Chapter 8
Chapter 8
December 7, 1941
"Mahal na mahal kita."
Napangiti ako at umayos ako ng higa. Hanggang pagtulog ko naririnig ko ang boses ni Ignacio. Magdidilim na nang umuwi kami kahapon. Medyo hindi nga lang natuwa si Papa Esteban dahil late na kami umuwi. Nanenermon na nga ito sa amin kagabi pero huminto rin dahil na-realized na si Ignacio ang kasama ko. Obvious na boto sa boyfriend ko.
"Gising na, mahal."
Ngumiti ulit ako bago tumagilid. Mayamaya may yumakap sa akin na dahilan ng pagdilat ko. Nilingon ko ang yumakap sa akin. "Ignacio! Bakit ka nandito? Mapagalitan tayo ni Papa kapag nalaman niyang nandito ka sa loob ng kwarto ko."
"Alam ni Tito Esteban na nandito ako para gisingin ka." Magaan niya akong hinalikan sa noo. "Magandang umaga, Lavender."
"M-Magandang umaga rin." Pinagmasdan niya lang ako at medyo nakaka-awkward iyon lalo na sa tulad kong bagong gising na may panis na laway pa sa gilid ng labi. Natawa ako sa naisip ko. Panis na laway. Nanlaki ang mata ko at bigla kong tinulak si Ignacio na dahilan kung bakit siya nahulog sa higaan. "Shemay!" Tumakbo ako palabas ng kwarto ko. "Nakakahiya! Mamaya may panis na laway pala sa gilid ng labi ko kaya ganoon siya makatingin sa akin." Mabilis akong bumaba at dumeretso sa CR.
Tiningnan ko kaagad ang mukha ko sa salamin. Nakahinga ako ng maayos dahil wala sa gilid ng labi ko ang kahindik-hindik na panis na laway. Naghilamos ako ng mukha at inayos ko ang buhok ko bago umakyat.
"Gising ka na pala, Clementina."
Lumapit ako kay Mama Geronima at nagmano ako sa kanya. Humalik naman ako sa pisngi ni Ate Dorothy. Karga niya si Lola Cecilia na sobrang sarap ng tulog ngayon. May katabi si Ate na isang babae na mukhang mas matanda sa kanya ng two years. "Good morning!" bati ko sa kanila. Umupo ako sa bakanteng upuan.
"Good morning, Clementina." nakangiting ganting bati sa akin ng babae.
"Clementina, siya ay si Thea. Best friend nating dalawa. Ngayon lang niya nalaman ang k-kalagayan mo." sabi ni Ate Dorothy.
"Nalulungkot ako sa nangyari sa iyo, Clementina." malungkot na sabi ni Thea.
"Ayos lang iyon." Matipid akong ngumiti. Naramdaman ko ang presence ni Ignacio. Mayamaya, nasa tabi ko na siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Hayaan mo—"
"Mommy!" Napatingin ako sa batang lalaki na bigla na lang sumulpot kung saan. Maybe this kid age is around six or seven years old.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ng batang lalaki. Familiar kasi sa akin.
"Ambrosio, hindi ba sinabi kong huwag kang takbo ng takbo?"
Kumabog ang dibdib ko. "Ambrosio? Ambrosio Santibañez?" bigla kong natanong. Napatingin silang lahat sa akin na parang may weird na nangyari sa akin.
"Naaalala mo na si Ambo?" parang humahangang sabi ni Thea.
Oo. Pero bilang lolo ko. Pinagmasdan ko si Lolo Ambo. "H-Hindi. Hinulaan ko lang."
"Ambo, magmano ka kay Ninang Clementina mo."
Tiningnan ako ni Lolo Ambo na para bang nag-aalinlangan itong lumapit sa akin. Humigpit ang hawak ko kay Ignacio. "L-Lolo." bulong ko sa sarili ko. Naramdaman kong pinisil ni Ignacio ang kamay ko.
"Kumalma ka, Lavender." bulong niya sa akin.
Tumango ako at pinagmasdan ko si Lolo Ambo. Na-miss ko rin ang lolo ko.
"Ambo." may babala sa boses ni Thea.
Alinlangan na lumapit sa akin si Lolo Ambo at inabot nito ang kamay ko para magmano. Which is awkward. Lolo ko ito tapos nagmano sa akin. Awkward talaga pero on the same time, naiyak ako. I miss my lolo.
"Ninang, bakit ka po umiiyak?" inosenteng tanong sa akin ni Lolo Ambo.
Nginitian ko siya at hinaplos ko ang pisngi niya. "Because you are so cute and adorable." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Alam kong in the future, magiging mabuti kang tao."
"Naku! Si Clementina mukhang gusto na magkaroon din ng supling." natatawang sabi ni Ate Dorothy.
"Tila ba'y nagpaparamdam na sa iyo, Ignacio. Mabilis umiyak dahil sa isang bata." nakisakay na si Thea sa biro ng ate ko. Tawa lang ang naging tugon ni Ignacio. Alam ng boyfriend ko kung bakit nagkakaganito ako.
Umalis naman na sa harapan ko si Lolo Ambo at bumalik ito kay Thea. Hindi ako nagsasalita sa biruan nila. Pinanonood ko lang si Lolo Ambo na tinitingnan si Lola Cecilia.
"Ambo, maganda ba si Cecilia?" hindi ko napigilang tanungin sa bata kong lolo. Nilingon ako ni Lolo Ambo at sunod-sunod itong tumango bago binalik ang tingin sa natutulog kong lola. Napangiti ulit ako. "Sa tingin mo, mas magiging maganda siya paglaki niya?"
"Opo." Tila nagulat ito nang biglang umiyak si Lola Cecilia.
"Oh, baby tahan na." mahinang tinapik-tapik ni Ate Dorothy si Lola Cecilia. Hinawakan naman ni Lolo Ambo ang kamay ni Lola Cecilia na dahilan kung bakit tumigil ito umiyak at nakatingin lang kay lolo. "Aba, napatahan mo si baby."
Nilingon ako ni Lolo Ambo bago bumalik ang tingin kay Ate Dorothy. "Ninang, paglaki ko po pakakasalan ko si Cecilia."
Natahimik ang lahat except sa akin. "Ngayon pa lang boto na ako sa iyo para kay Cecilia. Alam kong magiging masaya siya sa iyo kaya maging mabuti kang bata."
----
December 8, 1941
Napalingon ako kay Ignacio nang hawakan niya ang kamay ko. Nagpapahangin kaming dalawa sa azotea. Nandito pa ang ibang gamit ko sa pagpipinta. Napagdesisyunan kong huwag munang magpinta dahil nandito si Lola Cecilia at Lolo Ambo na iniwan muna sa amin pansamantala ni Thea dahil may pupuntahan ito. Kaya pala sila nagawi sa dito bahay namin kahapon. That's a good thing too. Nakita ko ang child version ni Lolo Ambo. Actually, kami lang ni Ignacio ang nagbabantay sa child version ng grandparents ko. May pinuntahang party sina Ate Dorothy at Mama Geronima. Si Papa Esteban naman ay tumungo sa Maynila. Mukhang may business deal doon.
"Todo ang pag-aasikaso mo kay Ambo kanina. Pwede ka na maging isang ina."
Tumingin ulit ako sa labas. "Kaya lang naman ako ganoon dahil lolo ko siya. Gusto ko lang gumanti sa pag-aalaga niya sa akin." Hinawi ko ang buhok ko. "At saka hindi ko alam kung magiging magaling ako ina in the future."
"Magiging mabuti kang ina, Lavender. Sa pamamaraan ng pag-alaga mo kay Cecilia at Ambo, alam kong makakaya mo."
Humarap ako sa boyfriend ko. "Ignacio, pumasok lang sa isip ko. Isang buwan na tayong magkakilala tapos nobyo na kita pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung may kapatid ka ba o only child ka lang."
Ngumiti siya sa akin. "May nag-iisa akong kapatid na babae. May asawa na rin siya at talagang naunahan akong mag-asawa." he chuckled. "May anak na rin siya. Kambal na babae."
Tumango-tango naman ako. Napapalibutan pala kami ni Ignacio ng mga taong may pamilya na. Minsan tuloy naiinggit ako sa kanila. Parang ang saya kasi magkaroon ng sariling family. "Ikaw? Kailan mo planong mag-asawa?"
"Depende."
Kumunot ang noo ko. "Bakit depende?"
"Depende kung sasagot ng oo ang binibining nasa harapan ko ngayon sa oras na yayain ko siya ng kasal."
Namula ang mukha. So ako ang magiging sagot kung magpapakasal si Ignacio o hindi. Aba, oo kaagad ako kapag nagyaya siya. Sus! Bakit ko pa patatagalin kung ayos naman na ang buhay ko dito? Siya na si Mr. Right ko. Charot! Landi lang, Lavender.
"Nakakatuwa ka namang pagmasdan lalo na kapag namumula ang iyong pisngi."
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ah."
Marahan siyang tumawa bago bumaling ulit ang tingin sa labas. Suminghap naman ako ng hangin. Iba talaga kapag night air. Tumingon ako sa kamay ni Ignacio na nakahawak sa kamay ko. "Alam mo bang mahal na mahal kita, Lavender."
"Naku! Matagal ko nang alam." I chuckled. "Damang-dama ko nga eh."
"Hanggang sa pagtanda natin, patuloy kong ipapadama sa iyo ang aking pagmamahal."
Tumikhim ako. Pinipigilan kong ngumiti kahit na sobrang kilig na kilig na ako dito. Like hello! Sinong hindi kikiligin doon. Kung narinig ito ng mga kaibigan ko from the future, sure akong kikiligin sila tapos sasabihin nilang 'sana all'. Muli akong tumikhim at mas pinaseryoso ko ang mukha ko. "Hindi ka ba napapagod, Ignacio?"
Kumunot naman ang noo niya. "Napapagod saan?" Humarap ulit siya sa akin. "Kung tungkol ito sa relasyon natin, kahit kailan hindi ako mapapagod. Bakit mo ba naisip itanong ang bagay na iyan?"
"Hindi naman tungkol sa relationship natin ang tinatanong ko. Ignacio, hindi ka ba napapagod?"
"Bakit naman ako mapapagod?"
"Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isipan ko simula pagkagising ko. Buong magdamag ka na ngang nasa isipan ko. Lupet mo rin 'no?"
Tila natigilan si Ignacio sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at kitang-kita ko na pinipigilan niyang ngumiti. Napangiti tuloy ako.
"Ignacio, alam mo ba ang iba't ibang klase nh view?"
"Hindi."
"Sure ka?"
"Oo." Tumikhim siya. "Ano ba iyon?"
"Side view, back view at front view."
"Ano naman ang pang-apat."
"I love view." Lalong lumawak ang ngiti ko. Iba pala kiliging ang mga lalaki. Namumula ang tenga. "Ignacio, I love you."
Bumaling na ulit sa akin ang tingin niya at abot tenga ang ngiti niya. Ahuy! Kinikilig ang ginoo. "Kaninong binata mo naman natutunan ang bagay na iyan?"
Ngumisi ako. "Sa mga pinsan ko. Sinasabi nila 'yon kapag may nililigawan sila."
"Kaya pala." naiiling niyang sabi.
May sasabihin pa sana ako nang biglang namatay ang ilaw. Napatingin ako sa labas. Madilim sa daan at pati na rin sa kalapit na bahay. "Blackout?"
"Sa tingin ko'y isa na naman itong emergency drill."
Bumuntong hininga na lang ako. Talagang sinasanay na ang lahat sa kung anuman ang mangyayari sa hinaharap. Nasasanay na ako sa mga emergency drill. Sadyang hindi ko lang mapigilan na kabahan at matakot. Paano kung hindi na pala drill 'yon?
"Lavender, emergency drill lang ito."
Napilitan akong ngumiti. "Hindi naman kasi ganito sa amin." Hinila ako ni Ignacio at niyakap. Kahit papaano nawala ang takot sa dibdib ko. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya banda sa uluhan ko.
"N-Ninang Clementina."
Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Ignacio at lumingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Lolo Ambo—should I say Ambo. Dapat masanay na akong hindi siya at si Lola Cecilia na tawaging lolo't lola. "O, bakit ka nagising?" Nilapitan ko si Ambo.
"Natatakot po ako, ninang." Kakamot-kamot pa sa mata ito.
"Halika, pupunta na tayo sa kwarto ninyo." Hinawakan ko sa kamay si Ambo at naglakad na kami papunta sa kwartong ginagamit nito at ni Lo—Cecilia. Nilingon ko si Ignacio, giving him a sign na babalikan ko siya mamayamaya.
Pagkapasok namin sa kwarto, kaagad kong pinahiga si Ambo at tinapik-tapik ko ng mahina ang binti nito.
"Ninang, yakap po kita."
Tumango at humiga sa tabi nito. Kaagad akong niyakap ni Ambo. Sigurado akong nagising ito dahil sa biglaang blackout kaya natakot rin. Natural na ito sa mga bata. Nang makatulog na si Ambo, tumayo na ako. Pero bago pa ako makalabas ng kwarto, biglang umiyak naman si Cecilia.
Aba! Parang tini-train akong mag-alaga ng bata ng wala sa oras ah.
-----
December 9, 1941
Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Ignacio habang nagkukwentuhan kami. Napag-isip-isipan namin na mag-strolling after breakfast. Gusto pa nga sumama ni Ambo kaso umiiyak naman si Cecilia kapag hindi nararamdaman ang presence nito. Aba! Iba rin pala ang grandparents ko. In love kaagad lola ko sa lolo, partida baby pa lang ito.
"Paano na kapag January na?"
"Ano naman kung Enero na sa susunod na buwan?" tanong ni Ignacio imbes na sagutin ang tanong ko.
"Hindi ba sa January na ang balik mo sa work. That means, babalik ka na sa Manila at maiiwan ako dito. Paano na tayo?"
"Wala namang magbabago sa atin kung babalik man ako sa Maynila. Titingin man ako sa babae, hindi dahil nakuha nito ang atensyon ko. Baka nakasalubong o dumaan lang ang babaeng iyon sa paningin. Ikaw lamang ang babaeng titingnan ko ng buong puso."
"Pero—"
"Nagtitiwala ka ba sa akin?"
"Nagtitiwala naman."
"Bakit tila nag-aalinlangan ka sa oras na bumalik ako sa Maynila?"
Ngumuso ako. "Nagtitiwala ako sa iyo pero sa babaeng papaligid sa iyo doon, hindi."
Marahan siyang tumawa at mabilis akong hinalikan sa labi kaya hindi ako nakaangal kaaagad. "Huwag kang mag-alala, puros lalaki naman ang mga kasama ko."
"Paano kung binabae pala 'yong iba mong kasama? Mas masakit 'yong binabae pa ang makakaagaw ko sa iyo." Mas lalo akong napasimangot dahil lumakas ang tawa ni Ignacio. "I hate you!"
"Then I love you."
Inirapan ko siya. "Sige I love you too." Nakuha ng atensyon ko ang grupo ng mga sundalo na para bang nagmamadaling tumakbo. Pareho kami ni Ignacio na sinundan ang mga ito ng tingin hanggang lagpasan na nila kami. "Anong mayroon? Bakit parang nagmamadali sila?"
Kumibit balikat kaagad si Ignacio. "Hindi ko alam. Baka may pagsasanay sila at marahil ay nahuli na sila doon."
"Siguro nga." Kumunot ang noo ko nang may panibagong grupo ng mga sundalong tumatakbo. Ang weird lang.
"Bumalik na tayo sa inyo, Lavender."
Tumango ako bilang pag-agree kay Ignacio. Minsan hindi ko mapigilan na mapalingon sa mga nagdadaanang sundalo. Para kasing aligaga sila at sobrang dami naman yata ng mga sundalong gumagala dito. "Ignacio."
"Hmn?"
"Natatakot ako sa mga sundalong ito. Parang may something kasi."
Nginitian niya lang ako at hinila ako para mabilis na makarating sa bahay. Pag-akyat namin, mukhang mayroong kasiyahan ang mga tao sa bahay.
"He was the boogie woogie bugle boy of Company B
And when he plays boogie woogie bugle he was busy as a bee
And when he plays he makes the company jump eight to the bar
He's the boogie woogie bugle boy of Company B..."
Napangiti ako nang makita ko si Ambo na sumasayaw sa gitna ng sala habang pinapanood siya nila Ate Dorothy. Kaagad akong lumapit para makita ko ng mabuti ang sumasayaw. "Aw! Ang galing naman." Nasa tabi ko na si Ignacio at nasa baywang ko naman ang braso niya.
"And the company jumps when he plays reveille
He's the boogie woogie bugle boy of Company B."
Nagsipalakpakan kami nang matapos na sumayaw si Ambo. Nakakatuwa naman. Marunong pala sumayaw ang lolo ko. Tumakbo kaagad sa akin si Ambo at yumakap sa akin. Nahiya pa ito kung kailan nagpakitang gilas na. "Ahuy! Nahiya bigla ang bata." Nagsitawanan kami kaya lalong nagsumiksik sa akin si Ambo. Yumuko ako. "Huwag ka na mahiya. Magaling kang sumayaw, Ambo." Tiningnan ako ni Ambo at ngumiti siya sa akin. "Kaya sumayaw ka lang, ah. I will support you. Basta paglaki ni Cecilia, sayawan mo siya para hindi siya malungkot. Okay?"
Sunod-sunod siyang tumango. "Opo." humiwalay na ito sa akin at nagmadaling lumapit kay Mama Geronima.
"Handa na maging ina si Clementina. Aba't magaling na mag-alaga ng bata. Ignacio, kailan mo ba papakasalan itong kapatid ko at nang magkaanak na kayo? Mukhang naiinggit ito magkaroon ng anak."
Namula ang pisngi ko sa mga pinagsasabi ni Ate Dorothy. Hindi naman kailangan na i-shoutout.
"Sa tamang panahon, Dorothy."
"Ang tagal naman ng tamang panahong iyan, Ignacio." pabirong sabi ni Francis.
"ll be with you in apple blossom time
I'll be with you to change your name to mine..."
"Ang ganda naman ng awit na iyan. Maari ba kitang maisayaw, mahal kong Dorothy?"
"Oo naman."
Sinundan ko ng tingin ang mag-asawang sumasayaw. They are obviously love each other. "Ang sweet nila." Para naman akong nanonood ng isang Philippine love story movie. Live nga lang.
Nagulat nang bigla akong hinila ni Ignacio malapit kina Ate Dorothy. Siya mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa balikat niya at ang mga kamay naman niya sa baywang ko. Napangiti ako. Nagpapaka-sweet naman itong boyfriend ko.
"One day in May, I'll come and say
Happy the bride that the sun shines on today
What a wonderful wedding there will be..."
Pinagdikit niya ang mga noo namin. "Kahit anong mangyari, ikaw lang ang iibigin ko."
"Ganoon rin naman ako sa iyo." Humilig ako sa balikat niya. Naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya na sinasabi niya palagi sa akin na ako ang dahilan kung bakit mabilis ang tibok nito. Mahigpit na yumakap sa akin si Ignacio. Parang feeling ko mas sweet kami tingnan. Baka langgamin kami nito. Chos!
Naputol nga lang ang sweet moment dahil sa isang malakas na katok.
"Delia, pakibuksan naman ang pintuan." sigaw ni Mama bago pinahinto ang tugtog sa gramophone. Parang urgent ang pagkatok sa pintuan.
Hindi ko masyadong marinig ang boses ng kumatok. Mas humigpit kasi ang yakap sa akin ni Ignacio.
"Good morning to all of you."
Nilingon ko ang bumati sa amin. Si General Thomas Collins. May kasama rin itong tatlong sundalo.
"Thomas, is nice to see you again." nakangiting sabi ko.
"Its nice to see you too, Clementina. I will get straight to the point. Mr. Ruestra and Mr. Illustre, you need to come with us now."
Napatingin ako kay Ignacio. "Anong mayroon? Bakit kailangan ninyong sumama sa kanila?"
Hindi ako sinagot ni Ignacio. Sobrang seryoso ng mukha niya.
"F-Francis." parang maiiyak ang boses ni Ate Dorothy.
"May nangyari bang masama, Ignacio?"
Hinawakan niya lang ang kamay ko at bumaling ng tingin kay General Collins. "Can we have more time with them?"
"I'm sorry to say but no. Mr. Illustre, this is urgent and we tell you and Mr. Ruestra that we're in emergency now. We need more men for our troop."
Troop. Kailangan nila General Collins sina Ignacio para sa troop nila? Bigla akong sinakop ng kaba. "No. This is not true."
"Its true, Clementina."
Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko dahil nagsalita si Ignacio. "We will come with you, General Collins."
"Good! You and Mr. Ruestra need to wear military clothes." inabutan ng isang sundalo sina Ignacio at Francis ng tig-isang bag. "Put inside your bag the things you need like few clothes and water. We will wait the two of you outside." Nilingon ako ni General Collins. "Take care of yourself, Clementina. You're like a younger sister for me." iyon ang huling sinabi nito bago sila bumaba.
"Ignacio..."
"Kailangan na natin bilisan, Francis." binitawan ni Ignacio ang kamay ko at naglakad papunta sa kwarto niya. Sinundan ko naman kaagad siya. Nakapasok na kaagad ako sa kwarto niya bago pa masara ang pintuan. "Lavender, lumabas ka na. Kailangan ko na magpalit ng damit."
"Hindi ba pwedeng huwag ka na sumama doon? Mapapahamak ka lang doon."
"Kailangan kami doon. Unti-unting lumulusob ang mga Hapon sa bansa natin at kailangan nila ng dagdag na tauhan." nag-uumpisa na siyang magtanggal ng botones ng damit.
"Paano kung mapahamak ka doon? Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Ignacio, kasali na ang Pilipinas sa World War II."
"Na mas kailangan talaga naming sumama. Kailangan naming protektahan ang bayan natin, Lavender."
"Pero—"
"Walang masamang mangyayari sa akin doon, Lavender." Ihinarap niya ako sa pader. "Magiging doktor nila ako kaya hindi rin ako masyadong sasabak sa gyera."
"Kahit na." nabasag na ang boses ko at tumulo na ang luha sa pisngi ko.
"Lavender naman."
"Ayoko lang na may mangyaring masama sa iyo." Humarap ako kay Ignacio na eksaktong nagsusuot na siya ng pang-itaas niyang damit.
"Huwag kang mag-alala sa akin. Babalik naman ako." Naglagay na siya ng mga damit sa bag. "Magpapadala naman ako ng sulat sa iyo."
"Ignacio, please huwag ka na sumama."
"Lavender—"
"Akala ko ba mahal mo ako. Bakit mo ako iiwanan dito?"
Napahinto siya sa ginagawa niya at niyakap ako. "Mahal kita, Lavender. Nagkataon lang na nasa peligro ang bansa natin kaya kailangan namin na maging sundalo kahit pa ayaw namin."
Yumakap ako kay Ignacio. "Hindi ko makakaya kapag nawala ka sa akin."
"Hindi ako mawawala, Lavender."
"Ignacio, kailangan na nating bumaba!" narinig kong sigaw ni Francis.
Humiwalay sa akin si Ignacio at pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng gamit. Mukhang kaunti lang ang dadalhin niya. "Sa tingin ko hindi tayo magkakasama sa pasko kaya ibibigay ko na sa iyo ito." May binigay siya sa akin na isang wooden box at nakaukit sa takip ang name ko. Ito ang regalo sa akin ni Lola Cecilia for my eighteenth birthday
Umangat ang tingin ko. "Ignacio..."
"Buksan mo 'yan mamaya." Kinuha niya ang bag niya at nagmadaling lumabas ng kwarto. Nakasunod ako sa kanya. Bumaba kaagad kami. Nakita ko si Francis at si Ate Dorothy na umiiyak habang karga si Cecilia.
"Ignacio, kailangan na nating umalis."
Tumango si Ignacio bago humarap sa akin. "Mag-ingat kayo dito." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Kahit anong mangyari, babalik ako. Kapag wala ka dito sa oras na bumalik ako, hahanapin kita at hindi ako mapapagod na hanapin ka. Tandaan mo na mahal na mahal kita." Hinalikan niya ako sa noo at sa labi. "Mahal na mahal kita." Niyakap niya ako bago tumakbo papunta sa military bus. Kumaway siya sa akin bago pumasok sa loob.
Lalo akong naiyak nang tuluyan nang umalis ang sinasakyan ni Ignacio.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top