Chapter 10



Chapter 10



"Sigurado ka bang doon ka na talaga sa Manila titira?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lolo Ambo.

Ngumiti ako kay Lolo bago ko nilagay sa trunk ang natitira kong maleta. Ngayon ang official lipat bahay ko. Napagdesisyunan ko na sa Manila na dapat ako tumira dahil mas dumami ang project ko sa architectural firm kung saan ako nagtatrabaho. Hassle na para sa akin ang magbyahe Manila to Cavite-Cavite to Manila everyday kaya bumili na ako ng sarili kong condo unit. Malapit lang din iyon sa working place ko.

"Lolo, sigurado na talaga akong doon na titira."

"Ako'y nag-aalala lang naman sa iyo, apo."

"Don't worry, 'lo. I'll be fine." Naiintindihan ko naman kung bakit sobrang nag-aalala sa akin ang abuelo ko. Mag-isa lang ako sa condo ko at first time ko lang maging totally independent. One year na rin naman ang nakalipas nang magising ako sa pagka-coma kaya sure akong kaya ko na ang sarili ko. May time nga lang na parang sobra akong nasasaktan na hindi ko naman malaman kung bakit. Na to the point na naiiyak na ako sa sobrang sakit but I can handle it on my own. Niyakap ko si Lolo Ambo. "Dadalaw-dalawin naman po kita dito every weekend kaya huwag ka nang malungkot, Lolo." Humiwalay na ako kay Lolo. "Paano po 'yan? Aalis na po ako."

Hinaplos niya ang mukha ko. "Mag-iingat ka doon, apo."

Tumango muna ako bago sumakay ng kotse. Bago ko pa paganahin ang makina ng kotse, kumatok sa bintana si Tita Janine kaya binuksan ko ang bintana. "Yes, Tita?"

"Naiwan mo ito." Inabot sa akin ni Tita ang isang wooden box.

Ngayon ko lang ulit ito nakita. "Thanks, Tita."

"Mag-ingat ka sa biyahe."

Nag-thumbs up ako at sinara ko na ang bintana. Pinatong ko sa passenger seat ang wooden box at pinihit ko na ang ignition ng kotse ko. Kumaway pa ako sa kanila bago nag-umpisang mag-drive.

Habang nagda-drive ako, panay ang tingin ko sa wooden box. Parang may nag-u-urge sa akin na buksan ko iyon. Napapailing na lang ako. I need to focus. I turned on the radio then a familiar song played in a radio station.


Why do robins sing in December
Long before the Springtime is due?
And even though it's snowing, violets are growing
I know why and so do you


Nakadama ako ng lungkot. Bakit ba ako nalulungkot ngayon kung hindi naman sad song ang naririnig ko ngayon? Napatingin ako sa wooden box. Bumuntong hininga ako. Nag-park ako sa gilid ng daan at kinuha ko ang kahon.

Binuksan ko ang wooden box. Laking gulat ko dahil bukod sa tuyong bouquet ng flower, may iba pang laman ito. May antique na small red velvet box, naninilaw na dalawang nakatuping papel at isang picture ng lalaki. Kinuha ko ang picture at hinaplos ko iyon. Nakadama ako ng pagka-miss at sobrang lungkot sa taong ito. "B-Bakit?" Kinuha ko naman ang isang nakatuping papel. Actually pilas ng papel na ito. Ang love letter ni Lolo Ambo kay Lola Cecilia!


Isa, dalawang beses na pag-ikot sa paligid ng puno ng mahogany. Sa ikatlong pag-ikot sa puno'y isang malamyos na boses ang maririnig. Doo'y makikita ang isang napakagandang tanawin.


Napapikit ako dahil may scenario na pumasok sa isip ko. Scene na hawak ko ang papel na ito at walang halong pilas. Hindi para kay Lola Cecilia ang love letter kundi para sa akin! "Ignacio..." Kinuha ko ang isa pang nakatuping papel. Isang liham rin.


December 15, 1941

Mahal kong Lavender,

Ilang araw na ang nakalipas nang iwanan mo ako. Bakit kailangan mo akong iwan? Akala ko ba'y magsasama tayo hanggang pagtanda? Labis akong nasasaktan sa iyong habangbuhay na paglisan. Kung hindi lang sana ako sumama para maging sundalo ng ating bansa, hindi ka mawawala sa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin nang makita kitang nakahiga sa lapag ng nasusunog ninyong bahay at wala nang buhay. Para akong mababaliw lalo na't huli ko na nalamang tinanggap mo ang alok ko sa iyo ng kasal.

Ika-12 ng Disyembre halos masakop na ng mga Hapon ang buong Luzon. Ginawa ko ang aking makakaya upang maprotektahan sina Ambo at Cecilia, ang sinasabi mo na iyong lolo't lola dahil sa oras na may mangyaring masama sa kanila, tiyak akong hindi kita nakilala. Nasa ligtas na lugar na sila ngayon kasama ang kanilang mga ina.

Ngayong araw ang huling araw na makakasama ko sila. Napagdesisyunan kong ialay ang aking buhay para sa ating bansa. Para rin sa ikagaganda ng iyong buhay dahil alam kong isisilang ka sa hinaharap. Hangad ko ang magandang buhay para sa iyo. Sana'y maging masaya at sana'y mabasa mo rin itong liham ko.

Sana sa susunod nating buhay, ikaw pa rin ang binibining nakatakda sa akin. Pangako ko sa iyo, hahanapin kita. Mahal na mahal kita.

Nangangarap na makapiling kang muli,
Ignacio Illustre


"Ignacio Illustre..." Parang isang teleserye na dumaloy sa isipan ko ang mga alaala ng nakaraan. Hindi ko akalain na ang dahilan ng sobrang sakit na nararamdaman ko palagi ay ang mga alaalang ito at ang pag-iwan ko kay Ignacio. Napasapo ako sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararanasan ko ngayon. "I'm sorry, Ignacio." naluluha kong sabi. Kinuha ko ang maliit na red velvet box at dahan-dahan ko iyon binuksan. Ang engagement ring na binigay ni Ignacio sa akin. Kinuha ko ang naka-roll na papel doon. Isang munting sulat galing din sa kanya.


Sana'y suotin mo pa rin ito kahit wala na ako sa piling mo. Darating ang panahon na magkikita rin tayong muli. Pangako iyon aking mahal.


Sinuot ko ang singsing at hinalikan ko ang nag-iisang picture sa akin ni Ignacio. Bakit kailangan na paglayuin kami?

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pinagana ko ang makina ng kotse ko. Nag-drive ako pabalik ng bahay ni Lolo Ambo. I want to know what happened to Ignacio. Sigurado akong may alam kahit papaano si Lolo Ambo sa kanya. Pagkadating ko, kaagad akong pumasok sa loob ng bahay at laking gulat ng abuelo ko nang makita niya ako.

"O, hija, bakit ka nabalik dito? May naiwan ka ba?"

Lumapit kaagad ako kay lolo at umupo ako sa tabi niya. "Lolo, naalala mo pa ba si Ignacio Illustre?"

"Oo naman, hija." Kumunot ang noo ni Lolo Ambo. "Sa pagkakaalam ko hindi ko naman naikwento o ng lola mo ang tungkol sa kanya. Paano mo siya nakilala, apo?"

"Basta, Lolo. A-Anong nangyari sa kanya noong namatay ako—si Clementina? Nagkaroon ba siya ng bagong buhay? Nagpatuloy ba talaga siya sa pagsusundalo o nagturo pa rin ba siya? Nagkaroon ba siya ng asawa't anak? Naging masaya ba siya?" sunod-sunod kong tanong kahit pa basag na ang boses ko.

"Apo, bakit mo kilala si Tito Ignacio?"

"Sige na, lolo. Sagutin mo na ang tanong ko." pagmamakaawa ko kay Lolo Ambo.

Bumuntong hininga si lolo. "Siguro'y nakwento namin siya sa iyo, hindi ko lang maalala. Simula nang mamatay si Ninang Clementina, naging malungkutin si Tito Ignacio. Labis niyang dinamdam ang pagkamatay ni Ninang. Kung makikita mo lang sila, abot langit ang pag-iibigan nila kaya ganoon na lang ang pagkalungkot ni Tito Ignacio nang mawala ang kanyang nobya. Nakakalungkot sabihin, apo, hindi siya nagkaroon ng sariling pamilya. Hindi rin siya nagpatuloy sa pagtuturo. Inalay niya ang kanyang buhay para ipaglaban ang ating bansa. Isa siyang doktor sa kampo ng mga sundalo ngunit pinagpilitan niya na sumabak sa digmaan. Ang kwento ng heneral nila sinabi ni Tito Ignacio na wala naman na daw ang babaeng iniibig niya kaya ayos lamang kung siya'y mawala sa mundo. Namatay siya sa digmaan. Marahil ngayon ay magkasama sila ni Ninang Clementina."

Napayuko ako at napahagulhol. Hindi kami magkasama ni Ignacio dahil nandito ako ngayon, buhay pa rin.

"O, nadala ka yata sa kwento ko. Huwag ka na umiyak, apo. Tahimik naman na siguro ang kaluluwa ni Ignacio."

Kahit anong gawin ni Lolo Ambo na pag-alo sa akin, patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Sobrang sakit nitong nararamdaman ko. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Ignacio. Hindi niya dapat naranasan iyon. Nasaktan ko siya ng sobra-sobra.

"Tahan na, apo."



----



Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa isang malaking vanity mirror. Inaayusan ako ng isang makeup artist ng isang sikat na talk show. They invited me for an interview in their episode that talks about the new young successful persons in the Philippines. Pumayag ako para lang mabawasan ang lungkot ko.

Its been one month since the day I remembered everything happened to me when I'm inside Clementina's body. Tinuon ko ang atensyon ko sa trabaho para lang makalimot. Napatingin ako sa suot kong singsing. Ilang beses akong napagkamalang ikakasal na dahil sa engagement ring na ito. Hindi ko na lang sila tinama. At least kahit ganito lang, mapagkamalang ikakasal ako sa lalaking mahal ko.

"Fifteen minutes na lang mag-ii-start na." pagpapaalala sa akin ng isang staff nila.

Tumango ako. Tapos naman na ako ayusan kaya ready na ako. Tumayo ako at inayos ko ang damit ko. I wear an old style of dress. Color lavender siya na hanggang tuhod ang haba at 3/4 naman ang haba ng sleeves. 40's kasi ang theme ng talk show na ito ngayon for their anniversary celebration. Kaya ultimo ayos ng buhok ko at suot kong sapatos, pang-40's din. Napangiti ako sa ayos ko. Pakiramdam ko bumalik ako sa panahong kasama ko sila Ignacio.

"Buti napapayag nila si Doc, 'no?"

"Ang dami kayang kondisyones para lang pumayag sa interview na ito."

"Okay, lang 'yon. Gwapo naman at huwag ka. Professor din 'yon. All in one."

Napapailing ako sa mga naririnig ko. Hindi ko kilala ang kasama ko sa interview na ito. Ayaw kasi nilang sabihin sa akin dahil nga hindi sure kung papayag daw o hindi. Naglakad ako papalabas ng room na inilaan nila para sa akin. Sa pagkakaalam ko mauuna ang doctor na sinasabi nila tapos ako naman na.

"Five minutes na lang, Ma'am." Tinuro ng staff kung saan ako maghihintay. Inabutan rin ako nito ng isang microphone.

Nasa gilid ako ng stage at nakikita ko ang sikat na host na sina Fely Garcia at Darryl Renato. Hindi ko nga lang makita ang mukha nung doctor dahil nakatalikod ito sa side ko.

"Balita namin, isang taon at kalahati ka raw na na-coma na isa sa reason kung bakit ka naniniwala ngayon sa reincarnation. Totoo ba ito, Doctor Real?" curious na tanong ni Fely Garcia.

Umayos ng upo si Doctor Real. "Call me Ignacio, Fely. Para naman hindi kayo masyadong ma-awkward habang kausap ako."

Kumabog ang dibdib ko. Kaboses niya si Ignacio at kapangalan rin.

"I don't believe in reincarnation but I believe in time travel."

Kumunot ang noo ni Darryl Renato. "What do you mean na naniniwala ka sa time travel?"

"Na lahat ng tao kayang mag-time travel. Habang coma ang katawan ko dito, maniniwala ba kayong napunta ang kaluluwa ko sa katawan ng great grandfather ko? Hindi ko siya talaga great grandfather dahil kapatid siya ng great grandmother ko. I thought I'm already dead and waking up inside the body of other man means new life. Reborn. Ang hirap nga lang magpanggap na ako ang taong iyon. Almost two years—sa panahong iyon—akong nasa katawan na iyon at halos makalimutan ko na kung sino talaga ako until I met this lady—"

"Teka! Napunta ka sa ibang katawan? At katawan iyon ng great grandfather mo? Anong pangalan ng great grandfather mo?" naguguluhang sunod-sunod na tanong ni Darryl Renato.

"Ignacio. Ignacio Illustre."

No! Hindi ito si Ignacio. Maglalakad na sana ako papunta sa stage pero pinigilan ako ng staff.

"Ten minutes pa po pala, Ma'am Lavender."

"Continue mo, Doc. Medyo nakaka-curious ang kwento mo." sabi naman ni Fely Garcia.

"Then I met this lady. Siya ang nagpaalala sa akin na oo nga pala, hindi ako si Ignacio Illustre. Si Ignacio Real ako. Dahil katulad ko, nag-time travel din siya. Same reason, akala din niya reborn siya. She talks about her past life which is her life here in the present time."

"Explain mo nga, Doctor Real, kung ano ang personality ng babaeng ito."

"She's a wife material, Fely. She's good in painting too. She loves singing and we dance waltz almost everyday. Para na ngang theme song namin ang I Know Why And So Do You."

"Anong mukha niya?"

"She have this long wavy hair, an almond shape brown eyes, matangos ang ilong niya at tama ang nipis ng labi. Her name there is Clementina Del Rosario pero in this present time, hindi talaga Clementina ang pangalan niya."

"Then ano nang nangyari?"

Gusto kong makita ang mukha ni Doctor Real. Totoo ba talagang siya ang nakilala kong Ignacio Illustre? Ang bilis ng tibok ng puso ko katulad ng pagkabilis nito sa tuwing kasama ko si Ignacio.

"Palagi kaming magkasama. Nagselos pa nga ako dahil akala ko na-in love siya sa isang general na ang pangalan ay Thomas Collins. Ang sabi ko, bakit hindi siya na-in love sa akin? Bakit sa kanong 'yon pa? Nag-away pa kami dahil kay General Collins na 'yon. Aalis na nga ako sa bahay nila Clementina pero pinigilan niya ako. Doon, nagkaaminan kami ng feelings para sa isa't isa." Nagsitilian ang ibang audience na nanonood. "That was the best day in my life. Mas lalo kaming naging close sa isa't isa. Hindi nga inaakala ni Clementina na makikilala niya ang grandparents niya sa mga oras na iyon. Mga bata pa. Parehong iniyakan niya dahil lumaki daw siya sa lolo't lola niya at nami-miss na daw niya talaga ang mga ito."

"Then?"

"Binibiro na tuloy kami na dapat magpakasal na kami dahil excited na daw si Clementina na magkaroon ng anak. That was the time that I realized that she's the woman I want to marry. I even planned a wedding proposal for her."

"Nakapag-propose ka naman sa kanya?" tanong ni Darryl bago uminom ng juice.

"No. Dapat araw ng pasko ako magpo-propose ng kasal sa kanya kaso hindi natuloy. December 9, 1941, halos lahat ng lalaki sa bayan nila kailangan sumama sa troop nila General Collins. That was the last time I saw her. She's crying that made my heart breaks. Pinipigilan niya akong umalis pero mas pinili kong sumama sa hukbo. Tanging isang kahon na regalo ko sa kanya dapat sa pasko ang iniwan ko sa kanya."

"Bakit iyon na ang last time na nakita mo siya? Kinasal ba siya sa ibang lalaki?"

Umiling si Doctor Real. "She died. Nilusob ng mga Hapon ang bayan nila Clementina. Isa ang bahay nila sa mga sinunog. Nailigtas naman ang mga kasama niyang bata, pero siya. Huli na nang pumasok ako sa loob ng nasusunog na bahay. Wala na siyang buhay dahil sa suffocation."

Natahimik ang lahat habang ako naman ay umiiyak. Gusto ko siyang lapitan pero pinipigilan ako ng staff. Siya si Ignacio. Sigurado ako doon! "Please bitawan ninyo ako! Kailangan ko siyang puntahan."

"That was hurt so much." mahinang sabi ni Fely.

"I agree." pagsasang-ayon ni Darryl.

"She was helpless that time." Napayuko siya. "Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Kung hindi ba ako sumama sa tropa ng mga sundalo, mabubuhay pa kaya siya? I promised on her dead body that I will find her in present time. Nang mamatay ako sa giyera, nagising ulit ako na nasa katawan kong ito. Pagkaraan ng ilang beses na therapy, pinahanap ko kaagad siya. She's alive. Same like me, na-coma rin siya at nagising na rin. Halos sabay lang kaming nagising. Siya rin ang reason kung bakit ko tinanggap ang interview na ito dahil ito ang tamang time para magkita kaming dalawa muli."

"Sandali lang ah. Anong pangalan niya sa present time?"

Lumingon siya sa gawi ko at halos maputol ang paghinga ko nang makita ko ang mukha niya. "Her name is Lavender Sandoval."

"Wait, what? As in si Architect Lavender Sandoval?" hindi makapaniwalang tanong ni Fely.

Hindi ito pinansin ni Ignacio at naglakad siya papunta sa akin. Hindi ko mapigilan na umiyak ng umiyak. He's here. Totoong nasa harapan ko ngayon si Ignacio.

"Its nice to see you again, Lavender."

Hinaplos ko ang mukha niya. "Totoo ka. Hindi 'to isang panaginip."

"Hindi ito panaginip, Lavender." Inabot niya ang kamay ko at napangiti siya nang makita niyang suot ko ang engagement ring na binigay niya. "Suot mo pa rin ang singsing." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

"Akala ko hindi na kita makikita pang muli." Napayuko ako. "I'm so sorry for leaving you that time."

He hold my chin and lift me up. "Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Maybe that was the time that you need to come back to your real body at ganoon rin sa akin."

Napangiti ako. "Tama ka nga. So galing ka pala sa panahong ito rin. Bakit hindi mo sinabi?"

"Maybe because I already forgot who I am."

Wala na akong masabi pa. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Mamaya panaginip lang pala ito. I even touch his face again. "Sana hindi ako nagha-hallucinate."

"Hindi ka nagha-hallucinate, Lavender. Totoo ako. Hindi ba sinabi ko sa iyo na kahit anong mangyari, babalik ako. Kapag wala ka doon sa oras na bumalik ako, hahanapin kita at hindi ako mapapagod na hanapin ka dahil mahal na mahal kita."

Lalo akong naluha at walang sabi-sabing niyakap siya. "I really missed you so much and I love you too. I'm sorry kung nakalimutan kita paggising ko sa panahong ito. Hindi ko naman ginusto na hindi ka maalala. Kung hindi dahil sa sulat mo, hindi pa sana kita maaalala. I'm sorry, Ignacio."

"Its okay, Lavender. Ang mahalaga simula sa araw na ito, magkasama na tayong muli at hindi na maghihiwalay pa." Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ang mukha ko. "Mahal na mahal kita, Lavender."

"At mahal na mahal rin kita, Ignacio."

Ngumiti siya sa akin at masuyo akong hinalikan sa labi. Buong puso naman akong gumanti sa halik niya. Nagkaroon na kami ng sariling mundo at hindi pinapansin ang mga nagkakagulong staff at host ng show. Basta masaya kami ngayon ni Ignacio.

Hala bahala kayo d'yan!



-Wakas-
COPYRIGHT © 2019 by LightStar_Blue
All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top