Chapter 2



Chapter 2



Isang mukha ng nag-aalalang babae ang bumungad sa akin pagkadilat ko ng mata. Kamukha ng babaeng ito ang nasa picture na nakita ko kanina.

"Hija, kumusta ang iyong pakiramdam?"

Dahan-dahan akong umupo at nilibot ko ang paningin ko. I frowned. "Nandito pa rin ako? Akala ko nananaginip lang ako."

"Clementina."

Nilingon ko ang babaeng tinawag akong Clementina. "Hindi po ako si Clementina."

"Anak, ano bang nangyayari sa iyo?"

Lumayo ako nang tangka ako nitong hawakan sa kamay. "Hindi ko po kayo kilala. Sino po kayo?"

"Anak, ako ito. Ang iyong mama."

"Mama? Nagpapatawa po ba kayo? Matagal na akong walang nanay. Sabay pa nga silang nawala ni Papa noong maliit pa ako. Maaga nila akong iniwan." unti-unting humihina ang boses ko. Napayuko ako. Bigla kong na-miss ang parents ko. Ni hindi ko na rin pala maalala ang mga happy moments ko kasama sila.

"Hija, ano bang pinagsasabi mo? Nandito pa kami ng papa mo. Marahil ay nanaginip ka lang na maaga ka naming iniwan. Huwag mong paniwalaan ang panaginip mo. Pawang hindi katotohanan ang mga iyon dahil ito ang totoo anak. Buhay pa kami."

Sana nga panaginip lang iyon. "Kung totoo kayo, bakit hindi ko kayo kilala?" sinalubong ko siya ng tingin. "Ni wala nga akong maalala na kasama kayo."

"Clementina, marahil ay nawala ang iyong alaala nang ika'y mahulog sa hagdanan. Hija, alaalahanin mo ang mga panahong magkakasama tayo." hinawakan niya ang kamay ko pero kaagad kong binawi iyon. "Magpapakilala ako kung hindi mo talaga ako maalala. Ako ay si Geronima del Rosario, ang iyong ina. Anak, ang ngalan mo ay Clementina del Rosario at hindi Lavender."

Mariin akong pumikit. Kahit anong pilit kong sabihin na ako si Lavender, hindi sila maniniwala sa akin. Ang dapat kong i-sure ay kung anong date na ngayon dahil parang ayokong maniwala na nag-time travel ang kaluluwa ko. "Ano pong date ngayon?"

"Ika-anim ng Noviembre taong 1941 ngayon, anak. Bakit mo natanong?"

"Oh my God!" napahiga ako sa kama. "Pakikurot nga po ako dito sa braso para malaman kong hindi ito panaginip." iniangat ko ang kanang braso ko. Kinurot naman kaagad ako ni Geronima del Rosario. Muntik na akong mapamura dahil sa sobrang diin ng kurot niya at talagang pinong-pino. "Aw!"

"Naniniwala ka na bang totoong nandito ako, Clementina."

Totoo ngang nakapag-time travel ako. Paanong nangyari iyon? Sa pagkakaalam ko, nahulog ako sa puno at malakas na tumama ang ulo ko sa ugat ng puno. Mataas rin ang kinabagsakan ko kaya sigurado akong may major injury ako. Patay na ba ako sa tunay kong katawan at binigyan ako ng chance na mabuhay sa panahong ito? Parang sasakit ata ang ulo. Bakit sa panahong ito pa? Paano ako aaktong si Clementina, eh, hindi nga ako iyon? Pero 'yong totoo, patay na ba ang totoong Clementina? Kasi nandito na ako sa loob ng katawan niya. So second life ko na ito at hindi ito time travel?

"Clementina."

Nilingon ko ang nanay ni Clementina or should I say, nanay ko na. "Bakit po?"

"Naaalala mo na ba ako?"

Umiling ako. "Hindi po." Hindi naman po talaga kasi kita kilala. "Ilang taon na po ba ako? Kasi ang alam ko twenty-five na ako baka mali pala ako."

Ngumiti siya sa akin. "Tama ka, veinte-cinco años ka na, hija."

Tumango-tango ako. So same age pala kami ni Clementina. So Clementina na ang pangalan ko ngayon pero mas gusto ko pa rin ang name ko na Lavender. Favorite flower ko rin ang Lavender. Sayang, ang ganda pa naman ng original name ko. Sabay kaming napatingin sa pintuan dahil may kumatok doon.

Nilingon ako ni Geronima—Mama. I should start calling her mama. "Pasok."

Pumasok sa kwartong ginagamit ko ang taong kumatok. Ito ang lalaking nabunggo ko kanina. Gwapo siya infairness. May almond shape color brown eyes, prominent cheekbone and chiseled jaw. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Shemay ang gwapo nga. Hindi naman ata uso sa panahong ito ang pagpaparetoke kaya 100% sure na tunay na gwapo ito. "Magandang hapon, Tita Geronima. Gusto ko lang sanang tingnan kung anong lagay na ngayon ni Clementina." matiim na tumingin siya sa akin. Sa tindig ng lalaking ito, hindi yata uso ang makipagbiruan dito.

Bumuntong hininga si Mama Geronima. "Nakakalungkot dahil hindi tayo maalala ni Clementina." hinaplos niya ang buhok ko. "Anak, itong binatang kasama natin ay si Ignacio Illustre. Ang iyong novio."

Nanlaki ang mata ko. Nakakaloka! May instant boyfriend na ako dito. Doon sa pinanggalingan ko until now NBSB pa rin ako dahil sobrang stikto ng mga pinsan ko. Magpapaalam pa lang na manligaw 'yung tao, pinagbabantaan na kaagad nila. With matching labas pa ng shotgun ni Tito Arnold—ang asawa ni Tita Janine.

"Maaari bang makausap ko muna ng sarilinan si Clementina? Para makilala niya ako."

"Oo naman, hijo. Maiwan ko na kayo." kaagad na lumabas ng kwarto ko si Mama Geronima.

Umupo naman ako at nilingon ko si Ignacio na hanggang ngayon seryoso pa ring nakatingin sa akin. "Uhm... May sasabihin ka ba? Or ikukwento mo ba sa akin kung sino ka? Kasi katulad ng sagot ko sa nanay ko, hindi rin kita maaalala."

Umigting ang panga niya. "Anong wala kang maalala? Isa ba ito sa mga kalokohan mo, Clementina?"

Kumunot ang noo ko. "Anong kalokohan?"

Lumapit si Ignacio sa akin at mariin akong hinawakan sa braso. Napangiwi pa ako kasi sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa akin. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Clementina. Hindi ba't napag-usapan na natin noong nakaraang buwan na maghihiwalay na tayo ngayon? Ano na naman itong naisip mong kalokohan para hindi tayo maghiwalay ngayon?" lalong dumiin ang pagkakahawak niya

"Ano ba?! Nasasaktan ako." pinipilit kong kumawala kay Ignacio. Grabe ba ang galit niya kay Clementina kaya nagkakaganito siya ngayon?

"Lalo ka talagang masasaktan sa akin kapag hindi ka umayos."

"Sinabing nasasaktan ako. In my past life I'm a black belter in Tae Kwon Do. Bitawan mo na ako ngayon din kung ayaw mong bumulagta d'yan sa sahig."

Pagak siyang tumawa. "Ngayon naman past life. Clementina, hindi na ako madadala sa mga kalokohan mo." binitawan niya ako at napasapo sa ulo. "Clementina, umayos ka. Hindi ko na kayang magtagal sa relasyong ito. Alam mong sinubukan lang natin na magkaroon tayo ng relasyon dahil iyon ang gusto ng mga magulang natin pero alam mo ring hindi ko kayang umabot tayo hanggang kasalan. May nobya na ako na naghihintay sa Maynila. Siya ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw."

Napanganga ako sa narinig ko. Uso na pala sa panahong ito ang dala-dalawa ang karelasyon. "My God! Two timer ka? Pinagsabay mo ang babaeng ito." tinuro ko ang katawan ko ngayon. "Sa babae mo doon sa Maynila? Nakakahiya ka naman p're. Alam mo nabubwisit ako sa mga lalaking two timer. Naaawa ako sa mga babaeng biktima ng ganoong lalaki. Kung talagang hindi mo mahal itong si Clementina, sana nakipaghiwalay ka na kaagad kahit pa kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa niya." tumayo ako sa kama at lumapit ako sa cabinet. Tiningnan ko ang mga nakasabit na damit. Ang gaganda ng mga dress at sa isang tulad kong hindi mahilig magsuot ng ganitong damit, aba bago ito para sa akin. Palaging jeans, slacks, shorts, t-shirt, polo at blouse ang suot ko dahil hassle para sa akin ang magsuot ng bestida. Kumuha ako ng isang color lavender na dress. Hanggang tuhod ang haba ng dress at hanggang siko naman ang haba ng manggas. Humarap ako kay Ignacio. "Unless mahal mo si Clementina kaya ayaw mong makipaghiwalay pa sa kanya."

"Huwag kang umarte na parang hindi ikaw si Clementina. Kahit na anong sabihin mo, kahit kailan ay hindi kita inibig. Ikaw lamang itong mapilit na magkaroon tayo ng relasyon."

I rolled my eyes. "My gosh! Secret lang natin ito, ah. I'm not Clementina, I'm Lavender Sandoval. Second life ko na ito kaya nandito ako sa katawan ng girlfriend mo. Galing ako sa year 2019 na napunta dito sa panahon na ito. Sino ba ang presidente ng Pilipinas ngayon? Si Quezon o si Osmeña? Well don't think about it dahil wala rin naman akong pakialam. So lets go back to my topic—"

"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Ignacio sa akin.

"I'm just explaining my side, Mr. Illustre. Tutal hindi ka naman naniniwala na may amnesia ako, mas mabuti pang sabihin ko sa iyo ang totoo para hindi ako madamay sa inis mo kay Clementina. So lets go back on my topic about my life. Reborn ang ganap sa akin. Nahulog kasi ako noong umakyat ako sa puno ng mahogany at grabe ang pagkahulog ko. Nagising ako na nasa katawan na ito. Baka nga patay na talaga si Clementina dahil ang sabi nila ay nahulog siya sa hagdanan at natamaan ang ulo niya kaso ang ganap ay nabuhay siya dahil ayon na nga, napunta ang kaluluwa ko sa katawang ito. Infairness ah, ang ganda ng body niya." inumpisahan ko nang tanggalin ang butones ng suot kong dress. Nakatingin pa rin sa akin si Ignacio. "Pwede bang tumalikod ka? Hindi kasi appropriate na pagmasdan ang isang babae habang nagpapalit ng damit."

"P-Paumanhin." kaagad siyang tumalikod.

"So ayun na nga, kung gusto mong maghiwalay kayo ni Clementina then go. Break na tayo. Akala ko may instant boyfriend ako sa panahong ito. Mabuti na lang hindi kasi nga break na tayo este kayo ni Clementina dahil ako nga si Lavender." mahina akong tumawa at sinuot ko na ang dress ko. "Ang gaganda ng dress ni Clementina. Hindi uso sa panahon ko ang ganitong dress. Masyadong daring ang mga usong dress sa amin."

"Kung hindi ka si Clementina, paano nangyaring napunta ka sa katawan niya? O baka ako'y niloloko mo lamang."

"Heto na naman tayo sa niloloko ka lang. Hindi uso sa akin iyon. NBSB kaya ako kaya hindi ko alam ang pakulo ni Clementina habang may relasyon kayo. Pwede ka na humarap." tinupi ko na ang pinagsuotan kong damit. Lumapit ako sa vanity mirror at umupo. Kinuha ang suklay at inumpisahan kong suklayan ang magulo kong buhok.

"NBSB?"

"No Boyfriend Since Birth. Strict kasi ang cousins ko. Only girl lang kasi ako sa generation naming magpipinsan sa side ng mother ko."

"Hindi dapat ako naniniwala sa iyong mga pinagsasabi." umiiling na sabi ni Ignacio. Pumunta siya sa likuran ko at may kung ano siyang ginawa sa damit ko.

Inirapan ko siya. "E-Eh 'di huwag kang maniwala. Pati pa naman 'yan poproblemahin ko? Namomroblema na nga ako kung paanong umakto na parang katulad ng mga dalaga sa panahong ito."

Bumuntong hininga si Ignacio. "Mag-usap na lang tayo kapag ayos na ang iyong pag-iisip." at walang sabi-sabing iniwan na lang niya ako.

Napanganga ulit ako nang dahil lang sa lalaking iyon. "Ganoon lang 'yon? Matapos kong mag-explain ng pakahaba-haba, inisip lang niyang hindi maayos ang pag-iisip ko. Unbelievable!"


----


"Hija, ayaw mo ba ng tinolang manok? Iyan ang paborito mong ulam lalo na ang parteng pitso."

Nilingon ko si Don Esteban—Papa Esteban. Sa lahat ng ulam na nakahain, tinolang manok ang hindi ko kinakain. Hindi ko type ang tinolang manok. Umiling na lang ako bilang sagot sa tanong nito. Nagdi-dinner kami ngayon at katabi ko si Ignacio. Dito rin pala siya sa bahay nag-ii-stay dahil wala raw silang bahay dito. Taga-Maynila kasi itong ex-boyfriend na boyfriend pa rin ni Clementina. "Ito pong chicken afritada ang favorite ko—este gusto ko." napatingin ako sa mga kasabay kong kumain. Lahat sila ay nakatingin sa akin. "B-Bakit? H-Huwag ninyong sabihin na hindi ko paboritong kainin itong afritada?"

"Kahit kailan ay hindi ka nagtangkang kumain ng afritada. Ngayon lang namin ikaw nakitang kumain nito." sagot ni Mama Geronima.

Napasapo ako sa ulo ko. Naman oh! "Ano bang trip ni Clementina sa buhay?" bulong ko sa sarili ko.

"Hindi mo gustong ulam ang afritada, hindi ka rin mahilig maglugay ng buhok at ayaw mong magsuot ng damit na kulay lavender at ngayon lang namin nakita kang ganyan." bulong ni Ignacio sa akin.

I frowned. Almost opposite kami ni Clementina. "I love chicken afritada, loose hair and wearing color lavender dress."

"At hindi ka rin mahilig magsalita ng wikang Ingles kaya kakaiba ka sa gabing ito. Lahat bago sa iyo. Fluent ka sa pagsasalita ng English. Kaunting kumbinse pa, Clementina. Malapit mo na akong mapaniwalang hindi ka nga si Clementina."

Uminom ako ng tubig at pinunasan ko ang bibig ko. "Tapos na po ako. Doon po muna ako sa balkonahe para magpahangin." nagmadali akong lumabas ng dining room. Baka kung ano pang masabi at maakto kapag tumagal akong kasama sila. Kung magkasama kami ni Clementina ngayon, for sure hindi kami magkakasundo. Masyado magkaiba ang gusto namin sa buhay.

"Napapagod ka na ba sa pagpapanggap mo?"

Napalingon ako kay Ignacio nang inilapit niya sa akin ang hawak na kaha ng sigarilyo. "No thanks. Hindi ako nagsisigarilyo." inagaw ko sa kanya ang sigarilyong nasa bibig niya at binato ko iyon sa labas. Halata ang pagka-amused sa mukha niya. "At ayoko rin kapag may katabi akong nagsisigarilyo. Dagdag lang sa air pollution iyan. Madadamay pa ako sa sakit na pwedeng makuha sa sigarilyo."

Napapailing na binulsa ni Ignacio ang hawak na kaha ng sigarilyo. "Clementina, itigil mo na itong kalokohan mo. Nasasaktan si Tita Geronima dahil sa inaakto mo."

"Kasalanan ko bang magkaiba kami ng gusto ni Clementina?" bumalik ang tingin ko sa labas. "Hindi ko naman ginusto na mapunta dito."

Tumabi siya sa akin. "Kung hindi ka si Clementina, sino ka?"

"Katulad ng sinabi ko sa iyo kanina, ako si Lavender Sandoval. Ulila na sa magulang pero pinalaki ako ng kapatid ng mama ko. Isa akong architect sa panahon ko."

"Architect? Wala pa akong nakikilalang arkitektong babae sa panahong ito."

"Well, ngayon may kilala ka nang arkitektong babae ngayon." huminga ako ng malalim. "Independent na ako. Kaya ko nang buhayin ang sarili ko at nabibili ko na ang luho ko. Eh, si Clementina? Anong trabaho niya?"

"Wala. Umaasa lang sa kanyang magulang. Maluhong babae. Palaging nasa galaan at party."

"Ano pa? Sino ba si Clementina?"

"Isang mapagmataas na babae, kung anong nais dapat ay masunod. Pawang mga nasa alta sociedad lamang ang kinakausap. Hindi mahilig tumulong sa mga gawaing pambahay. Maldita, maluho, hindi man naisip na tumulong sa mga negosyo ng kanyang papa at dahilan ng sakit ko sa ulo."

I chuckled. "Hindi naman halatang ayaw mo sa kanya. Wala man lang akong narinig na positibo sa kanya."

"Ganoon si Clementina. Ganoon ka."

"Hindi ako ganoong tao. Hindi ako mapagmataas na tao at magaling ako sa gawaing bahay. Aba! Tinuruan ako ni Tita Janine sa mga gawaing bahay. Ang luho ko lang sa panahon namin ay ang mangolekta ng mga stuffed toy. Maldita ako pero slight lang. Hindi ako lumaking sunod sa layaw dahil maaga nga akong naulila. Kaya kong tumulong sa mga negosyo ni Don Esteban." nilingon ko si Ignacio. Sobrang lapit niya akin. Napatingin ako sa labi niya. Nakakaakit ang labi niya. Those locious lips that makes me want to taste it. "Nahalikan mo na ba si Clementina?"

"Oo, ngunit siya ang unang humahalik at kahit kailan ay hindi ako gumanti ng halik sa kanya."

Ngumisi ako. "Pwede na siguro sa iyo galing ang first kiss ko. Gwapo ka naman at wala naman akong planong mag-asawa sa panahong ito."

"Anong first kiss ang pinagsasabi mo?"

Walang sabi-sabing hinila ko siya at hinalikan sa labi. Tumagal ang paghalik ko sa kanya. Bago ako humiwalay ay hinawakan niya ako sa batok at mas pinalalim ang halikan namin. Nanlaki ang mata ko dahil gumanti siya ng halik sa akin. Akala ko ba hindi siya gumaganti ng halik kay Clementina? Siya ang kusang lumayo at parehong habol namin ang paghinga. Puno ng pagtataka ang mukha niya. Umiwas ako ng tingin. "P-Pasensya na kung hinalikan kita sa labi."

"Hindi ka nga si Clementina."

Napalingon ako sa kanya. "H-Ha?"

"Naniniwala na akong hindi ka si Clementina. Hayaan mo. Tutulungan kita para malaman mo kung paano maging si Clementina, Lavender." katulad kanina ay iniwan na lang niya ako.

Pagak akong tumawa. "So naniwala lang siya na si Lavender ako nang dahil sa halik lang? Shemay siya! First kiss ko iyon pero hindi man lang niya ginawang romantic ang scenario. Nakakaloka!" napahawak ako sa labi ko. Shemay! Ang tamis pala ng labi ni Ignacio. Impit akong tumili bago nagmadaling pumasok ng kwarto ni Clementina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top