Capítulo 12

Capítulo 12

“Ihahatid na kita sa resort,” ani Leandro habang nagliligpit ng aming mga pinagkainan.

Umawang ang aking bibi habang nag-aayos ako sa aking sarili. I saw him hurriedly clean the table and go to me. Maaga siyang nagising ngayon at kaagad na nagluto ng aming agahan. Habang si Papa naman ay nauna nang lumabas ng bahay at hindi man lang niya hinintay si Leandro.

“Huwag na, ka-kaya ko naman, eh.”

Baka magkasalubong lamang silang dalawa roon ni Prince at baka mag-away pa. Lalong-lalo na dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Prince, at iniiwasan niya rin ako.

“It’s okay, I’m heading to the hospital right away. Hihiramin ko muna ang motor ni Gio, wala rin kasi siyang trabaho ngayon.” Pagpapaliwanag niya sa akin.

I swallowed hard and sighed. Maybe I don’t have a choice but to agree with him.

“Hihintayin nalang kita sa labas,” iyon na lamang ang naging tugon ko at kaagad akong lumabas ng bahay.

Naaawa ako kay Leandro, ilang linggo na siyang nangingisdang mag-isa. Minsan naman ay sumasama si Gio sa kaniya sa pangingisda para lamang matulungan ni Gio si Leandro. At madalas hatinggabi na silang nakakabalik galing sa pangingisda. Hanggang ngayon ay galit pa rin si Papa kay Leandro, kaya, hindi sinasama ni Papa si Leandro sa pangingisda kasama ang ibang mga kasamahan nito at palaging umaalis nang maaga. Leandro didn’t ask him about it. Tahimik lamang ito at sabi niya ay kontento na raw siya na mangisda na siya lang mag-isa.

Nang mapansin kong nasa pintuan na siya ay hindi ko mapigilan ang hindi siya pagmasdan. Even in his simple outfit, together with his messy hair. He can still drool women just like that. Inaamin kong gwapo si Leandro, matangkad at makisig ang katawan. Halos lahat nang mga dalagang babae sa palengke at nagkakagusto sa kaniya at ang iba pa ay nagpapadala ng pagkain rito sa bahay. Kulang na lang ay sila ang mangligaw rito kay Leandro!

It's annoying actually, but I don’t have the rights to cut it off. Hindi ko naman siya talaga pagmamay-ari. I am just pretending… and lying…

Nabalik lamang ako sa realidad nang bigla siyang lumapit sa akin at isinuot ang isang maliit na helmet. Hindi naman gaano kalayo ang resort sa bahay namin.

“Hindi na kailangan,” pagtutol ko  sa kaniya at umiling siya sa akin.

“Safety first, kahit malapit lang.” He whispered it to me and started the engine of the motorcycle.

His Spanish-hooded eyes bore into me and were waiting for me. 

Kumapit ako sa kaniya at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon! I feel something weird in my heart! Habang tinatangay ng agresibong hangin ang aking buhok ay mas lalong lumamig ang aking katawan. I shouldn’t feel this! Ayoko rin na magkagusto sa kaniya!

Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa gate ng resort. Nakita ko ang ibang mga staffs and waitress na nasa labas, at mukhang nagchichismisan pa. Masyado pa kasing maaga at eksaktong alas otso ng umaga magsisimula ang aming trabaho. Kaya ang iba ay naglilinis at nagwawalis muna sa labas.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nang iba kong mga kasamahan nang maabutan nila akong kasama si Leandro. Leandro removed his helmet slowly and shook his head to get rid of his messy hair. Tatanggalin ko na sana ang aking helmet nang bigla niyang hinapit ang aking bewang at siya na mismo ang tumanggal ng aking helmet.

“Tell me when your shift is done. Susunduin kita,” he said to me in a soft baritone voice, habang ang buong atensyon nito ay nasa akin lamang.

“Hindi na kailangan,” I refused to his offer. Hindi ako sanay lalong-lalo na dahil tutuksohin ako ng mga kasamahan ko sa trabaho.

“Susunduin pa rin kita, Amanah. It is my duty as your husband to serve you, even in the small things. So, please, allow me.”

Hindi ako makasagot sa kaniyang mga sinabi at sa huli ay sumang-ayon na lamang.

Nang makaalis na si Leandro ay kaagad na nilapitan ako ng iba kong mga kasamahan at tinampal nila ang aking kaliwang braso.

“Ang pogi pala ng asawa mo, Amanah! Saan mo ba iyon nabingwit, ha?! Naku po! Ang gwapo!” sabi ni Rosa habang kinikilig.

“Ang swerte mo, Amanah!” Nakangiting sabi rin ni Shaira.

Napapailing na lamang ako sa kanilang mga sinabi at natigil kami sa aming pagtatawanan nang biglang dumating si Kyla.

“Bakit kayo nag-chichismisan riyan?! Magsimula na kayong magtrabaho at darating ngayong araw ang fiancee ni Mr. Albienda!” striktang sabi nito sa amin, habang nakapamewang pa.

Yumuko kaming lahat at dinuro pa ako ni Kyla.

“At ikaw naman, magsimula ka nang maglinis sa banyo!” pag-uutos nito sa akin at gustong-gusto ko na talaga siyang patulan pero pinipigilan ko lamang ang aking sarili.

“Strikta talaga ng babaeng ‘yan. Akala mo naman kung sinong maganda!” galit na pabulong na sabi ni Rosa sa aking tabi.

“Hayaan mo na, Rosa.” Iyon na lamang ang nasabi ko at pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming trabaho.

Pagkatapos ng mga nangyari noong nakaraang linggo, tungkol sa pagbibintang sa akin tungkol sa pagnanakaw, ay inilipat nila ako rito sa paglilinis ng mga banyo. At in charge na si Kyla sa mga pag-uutos sa mga kasamahan niya sa oras ng pagsisimula nila sa trabaho.

Mas lalong naging hambog si Kyla nang inilipat siya at ginawang in-charge ng manager namin dito sa resort. Mas lumaki pa mismo ang ulo niya.

Pawis na pawis ako nang matapos kong linisin ang mga banyo at tiniis ang baho para lamang matapos ko ang trabaho ko ngayon. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili nang bigla kaming pinatawag lahat para bumati sa fíancee ni Mr. Edrian Albienda. Pinandilatan pa ako ni Kyla nang makita niyang ako nalang ang hinihintay at palabas pa lamang ng mamahaling sasakyan ang fíancee nito.

“Ang bagal mong kumilos!” She gritted her teeth at me and didn’t mind me when the guests arrived. 

Hinihingal pa ako at sabog ang aking buhok at pinagpapawisan ng malaki nang makita ko ang tatlong babaeng lumabas ng sasakyan at pumasok ng resort. There were bodyguards behind their backs, and some of their men were holding their things and luggage.

“Good morning, Ma’am! Welcome to our resort!”

“Where’s Edrian?” maarteng pagtatanong ng isang matangkad na babae.

She’s wearing an elegant peach dress and expensive sunglasses with her Hermes bag. Maalon rin ang mahabang buhok nito sa likuran. Habang ang isang babae ay pamilyar sa akin. Lalong-lalo na nang tinanggal niya ang kaniyang sunglasses!

Umigting ang aking panga nang makita ko si Ms. Venus! Magkakilala sila ng fíancee ni Mr. Albienda?!

Hindi maalis ang paningin ko sa kanilang tatlo habang pinagmamasdan ang kabuuan ng resort.

“Nasa office po si Mr. Albienda, Ma’am Sophie. Doon na raw po kayo dumiretso,” nakangiting sabi ni Kyla sa kaniya at kaagad na pinabuhat ang mga gamit nila sa amin.

Nailipat ang paningin ko sa isang babaeng panay ang tingin sa kabuuan ng resort. Matangkad siya at magkasing-tangkad lang kaming dalawa. Ang kaibahan lang ay mas maputi, makinis at maganda siya kaysa sa akin. Halatang hindi pinadadapuan ng lamok ang katawan nito.

Her french beauty is screaming from the outside. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay tumaas ang isa niyang kilay at inikotan ako ng mga mata.

Kumunot ang aking noo at napapailing… anak mayaman nga naman.

“Venus, Yllana, you can go to your rooms now. Let’s have fun later!” ani Sophie at ikinatuwa naman iyon ng dalawang babae.

“Ayusin mo ang mga gamit nila, Amanah at dalhin mo ang mga maleta nila.” Pag-uutos sa akin ni Kyla at kaagad naman akong sumunod sa mga sinabi niya.

I am really trying my best here to do my job right. At umiiwas na rin ako na makalaban kahit si Kyla, kahit na nararamdaman ko ang pagkadisgusto niya sa akin ay hindi ko nalang ito pinapansin.

It was three o’clock in the afternoon when they asked me to serve their snacks at the swimming pool. Marami ang mga naliligo sa swimming pool at nakita ko silang nakaupo sa sun lounger at habang si Venus ay naglalagay ng lotion sa kaniyang balat. They are having a serious talk when I arrived to their direction. Dahan-dahan kong nilagay ang kanilang mga wine sa maliit na table nila, habang patuloy pa rin sila sa kanilang pag-uusap.

“So, don’t you have plans Yllana on searching him again?” pagtatanong ni Sophie sa kaniya at sumulyap ako kay Yllana at nakita ko ang pagkadismaya nito sa kaniyang mukha.

Habang si Ma’am Venus naman ay umawang ang kaniyang bibig nang makita ako ngayon.

“We did our best to search him, Sophie… but, it’s hard to find him! He’s missing for months! God! Kung hindi lang sana siya nawala ay sana natuloy na ang kasal namin! Nasa akin na sana ang lahat nang parte niya dahil magiging asawa niya ako!” iritadong sabi ni Yllana at kumunot ang aking noo.

Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa at nakinig sa kanilang pag-uusap.

“That’s so bad luck, Yllana. That’s why you need to find him again! He’s a Fernandez after all! That’s a big name in the business industry.”

Pinaglaruan ni Yllana ang kaniyang baso, bago sumagot sa kaibigan.

“Yeah right, but it’s not too bad to mingle a bit while he’s not here.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa silang tatlo sa huling sinabi ni Yllana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top