Chapter 1

Vanimel P.O.V

"Vanimel! Dito."

Napalingon akosa tumawag sakin at nakilala ko naman ito siya si Tristan ang kaklase ko noong nakaraang school year.

Kasalukuyan ko kase binabaybay ang bulletin board kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng sectioning namin.

"Oh..Tristan kamusta kana?" paunang bati ko naman sakanya.

"Heto matalino at gwapo parin."

"Ay! Ang hangin ha!" Biglang sulpot Naman ng isang Kaibigan konasi Mitzi siya ay babae.

"Alam mo Mitz kahit minsan subukan mo naman maging supportive panira ka ng intro eh."

Maktol pani Tristan sakanya.

"Hahahaha! Edi wow sayu! nga pala Vanimel no need to gitgitan na sa Bulletin board kase magkaklase parin tayong tatlo! Yehey!"

Owemji! Talaga!

"Ah, mabuti naman kung ganun kamusta ka Mitzi, I mean kamusta bakasyon mo?" I ask.

"Ito masaya puro food trip at gala, ikaw Van anong bago sayu ngayon?"

"Owws! Si Vanimel may pagbabago..oo meron yan magiging Babae na Yan!"

Pang-aasar pani Tristan.

"Ikaw talaga Tristan, napaka tristanas mo talaga! Hahaha..Okay lang naman Mitzi nothing's new. Mahilig parin sa WWE at syempre you know naman sirena parin."

Sagot ko naman sakanila. Ngumiti naman sakin si Mitzi.

"Nasabi mona ba sa Papa muna Gay ka?"

Ah...oo nga pala iyan din ang pinagkaabalahan ko ng summer, pinatatag ko talaga Ang loob ko kahit na pusong mamon ako para lang makapagconfess sa Ama kona Sirena ako at Hindi tyokoy.

Na babae talaga ako nastuck Lang sa katawang ito.

"Hahahaha! Ah Yun Oo sinabi Kuna sakanya na ganun Ang nararamdaman ko Hindi naman siya nagalit o nasaktan ako."

Sagot ko. Which is true naman.

"Mabuti Kung ganun eh..bakit ang tamlay mo eh, sa ayos naman kayu ng Papa mo, Van?"

Tanong pani Mitzi na tinanguan naman ni Tristan.

"Nagtampo siya, syempre dinaman niya akalaing na babae talaga ako na nastuck lang sa katawang ito, Char! Nasaktan siya kase alam naman niyang may pagka babae daw akong gumalaw pero binalewala niya lang at yun nga di niya akalaing magtatapat ako sakanya na mamon ako at di tao."

"Vanimel naman!"

Saway pani Mitzi na ikinatawa ko.

"Oo na diniya akalaing magtatapat ako at masakit sa Ego na kase lalaki ako, pero tanggap na niya na heto talaga ako, at ilang linggo lang kinausap niya ako which is make me cry."

Kwento kopa nakita ko namang tulala lang si Tristan sakin habang malalim ang kanyang iniisip.

"So eh! Anona Ang nangyari? Sa usapan niyo?"

Tanong pani Mitzi na halatang interested talaga sa nangyari sakin.

"Oo heto na wag atat! Uy! Tristan bat ka natulala?"

"Wala." Sagot niya naman.

"Vanimel go on na!" Sagot pani Mitzi with hand gestures na parang sinsabi Gora na Besh.

Flashback...

Summer vacation namin ngayon at sa susunod na Dalawang month pa ang pasukan namin, ngunit may bumabagabag parin sa isip ko at Lalo na sa pagkatao ko.

Parang mayroong tinik na nakabara sa aking puso na kapag tumagal pa ay pwede kuna ikamatay.

Yun ang pagpapanggap kosa Pamilya namin at Lalo na kay Papa na Lalaki talaga ako, ngunit mayroon talagang nagsasabi na hindi ako ito.

Napabuntong hininga ako ng ilang ulit at ilang taon kona rin itong kinikimkim saking sarili, takot na baka pati Pamilya ko pandirihan ako dahil yun ang kasarian ko at Lalo na ang nararamdaman ko.

Ilang linggo kona ring pinag isipan tuh...na magtatapat na ako saking Ama.

Magalit man siya sakin o mandiri Wala akong magagawa kase ganito ako at tanggap Kona kung ano sa dalawang yan ang kanyang magiging reaction.

This it Vanimel! I mean Vanny na! Dahil babae tayo.

Cheer up kopa sa sarili ko saka ako lumabas ng kwarto ko at lumakad papunta sa office ng Papa ko.

Nararamdaman ko ring na nilalamig ang mga kamay ko at may kasamang panginginig.

Natatakot ako.

Ilang ulot pa ako huminga ng malalim saka bumuga ulit ng hangin...feeling ko kase anytime soon mahihimatay akosa nerbiyos at parang pumupunta akosa aking huling hantungan... Huhuhuhu....

Nang sa tapat na ako ng Opisina ni Papa kumatok muna ako ng ilang ulit ngunit mga ilang minuto pa ang lumipas bago ko narinig ang boses ni Papa sa loob na pinahihintulutan na akong pumasok sakanyang Opisina.

Pinihit Kona ang siradora ng pintuan at ramdam kong namamawis na ang aking noo sa takot at mga negatibong pumapasok sa isip ko, at Kung ano ang kahinatnan ng pag-uusap namin at Lalo na sa pag-amin ko.

"Come in, Son. Sit down mukhang seryuso ang pag-uusapan natin ah."

Kitams! JuiceColored SON daw! Huhuhu! Ang hirap magpanggap.

Heto na Vanny...ito na Ang time para magtapat Wala nang atrasan.

Ngumiti naman ako ng pilit saka bumuga ng hangin kasi anytime soon I think mahihimatay ako, Hindi sa kaartehan kundi sa takot.

"Pa, may ipagtatapat sana ako sayu." Sabi kopa kay papa bago umupo.

Bahagya naman siyang tumango at nilapat niya ang dalawang kamay niya sa kanyang baba saka nagsalita.

"Go on, Son what is it?"

Mahinahon niyang Sabi, mahinahon ngayon baka mamaya mangboga siya ng apoy pag umamin na ako.

Ewan ngunit ilang beses pa akong napalunok ng sarili kong laway kase feeling ko tumutuyot ang lalamunan ko.

"Pa, Alam kong sa umpisa palang ay hindi ako ito ang nasa harapan niyo, at ayaw kopo kayung ma disappoint sa huli at magalit sakin, kase pa kahit ako nahihirapan na at habang tumatagal parang sasabog na, dito."

Simula ko saka tinuro ang bandang puso ko, at bahagya namang kumunot ang noo ni Papa parang pinapahiwatig na nalilito siya sa mga salita na binibitawan ko.

"Kaya Pa, habang maaga pa gusto ko nang ipagtapat sa inyo ang totoong ako at sana..S-sana wag niyo parin po akong ikahiya o husgahan, sana di po magbago ang pakikitungo niyo s-sakin bilang a-a..anak niyo."

Nauutal kong sabi at anytime alam kong tutulo na ang luha ko na kanina pa nangingilid sa sulok ng mga mata ko.

Hindi sa takot na masaktan ng physical kundi sa emotional takot na baka ikahiya ako ng sariling kong Ama.

"What do you mean, Vanimel?"

Tanong pani Papa at Alam kong seryuso na siya dahil ginamit niya sa pagtawag sakin ay Vanimel na pangalan ko talaga.

Bahagya naman akong tumaas ng tingin saka nakipagtitigan sa mata ni Papa.

"P-pa. B-bakla ako, a-a-alam...k-kona sa sarili ko noon paman na ganito t-talaga ako ngunit takot lang po a-akong s-sabihin sa inyo na ganito talaga ako at takot na mahusgahan niyo...Papa bakla ako at Hindi ko kinakahiya na sabihin ko sa inyo Ito ngayon dahil sawa na po akong magpanggap..."

Sabi ko, naglalandasan naman ang mga luha kosaking pisngi na sunod-sunod.

Wala namang reaction si Papa naghintay pa ako kung Jojombagin niya na ba ako o sisigawan, ngunit wala siyang ginawa nakatingin lang kami sa isa't isa.

Mga ilang minuto pa ay tumayo na siya sakanyang upuan at ako naman ay bahagyang yumuko, nakatalikod na si Papa sakin ngayon at nakatingin sa malayo sa pamamagitan ng bintana na nakasiwang sakanyang Opisina.

Narinig ko naman siyang bahagyang huminga ng malalim saka nagsalita at ako naman nandito parin sa harap ng table niya na nakaupo.

"Lumabas kana muna bigyan mo ako ng araw, Anak na intindihan ang sinabi mo kase bilang ama mo nasasaktan ako at sana maunawaan mo yun."

Bahagya ko naman siyang tinitigan saka tumayo na palabas na ako ng opisina niya ng magsalita ulit siya na nagpadurog ng puso ko.

"At sa simula sa araw na ito Vanimel Hindi muna kitang kikilalanin na anak, ipapatawag nalang kita kapag mag uusap tayo, Dahil wala akong anak na Bakla."

Diko na mapigilan ang paghikbi ko dahil sa katagang binitawan ni Papa kaya naman dali dali akong lumabas ng opisina niya at tumakbo papunta sa kwarto ko at dun ako umiyak ng umiyak sa sakit na naramdaman ko at the same time magaan ang kalooban ko dahil Wala na akong kinikimkim na kung anong sekreto sa pagkatao ko.

***

*Tok! *Tok*

Diko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko at nagising ako dahil sa may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Bumangon ako para buksan yun umaasang si Papa ngunit si Mama ang sumalubong sakin.

Bahagyang namang ngumiti sakin si Mama.

"Anak pwede ba akong pumasok, usap tayo."

Alangan may choice ako diba, pinatuloy kuna si Mama sa kwarto ko dumiretso naman siya sa kama ko at dun umupo.

"Vanny, halika dito upo ka dito sa tabi ko." Tawag pa sakin ni Mama at bahagya pang tinap ang katabi nito na uupuan ko.

Sumunod naman ako.

Vanny tawag sakin ni Mama kase parang babae daw ako at kapag nagkataon na maging babae ako ay Vanny ang pangalan na ibibigay sakun although I like my nickname na ganyan kesa Van which is Gross!

Nang makaupo na ako sa tabi niya hinawakan naman niya ang kamay ko na ikinagaan ng loob ko.

"Anak it is true na Girlalo ka?"

Tanong pani Mama na akala ko magagalit siya pagnakataon ngunit parang masaya pa siya sa ipinagtapat ko kay Papa.

Tumango naman ako ng bahagya ng di tumitingin sakanya kase I know na mababa lang ang luha ko at iiyak naman ako.

"Yehey! I have two daughters na, hug ka dito Kay Mama nak..para gumaan yang nararamdaman mo na dinadala mo for all this year's...bat ngayon mo lang Sinabi...tampo ako sayu nak kase si Papa mopa ang una mong sinabihan kesa sakin."

Sabi pani Mama na nagmamaktol na parang Bata saka humalukipkip.

Tumawa naman ako at yumakap sakanya.

"Mama alam niyo naman na ayaw kong madisappoint ko kayu sa expectation niyo sakin, at bago mahuli ang lahat si Papa ang una kong sinabihan na ipinagtapat ko na Mamon ako Ma...ngunit masakit po ang sinabi niya pero di niya naman po ako hinusgahan, Mama salamat posa pag intindi huhuhuhu...akala ko a-akala k-ko papalayasin niyo ako at ikaw unang manghuhusga s-sakin kase babae ka Ma at takot po ako...Huhuhuhu...."

Dikuna mapigilan ang paghikbi ko kay Mama para akong Bata na nagsusumbong na kinuha ang boylet ko— este candy.

Naramdaman ko naman na nilalamas lamas ni mama ang likod ko ng isang niyang kamay at ang isa sa kamay ko.

"I know naman kase baby Vanny ko na dika talaga boy...as in na Guy in the future which is your a Gay pero anak alam mong nararamdaman ko yun kahit anong tago mo sakin dika magtatagumpay dahil Mama mo ako at galing kasakin saka ramdam kita anak, I'm so proud of you lumabas ka nga talaga sa Shell mo hinihintay ko lang talaga na magtapat ka sakin which is kay Papa mo pa ikaw unang nagtapat, pero anak I love you tandaan mo yan walang mga magulang na hinuhusgahan ang anak dahil sa kasarian ang importante samin ay mapalaki namin kayu ng maayos na may mabuting puso, pagkatandaan mo yan."

Napangiti naman ako at napaluha sa sinabi ni Mama ang sarap ng word of wisdom ni Mama nakakagaan ng loob.

"Salamat Ma."

"Wala yun anak, nga pala bigyan mo lang ng oras ang Papa mo makapag isip at matanggap na babae ka...Yieeeee! Tatlo na tayong babae dito, basta Vanny intindihin mo nalang Papa mo Ha...wag Kang magtanim ng galit sa isip mo Laban sa Papa mo lalo't nasa Puso mo."

"Opo Ma...Ang suwerte ko talaga na may mama ako na katulad mo."

"Swerte din ako na may anak akong Gaya mo pwedeng maging Babae at the sametime Lalake. Sige na anak baba kanalang sa kusina para kumain ha..Love you wag mong pabayaan sarili mo."

Sabi pani Mama sakin at hinalikan ang ulo ko saka lumabas na siya ng kwarto.

Kahit paano masaya ako dahil tanggap ako ng Mama ko at maghihintay nalang ako ng araw kung kailan magiging okay na din kami ni Papa at tanggap niya na ako sa araw na magkausap kami.

***

One week at apat na araw ng nakalipas simula ng magtapat ako kay Papa at ni Mama.

Tanggap naman yun ng mga kapatid kona ikinatuwa nila dahil lumabas na daw ang totoong ako na hindi impostor...

Grabe parang laro lang, pero nakakagaan ng loob maliban nalang kay Papa na tinutohanan ang sinabi niya di niya ako pinapansin kahit malapit lang ako at minsan magkasulubong kami sa bahay at mapalabas man di niya ako pinapansin which is masakit sakin.

Ngayon nandito akosa graden namin kahit Gabi na nagmumuni muni ako at nag iisip dahil ilang buwan nalang may klase nanaman.

Umupo akosa bench dito at bahagyang napabuntong hininga ang daming nagbago sa oneweek na nagdaan simula ng inilabas kona ang Vanny side ko nagiging light ang mood ng mga kapatid ko di na ako naiilang sakanila, tatlo kaming magkakapatid dalawang lalake dapat at isang babae na bunso namin ngunit Babae din ako noh...Kaya ayun si Peter ang panganay na lalake saming magkakapatid at ako naman ay Pangalawa na sirenang maganda at Ang bunso si Nicole na cute.

Ang saya ng bonding namin kase katulad ni Mama tanggap nila kung ano talaga ako.

Habang nag iisip ako ng malalim diku napansin na may tumabi na pala sakin at napansin ko nalang ng bahagyang may tumikhim na boses.

Si Papa.

"P-pa..."

"V-vanny...patawad kong natagalan ngunit ngayon tanggap kona anak na kung ano ka at kahit Sino kaman Mahal kita anak dahil baliktarin man Ang mundo ikaw parin Ang Vanimel na anak kung lalake na naging babae ngayon." Nakangiti pana sabi ni Papa sakin.

Napaluha naman ako.

"Papa Naman eh... salamat Papa. Mahal ko din kayu." Sabi ko naman at yumakap sakanya.

Naramdaman ko naman na yumakap siyang pabalik sakin at nagpangiti sakin gumaan talaga ang loob ko dahil Ito talaga Ang araw na hinihintay kona ang mismong Ama at pamilya ko ang tatanggap sakin na Kung sino talaga ako.

"Mas mahal kanamin anak, walang magulang na gustong makaaway o magkatampuhan sa anak at pasensiya kana kung nasaktan ko ang damdamin ng panganay namin prinsesa...Salamat sa pag unawa, Vanny."

"Wala po yun, Pa."

Ngumiti naman si Papa sakin, na ginantihan ko naman tinukso pa nga kami ng makapasok kami ng bahay bati na daw kami.

Hahahahaha Which is the great day of my vacation, at dun narin nagsimula na Ang tawag nila sakin sa bahay ay Vanny.

End of Flashback...


"Huhuhuhhu...naiiyak ako Vanimel, mabuti at natanggap kana nila."

Sabi pani Mitzi ng ikinuwento ko sakanya ang pagtapat kusa Papa ko nung summer.

"Oo nga eh...Ang sarap sa feeling nga Mitz.."

"Congrats! Van, proud ako sayu!" Sagot naman ni Tristan na ikinangiti ko.

*RiiiiiIiiiinnnnGggg* *Riinnng*

"Ay! Nag bell na hali na kayu punta na Tayo ng Gym may program dun at may announcement daw ang Principal natin at this school year."

Sabi naman ni Mitzi samin.

Lumakad na nga kami papuntang Gym at marami na din dung mga student pero bago nun bumalik muna kami sa mga building at hinanap ang classroom namin para maiwanan ang bag namin at makapunta sa Gym.

Section two ako sa pasukan na ito at ang section namin ay 10- Canary.

Mga ibon ang sectioning namin nang mailagay na namin ang bag namin lumabas na kami at hinanap sa mga naglilinyahan na mga estudyante sa mga kanikanilang section at kami naman lumapit na din sa section namin.

Dahil mayroong namang nakalagay na hawak ng isang estudyante na 10- Canary na siguro kaklase ko rin sa taong ito.


Nagmasid naman akosa mga paligid ko at tumingin tingin sa ibang section.

Bongga ang daming mga yummy HAHHAHAHHA!

Uy! Vanny wag malandi..first day na first day karingkingan yang sayu!

Oo na.

Bahagyang kontra ng bahagi ng isipan ko.

Sana maging okay ang year na ito ng highschool life ko at dito na magsisimula ang paglabas ko ng totoong ako sa year ng pasukan na ito, may magalit man sakin o may manghusga wala na akong pake.

Kase ito talaga ang totoong ako at walang akong may tinatapakan na kung sino.

I'm Vanimel Jade Estoleros the one and Only Vanny at the night ready to Shine!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top