Chapter 5
Chapter 5
Isang musika galing sa gramophone ang sumalubong sa akin pag-akyat ko ng bahay. Galing ako sa bakuran para diligan ang mga halaman ni Mama Geronima at para na rin kumuha ng bungkos ng bulaklak para sa painting ko. Mabuti na lang at nasa Manila ang nanay kuno ko kaya hindi ako mapapagalitan sa gagawin ko.
"Love will not die, we'll keep it away
Up among the stars we'll find
A harmony of life to a lovely tune
East to the sun and west to the moon, dear
East to the sun and west to the moon..."
Napangiti ako nang makita ko si Ignacio na sinasabayan ang kanta ni Frank Sinatra. Maganda pala ang boses niya hindi nga lang kasing galing ng mga sikat na singer sa panahong ito pero pwede na rin pang-gig. Tamang-tama ang timbre ng boses. "Ngayon lang kita narinig na kumanta."
Napalingon siya sa gawi ko. "Naisipan kong magpatugtog. Magaganda ang mga plakang mayroon kayo lalo na kay Frank Sinatra at Glenn Miller. Pasensya na kung pinakialam ko ang mga ito."
"Ayos lang 'yon." tumabi ako sa kanya. "Ang ganda naman pala ng boses mo."
Nginitian lang niya ako at pinalitan ang plaka sa gramophone. Pumailalim ang tunog ng musical instrument. Inilahad ni Ignacio ang kanyang kamay. Sign na niyayaya niya akong sumayaw. Pinatong ko sa gilid ng gramophone ang hawak kong mga bulaklak at nagpatangay kay Ignacio papunta sa gitna ng sala.
Why do robins sing in December
Long before the Springtime is due?
And even though it's snowing, violets are growing
I know why and so do you
Why do breezes sigh every evening whispering your name as they do?
And why have I the feeling stars are on my ceiling?
I know why and so do you...
Marahan lang ang pagsayaw namin. Simpleng waltz lang. Deretsong nakatingin sa mga mata at may ngiti sa mga labi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang ngumiti.
When you smile at me I hear gypsy violins
When you dance with me, I'm in heaven when the music begins...
"Bakit ngayon ko lang napagtanto na maganda pala si Clementina?"
Slight lang akong kumibit balikat. "Siguro dahil naiinis ka sa kanya o baka naman sa akin ka nagagandahan at hindi kay Clementina."
"Marahil nga." iniangat niya ang kamay ko at marahan akong umikot. "Malayong-malayo ang personalidad ninyong dalawa. Hindi ko maikailang gusto ko ang personalidad mo kaysa sa kanya." nasa baywang ko na ulit ang isa niyang kamay. "Iba ka sa mga binibining nakilala ko."
"Dahil galing ako sa future?"
"Hindi ko alam. Marahil oo, marahil hindi."
When you dance with me, I'm in heaven when the music begins
I can see the sun when it's raining, hiding every cloud from my view
And why do I see rainbows when you're in my arms?
I know why and so do you...
"Dapat alam mo dahil gusto mo ang personalidad ko. Mamaya, hanapin mo sa girlfriend mo ang personality ko na wala naman siya." humilig ako sa balikat niya. Para kaming magkayakap habang sumasayaw. Wala akong narinig na comment mula kay Ignacio. Mukhang pinag-iisipan niya ang sinabi ko. "Noong isang araw, nandito si General Collins."
"Nasabi sa akin ni Tito Esteban kaninang umaga."
"Mabait na tao naman pala si General Collins. Nakipagkaibigan siya sa akin at kaya pala siya pumunta dito dahil invited tayo sa sayawan hosted by his family and it will happen tonight. Bukas ikakasal ang kapatid niya sa isang Pinay. Pumayag si Papa na pumunta ako mamayang gabi. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Marunong pala siya magsalita ng tagalog. Fluent pa nga eh." Humintong sumayaw si Ignacio kaya umangat ako ng tingin. Hindi ko ma-explain ang expression ng mukha niya. "Ayaw mo na sumayaw?"
"Bakit ka nakipagkaibigan sa Amerikanong iyon?"
"May masama ba na makipagkaibigan sa kanya?" tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya.
"Sinabi mo sa akin na naiilang kang makipag-usap sa kanya ngunit heto, magkaibigan na kayo." madilim ang mukha niya. Para siyang galit na hindi ko mawari.
Kumalas ako sa kanya. "Alam mo, ang gulo mo. Bakit ka nagagalit? Hindi kita maintindihan."
Umiwas siya ng tingin sa akin. "Ikaw ang hindi ko maintindihan."
"Hmp!" kinuha ko na ang bungkos ng bulaklak sa tabi ng gramophone. Naglakad na ako papunta sa azotea para matuloy ko na ang pinipinta ko. Hindi naman ako pinagbawalan na dito magpinta. Inumpisahan ko nang pitasin ang mga petals ng bulaklak. May mga nasisirang petals dahil dito ko nilalabas ang inis ko kay Ignacio. Ang hirap niya kausapin!
Isa-isa kong sinawsaw sa pintura ang petals at dinikit ko sa canvass. Abstract painting ang ginagawa ko. Ibibigay ko pa naman ito kay Ignacio kapag natapos ko na kaso nabwisit ako sa kanya kaya huwag na lang.
"Lavender..."
Inirapan ko si Ignacio at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Bahala siya d'yan.
"Lavender, hindi ko hahayaang-"
'Di ko namalayan."
"Kung ganoon, siguro'y-"
"Naglalaro na lang pala tayo." Hindi ko alam kung bakit ko naisipan i-lyrics prank si Ignacio. Marahil ay sobrang inis lang ako sa kanya kaya ko ito ginagawa.
"Hindi ako nakikipaglaro sa iyo, Lavender."
"Akala ko ipaglalaban. Ako lang rin pala ang matatalo."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"'Di na ba sapat? 'Di ba ako sapat?" nilingon ko si Ignacio.
Naguguluhan, iyon ang gumuhit sa mukha niya. "Ano?"
"Mananatili bang langit lupa ang pagitan nating dalawa. Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan. Parang araw at buwan. Kahit na isang saglit man lamang. Mananatili ba? Langit at lupa."
Matamnam akong pinagmasdan ni Ignacio. Para bang tinitimbang niya ang kanyang sasabihin.
"So breakup with your girlfriend. Yeah, yeah 'coz I'm bored..." kanta ko. Napakagat labi ako at tinuloy ko na lang ang ginagawa ko sa petals ng mga pinitas kong bulaklak. Mukhang sineryoso niya ang mga pinagsasabi ko. "Hoy, huwag mong pansinin ang sinabi ko kanina. Tinula ko lang ang isang kanta sa panahon namin. Na-lyrics prank kita."
"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa iyo, Lavender?" May diin ang baway salita niya. Halatang hindi nagustuhan ni Ignacio ang mga sinabi ko.
"H-Hindi." hinarap ko siya. "Pasensya na kung binibiro kita kanina."
"Wala akong oras para sa kalokohan mo." kinuha ni Ignacio ang top hat niya. "Hindi ka pupunta sa sayawan mamayang gabi."
Napasimangot ako. Lalo akong nainis sa kanya. "Wala kang karapatan na pagbawalan akong pumunta mamaya sa sayawan. Pumayag si Papa at gagawin ko ang gusto ko!"
"May karapatan akong pagbawalan ka. Nasa posisyon ako para baguhin ang desisyon ni Tito Esteban."
"Hindi naman kita boyfriend para pagbawalan ako sa gusto ko!"
Naglakad siya papalapit sa akin. Nahakbang ko patalikod ang paa ko. Hinapit niya ako at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang pagsikdo ng puso ko. "May karapatan ako, Lavender. Tandaan mo, ikaw na si Clementina at ako ang novio mo sa ayaw at gusto mo. Pinoprotektahan ko lamang ang sa akin." binitawan na niya ako at mabilis akong iniwan.
Napasabo ako sa dibdib ko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko pero hindi mapapawi ng kakaibang nararamdaman ko ngayon ang inis ko kay Ignacio. Siguro nga, mapapayag niya si Papa Esteban na hindi ako payagan na pumunta sa sayawan na iyon pero hindi nila ako mapipigilan. Pupunta pa rin ako.
----
Inayos ko ang kumot na gagamitin ko para makatakas. Katulad nga ng sinabi ni Ignacio, hindi ako pinayagan ni Papa Esteban na pumunta ngayon sa sayawan. Talagang malakas siya kay Papa pero hindi nila ako mapipigilan. Ang hudyong 'yon, siya lang ang pupunta sa sayawan para i-represent ang pamilya namin. Galing rin 'no? Ano 'yon, siya lang magsasaya tapos ako naman mabo-bored dito? No way!
Akala niya hindi ko siya mauutakan. Hah!
Tinali ko na sa barandilya ang kumot at dahan-dahang binagsak ang kumot. Eksakto lang ang haba. Mga five inches bago ito dumikit sa lupa. Umisang sulyap ako sa full leght mirror para masiguro kong okay ang ayos ko. I wear color lavender dress. Hindi aabot sa siko ang sleeves, above knee ang haba ng dress at A-line ito kaya gorabells lang ako sa pagsayaw. Sweatheart and neckline nito. Pinili kong sapatos ay isang color black na two inches heels Mary Jane at color skintone na stockings. I use rhinestone earrings and necklace as accessories. Nakalugay lang ako pero gumamit ako ng bobby pin para magkaroon ng style ang buhok ko. Tama lang ang pagkaka-makeup ko.
Hinulog ko ang sapatos at rectangular clutch bag ko. Dahan-dahan naman akong bumaba gamit ang kumot. Alam kong gising pa si Papa Esteban kaya dapat tahimik lang ako. Baka mabuko ako at mabulilyaso ang plano ko. Kung may makakakita sa akin ngayon, baka pagkamalan akong member ng akyat-bahay gang o isang deliquent teenager na gustong tumakas sa mga magulang.
Napangiti ako nang makababa ako. Kinuha ko kaagad ang clutch bag at sapatos ko at patakbo akong lumayo ng bahay. Nang nasa daan na ako, sinuot ko na ang sapatos. Good thing at may taxi na dumaan. I can't believe na sa panahong ito, uso na ang taxi but not as usual color white taxi car na makikita sa 21st century.
"To General Collins house." sabi ko kaagad sa driver. Inayos ko ang buhok ko. Excited ako. First time kong makakapunta sa isang sayawan. Hindi naman na kasi uso ang ganito sa panahong pinanggalingan ko. Excited rin akong makita ang expression ni Ignacio.
Patingin-tingin pa ako sa labas. Sa pagkakaalam ko, nasa town proper ng Tanza ang bahay ni General Collins. Ang tyaga rin magbahay-bahay nu'n para lang mang-imbita sa party nila. Baka ganoon lang ito sa bansa nila.
Huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng isang napakagandang bahay. Rinig ko na rin ang tugtog at kasiyahan galing sa loob. Binayaran ko kaagad ang fare fee at agad na bumaba ng taxi. Napangiti ako.
May mangilan-ngilan na bisita sa labas. Siguro nagpapahangin lang. Chin up at feeling model akong pumasok sa loob. Sinundan ko ang ibang bisita na mukhang papunta sa bakuran at doon nga ginaganap ang party. Sementado ang sahig kung saan nagsasayawan ang mga tao.
"Wow! Ang hyper nila sumayaw." naglakad pa ako at pinapanood silang sumasayaw. Bahagya akong sumayaw. May mga lalaki na ngang nagyayaya sa akin pero tinatanggihan ko lang. Dapat munang makita si General Collins bago mag-happy happy dito. Biglang may humigit sa braso ko kaya muntik na akong mapatili. Pagharap ko sa taong iyon, binigyan ko siya ng isang sweet smile. "Hello Ignacio!"
"Anong ginagawa mo dito, Lavender? Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi ka pwedeng pumunta dito?" halos pabulong niyang sabi.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na gagawin ko ang gusto ko?" panggagaya ko sa tono ng pananalita niya.
"Umuwi ka na sa inyo, Lavender."
"Paano ako uuwi sa amin eh nandito ako sa katawan ni Clementina?"
"Alam mong hindi sa panahon mo ang aking sinasabi."
Sinalubong ko ang tingin niya. "At alam mong hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko, Ignacio."
"Hindi ko akalaing nakukuha mo na ang pag-uugali ni Clementina. Akala ko pa naman ay iba ka sa kanya o baka ikaw talaga si Clementina at nagpapanggap lamang na galing ka sa hinaharap."
"Hah! Napatunayan ko na sa iyo na galing ako sa future. Siguro may pagkakatulad kami pagdating sa gawin ang gustong gawin." pumiksi ako sa pagkakahawak sa akin ni Ignacio.
"Miss Clementina!"
"Oh, hi Thomas!" I slightly waved my hands.
"I thought you're not coming tonight because Mister Illustre came here alone."
I smiled. "Well, I just finished my artwork that's why I'm late."
"Wow! I can't wait to see your new masterpiece."
"Just visit me in our house then you will see my masterpiece."
Bigla akong hinapit ni Ignacio. "Tigilan mo na ang pakikipag-usap mo sa Amerikanong iyan." bulong niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Pasimple kong inalis ang kamay ni Ignacio sa baywang ko. "I forgot my gift for your sister. It's a painting. I hope she will like it once she saw the painting." Napagdesisyunan ko na ibibigay ko na lang sa kapatid ni General Collins ang painting na ginagawa ko kanina.
"She will love it. She loves collecting painting. She would love to meet you too. What I mean, she would love to meet a painter like you."
Napapalakpak ako. Nakakatuwa naman. "That was great!"
"General Collins, maybe the party just started but-"
"Lets dance, Thomas!" hinila ko papunta sa dancefloor si General Collins. Pang-swing ang tinutugtog ngayon. Akala ni Ignacio, mapapaalis niya ako dito. Hinawakan ko ang kamay nito at nag-umpisa na akong sumayaw kaya nakisayaw na rin ito.
Napansin kong pumunta ng dancefloor si Ignacio at may kasama siyang Amerikana. Ang sama pa ng pagkakatingin niya sa akin. Kapal niya!
"You're a great dancer, Miss Clementina."
"Well thank you." Napapatingin ako sa gawi ni Ignacio at talagang hataw sila sa pagsasayaw. Parang nanghahamon pa siya ng dance battle. Kainis ah! "Buhatin mo ako na katulad ng ginagawa nila." tinuro ko pa ang mga sumasayaw na akala mo professional ballroom dancer sa way ng pagsasayaw.
"Are you sure?"
"Just do it!" Ginawa kaagad ni General Collins ang inuutos ko at alam kong nakita iyon ni Ignacio dahil ginaya lang naman niya ang ginagawa namin. Walang originality. Napapansin ko rin na napapatingin sa gawi niya ang heneral na kasama ko at parang may pagseselos ang tingin nito. Patuloy pa rin kami sa pagsasayaw. Pasimple kong ino-observe si General Collins. Mukhang may pagtingin siya sa Amerikanang kasama ni Ignacio. "You like her."
Bumaling ang tingin nito sa akin. "Who?"
"The lady who's wearing a blue dress. That have a reddish hair and Ignacio's partner right now."
"No, I'm not."
"Yes you are."
"I don't like her. You're the one I like, Miss Clementina."
I chuckled. "Maybe you just like me as your sister, Thomas. But you can't look at me the way you look at her. C'mon, get your girl. I think she likes you too because she's looking at you right now." Lumingon sa gawi nila Ignacio at tama nga ako, nakatingin sa amin ang babae. Pasimple kong hinihila si General Collins papalapit sa kanila. I look at Ignacio and giving him a sign that we should switch our partner. "Okay! Switch partner."
Pasimpleng tinulak ni Ignacio ang Amerikanang partner kay General Collins at lumipat naman ako sa kanya.
"Nais mo ba akong inisin kanina, Lavender?" May halong lambing ang boses ni Ignacio.
"Hindi ah. Gusto ko lang sumayaw kaya hinila ko sa dancefloor si General Collins."
"Kung nais mo palang sumayaw, pwede mo naman ako sabihan para ako ang nakapareha mo. Bakit kailangang siya pa ang pinili mo?"
"Dahil hindi ko magagawa ang gusto ko. Kanina nga gusto mo na akong pauwiin eh." Bumaling ang tingin ko kina General Collins. Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko pang-swing ang tugtog, bakit parang sweet ang tugtog sa way ng pagsasayaw nila?
"May pagtingin ka ba sa Amerikanong iyon?"
Bumalik ang tingin ko kay Ignacio. "Bakit mo naman natanong?"
"Sagutin mo na lamang ang aking tanong."
"Kung sasabihin ko bang may gusto ako sa kanya, matutulungan mo ba akong ilayo sa kanya ang Amerikanang iyan?"
"Kung ganoon, may pagtingin ka nga sa Amerikanong heneral na iyon?"
"Oo." Hindi. "Kaya matutulungan mo ba ako na ilayo sa kanya ang binibining iyon?"
"Ang aking sagot ay hindi. Bakit naman kita tutulungan at saka pa hindi ka maaaring makipaglapit sa dayuhang iyon? Kasalukuyang alam ng buong bayan na ako ang novio mo. Masisira ang reputasyon mo sa oras na malaman nila na nakikipagkita ka sa ibang binata at maski ang aking pagkatao."
"Sinabi ko bang gagawa ako ng paraan para makipagkita kay General Collins? Hindi, 'di ba?"
"Ngunit sinuway mo ang nais ko para lang makapunta dito at makita ang Amerikanong iyon. Hayaan mo, malapit na matapos ang pagpapanggap natin na tayo'y may relasyon. Sa oras na wala na tayong relasyon, pwede mo na gawin ang nais mong maagaw ang heneral na iyon." kumalas siya sa akin at naglakad papalayo sa akin.
Sinundan ko siya ng tingin. "Gago 'yon ah. Parang sinabi niya na konting tiis lang at pwede na ako lumandi." Kumuyom ang kamay ko. Hindi ako natuwa sa pinaparatang niya sa akin. Hinawalay na dapat kami pero siya itong ayaw putulin ang relasyon namin tapos sasabihan niya ako ng ganoon. Naglakad na ako papaalis ng dancefloor. Uuwi na ako. Sinira ni Ignacio ang gabi ko kaya hindi ko na mae-enjoy ang party. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. "Hindi ko siya mapapatawad sa mga pinagsasabi niya sa akin."
----
Songs Used in this chapter
*East To The Sun by Frank Sinatra
*I Know Why by Glenn Miller - try ninyo pakinggan ito. Isang magandang awit noong taong 1941. Hindi ko lamang mailagay dito sa chapter dahil nagloloko ang aking Wattpad app.
*Langit At Lupa by Moira Dela Torre and Iñigo Pascual
*Break Up With Your Girlfriend by Arianna Grande
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top