Chapter 2
Vanimel P.O.V
Habang nandito kami sa Gym ngayon diku maiwasan tumingin SA mga mukha ng mga kaklase kong mga boys.
At syempre tumingin din akosa mga girls pinafamiliarize ko kung may transfere ba kami na kaklase mapaBabae man o lalake, pero para naman sakin diku parin kilala yung ibang ka kaklase ko ngayon although naging schoolmate ko sila for the past few years.
Focus lang kase talaga ako sa klase kaya ayun tatlo lang ang Kaibigan ko wala pa nga si Elmer na bakla rin na katulad ko at swerte ko dahil kaklase ko parin sila as I spent my highschool life at sana dumami pa sila.
Ewan, Kung nasan na si Elmer lagi kasi yung late at minsan naman absent.
Pero kahit ganun yun alam niyo bang mabait yung si Elmer tas saming magkakaibigan siya lagi ang nanlilibre samin at ang paborito niyang laging bilhin sa canteen ay Lumpiang shanghai.
Taray noh!
Samantalang ako tamang sopas at buko Juice lang HAAHAHAHHA!
"Good day! Jaro National Highschool, bagong taon naman ng pasukan ng klase, bagong kaklase, bagong Guro, Classroom at mga Kaibigan lalo na ang Lovelife."
"Woooooo!!!"
Sigawan naman ng mga estudyante dito sa Gym sa banat ng aming principal.
Medyo thirties palang ang edad ng principal namin, so well I'm looking forward about love too.
Gusto ko yung lalaking mamahalin ako kahit na bakla ako ay tanggap niya ako kung sino ako—
"Hayssst!!! G-gra...be....grabe...Vanny."
Si Elmer lang pala mukhang shunga sa kakahawak ng bandang puso niya habang humihingal na parang tanga.
Ano ba naman kase nagmumuni muni ang utak ko biglang susulpot hay! Naku.
Tinignan ko naman siya at para masabihan na rin kung bat ngayon lang siya.
"Oh! Anong hinihingal hingal mo diyan ang Oa mong hingalin Elm, Ha!"
Singhal ko pa, nagpeace naman ang Gaga kala mo maganda well maganda din naman siya kapag nakataon kapag naayusan na siya nang pangbabae kahit chubby siya at ako naman ay diyosa, syempre.
"H-he...Heee! Mukha mo Vanny...ano ba naman kase tinakbo ko lang doon sa street ng mercury papunta dito nasira kase ang sasakyan sa kalagitnaan ng kalsada, Kaya sabi ng driver namin lakarin ko nalang! Nakakainis talaga alam mo yun na nagpaganda ako ng bonggang bongga tas tatakbuhin ko lang pala papuntang dito."
Maktol naman niya at halatang inis na inis dahil pumapadyak padyak pa talaga ang paa niya.
"Well sino bang nagsabi na takbuhin mo kung sabi nga ng driver niyong lakarin mo lang! Papunta dito although pwede ka rin ngang rumampa diyan kung gustuhin mo total first day of school naman ngayon marami pang program."
Sagot ko naman sa kaartehan niya.
Napatakip naman siya ng mabaho niyang bibig cheka! Lang Oa kase parang nagugulat siya, Over reacting talaga ni Elmer.
"Oo nga Vanny, Noh...bat diku yun naisip, Alam mo minsan may utak ka rin noh...ngayon mo lang ginamit bakla ka! May point ka talaga eh."
Gaga talaga binaliktad pa.
"Tse! Binaliktad mo pa ang sitwasyon."
"Hahahaha! Atleast cute ako tas panget ka Vanny! Bleee!"
Sabi pa niya na nakalabas ang dila ng aasar talaga.
"Shhhh...kanina pa kayung dalawa makinig kayu sa program."
Biglang suway samin ng isa sa mga teacher, napahagikgik naman si Elmer.
Kita! Dina talaga natakot.
Yan si Elmer John Jabat, A.K.A Elm.
***
"Vanny... Ang utak mo lumilipad naman."
Biglang sulpot naman ni Cris na kaklase ko last year na section four na ngayon, nasa kalagitnaan kase ako ng pag-iisip ko at biglang nalang siyang Boom! Sulpot!
Kaya bwela nandito na siya sa tabi Kung bench sa harap ng classroom namin.
"Nagulat naman ako bat ka pala nandito?" Tanong ko naman sakanya.
"Hello! Syempre break time na Bakla wala kabang ganang kumain?"
"Luh! Breaktime na pala Hahhahahha! Diku namalayan ang oras dikase ako tumulong dun sa loob ng classroom para magclean eh."
Tumango tango naman si Cris saka nilagay ang isang daliri niya sakanyang ilalim ng bibig.
"So, Vanny...kamusta naman bakasyon mo, Ha! If I know dikapa umaamin sa Family mo noh! Naku! Ha! Bad yan."
Tumawa naman akosa sermun niya huli talaga siya sa balita dahil hindi na kami kaklase.
Not like on my previous school year na lagi kaming magkaklase at dikami nagkakahiwalay.
Si Cris ay bading din na katulad ko nung grade 7 palang inaamin niya na pusong mamon din siya samantalang ako nung time na yun dinideny kopa pero ngayon heto ako mas clear at mas positive na Gay talaga ako.
Takot kasi ako nun sa mga sasabihin sakin ng mga Tao ngunit ngayon wala na akong pake kung ano mang-isipin nila sakin dahil ganito talaga ako.
"Yan kananaman, Vanny. Iwas iwasan mo nga kakatulala diyan alam mong ba kapag nag iisip ka kinakain ng brain cells mo ang isip mo."
Biro pani Cris na nagpabalik sakin, napatawa naman ako.
"Hahahaha! Timang ka talaga. Yung sa tanong na Sinabi mo kanina na kong umamin na akosa family ko well, Mission Accomplished." Proud ko pang sabi.
"Bravo my Girl."
Sabi naman ni Cris na may papalakpak pa ang Timang niya.
"So paano ka nagconfess na Gay ka kuwento mo naman."
Utos pa niya na ikina-ngiti ko saka ikinuwento ang pag-amin kosa mga magulang ko at mga kapatid na bakla ako.
Pagkatapos kong ikuwento may pa drama drama pang si Cris na nalalaman na parang umiiyak siya tas pinahid pahid niya ang bawat sulok ng mata niya.
"Ang drama queen mo talaga, Cris. Sarap mong batukan eh!"
"HAHAHAHA! Biro lang naman pero Vanny!! I'm so proud of you!"
Tili naman niya ikinahawak kosa Ears ko ang mga kamay ko saka siya hinampas ng mahina.
"Gaga! Ka talaga bat ka tumitili."
"Hahahaha! Trip ko lang bat ba? Para naman may thrill, payakap Vanny...namiss kita eh!"
Sabi pa niya tas iniangat ang dalawang kamay na parang humihingi ng yakap.
Niyakap ko naman siya na ikinabungisngis ng Gaga.
"Bango mo Vann...sana dikanalang naging kauri namin hayssst sayang ka."
Sabi pa niya ng kumalas na kami sa pagyayakap.
Kitams ng iinsulto pa.
"Hoy! Ayusin mo yang pananalita mo, Cris...I don't like it so Gross naman ng mga salita na lumalabas sa bibig mo!"
Tumawa lang siya saka tumayo.
"So well maybe next time naman tayong mag geGay talk alam muna about Naman sa Lovelife mo, See ya! Around Vanny."
Pagpapaalam pa niya na ikinablush ko nang sinabi niya ang lovelife.
Bumeso muna siya saka nagwave sakin at pumunta nasa classroom nila na which is clear na malinis na samantalang samin.
Hindi pa at nililinis pa hanggang ngayon.
Well habang naghihintay ako dito nag-iisip din ako about sa lovelife ko this year at sana Hindi complicated diba.
Siguro nagtataka ang iba kong bakit nag-iisa lang ako, Kase naman yung tatlo kung magagaling na Kaibigan ay nasa cafeteria kumakain ng Unli batchoy...Eh!
Dinaman ako medyo palakain nun maliban nalang kapag Wala akong almusal sa umaga.
Nagmasid pa ako sa harap at pagharap mo talaga classroom na namin kase may bench sa labas nito at pathway saka classroom naman kapag tumawid ka.
Kalsada lang ang Peg Vanny?
Marami parin silang nililinis at karamihan sa mga tumutulong ay mga boys at kaunti lang ang mga girls ang iba sakanila nakikilala ko at narirecognize ko.
Yung iba schoolmate ko dati na kilala kona but di ako kilala nila at mayroon ring sa mukha ko lang sila narecognize at hindi ko kilala ang pangalan nila.
Saka mayroon ding new faces of the town syempre pwedeng bang mawala ang mga Transfere...
***
Mga ilang oras pa ay bumalik na sina Elmer, Mitzi, saka Tristanas este Tristan.
Nagkukuwentuhan naman sila about sa bakasyon nila at ng tinanong akoni Elm na kamusta ang bakasyon ko at ano nangyari sa confession ko ay si Mitzi na ang sumagot.
Well mas mabuti na yun may spokeperson ako for free kabinete Lang.... HAHAHAHA!
Ilang minuto pa ay tinawag na kami ng mga kaklase namin na pumasok na raw kami ng classroom dahil may ia-announced daw si Ma'am.
Pagkapasok namin di na maalikabok ang classroom at saka malinis na rin saka amoy floor wax parin ang sahig na masasabi mo talaga na bago palang ang Operation oplan linis of First day of school ng mga kaklase ko at ibang mga estudyante pa sa kabilang mga section.
Nang pumasok na kami ay humanap ako ng puwesto ko na magiging upuan ko for the whole year ng highschool life ko ngayon sa ditong subject at section ng klase namin.
Saan kaya pwedeng umupo at magandang puwesto?
Hmmmmm?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top