Capítulo 11

Capítulo 11

I watched him manoeuvre the machine of the boat. Mas lalong tinangay ng hangin ang aking maalon na buhok at ang malamig at sariwang hangin ay bumalot sa aking katawan.

Umawang ang aking bibig nang makarating kami sa isa pang isla. Isang pribadong isla. Matagal na itong hindi pinapapuntahan ng mga may-ari, hindi ko rin alam kung bakit nila pinasara ang islang ito. Gayong, sentro ito para sa mga turistang pumupunta rito sa Siargao.

Makulimlim ang kalangitan at hudyat na babagsak ang malakas na ulan. Kaonti lamang ang nakuhang isda ni Leandro, sakto lamang ang mga ito para sa hapunan namin mamaya. Nauna siyang bumaba sa bangka at kaagad na naglahad ng kamay sa akin.

He looked at me seriously while waiting for my hand. I bit my lower lip, and I slowly grabbed his right hand. Malamig ang kamay niya at iginiya niya ako para hindi ako mahirapan sa pagbaba.

Maaliwalas ang isla at mukhang kaming dalawa lang ang nandito.

Napakibit-balikat na lamang ako nang bigla niyang kinuha ang dalawang malaking isda sa bangka at kumuha ng mga sanga ng kahoy at nagsimulang magpa-apoy. Kumunot ang aking noo at hinayaan ko nalang siya sa kaniyang ginagawa.

“Dito tayo kakain?” Pagtatanong ko sa kaniya.

Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Maamo ang ekpresyon nito at kaagad akong sinagot.

“Yes, dito nalang tayo kumain. Ang natirang mga isda ay iyon ang uulamin natin mamaya.”

The veins in his hands were very evident. Hindi bagay ang kutis at ang balat niya sa mga ganitong gawain. His skin is sensitive, but the more he get used to this, unti-unti na rin nasanay ang balat niya. Papa taught him on how to make a fire. Maraming tinuro si Papa sa kaniya, mga bagay na hindi ko inakalang kaya pala niyang gawin.

My lips twitched when I saw him make a fire easily. It feels like he is an expert of doing it all alone. Nang tuluyan na siyang makagawa ng apoy ay kaagad niyang nilagay ang mga isda na tinuhog sa mga kahoy. Umupo siya sa gilid at malalim ang iniisip. Nasa karagatan lamang ang buong atensyon nito.

His hooded eyes were very serious looking at the calm sea. Kunot pa rin ang noo nito at kahit strikto siyang tignan, gwapo pa rin. I couldn’t argue that, because it’s true!

Hindi ko na napigilan at napatanong na ako sa kaniya. This is actually our first time hanging out together alone. Hindi kasi ako sumasama sa kaniya o sa kanila ni Papa tuwing mangingisda sila. At naiinis ako sa kaniya nang walang dahilan.

“Okay ka lang? Mukhang… ang lalim ata ng mga iniisip mo.” Mahinahon kong sabi sa kaniya.

He chuckled and shook his head. Sumilay ang kaonting ngiti sa kaniyang mga labi at tumingin sa akin.

“I was just wondering… what kind of life do I have. Anong klaseng tao ako noon, mabait ba ako, masipag. All those memories that I forgot… I want it all back to me. Pero, ang hirap… sobrang hirap…”

Umawang ang aking bibig at ako naman ngayon ang hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Sumikip ang aking dibdib at kumirot ito. I swallowed hard and my conscience is killing me inside.

“So… Amanah… what kind of man am I? How did you fall in love with the old Leandro? I want to know so that I can love you right. Just like the old times..”

Pasimple kong inali ang aking mga luha, gamit ang aking daliri. Lalong-lalo na nang makita ko siyang naghihintay nang magiging sagot ko. Nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko ang sakit sa mga ito.

“Tell me everything… I deserve to know the truth. Because every time I look at you, it feels like you’re a different person to me. You are near, yet you’re too far. Mas mahal mo ba ang dating Leandro noon? Paano siya makitungo sa’yo? Pa-paano ka niya mahalin? Tell me, tell me so that I can bring him back again.”

Napabuntong hininga ako at napapikit. I really thought he would be curious about his life, but asking me what kind of man he was before and what kind of love he offered me makes me mad a little bit. Kung sasabihin lang niya sa akin na kuryoso siya sa buhay na mayroon siya noon, kung anong klaseng tao siya noong hindi pa niya ako nakilala, siguro ay… hindi ko kakayanin at masabi ko sa kaniya ang lahat. Takot lang ako kay Papa kaya hindi ko masabi sa kaniya ang totoo.

“Huwag mo nang isipin pa ‘yon, Leandro. Ang importante, buhay ka.” Iyon lamang ang isinagot ko sa kaniya dahil wala rin naman akong masasabi pa. Ayoko na rin naman na dagdagan pa ang mga kasalanan ko.

Bumuntong hininga siya at kaagad na yumuko.

Imbes na mag-alala siya sa kung ano ang buhay niya noong hindi pa nawala ang alaala niya, ako pa rin at ang pag-ibig niya ang inaalala niya.

“Pipilitin ko ang sariling makaalala, Amanah… dahil alam kong iyon lang ang tanging paraan para lang bumalik tayo sa dati. I really want to remember our memories together.”

Nagtama ang aming mga mata at hindi na siya muling nagsalita pa. It really bothers me every time he would say that. We don’t have memories together, Leandro. Ngayon ka lang dumating sa mga buhay namin. You had a cruel past experience; you’re a captain. You have a wonderful life.

“Kumain ka nalang, luto na ang isdang ito.” Pag-iiba niya sa aming usapan at hindi ko na mapigilan ang aking sarili at napaluha na.

Tears flew down my cheeks like river. Naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon. He doesn’t deserve this! He deserve to know the truth! Hindi naman puwedeng habangbuhay nalang namin siyang ikukulong rito sa islang ito!

Hid jaw dropped and immediately went to me. Punong-puno nang pag-aalala ang kaniyang mga mata at kaagad na hinawakan ang aking palapulsuhan. Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako sa pag-iyak.

“Amanah… what happened? Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo sa’kin.” Nag-aalala niyang sabi sa akin.

I controlled myself and shook my head. Nang lumingon ako sa kaniya ay mas lalo lamang sumisikip ang dibdib ko!

“I’m sorry, I’m really sorry, Leandro!” iyon lamang ang nasabi ko sa kaniya at kuryoso naman siyang nakatingin sa akin. Hindi maintindihan at napakurap-kurap.

Ipinagsalikop niya ang aming mga kamay. My hands fit for him perfectly. He kissed both of my hand and sighed.

“You don’t have to apologize, Amanah… ako ang problema rito, at susubukan ko ang makakaya ko para makaalala. We’ll make this together. We’ll fight for this together.” He whispered it to me and even kissed my forehead.

Mas lalo lamang akong napaluha at parang umurong ang dila ko at hindi na ako makapagsalita pang muli. Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang totoo, pero napapangunahan ako ng takot!

Hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman ni Leandro para sa akin. Hindi ko alam na… makakaramdam kaagad siya ng pagmamahal, gayong, ngayon pa lamang kami nagkasama. He is gentle to me, even when I’m rough towards him. His actions never changed. At unti-unti na rin nagbabago ang paningin ko sa kaniya. Unti-unti nang lumalambot ang puso ko para sa kaniya.

The way he treats my family like his very own. The way he works almost every day of his life just to have money for the bills of my mother. Lahat nang iyon ay kaya niyang gawin para sa pamilya ko. Hindi siya nagdalawang-isip na tumulong sa akin, sa amin.  He didn’t even question my father about his old life. Alam kong sa huli, pagbabayaran ko rin ang lahat nang ito. Alam kong sa huli, kami ni Papa ang mananagot sa mga kasalanang nagawa namin sa kaniya.

He will be my downfall… and I’ll embrace it.

Pabalik na kami sa aming bangka nang dumating ang isang lalaking matanda sa isla. Mukhang isa ito sa mga tagapangalaga ng islang ito.

Nakita ko ang pagtitig nito kay Leandro at gulat na gulat.

“Hijo, namumukhaan kita. Parang pamilyar ka sa akin.”

Nanlaki ang aking mga mata at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Hindi ako mapakali nang lumingon si Leandro sa kaniya at nginitian pa niya ang matanda!

“Palagi po nilang sinasabi ‘yan sa akin, Manong. Sabi nila may kamukha raw po akong artista.” Nakangiting sabi pa nito at umiling, bago pinaandar ang makina ng bangka.

Ang matanda ay unti-unting lumalapit sa aming direksyon at mas lalong naging kuryoso kay Leandro.

“Oo! Hindi nga lang iyon artista, pero, iyong nawawalang piloto! Kamukhang-kamukha mo iyon, hijo! Hindi ko nga lang matandaan ang pangalan.”

Pinagpawisan na ako nang butil at kinabahan nang sobra! Kaagad kong hinawakan sa braso si Leandro at inayang bumalik na sa amin.

Nilingon niya ako at kumunot ang kaniyang noo.

“Umuwi na tayo, biglang sumakit ang ulo ko, eh.” Pagdadahilan ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin at ngumiti sa matanda at hindi na pinansin ang mga sinabi nito sa kaniya.

“Mauna na po kami, Manong. Pagod na po itong asawa ko.”

Magsasalita pa sanang muli ang matandang lalaki ngunit hindi na lamang siya tumuloy at hinayaan kaming umalis at kumaway pa ito sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top