Capítulo 13

Capítulo 13

Nanatili pa rin nang ilang araw ang mga kaibigan ni Ma’am Sophie. Minsan ay lumalabas sila para lamang mag-bar, o hindi kaya ay nag-su-surfing. They did a lot of activities while they were here.

Minsan ko lang din makita na kasama nila si Mr. Edrian Albienda. May isang beses ngunit nakitaan ko ang pagkadisgusto na kasama ni Mr. Albienda ang mismong fíancee nito. Kunot kasi palagi ang noo at striktong kumakausap kay Ma’am Sophie.

I don’t know a single thing about them. Pero, mukhang napipilitan lamang itong si Mr. Albienda na pakisamahan ang fíancee niya.

“Kung tinanggap mo lang sana ang offer ko, hindi ka sana naghihirap ngayon.”

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang biglang sumulpot si Ma’am Venus sa pintuan ng hotel room na nililinisan ko. Ako lang kasi ang mag-isang naglilinis ngayon dahil wala pa silang nahanap na magiging kasama ko since si Kyla ay na-promote bigla sa trabaho.

Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso dahil alam ko sa sarili kong nasayangan rin ako sa trabahong inalok niya sa akin.

“Maayos naman ang trabaho ko rito, Ma’am Venus.” Maikli kong sagot sa kaniya pabalik habang inaabala ang sarili sa pagtutupi ng mga bed sheets.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at bumuntong hininga.

“Yeah right, sabihin na natin na maayos ang trabaho mo rito. But, how about the payments here? Sapat ba iyon para sa pamilya mo? I don’t think so…”

Bumuntong hininga ako at pagod ko siyang hinarap. She smirked at me, like showing me how regretful I am for not accepting her offer.

“Hindi po ako nababagay sa mundo ninyo. Ayos na po ako sa trabahong ito. Atsaka, nag-ta-trabaho rin naman ang asawa ko. Sapat na iyon para sa pang-araw-araw namin.” Malamig kong sabi sa kaniya.

Nagulat pa siya nang marinig niya mula sa akin na may asawa na ako. She was too stunned to speak.

“Oh, really? May asawa ka na? You didn’t tell me. Anyways, sayang pa rin ang offer na tinanggihan mo. Your beauty is exotic, Amanah. You can actually pass as one of our models in Manila, even abroad! You even have a curvy body! Kaya, hindi kita maintindihan kung bakit ayaw mo!”

Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit hindi niya maintindihan na ayaw ko nga.

“Ma’am Venus, please respect my decisions. Hindi ko talaga hilig ang mga ganyang bagay,” inis kong sabi sa kaniya.

Umasim ang mukha niya at unti-unting tumango. Bago siya umalis sa harapan ko ay may binulong muna siya sa aking tenga.

“You’re gonna regret this, Amanah. Babalik at babalik ka pa rin sa akin para magmakaawa sa trabahong ito. Mark my word.”

Kinabahan ako bigla sa mga huling sinabi niya at napapailing na lamang ako. Kahit anong pagpipilit pa niya sa akin, hinding hindi ko tatanggapin ang alok niya.

Kung tatanggapin ko ang trabahong iyon, panigurado akong huhusgahan ako ni Papa at pagsasalitaan nang mga masasakit na salita. Ayaw niya rin naman na sumasali ako sa mga ganoong bagay.

Tinapos ko nalang ang aking trabaho at napagdesisyunan na bumisita muna kay Mama sa ospital. Nasa labas na ako ng resort nang makita ko ang paparating na sasakyan ni Mr. Albienda.

Kumunot ang aking noo nang huminto ang saasakyan nito sa harapan ko. Aalis na sana ako nang bigla niyang binuksan ang bintana ng kaniyang sasakyan.

He genuinely smiled at me.

“Uuwi ka na ba, Amanah? I can take you home now.” Sabi niya sa isang matigas na ingles.

Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kaniya na uuwi na ako. Pa-paano kung magalit sa aking ang fíancee niya?

Kaagad akong umiling sa kaniya at ngumiti pabalik.

“Hindi na po. Dadaan rin po kasi ako sa ospital, dadalawin ko po ang ina ko. Malapit lang rin naman po ang sakayan rito sa amin, kaya… puwede na po na hindi n’yo ako ihatid.” Dahan-dahan kong pagpapaliwanag sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay at kaagad rin umiling.

“It’s okay, Amanah. Huwag ka nang mahiya. Just get in and I’ll take you there.”

Napakamot ako sa aking ulo at ngumiti ng tipid. Ayaw ko rin naman na paghintayin si Mr. Albienda rito sa labas at baka makita pa kami ng fíancee niya. Tumango na lamang ako sa kaniya at mas lalo siyang ngumiti sa akin at tuluyan akong pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.

Tahimik lamang ako at mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking sling bag. I heard him chuckled and started talking to me.

“Are you okay? You don’t have to be shy to me.” Sabi pa nito sa akin.

Lumingon ako sa kaniya saglit at nakita ko ang perpektong ngipin niya.

“Hindi naman sa ganoon pero… ayoko lang na magalit ang fíancee n’yo.” Pag-aamin ko sa kaniya sa totoong dahilan ko.

“It’s okay, Amanah. You don’t have to worry about her. Besides, there’s no reason for her to get jealous or get mad. We’re not yet married.” Malamig na sabi sa akin ni Mr. Albienda.

Tama nga ang hinala ko. Parang napipilitan lamang itong si Mr. Albienda na pakisamahan ang fíancee niya, pero, bakit naman ganoon? I mean, Sophie is almost a perfect woman for her. Galing rin sa isang marangyang pamilya, mayaman at may kaya sa buhay. Negosyante pa.

“Bakit naman? Ma-maganda naman si Ma’am Sophie atsaka mayaman at mabait…”

Tumawa siya nang sabihin ko ang huling salita. Nagulat ako dahil mukhang ngayon ko lang rin siya napansin na tumawa nang ganito.

“She’s rich, yes, that’s true. Pero… mabait? Hindi ako sigurado.” Sagot niya sa akin.

“May chance pa rin naman na magbabago si Ma’am Sophie, hindi ba po?”

“No, I don’t think so. Matagal ko nang kilala si Sophie. We were friends since high school. Hindi siya mabait at spoiled brat. Even now.”

Kung ganoon, bakit niya pa rin tinuloy ang engagement? Kung ayaw niya rin naman kay Ma’am Sophie.

“Bakit n’yo pa rin siya ginawang fiancée kung… ganoon.”

Matagal siyang nakasagot sa akin at narinig ko ang munting pagbuntong hininga niya.

“It was my parent’s decision and plan, not mine. Kaya, sisiguraduhin kong magpapakasal ako sa babaeng mahal ko, hindi kay Sophie. I’ll break this engagement once I meet her.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ako makasagot sa kaniya dahil hindi rin naman ako sang-ayon sa gusto niya. Wala rin naman akong karapatan na pagsabihan siya tungkol sa mga desisyon niya sa buhay. After all, I am just his employee.

“We’re here,” nabalik lamang ako sa realidad nang bigla siyang magsalitang muli.

Nakita kong nasa harapan na kami ng ospital at lumingon ako sa kaniya para magpasalamat.

“Salamat po,” maikli kong pasasalamat sa kaniya.

Nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit sa akin at biglang tinanggal ang aking seatbelt.

He smiled at me and nodded.

“Just cut the po. You’re welcome, Amanah.” He’s almost whispered it to me.

Nang dahil sa nangyari ay nagmamadali akong lumabas ng kaniyang sasakyan at napahawak ako sa aking dibdib. Hinintay ko munang makaalis ang mamahalin nitong sasakyan sa aking tapat, bago ko naisipan ang pumasok sa loob ng ospital.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Leandro sa aking harapan. Nakapamulsa itong nakatitig sa akin at kunot ang noo.

Parang galit…

“Ginulat mo naman ako… kanina ka pa ba rito? Pumasok na tayo sa loob,” sabi ko sa kaniya pero hinarangan niya ako sa aking dinaanan.

Inis akong lumingon sa kaniya at ganoon pa rin ang ekspresyong ibinibigay niya sa akin.

“Sino ‘yung kasama mo? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin na tapos na pala ang trabaho mo. Ilang beses akong paulit-ulit na bumalik roon at palagi mong tinatanggihan ang alok kong ihatid ka pauwi ng bahay natin. Tapos ngayon…” huminto siya sa pagsasalita at parang pinipigilan ang sariling magalit sa akin.

His jaw clenched even more…

“That’s my boss. Tinanggihan ko naman siya pero nakakahiya dahil hinihintay niya akong sumakay sa loob ng sasakyan niya. Huwag mo nang lagyan ng malisya pa iyon,” sagot ko sa kaniya pabalik.

He tilted his head and his lips twitched. Ramdam na ramdam ko pa rin ang galit at inis niya sa akin. Nakapamewang siyang tumingin sa akin.

“At sa akin mayroon… gaano ba kalaki ang pagkamuhi mo sa akin at hindi kita maramdaman bilang asawa ko? Ano ba ang dapat kong gawin para lang magustuhan at mahalin mo ako ulit? Sabihin mo sa akin, Amanah… please…”

He tried to hold my hand but I refuse. Dahan-dahan kong kinuha pabalik ang aking mga kamay at pagod ko siyang tinignan. His eyes were full of mixed emotions. May halong pag-asa at sakit ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. Lalong-lalo na sa tuwing nakikita ko kung gaano siya ka-seryoso pagdating sa akin.

Not him… not knowing anything about his past.

“Pagod ako, Leandro. Bukas nalang tayo mag-usap.” Nanghihina kong sabi sa kaniya at tuluyan ko na siyang iniwan roon sa labas.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng ICU ay doon na tumulo ang aking mga luha. Nobody knows my pain… nobody knows how I tried to keep this secret firm and strong. Pero, sa tuwing nakikita ko si Leandro, at ang mga ngiti niya… unti-unti akong pinapatay! Unti-unti rin pinapatay ang konsensya ko!

Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Mama at hinalikan iyon. Tears kept falling down my cheeks and my heart is heavy.

“Ma… hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko.”

Pinagmasdan ko ang walang malay kong ina. Ngayon lang kasi ulit ako nakabisita sa kaniya rito dahil mas lalo lamang akong masasaktan kapag nakikita ko siyang naghihirap.

“Pakiramdam ko… wala akong kakampi… si Papa, abala siya sa trabaho at sa pangingisda. Si Leandro naman… Ma, naaawa na ako sa kaniya. Hi-hindi niya dapat nararanasan ang mga bagay na ito. Ang mga hirap!”

Napahagulgol ako sa pag-iyak at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko kay Mama. Siya nalang kasi ang malalapitan ko sa mga panahong ito.

“Bakit parang labag sa kalooban ko ang sabihin ang totoo? Ba-bakit parang pinipigilan ako ng puso ko, Ma? Ma-may nararamdaman na ba ako para kay Leandro?”

Minsan na lang akong maging totoo sa sarili ko… at si Mama lamang ang nakakaalam nun.

Marami pa akong sinabi kay Mama, sinumbong ko sa kaniya ang lahat nang mga nangyari at ang lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Wala rin naman kasi akong ibang pagsasabihan at pag-ku-kwentuhan kung hindi si Mama.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa trabaho. Napansin kong mag-isa na lamang ako sa bahay. Mukhang maagang umalis si Papa para mangisda, at ganoon rin si Leandro.

Bumuntong hininga ako nang makita kong may pagkain na sa munting lamesa namin. May nakahandang kanin, itlog at iba pang pang-umagahang pagkain. May iniwan rin itong kape na nilagyan niya ng sticky note.

“I’m sorry about last night. I’ll try my best not to get you mad at me. Please, eat your breakfast before you go to work. I’ll pick you up, later.”

-Leandro

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at tulala habang pinagmamasdan ang nakasulat sa sticky note. Lumambot ang puso ko at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon!

Pumasok ako sa trabaho nang hindi mawala si Leandro sa aking isipan. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Simula ngayon... hinding hindi na ako magiging malamig sa kaniya. Simula ngayon, ipaparamdam ko na sa kaniya... ang pagiging asawa ko... kahit sa kaonting panahon lang.

Ano ba itong naiisip ko! Dapat ang trabaho ko lang ang iniisip ko ngayon at hindi siya!

Dumating ang hapun at nagpatuloy lamang ako sa paglilinis nang inutosan ako ni Kyla na ihatid ang meryenda nila Ma’am Sophie sa cottage nila. Naroon rin ang iilang mga kaibigan nila at mga kaibigan ni Mr. Albienda. Mukhang may party rin kasi na gaganapin mamaya sa resort at abala ang aking mga kasamahan sa paglilinis.

Dala-dala ko ang tray na punong-puno ng mga drinks nila at dumiretso sa may cottage. Ilalagay ko na sana ang mga inumin nang biglang may tumalisud sa akin!

Nang dahil sa nangyari ay natapunan ko si Ma’am Yllana ng mga inumin at napatili kaming pareho!

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso, lalong-lalo na nang makita ko siyang galit na galit na humarap sa akin!

“What the hell did you just do?!” she screamed at me and almost yelled at me!

Nakita ko sa gilid ang pagngiti ni Ma’am Sophie na para bang sinadya niyang gawin iyon.

Dahan-dahan akong lumapit kay Yllana at nanginginig ang mga kamay kong kumuha ng malinis na tissue at sinubukan ko siyang punasan kahit alam kong ipagtatabuyan niya lamang ako.

“Get off me!”

Nagulat ako nang bigla niya akong marahas na tinulak at muntik pa akong mapasubsob sa buhangin!

Everyone cheered on Yllana, even the friends of Mr. Albienda! Pakiramdam ko… pinagtutulungan nila ako!

“Yllana, my dear? Hahayaan mo lang ba na ganunin ka lang ng babaeng ‘yan? I know for sure she did it on purpose.”

“Hi-hindi po, Ma’am! May tumalisud lang po sa akin.” I tried to defend myself back but Yllana was getting mad at me even more.

“Tumahimik ka! Alam kong sinadya mo ‘yon! What do you think about yourself?! Mahirap ka lang at kahit anong gawin mo?! Hinding-hindi ka magiging katulad ko! Because you’re poor and disgusting woman!” sigaw niya sa akin at kumuha pa ito ng inumin sa lamesa nila at marahas niya itong itinapon sa akin.

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung hindi tatlo…

I begged her to stop but she’s too mad at me!

Inubo ako nang dahil sa mga inoming itinapon niya sa akin.

“Iyan ang nararapat sa isang tulad mo! I’ll make sure you’ll get fired after this!”

Nang makita kong sasabuyan niya ulit ako ng inomin nang biglang may humarang sa aking harapan.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Leandro!

I saw how he get mad at them, especially on Yllana!

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Leandro!

Dahan-dahan siyang humarap at tumingin kay Yllana. Nakita kong binawi niya ang baso at hinagis ito sa gilid.

Napatili ang dalawang babae nang mag-ingay iyon at nakita ko ang gulat na gulat na eskpresyon ni Yllana.

Dahan-dahan akong tumayo para awatin si Leandro. Ayokong magalit siya sa kanila. Dahil alam ko kung paano magalit si Leandro.

“Subukan mong gawin ulit iyon sa asawa ko at hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka.” Nararamdaman ko sa boses ni Leandro ang galit nito!

I tried to touch him and stop him but he’s just too mad!

Nakita ko ang gulat na gulat na ekspresyon nila Sophie at Yllana. Lalong-lalo na nang magsalita si Yllana sa aming harapan.

“Leandro?! You-you’re alive?!”

Umawang ang aking bibig at sumikip ang aking dibdib nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Yllana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top