alam mo naman ang nangyari sa amin, nasunogan kami ng bahay at kailangan rin ako ng aking ama. Walang ibang tutulong sa amin,” malamig kong sabi sa kaniya, bago ako bumalik sa aking trabaho.
“Wala akong pakialam! Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nandirito ka pa rin! Nakakahiya ka!”
I gritted my teeth and closed my eyes. Hindi ako sumagot sa kaniya at hanggang sa umalis na siya sa aking harapan. This is the reason why I didn’t accept the help of Mr. Albienda. Kahit gustong-gusto ko na talaga itong tanggapin, pero hindi ko nalang ginawa. Ayoko rin madamay si Mr. Albienda sa kaguluhang ito. Mas lalo silang mag-iisip ng masama sa akin kung malalaman nila na tinulungan ako ni Mr. Albienda.
“Please, Amanah, tanggapin mo na ito. This is just a small amount. It won’t be a problem,” mahinahon na sabi sa akin ni Mr. Albienda habang nakalahad sa akin ang pera na nakabalot ng putting sobre.
Alam kong malaking halaga iyon dahil malaki ito.
“Mr. Edrian, na-nakakahiya na po kasi…” iyon na lamang ang aking naging dahilan dahil ayokong sabihin sa kaniya ang totoo kong rason.
Umiling sa akin si Mr. Albienda at nagpumilit pa rin na ibigay sa akin ang pera.
“This is just a short amount. Pandagdag na rin sa mga gastusin ninyo. Atsaka, puwede naman kayong manatili muna rito sa resort, may guest room naman.”
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa kanjyang sinabi at kaagad rin akong umiling. This is too much.
“It’s okay, sir. Maayos na rin naman po kami sa evacuation center. Hindi na po namin kailangang lumipat.”
He sighed and nodded to me. Mukhang sumuko na siya sa pagpupumilit sa akin.
“If you need anything, just call me, ‘kay?” sabi niya sa akin at tango lamang ang iginanti ko sa kaniya.
Ayokong bumalik rito ang kaniyang fíancee at malalaman ang tungkol sa pagtulong ni Mr. Edrian Albienda sa akin. Ms. Sophie will probably get mad at me if she knows that her fiancé is helping me. Baka kung ano pa ang isipin nun sa akin.
Pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad akong nagpaalam sa mga kasamahan ko at kay Rosa. Kailangan kong bumalik ng ospital para magbayad ng kaonti sa bayarin ni Mama. Alam kong nakakahiya na tatlong libo muna ang ibabayad ko roon pero walang-wala na talaga ako. Kung mayroon lang sana akong puwedeng hingian ng pera ay noon ko pa ginawa.
Tumulong rin naman si Heather sa akin kahit papano. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nakapasok bilang isang housekeeper sa resort na iyon. I owe that to her.
Pagod akong dumiretso sa billing section at pumila para magbayad. Inaamin ko, kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na magbabayad ako ng hindi kompleto. Mabuti na nga lang at hindi nila pinaalis si Mama sa ICU. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.
“Ma’am… pu-puwede po ba na… tatlong libong peso muna ang ibabayad ko? Wala na po kasi talaga akong pera, Ma’am. Nasunogan po kasi kami.”
Para akong tuta na nagmamakaawa sa kaniyang harapan.
“Check ko po muna ang balance n’yo, Ma’am.” Sagot niya sa akin at kaagad na binalik ang buong atensyon sa screen ng kaniyang computer.
I was really hoping that they would allow me to pay not in full. Kung puwede lang sana lumuhod sa harapan ng may-ari ng ospital na ito ay noon ko pa ginawa.
“Ms. Iduana, wala na po kayong bill. Bayad na po lahat.”
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at panlalaki ng aking mga mata sa kaniyang sinabi. Kumunot ang aking noo at hindi kaagad ako nakapagsalita.
“A-anong ibig n’yo pong sabihin, Miss?”
“May nagbayad na po ng bill ninyo at binayaran na rin po niya ang susunod na magiging bill ninyo.”
My jaw dropped when I heard those words from her. Totoo ba ‘to?!
“Puwede ko po ba malaman kung sino ang nagbayad ng bill namin?”
“I’m sorry po, Ma’am. Ibinilin po kasi sa amin na hindi po namin puwedeng sabihin kung sino ang nagbayad. It’s confidential po.” Sagot niya sa akin.
Wala akong ibang maisip ngayon kung hindi si Mr. Albienda. Wala rin naman kasing ibang gagawa nito kung hindi siya lang. He is willing to help me in everything. For sure he’s the one who pays for this.
“Feeling ko talaga, may gusto ‘yan si Mr. Albienda sa’yo, Amanah.” Sabi sa akin ni Harrieth habang nagtitimpla ito ng aming kape.
Pagkatapos kong bisitahin si Mama ay kaagad akong dumiretso rito sa bahay ng kaibigan ko. Wala rin naman kasi akong ibang puwedeng pag-kwentuhan tungkol rito. Si Harrieth lang ang kaibigan ko.
“Hindi niya ako puwedeng magustuhan. May fíancee siya, Harrieth.” I answered her back while sipping my coffee first.
Si Harrieth lang ang puwede kong takbuhan pagdating rito. Minsan ko na rin naman nakakausap si Prince dahil ayaw ni Papa na nakikita niya akong sumasama kay Prince.
“Eh, ano naman ngayon? Wala naman rito ang fiancée niya.” Natatawang sabi sa akin ni Harrieth.
Kaagad akong umiling sa kaniya dahil hindi ko gawain ang isang bagay na iyon. I won’t do anything stupid just to ruin someone’s relationship.
“Heather, ikakasal na sila sa mas lalong madaling panahon. Atsaka, iba magalit si Ma’am Sophie. Ayoko ng gulo,” sagot ko sa kaniya.
“Anong nangyari sa inyo ni Leandro? Kakausapin mo pa ba ‘yung tao? Panigurado akong galit ‘yon sa’yo.”
Napabuntong hininga ako dahil alam kong tama si Harrieth. Hindi rin siya makapaniwala na kaya kong gawin iyon, nagpaliwanag naman ako sa kaniya at mukhang naintindihan naman niya ang aking eksplenasyon.
“Hindi ko alam, umalis na siya ng Siargao kasama ang totoo niyang fiancée na kaibigan rin ni Ma’am Sophie. Pinagsisihan ko ang lahat ng mga nagawa ko, Harrieth. Pakiramdam ko ang sama, sama kong tao.” Pagsusumbong ko sa kaniya.
“Ano ka ba naman, Amanah! Kung hindi lang dahil kay Uncle, hindi mo naman iyon gagawin. Stop blaming yourself,” pampalubag loob na sabi sa akin ni Harrieth.
Alam kong si Papa ang may kasalanan rito pero hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na magalit. I was in fault, too. Kung hindi ko hinayaan si Papa sa mga plano niya, hindi sana kami aabot sa ganito.
Lumipas ang ilang mga araw at nanatili pa rin kami sa evacuation center. Wala rin naman kasi kaming ibang mapupuntahan at magpapasalamat na rin ako kay Mr. Albienda tungkol sa pagbayad niya sa bill ng ospital ni Mama. Galing kasi itong Manila at ngayon lamang umuwi.
Kumatok muna ako sa pintuan ng kaniyang opisina bago ako pumasok.
Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at kumunot ang noong lumingon sa akin. He seems busy with his papers in front of him, and his hair is messy, and he looks stressed. Pero kahit na ganoon, gwapo pa rin naman si Mr. Albienda.
“Yes, Amanah? Do you need anything?” panimula niyang pagtatanong sa akin.
Tumuwid ako sa aking pagkakatayo at ngumiti sa kaniya bago ko siya sinagot.
“Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo. Salamat sa pagbayad ng bill,” nahihiya kong sabi sa kaniya.
His forehead furrowed even more and he crossed his arms while looking at me confusedly.
“Bill? What do you mean?”
Umawang ang aking bibig at kumunot rin ang aking noo. Hindi niya alam?
“Bill sa ospital ni Mama,” mahinahon kong sagot sa kaniya.
His lips twitched and shook his head to me.
“I didn’t pay any bills, Amanah. Iyong ibibigay ko sana sa’yo ay iyon ang gagamitin mong pambayad.” He looked shocked while saying those words to me.
Kung ganoon… sino ang nagbayad ng hospital bill ni Mama?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top